The Meaning of Wife (KimXi Fa...

By MiaBacolodDelaFuente

457K 5.1K 1.1K

Isang storyang naglalahad ng damdamin ng isang babaeng minsang nagmahal, minsang nasaktan ngunit patuloy na l... More

The Meaning of Wife (KimXi Fan Fiction)
Prologue
Chapter I - Math of Investment
Chapter II - Time Issues
Chapter III - One Step Closer
Chapter IV - Who is Who?
Chapter V - Thank God, It's Friday!
Chapter VI - Trouble is a Friend
Chapter VII - Mélancolie
Chapter VIII - His Property
Chapter IX - Settling Down
Chapter X - Confrontations
Chapter XI - Giving Chances
Chapter XII - Pregnant or Not?
Chapter XIII - Bad to Good
Chapter XIV - His Sweet Side
Chapter XV - Ticket To One's Heart
Chapter XVI - Guilt Reigns
Chapter XVII - Paradise
Chapter XVIII - Hugs and Kisses
Chapter XIX - Hospital
Chapter XX - Secrets
Chapter XXI - Martyrdom
Chapter XXII - Her Sentiments
Chapter XXIV - The Blessing
Chapter XXV - On Being A Father
Chapter XXVI - One Sweet Day
Chapter XXVII - Tokyo Love
Chapter XXX - Land of the Rising Sun
Chapter XXXI - Picture Perfect
Chapter XXXII - More Than Words
Chapter XXXIII - He Chose Her
Chapter XXXIV - Time Management
Chapter XXXV - Hatred Starts
Chapter XXXVI - Decisions
Chapter XXXVII - A Little Too Late
Chapter XXXVIII - Separate Lives
Chapter XXXIX - Lady In Red
Chapter XL - Business As Usual
Chapter XLI - Motherly Side
Chapter XLII - Real Deal
Chapter XLIII - Ohana
Chapter XLIV - Significance of a Woman to a Man
Chapter XLV - The Meaning of Wife

Chapter XXIII - It Might Be You

8.6K 112 33
By MiaBacolodDelaFuente

Hello readers. Eto may new UD ako. Basa na! Sorry kung may mga typo. Tinatamad akong mag-edit.




-Mia

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

KIM’S POV

 

For the past 4 weeks, I decided not to go home. Mas minabuti kong magkalayo muna kami nang makapag-isip siya kung ano ba talaga ang gusto niyang mangyari sa marriage namin. I still managed to attend my classes, provided na kapag nakikita ko siya, iiwas ako. The same routine happened hanggang Intramurals which was my first week away from home. Mabuti na lang at officer ako ng isang modeling organization sa school that’s why excused ako sa attendance. Hindi na halos ako pumupunta ng school. Ayaw ko kasing magkakitaan pa kami. I need some time away. Dahil kahit ako, ‘di ko na alam kung ano ba talaga ang gusto kong mangyari sa buhay ko.

On the second week, hindi pa rin ako umuuwi. Sa bahay nina Mommy at Daddy ako tumuloy. Good thing my parents were not around. I need not to explain anything. About Nanay Agnes and Tatay Bert naman, I bet they know the real score. Hindi sila nagtanong. I was pretty glad that they respected my privacy. This may sound weird but the whole 2 weeks, nag-aantay ako ng isang tawag mula kay Xian. I was expecting him to fetch me at pauwiin sa bahay namin pero ni anino niya, hindi nagpakita sa akin. I was even expecting him to greet me “Happy monthsary, Kim” pero wala. I celebrated our first month as husband and wife alone.

Third week, puro work na naman ang inatupag ko. Kaliwa’t kanang pictorials and autograph signing. May mga wardrobe fitting ding naganap. Nakakatuwa dahil kahit na nag-asawa na ako, patuloy pa rin ang pagpasok ng mga projects sa akin. Naging abala rin ako sa pagdalo sa iba’t ibang fashion events. I even went to Thailand for a product launching and superstar party concert which is done annually by Thai TV 3 together with some famous Thai stars like Urassaya Sperbund, Nadech Kugimiya, Mario Maurer, Margie Balenciaga, Boy Pakorn and etc. Masaya naman. Medyo nakalimutan ko ang mga hinaing ko sa buhay. I took my Nanay Agnes’ advice na gawing abala ang sarili. Effective ito. Nabawasan ang sama ng loob ko sa mundo.

Now, ikaapat na linggo na. Nagsimula na rin ng sembreak – my last sembreak as a college student. I’ve got bunch of things to do but I can’t find the strength to get up. May naka-schedule akong talkshow guesting about how a bachelorette turn to become a full-grown wife by 10am, at ngayon 7am na. Nakakatawa. Have I grown to become a full-grown wife? After all, hindi pa kami nakakaisang taon bilang mag-asawa. It was just a month ago when we got married pero ano na ang nangyari sa amin? I must be there by 8 dahil aayusan pa ako. Pinilit kong bumangon kahit pa nahihilo ako. Now, I’m starting to regret for being so workaholic the past few days. It was my outlet para makalimutan ko kahit panandalian lang si Xian. Pagkatapos ng work, bibisitahin ko pa si Steph sa hospital. Halos medaling araw na nga ako umuuwi.  Dahil din sa pagiging abala ko, nakakalimutan ko na halos kumain.

Matapos kong maligo, umalis agad ako. ‘Di na ako nag-abala pang kumain dahil wala rin naman akong gana. Sasama lang ang tiyan ko ‘pag pinilit ko.

“Anak, bakit hindi ka na naman kumain? Ipinaghanda ka pa naman ng Nay Agnes mo ng paborito mong agahan.” Nilingon ako ni Tatay Bert mula sa rearview mirror. We’re on our way to the network station.

“Wala ho kasi akong gana at isa pa, hindi naman ako gutom.”

“Aba, napapansin ko, ‘lagi kang walang gana ah. May sakit ka ba hija? Sabihin mong nararamdaman mo ng maidala ka namin sa doktor. Baka kung napa’no ka na.”

 

“Naku Tay, malayo sa bituka ‘to! Napagod lang talaga siguro ako ng husto kaya nahihilo ako at madalas walang ganang kumain. Alam niya naman hong busy ako. Kakagaling ko nga lang ng ibang bansa tapos heto na naman, sabak na naman sa trabaho”

 

“Hindi kaya buntis ka, hija?”

 

Nanlaki ang mga mata ko. Ako? Buntis? Imposible. Paano ako mabubuntis eh hindi naman kami nakatira sa isang bubong ni Xian. Pero naisip ko, may nangyari nga pala sa amin bago ko napagdesisyunang umalis ng bahay. Hindi. Hindi pwede. Pagod lang ‘to kaya ganito. Kawawa naman ang magiging anak ko dahil ‘di ko ata siya mabibigyan ng maayos na pamilya. At isa pa, ano na lang ang sasabihin ni Xian? Paano kung ‘di niya tanggapin ang bata dahil ‘di niya naman alam na may nangyari pala sa amin? ‘Wag muna. Hindi pa maayos ang lahat. May tamang panahon para magkaroon kami ng anak. Sa ngayon, hindi pa kami handa.

Nagsimula na ang talkshow. Since I’m facing the camera, I need to hide all the pain away… all my insecurities away. Ayokong maging ugat na naman ng tsimis ang kilos ko that’s why as much as possible, I have to let people think na okay ako at okay ang pagsasama namin ni Xian. Natanong nga ng host kung paano ba magmahal ang isang Xian Lim. Hindi ko lubos masagot ang tanong niya. Napatanong din ako sa sarili ko. PAANO NGA BA?! I never experienced his love. Well, part of my world is a big lie. I let the audience hear what they wanted to hear. I told them how much Xian loves me, how sweet he is at home, how thoughtful he is, how he cooks for me, how he drives for me, how he sends me flowers at random times. It was like relating to them my idea of a perfect husband. ‘Yun ang akala ng lahat. But the truth is, Xian is total opposite of what I have said.

“Wow. Kung ako, makakahanap ng lalakeng katulad ni Xian, I would really be happy.” Sabi ng host. Ako naman, ngumiti lang. At the back of my head, hinihiling ko na sana ganu’n siya. “Oh ‘di ba, gwapo na, mala-dream boy pa! And with that, help me welcome ladies and gentlemen, Mr. Alexander Xian Lim!”

 

Nagulat ako ng iniluwa ng backstage si Xian. Bakit hindi ko ‘to alam? Ang pagkakaalam ko, ako lang ang guest eh bakit nandito siya? Wow. What a great surprise! Bakit ngayon pa? Kung kelan wala ako sa mood na makita siya?! He entered with all smiles in his face. I must admit that I miss him. I miss him so much that it pains me to think that I’m trying to live a life away from him temporarily.

Nagkakwentuhan pa kami. Tinanong kami kung ano ang mga hobbies namin and bonding moments together. Hindi ko alam ang isasagot ko. Mabuti na lang at siya ang nagpresentang sumagot. Hilig daw naming mamasyal at kumuha ng litrato pareho. Siya raw ang photographer at ako raw ang model. Talaga lang ha!? Kinilig naman ang buong studio sa mga pinagsasasabi niya. Pwedeng-pwede na ‘tong mag-showbiz. Galing gumawa ng kwento. Nagulat na lang din ako ng ipalabas sa wide screen ang mga litrato namin. Pasimple niya akong binulungan, “Mag-uusap tayo mamaya.” Naiinis ako pero hindi ko pinahalata. Ngumiti lang ako sa audience. Ayokong malaman ng lahat na we’re not in good terms.

“So ito na ang pinakaaantay ko. I bet, magugulat kayong lahat. Don’t you know na ang Team Captain ng UE Red Warriors ay magaling kumanta? Ladies and gentlemen, to give us a rendition, help me welcome, Mr. Xian Lim.”

 

Pumwesto siya sa may electric keyboard at nagsimulang tumugtog. I find him amazing. Ang galing niya pala talagang tumugtog. Nakakatawang isipin na marami pa pala kaming hindi alam sa isa’t isa. Mga simpleng bagay na ganito, hindi namin alam. Siguro dahil mas pinagtutuunan namin ng pansin ang bigyan pasakit ang isa’t isa than to get to know each other well.

Tinugtog niya ang isa sa mga paborito kong classical ballad. It Might Be You. Habang tumutugtog siya, panay ang sulyap niya sa akin. It made me wanna think na seryoso siya sa mga pinagsasasabi niya. Inaamin kong kinilig ako. Sino ba namang hindi? He’s not just an ordinary guy. He’s Xian Lim. At sakto pang mahal ko siya. It might be me? Yes, it’s me. Nandito lang naman ako palagi for him. Sana lang makita niya rin ang worth ko.

Matapos ang isa’t kalahating oras kong pag-stay sa studio, sa wakas natapos na rin. Nagmadali akong lumabas patungong backstage. Gusto ko ng umalis dahil sobrang sama pa rin ng paikiramdam ko. Pinigilan ko lang. Mabuti na lang at nailigpit na ng PA ko ang mga gamit ko. Ready to go na rind aw sabi ni Ate Sandra.

Pasakay na sana ako sa kotse ni Ate Sandra para magpahatid sa bahay nina Mommy nang hilain ni Xian ang braso ko.

“Saan ka pupunta, Kim?” Patuloy pa rin siya sa paghila ng braso ko. Bago pa man ako makapagsalita, kinaladkad niya na ako papunta sa parking lot where his car was parked.

“Ano ba Xian! Bitawan mo nga ako! Nasasaktan ako!”

 

“No! Hindi kita bibitawan not unless sumama ka sa akin!”

 

“Ayoko! Pagod ako, masama pa ang pakiramdam ko. Kaya uuwi na ako.” Nagpupumiglas ako. Nakakainis naman kasi.

“Fine. Uuwi ka sa bahay NATIN!” Binigyang diin niya ang pagsabi ng NATIN.

“Please, let me go home Xian. Sobrang sama talaga ng pakiramdam ko. Nahihilo ako. ‘Wag ka ng gumawa ng eksena. Nagmamakaawa ako.” Kulang na lang, lumuhod ako sa harap niya. Pakiramdam ko, maduduwal ako anytime o ‘di kaya mahihimatay.

 

“Hop in.” Hindi ko na alam ang sunod na nangyari. Huli kong narinig ang salitang ‘yun. Dumilim ang paningin ko at hinfi ko na matandaan.

Nagising na lang ako na nasa bahay na ako. Bahay namin ni Xian. Namukhaan ko ang kwarto kung nasaan ako ngayon. Nasa kwarto ako ni Xian. Napabuntong-hininga ako. He was successful na mapauwi ako rito. Agad akong tumayo at tinignan ang sarili ko sa salamin. I look pale. I swear, kakain na ako ng mabuti at matutulog ng wastong oras. Ang pangit kong tignan. Daig ko pa ang may sakit sa sobrang putla ko.

Lalabas na sana ako para lumipat sa kwarto ko nang biglang pumasok si Xian na may dalang tray ng pagkain.

 

“Gising ka na pala. Oh teka, saan ka pupunta? Umupo ka muna sa higaan, baka mahilo ka na naman. Halika, kumain ka muna. Pinagluto kita ng sopas.”

 

Para na naman akong robot na sunud-sunuran sa kanya. Umupo ako sa kama. Hinayaan ko siyang asikasuhin ako. Sinubuan niya ako. In fairness, masarap naman. Tahimik lang kaming pareho. Nahihiya kasi ako. Bakit naman kasi kailangang sa harap niya pa ako mahilo. Wala tuloy akong mukhang maiharap sa kanya.

“Kamusta na ang pakiramdam mo? May masakit pa ba sa’yo?” Umiling lang ako. Medyo gumaan na kasi ang pakiramdam ko kung ikukumpara mo kanina.

“Ikaw naman kasi, hindi ka kumakain ng maayos. Iyan tuloy, nagkasakit ka. Paano na lang kung wala ako ‘dun? Sinong sasalo sa’yo? Teka, sigurado ka bang okay ka na? Gusto mo dalhin kita sa doktor par mapa-check up ka?”

 

“Huwag na. I’ll be fine. Napagod lang talaga siguro ako.”

 

“Basta kung may masakit sa’yo, sabihin mo lang ha. Oh, inumin  mo na ‘tong gamot mo. Magbitamina ka kasi. Ang payat-payat mo na oh. Tapos nagda-diet ka pa. Mula  ng umalis ka rito sa bahay, ang laki ng ipinayat mo ah. Hay naku!” Ginulo niya ang buhok ko. Ininom ko naman agad ang gamot na ibinigay niya. Heto na naman siya, nagpapaka-‘asawa’ sa akin. Pagkatapos, paiiyakin lang din naman ako. Ang gulo ng utak niya. Ang sarap pektusan eh.

“Xian. Thank you.” I give him my awkward smile. Nahihiya pa rin kasi ako.

“No problem.” Ngumiti siya. Parang walang topak ‘to ngayon ah. Himala. Miracles do happen, really.

“Ah sige. Salamat ulit. Uuwi na ako. Baka hinahanap na ako ni Nanay Agnes.” Tumayo agad ako.

“No. ‘Di ka na aalis. Dito ang bahay mo kaya dito ka magse-stay. Isa pa, darating si Mommy. Gusto niya raw tayong makasama. She’ll be staying with us for a week. Dito ka sa kwarto ko matutulog. Napalipat ko na rin kay Manang ang mga gamit mo rito. I won’t accept no for an answer. Ayaw mo naman sigurong malaman ng mga parents natin na magkahiwalay tayo ng kwarto ‘di ba?”

 

So bibisita rito ang Mommy niya? Ibigsabihin, we have to pretend that we’re okay. I sighed. “Okay fine. It’s as if may choice ako. “

 

“Good. Madali ka naman pa lang kausap, Kim eh! Wait. Akala mo dahil pumayag kang ditong matulog eh makakatakas ka na sa atraso mo sa akin!”

 

“Atraso? Ako? May atraso sa’yo?”

 

“Oo. Malaking-malaking atraso. Where have you been the past month?! Hindi ka man lang nagpaalam na aalis ka.”

 

“I stayed at my parents’ house.”

 

“Pero bakit? Anong problema? Nagising na lang ako na wala ka na rito sa bahay.”

 

Problema ko? Wala akong problema. Ikaw ang may problema. Gusto kong ma-realize mo ang halaga ko. Gusto kong ipadama sa’yo kung ano ‘yung feeling na nag-aantay na parang tanga. Gusto kong ipadama sa’yo ‘yung nararamdaman ko sa tuwing pinagmumukha mo akong tanga.  Gusto kong isigaw sa kanya ang lahat ng ‘to pero tila umurong ang dila ko.

“K-kasi na-homesick ako. Tama! Oo, na-homesick ako kaya ako umalis.”

 

“But that’s not enough reason para umalis ka ng walang paalam. Anyway, let’s not fight with this issue. Ang importante, nakauwi ka na. Ayoko ng mauulit pa ‘to. Hindi mo alam kung gaano ako nag-alala sa’yo!”

 

“Ano? Nag-alala ka sa akin?” Wow! Akalain mong nag-aalala rin pala siya sa akin? Seriously?

 

Iniwas niya ang tingin niya sa akin. Naglakad siya papuntang pinto. “Magpahinga ka muna. Maya-maya, darating na si Mommy. Gigisingin na lang kita.” Saka niya sinirado.

Napangiti ako. At least he cares. Effective din pala ang pag-alis ko. Kahit papa’no, hinanap niya rin pala ang presence ko. Or siguro dahil walang nangungulit sa kanya kaya ganu’n. Whatever his reason may be, ang mahalaga, he cares for me.

----Kamusta ang chapter na ‘to? Let me know. :D

 

Follow on Twitter: @Kimxi_Gensan

 

Follow me on Twitter and on IG: @MiadelaFuente

 

 

 

-Mia

 

Continue Reading

You'll Also Like

55.4K 1.4K 38
Kim, the captain of Lady Phoenix, decided to quit the team after the finals because her parents wanted her to focus only in her academics. Dominic, t...
100K 1.7K 37
Date Started: September 3, 2018 Date Ended: April 24, 2019 #19 kim
380K 5.9K 24
Rated SPG!! Yes, Rated SPG po ito! AHAHAHAHA "How can you hurt me like this Jeanna? How can you do this to me?" tanong nya sa akin iyan. Makalipas an...
80.3K 978 33
"bat ka nagbabasa ng smut sa klase ko?" 『X1 series #2』 °chat + narration °taglish 。teacher x student completed :pyutyr