Talk Back and You're Dead!

Oleh Alesana_Marie

9.5M 142K 28.7K

Simple lang naman ang gusto ni Samantha sa buhay, ang maka-graduate na may highest honors at talunin ang kari... Lebih Banyak

Author's Note
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-Four
Chapter Forty-Five
Chapter Forty-Six
Chapter Forty-Seven
Chapter Forty-Eight
Chapter Forty-Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty-One
Chapter Fifty-Two
Chapter Fifty-Three
Chapter Fifty-Four
Chapter Fifty-Five
Chapter Fifty-Six
TIMOTHY'S JOURNAL
BOOK 2: NTBG

Chapter Twenty-Four

175K 2.6K 365
Oleh Alesana_Marie

Chapter Twenty-Four

Pag-mulat ng mata ko.

White. White. At white.

Puro white ang paligid. Bakit kaya? Hindi ko naman kwarto 'to?

Bumangon ako mula sa pagkakahiga.

Teka, bakit ako—?

OMG! Nasa hospital ako?!

Ngayon ko lang napansin na may dextrose na nakakabit sa akin. WAAAAH! Needles! I hate needles! Sino ba ang nag-dala sa akin sa lugar na ito? Bakit ako nasa hospital? Bigla kong naramdaman na ang sakit ng buong katawan ko. Nasagasaan ba ako ng sasakyan? Bakit wala akong maalala? Sakto na bumukas ang pinto. May pumasok na nurse.

"Uhh.. Miss?"

"Huh? Gising ka na din sa wakas! Sasabihin ko ito kay Doc!" at kumaripas ng takbo palabas ang nurse.

Di naman sya halatang excited? Adik ba yun? Tinignan ko yung kamay ko. Ayoko ng dextrose! Nung hihigitin ko na para tanggalin, muling bumukas ang pinto.

At pumasok ang Crazy Trios. Lahat sila naka-puti. At may dalang bulaklak na may korona. Korona ng bulaklak katulad nang sa patay. WHAT THE HECK?!! Burol ba ito?!

"SAMMY!!!" Michie, bigla akong dinamba ng yakap.

"YOU'RE ALIVE!!!" sigaw ni China.

"Sabi ko na nga ba, niloloko lang tayo nung Doktor na yun eh!" sabi ni Maggie.

"Langyang Doktor yan, sabihin ba naman sa amin na 50/50 ka na raw?!" reklamo ni China.

"Wehehehe!" tumawa ng weird si Maggie at lumabas.

I swear to God, kapag tumawa ng ganon si Maggie dapat ka nang kilabutan. Sino kaya ang kawawang nilalang na target nun? Yung doktor siguro.

"Wait nga lang, bakit ako nandito?" tanong ko.

"Hindi mo naaalala?" tanong ni Michie.

"Nah..." umiling ako.

"Itatanong nga din sana namin sa'yo kung ano ang nangyari," sabi ni China.

"Eh paano ba ako napunta dito?"

"Hindi rin namin alam..." sagot ni Michie.

"May tumawag lang sa bahay, at ang sabi nasa hospital ka daw."

"Si TOP? Dumalaw na ba sya dito?"

"Uhh..."

"Err..."

Hindi sila makasagot.

"O bakit natahimik kayo?"

"Kasi..."

"Sammy dear..."

"Si TOP kasi..."

"Hwag kang mabibigla pero..."

Nagtinginan silang dalawa na parang ayaw ituloy ang sasabihin.

"Ano? Ano na? Ano 'yon?"

"Kasi Sam," yumuko si China.

"Si... Uhh..."

"Si TOP..."

"Sasabihin nyo ba o kailangan ko pang bumangon dito at—?"

"SITOPKASINAKAKULONG!!!" sagot ni China

"Huh? Pwede pakibagalan?"

"Si... TOP... kasi..." - China, binagalan nga. "Nakakulong."

"Ahh..." tumango-tango ako. Si TOP daw ay nakakulong. "ANOOOOO?!" sigaw ko.

"WAhhh! Sammy. please huminahon ka!" pigil sa'kin ni Michie.

"BAKIT?!!" tanong ko

"Uhh. Dahil hindi ka pa magaling?" sagot ni Michie. (*O*)

"No! I mean, bakit sya nakakulong?!!"

"Err..."

"Kasi ano..."

"Sige, spill na natin." sabi ni China na biglang sumeryoso. "Ipinahuli sya sa pulis ni Lee."

Yumuko si Michie.

"Si Kuya Lee?!! Bakit naman nya gagawin 'yon?"

"Sya kasi ang pinagbibintangan ni Lee na gumawa sa'yo nyan. At ang isa pa hindi nag-deny si TOP. Hindi sya nagsasalita hanggang ngayon. Tapos yung CCTV pa hindi naman gumagana kaya walang ebidensya na hindi si TOP ang gumawa," sabi ni China na nag-aalala.

Oh My Gosh! Is he crazy?! Bakit ayaw nyang sabihin na hindi sya ang gumawa nito sa akin?!

"Gaano na sya katagal naka-kulong?!"

"42 hours, twenty four minutes and 36 seconds," sagot ni China na nakatingin sa relo nya.

"ANO?!! Gaano na ako katagal dito?!"

"Sammy, dalawang araw ka nang nandito," sabi ni Michie.

"Are you kidding me?!"

"Kaya nga sabi ng Doctor, nasa comatose ka raw," sabi ni China.

"What the fudge," tanging nasambit ko nalang.

***

Tatlong araw akong nakakulong sa bahay dahil sa nangyari. Hindi rin ako makapunta kay TOP. Hindi ko pa sya nakakausap simula nang lumabas ako ng hospital. Bakit? Simple lang ang dahilan.

"Sam, hanggang kailan ka ba magkukulong dito sa kwarto mo?" tanong ni kuya Lee na nakabihis na at papunta sa board meeting.

Hindi natuloy ang pag-alis nya papuntang France dahil sa aksidenteng nangyari sa akin. Binabantayan nya ako. Nakatira na ako ngayon kasama sya sa bahay na pagmamay-ari ng mga Perez. Actually ito yung main house namin. Mansion. Wala akong makausap dito, ayaw naman akong kausapin ng mga maid. Sigh. Ang dami ko pang bodyguard kapag lalabas ng bahay. Pati sa school nakabuntot sila. Tinignan ko lang si Kuya Lee at muling tumingin sa bintana.

"Suit yourself," sabi nya at lumabas ng kwarto ko.

Sa tingin ko napagod na sya sa pag-snob ko sa kanya. Masisisi nya ba ako? Nasasakal ako sa ginagawa nya! Kumusta na kaya si TOP? Wala akong balita sa kanya. Sigh. Ilang beses ko nang sinabi kay Kuya Lee na walang kasalanan sa nangyari sa akin si TOP, pero ayaw nyang maniwala. Naiinis na ako! Gusto ko na syang makita. Ano na kaya ang ginagawa nya ngayon? Iniisip rin kaya nya ako? Mababaliw na ako sa kakaisip sa kanya. Sya nalang palagi ang iniisip ko.

***

Nandito kami sa school. Sa likod ng school. Nakatingin ako sa mataas na bakod.

"Sigurado ka ba na hindi tayo mahuhuli?" tanong ko sa Crazy Trios.

"Oo naman! Ganito kaya ang ginagawa ng mga bidang babae sa mga pinapanuod kong drama!" sagot ni China.

"Wala naman tayo sa drama," kontra ko.

"Gusto mo bang makita si TOP o ano?" tanong ni China.

"Bilisan nyo na dyan, one hour lang ang vacant natin. Kapag napansin nila na nawawala si Sam baka mabuking tayo," sabi ni Maggie.

"Teka lang," habol ni Michie. "Heto Sam kailangan mo nito," sabay abot sakin ni Michie ng jogging pants na may seal ng St. Celestine High.

"Huh?" nagtataka ko iyong tinignan.

"Isuot mo na, baka may makita sila sayo kapag naka-skirt ka. Mabuti nang handa."

"Err... Fine." Isinuot ko na ang jogging pants sa ilalim ng skirt ko. Ang pangit.

"Ready ka na ba Sam?" tanong ni Maggie.

"Oo."

"Fifty-five minutes nalang ang natitira, siguraduhin mo na makakabalik ka bago matapos ang vacant natin," sabi nya.

"Pero kung ma-late ka, gagawa kami ng excuse," - China.

"Hwag kang mag-alala Sammy. Back up mo kami!" - Michie.

Dapat ba akong matuwa sa sinabi ni China? Last time na nalate ako dahil sa late na akong gumising, sinabi ni China sa teacher at sa lahat ng kaklase namin na may rayuma ako kaya ako nahirapan makapasok nang maaga. Kaya pagkatapos non ang daming nagbigay sakin ng salonpas at mga oil na pampawala ng rayuma.

"Thanks," ang tanging nasabi ko.

"Fifty-four minutes," - Maggie

"Go Sammy! Makipag-kita ka na sa Prince mo!" - Michie

Huminga ako nang malalim at tumakbo papunta sa brick wall ng school. Nang malapit na ako, tumuntong ako sa mga hollow blocks at tumalon sa kabilang side ng pader. Nang nasa labas na ako agad ulit akong tumakbo papunta sa school nila TOP. Sa Pendleton High.

***

Saan ko naman kaya hahanapin si TOP ngayon? Nandito kaya sya? Ang alam ko nakalabas na sya sa jail. Pwede kaya akong pumasok? Pero baka i-report ako ng mga teacher dito sa school ko kapag nakita nila ako dito. Mabuti pa magtatanong nalang ako sa unang estudyanteng lalabas ng school. Tama! Ilang minuto akong naghintay sa labas. Pero wala parin akong nakikita na estudyante. Hmm? Tumingin ako sa relo ko.

Thirty-five minutes nalang ang natitira sa'kin! Shiz! Pano 'to?! Bahala na! Papasok nalang ako sa loob. Binilisan ko nalang ang lakad papunta sa building. Lalagpasan ko na sana ang Gym nang may marinig akong ingay mula sa loob. Parang may nagsisigawan sa loob.

"FIGHT!! FIGHT!! FIGHT!! FIGHT!!" cheer ng mga nasa loob ng gym.

Pumasok ako sa loob out of curiosity. Hindi ko inaasahan kung ano ang makikita ko sa loob. Nagkumpulan ang mga estudyante, nakabilog sila at may pinapanuod sa gitna. May narinig akong lagabag at kung anong ingay. May nag-aaway. Tumingkayad ako para makita kung ano ang nangyayari sa gitna pero walang epekto. Masyadong matatangkad ang mga lalaking nasa harap ko. Nawalan na tuloy akong interes. Dapat nga pala mahanap ko si TOP. Kailangan magmadali na ako. Lumakad na ulit ako para hanapin sya.

"Is that all?" narinig ko ang pamilyar na tinig ng isang lalaki. "I'm dissappointed"

"WOOOOOOHHHHH!!!" nag-cheer ang crowd.

Tumakbo ako at sumiksik sa mga tao para makapunta sa unahan. And then I saw him. There was blood all over his face and uniform. He was a mess. Napatingin ako sa lalaking nakahiga sa sahig. May dugo ang ilong nito. Sabog ang labi at may dugo sa bandang noo. Mas malala ang tama nito kaysa kay TOP.

"TOP!!!" sigaw ko at tumahimik lahat ng mga nagchi-cheer.

Lahat ng mga mata sa akin nakatingin.

"My God! You're bleeding!" Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang mukha nya. Bigla syang umilag at lumayo. Nagulat ako sa reaksyon nya. Lumayo sya.

"Don't," he said while avoiding my eyes. "Don't touch me."

"Pero—" bigla syang lumakad palayo. Nagbigay daan sa kanya ang mga nanunuod na estudyante.

Sumunod ako sa kanya palabas ng Gym. Dumireto sya sa boys locker room. Sinundan ko parin sya hanggang doon. May mga kinuha sya mula sa locker nya at dumiretso naman sa shower. Sumunod parin ako.

Nang maramdaman nya na nakasunod ako, tumigil sya sa paglalakad at tumingin sa akin. Nag-pout lang ako at tumalikod, umupo ako sa isa sa mga upuan na nandoon. Hinayaan ko na syang pumasok mag-isa sa loob ng shower.

Sayang. @(・●・)@

***

Tick Tock ang sabi ng clock. Twenty minutes nalang ang natitira at kakapasok palang ni TOP sa shower. Mukhang hindi ko yata sya makakausap ngayon. Mag-iiwan nalang ako ng note sa locker nya.

Sana mabasa nya. Nagsulat ako sa isang kapirasong papel. Grabe nahirapan akong maghalungkat ng papel at ballpen dito. Hindi yata uso ang gamit dito.

'Call me'

XOXO Miracle

Iniwan ko yun sa locker nya at lumabas na. Sigh. Fifteen minutes nalang at may klase na kami. Tumakbo na ako pabalik sa school namin. Shucks! Malapit na akong ma-late! Tumakbo ako nang mas mabilis. Shiz! Ano ba yan? Nakakainis naman oh.

Nagtago ako sa may brick wall. Nakita ko ang kotse namin sa tapat ng school gate at nakabantay ang dalawang bodyguard ko. Shiz! Paano ako makakalapit nang hindi nila napapansin? Hihingi nalang ako ng tulong sa Crazy Trios. Tinext ko sila para malaman nila kung nasaan ako.

Pagkalabas ko mula sa pinagtataguan ko may biglang sumalpok sa akin. WHAAA—!!! Natagpuan ko nalang sarili ko na hindi makagalaw. May nakayakap sa akin mula sa likod. M-M-MANIAAAAAC!!!

Nagpumiglas ako at hihingi na sana ng tulong nang biglang nyang takpan ang bibig ko.

"Shh Miracle, it's me," bulong nya.

Agad akong tumigil sa pag-galaw at niluwagan nya ang yakap sa akin. Hinarap ko sya. Si TOP. Biglang naging blanko ang isip ko. Bigla akong naiyak sa hindi malamang dahilan. I'm such a crybaby!

"WAAAAHH!!!" iyak ko.

"SSHHH!!!!"

"WAAAAAAHHHHHH!!!!" mas lumakas ang iyak ko.

"Ah shit!"

"WAAAHHHHH!!! I HATE YOU!!! WAAAAAHHHHH!!!!" pinaghahampas ko sya. Hindi ko rin alam kung bakit ko sya hinahampas.

"SSSHHHHHH!!!"

"I HATE YOU!! I HATE YOU!!" tinulak ko sya at pinaghahampas palayo sa akin.

"What? What did I do?" naguguluhan na tanong nya.

"Actually hindi ko rin alam pero kahit na! I hate you!"

"You're making no sense Wifey," he commented while blocking my miserable attacks.

"Ikaw kasi eh! Nakakainis ka! Kinalimutan mo na ako! I hate you!"

"What are you talking about?! Stop punching me, I don't want you to hurt yourself."

"ARG! Basta I hate you!"

"You're acting like a brat," sabi nya na parang bored na sya.

"THAT'S IT! Break na tayo! Leave me alone!" tinalikuran ko sya.

Hinila nya ang braso ko. "You don't mean that and you know it."

"Bahala ka! Bumalik ka nalang sa school nyo at makipag-suntukan ka nalang ulit don! Shoo! Shoo!" winagayway ko yung kamay ko at itinaboy sya na parang aso.

"I'm not leaving you alone," matigas nyang sabi.

"Psh! Kung hindi ka aalis, ako ang aalis!" Lumakad na ako sa opposite direction ng school ko. Wala na akong pakialam kung mabuking ako na nawawala. I'm pissed!

"Wifey where are you going?" sumunod sya sa akin.

"Somewhere!"

"Where?"

"Away from you!"

"You're making things difficult. Stop it. Miracle."

"Difficult is my middle name!"

"Just tell me why you're acting like this," frustrated nyang sabi.

"Figure it out!"

"Let's stop fighting."

"Why? Fighting is your middle name!"

"Do you want me to stop fighting?"

"No-Yes! I mean—I don't know it's your life, you control it not me!"

"You are my life, obviously I can't control you, sadly," he murmured.

Bigla akong tumigil sa paglalakad. Tumingin ako sa kanya. Bakit ba palagi nalang sya nagbibitiw ng mga ganong salita sa pinaka-hindi ko inaasahang pagkakataon? Pinagmasdan ko si TOP. May pasa sya sa mukha. Mukha rin syang pagod at hindi masyadong nakakapagpahinga. May eyebags na rin sya. Pero kahit na ganon ang hitsura nya, hindi parin nabawasan ang kagwapuhan nya. Or ako lang 'yon since I love him?

"I love you," sabi ko at niyakap sya nang mahigpit. Gusto kong tumigil ang oras at manatili nalang sa ganitong posisyon habangbuhay. Hindi ko yata kaya na mawala sya sa akin.

"So we're not fighting anymore?"

"We fought?" I asked wearing my clueless face.

He smiled and kissed my forehead. "Don't walk away from me like that again."

"I can't promise you that. You annoy me a lot."

"If I kiss you now, will you promise me not to push me away?"

"A kiss is not enough to seal a promise."

"Then tell me what you want and I'll do it immediately," he brushed his fingertips to my lips.

"I want you to take me somewhere. Far away from here. Take me to your castle my Prince," sabi ko sa kanya with a dreamy voice.

His face was blank. He was quiet for a minute then he said; "I don't have a castle and I'm not a Prince. I hate fairytales so don't compare me to a douche who rides a whitehorse with his stupid cape and his funny hairdo."

Wow. What a line.

"Thank you very much for ruining the atmosphere TOP," I said full of sarcasm.

"What? I hate fairytales, they make me sick," seryosong sabi nya habang magkasalubong ang dalawang kilay.

"But I'm sure you believed in fairies when you were... eight."

"That was ten years ago."

"Uhuh."

"I still hate fairies ten years ago."

"And why's that?"

"Because some crazy fairy punched me in the face."

And then he looked at me as if sending me a message that I should be guilty.

"Why are you giving me that look?"

"What look?" -___-+

"That look! Why are you giving me 'the' look?"

"You're funny, I'm not giving you 'the' look."

"Yeah sure," I rolled my eyes. "But you're changing the subject."

"You don't want to leave with me."

"I'm sick of my bodyguards and my cousin is acting like a stupid-overprotective-jerk."

"He was just trying to protect you."

"Really from who? You? You won't hurt me."

Isang ngiti ang sumibol sa kanyang labi. "Yes, even if I want to I can't. I'd die first before even trying."

"What does that mean?"

"It means I can't hurt you without killing my self first. It's a suicide mission."

"You're funny," I giggled.

"Thank you very much for ruining the atmosphere Miracle," he said playfully.

"That's my line—"

He kissed me. "Just stop talking," he kissed my lips again. "I may not be a prince..." he said between our kisses. "But I can be your slave," he looked at me in the eye. "I can't offer you a big white castle, all I can give you is... myself. If that's enough for you, you can leave this place and come with me. I'll take care of you I promise."

I smiled. Siya lang ang kailangan ko. "Where to?"

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

23.5K 1K 97
Internet Love | epistolary with narration.
2.2K 103 12
"Loving you is the best decision I ever made, though it gives me so much pain." Tristan.
17.6K 453 12
Because believe it or not, your worst possible enemy in this life is no one, but your own damn self.
223K 9.1K 11
A short story that makes your heart beat fast and let you experience heartbreaks same as Mayumi Cabrera. Her name was Mayumi Cabrera, she has a deal...