Talk Back and You're Dead!

By Alesana_Marie

9.5M 142K 28.7K

Simple lang naman ang gusto ni Samantha sa buhay, ang maka-graduate na may highest honors at talunin ang kari... More

Author's Note
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-Four
Chapter Forty-Five
Chapter Forty-Six
Chapter Forty-Seven
Chapter Forty-Eight
Chapter Forty-Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty-One
Chapter Fifty-Two
Chapter Fifty-Three
Chapter Fifty-Four
Chapter Fifty-Five
Chapter Fifty-Six
TIMOTHY'S JOURNAL
BOOK 2: NTBG

Chapter Twenty-One

186K 3K 1.1K
By Alesana_Marie

Chapter Twenty-One

Fourth day ko na rito sa Pendleton High, last day ko na dito bukas, may isang bagay lang akong natutunan; mag-cutting! Wala naman kasing pakialam ang mga teachers sa mga estudyante kung may natutunan sila. Well, maliban sa cool na music teacher na nirerespeto ng lahat ng students, hindi ko alam kung bakit, siguro dahil cool sya.

"Ngayong araw mag-uumpisa tayong mag-practice para sa Christmas Concert, lahat tumayo at kumuha ng mga instrument," utos ni Sir Anthony, tawagin nalang daw namin sya sa first name nya para cool.

"Kami rin po ba kasama?" tanong ni Audrey.

"Ah oo nga pala, hindi kayo required dito, manuod nalang muna kayo at siguro tulungan nyo narin akong punahin ang mga mali nila, okay ba girls?" pinakita ni Sir ang kanyang shiny-sparkle-sparkle-white-teeth. Bigla kong naalala ang teacher ni Rock Lee sa Naruto.

"TOP, ano'ng iyo?" tanong ko.

"Ito," kumuha sya ng Saxophone.

"Marunong ka?" Grabe gusto ko syang marinig tumugtog nun! Ang sexy nya tingnan habang hawak 'yon! ♪( '▽`)

"Oo, nag-aral akong tumugtog nito simula nang bata pa ako."

"Uwaah! Hindi mo sinasabi sakin na may hidden talent ka pala?"

"Bakit? Nagtanong ka ba?"

"Oo nga 'no? Okay—AH! May naalala akong laro!"

"Gusto mo maglaro? Ngayon?"

"Twenty questions! Magtatanong ako at dapat sumagot ka, then turn mo na para tanungin ako." (^◇^)

"Game!"

"Okay ako muna! Favorite color?"

"Black. You?"

"Pink! Favorite sport?"

"Basketball? You?"

"Horseback riding. Favorite movie?"

"Cast Away. You?"

"A Walk To Remember! Favorite food?"

"Strawberry. You?"

"Barbecue! Favorite pet?"

"I hate pets. You?"

"Cats. Fav—"

"Pendleton, you're up! Atta boy!" tawag ni Sir Larkin.

"Later Wifey," pumunta na si TOP sa unahan dala ang kanyang saxophone.

Ano kayang tutugtugin nya? Magaling kaya sya? Pumunta sa harap namin si TOP. Lahat kami tahimik lang habang nakatingin sa kanya. Ang sexy nya tingnan habang hawak ang saxophone!

Itinapat na nya ang saxophone sa bibig nya, lahat kami pigil ang hininga. Ano kayang tutugtugin nya? Nagsimula na syang tumugtog at narecognize ko ang piece na yon. Iyon ang... PINK PANTHER?! Pink Panther! WAAH! Ang CUTE!! Pero wait lang. Bakit 'yun ang tinugtog nya? Parang err... Hindi naman sa hindi bagay pero, bakit kaya yun?

"Hahaha! You're still the best kid!" tumatawang sabi ni Sir Larkin.

"Ang galing mo TOP!" puna ni Audrey.

"Sana marunong din si Six ng saxophone!" - Cheska

"Whoo! Tol! Nakaka-elibs!" - Jun

"Oo nga! Elibs! Mah mehn!" - Mond

"Kekeke! Mas magaling parin ako!" - Jack

Classmate din nga pala namin itong tatlo pang myembro ng Lucky 13. Nagpalipat sila. Sina, Jack, Mond at Jun.

"Bakit Pink Panther?" tanong ko ng makaupo sa tabi ko si TOP.

"Wala akong maisip na ibang pyesa. Pangit ba?" sagot nya.

"Hindi!" umiling ako. "Ang cute mo nga eh!"

"Ako? Cute? Sino'ng tinatawag mong cute? Ano ako tuta?"

"Oo! Para kang tuta. Ang cute! Nakaka-inlove!"

"Tss." Nag-iwas sya sandali ng tingin. "Talaga?"

"Oo! Yun ba ang tutugtugin mo sa Christmas Concert?"

"Hindi ko pa alam. Mga bata sa Orphanage ang manunuod sa Concert. Fund raising na rin dahil maraming bisita ang pupunta."

"Mga bata sa orphanage?"

"Yeah, para sa kanila yung kikitain sa concert. Dahil wala silang mga magulang, ang school na ito ang madalas sumuporta sa kanila."

Hmm? Kung ganon kaya naman pala pursigido si Sir Anthony sa pagpilit sa mga seniors na mag-practice. Kung iisipin mabuti, hindi naman pala ganon kasama ang mga taga-Pendleton High.

***

"Namfufu, may laban na naman pala tayo ng basketball!" - Jack

"Sino'ng naghahamon?" - Six

"Sino pa nga ba? Eh di yung Black Puma," - Mond

"Ha?! Kailan daw?" - Pip

"Sa linggo na," - Red

"Nyemas naman oh, may date ako sa linggo eh!" - Seven

"Ayos! May bakbakan na naman!" - Jun

May laban na naman sila sa basketball? Ayos 'yun! Makapanuod! Isasama ko na rin ang Crazy Trios!

"TOP! May laro kayo ng basketball sa linggo? Manunuod ako ha!"

Namutla bigla si TOP at natahimik ang mga kaibigan nya. Napatingin silang lahat sa aming dalawa. Huh?

"Haha! Hindi mo na kailangan manuod Sam! Di'ba may gagawin ka sa linggo? Pumunta ka nalang ng church! Ipagdasal mo nalang kami," natataranta na sabi ni Red.

"Hmm? Hindi! Mas gusto ko manuod ng laban nyo sa linggo!" pilit ko.

"Hwag na nga eh. Sumama ka nalang kina Elena, Christi at Shaina!" utos ni Red.

"Huh? Sino naman ang mga yun?" tanong ko sa kanya.

"Mga kaibigan mong weirdo, nakalimutan mo na ba?"

"Kaibigan ko? Mga weirdo?"

"Nakalimutan mo na ba kaagad ang tatlo mong kaibigan?"

"Tatlo? Sina Michie, China at Maggie? Sila lang naman ang friends ko eh."

"Yun ba mga pangalan nila?"

"Oo, napaghahalatang playboy, dami kasing chicks!" (>__<)

"Kawawa ka naman Sam! Sila lang ang kaibigan mo? Same feathers flock together nga talaga! Hahaha!"

"Hwag mo ngang iniiba ang usapan! Gusto kong manuod ng game!"

"Hindi pwede! Bawal ka don!"

"Che! Si TOP ang kinakausap, ko hwag kang sumabat!"

"Hahaha! Wala ka pala Red eh! Supalpal ka! Bwahaha!" sabi ni Jack.

"Shaddap!" binatukan ni Red si Jack at nauwi yon sa wrestling. Boys.

"TOP! Pupunta ako okay?" sabi ko kay TOP.

Tinignan lang ako ni TOP. Yung mga mata nya parang nagmamakaawa na hwag na akong pumunta.

"Ayaw mo rin?! Bakit ba ayaw nyo akong pasamahin?!"

Walang pumansin sakin. Kakainis! Bakit kaya?! Eh parang manunuod lang naman ako eh! Ano'ng masama ron?

"Dahil kapag pumunta ka, matatalo kami," sagot ni Six.

Huh? Ano raw? Kapag pumunta ako, matatalo sila? Ano'ng konek?! Manonood lang naman ako ah. Hindi naman ako sasali. Pano sila matatalo? Nag-pout lang ako at tumahimik.

Masama parin ang loob ko dahil ayaw nila akong pasamahin sa game. Hanggang sa makauwi na kami ni TOP, hindi ko sya masyadong pinapansin.

"Goodnight kiss ko?" tanong ni TOP nang nasa tapat na kami ng gate ng bahay namin.

"Wala."

"Wifey kung nagagalit ka tungkol sa game sa—"

"Hindi ako galit!" sabi ko habang padabog na binubuksan ang gate.

"Right."

"Bakit ba kasi ayaw nyo akong papuntahin?! Manunuod lang naman ako ah! Siguro mambabae kayo don ano?!"

"Masyado kang mag-isip, maglalaro lang kami."

"Hmph! Fine!" sumimangot ako at nag-cross arms.

"Good. Now give me my goodnight kiss"

"No."

"What do you mean 'No'? Hwag mong sabihin na wala na naman akong goodnight kiss?"

"Tama! Wala nga! Hangga't hindi ka pumapayag na sumama ako!"

"Wifey!"

"Goodnight Hubby! Dream of me nalang!"

Tumalikod na ako at papasok na nang marinig ko syang bumulong.

"Flatty."

"Ano?" napatingin ako sa kanya.

Nag-smirk sya. Bumalik na yung pagiging jerk nya. Na-miss ko rin ang side nyang ito kahit papaano.

"Alam mo ba kahit sa panaginip ko flat chested ka parin? Kaya hindi ako masyadong nage-enjoy sa panaginip ko. Wala akong makapa," he smirked evilly!

Napanganga ako. I can't believe this, THIS JERK! B@STARD! At ano'ng klase ng panaginip yon?! X-RATED?! Σ(・□・;)

"I.AM.NOT.FLAT!!" I yelled.

"Really?" tinignan nya ang hinaharap ko and he smirked wider.

"YOU EFFIN JERK! SHUT UP!"

Lumapit sya. Hindi parin nawawala ang evil smirk nya. Napaatras ako. Lapit. Atras. Hanggang sa ma-corner nya ako sa brick wall. De ja vu?

"Well then let's prove it," and then bigla nyang kinapa ang dibdib ko! Hinawakan. Kinapa. Ang.. Aking.. Yung kamay nya.. WAAAAHH!!

*SLAAAP!*

"YOU! YOU PERV!!" tinakpan ko ang dibdib ko gamit ang mga braso ko.

"Hahaha! I win!" he laughed. Ano'ng panalo? Na flat nga ako?! (;'༎ຶД༎ຶ')

"Wha-What are—" nilapit nya ang mukha nya sa'kin, ang magkabilang kamay nya nasa tagiliran ko. I'm trapped.

"Remember our deal? One Slap - One Kiss."

Bago pa ako makapagsalita, hinalikan na nya ako. Sneaky gangster! Ito pala ang plano nya!

***

Pumasok na ako sa bahay namin. Naisahan ako ni TOP dun ah! Inabutan ko ang tatlo na nasa living room. May sinusulat sila sa papel. Essay yata. Ngayon ko lang sila nakitang ganito ah. Seryoso at tahimik. Creepy.

"Ano'ng meron?" tanong ko at sinilip ang ginagawa nila.

"Sshh..." - China

"Busy ah!" sabi ko.

"Sshh Sam!" - Michie

"Seryoso na ba yan?"

"Quiet! Busy kami Sam! Bulag ka ba?" - China

"Oo nga! Busy kami! Hindi lang ikaw ang busy sa mundong ito with your boyfriend! Kami rin busy!" - Maggie

"Uhh..." nag-isip si Michie. "Teka ano nga pala yung sasabihin ko?" May kinuha syang crumpled paper at binasa tapos nilukot ulit.

Don't tell me naglalaro na naman sila?

"Tama! Busy din kami ngayon Sammy kaya mamaya ka na lang namin kakausapin. Kasi wala kaming time ngayon makipag-usap dahil nga sa busy talaga kami" - Michie

"Okaaay," siningkitan ko ang mga mata ko para mabasa ang sinusulat nila.

'Hindi na po kami mag-iingay sa klase. Hindi na po kami kakain ng chichirya habang nasa chemistry lab. Hindi na po kami matutulog sa History class. Hindi na po kami magkokopyahan ng sagot sa math quiz.'

EH?

"SAMMY!!!" sigaw nila at tinakpan ang ginagawa nila.

"Wushuu! Kayo talaga!" sabi ko at umalis na.

Pumasok na ako sa loob ng kwarto ko. Sakto na tumunog ang cellphone ko pagkaupo ko sa kama.

"Hello?" sagot ko.

[Sam. Si JG to]

"Hey! Napatawag ka? Hindi ka busy ngayon? Wow!"

[Hahaha! Hindi pa ngayon, may one week akong pahinga dahil sa World Tour. May itatanong lang kasi ako. Naabala ba kita?]

"That's good! Wala naman akong ginagawa ngayon. Ano ba 'yung itatanong mo?"

[May gagawin ka ba sa Sabado?] tanong nya na medyo hopeful.

"Wala naman akong naaalala na gagawin sa sabado. Bakit?"

[Oh! Uhm wanna hang out with me then? Tagal na kasi natin hindi nakakapag-usap nang matagal palaging short conversations lang at sa telepono. Alam mo na. Katulad ng dati?]

"Of course! Katulad ng dati! So, ako nalang ulit ang pupunta sa bahay nyo para matulungan ka sa susuotin mo. Hahaha!"

[Hahaha! Thank you Sam! Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko kapag wala ka.]

"Hahaha! You're my friend. Hindi mo kailangan magpasalamat."

[. . . .]

"JG? Still there?"

[Huh? Ah. Oo. Magkita nalang tayo sa Sabado?]

"Yep!"

[Okay. Goodnight Sam.]

"Goodnight JG!"

[Aishite imasu]

"Huh?"

*Doodoodoo*

Napatingin ako sa cellphone ko. Ano raw?

***

"KYAAH! GO SIX!"

"Loser..."

"Ano 'yon Audrey?"

"Tinamaan ka ba?"

Last day na namin dito sa Pendleton High. Ang bilis lumipas ng mga araw. Nandito kami sa Gym, P.E. Naglalaro ang mga boys ng basketball. Maliban kay TOP. Nakahiga lang sya sa bench at naglalaro ng game sa cellphone nya.

"TOP, hindi ka ba maglalaro?"

"Hindi."

"Diba dapat nagpa-practice ka kasama nila? May game kayo sa linggo diba?"

"Hindi na kailangan, kami rin naman ang mananalo," sabi nya habang hindi inaalis ang tingin sa cellphone.

"Sinasabi mo lang yan dahil tinatamad ka tumayo. At kung sigurado ka na kayo ang mananalo bakit ayaw mo akong pasamahin?"

"Gusto mo ba talagang malaman kung bakit?" umupo sya at tumingin sa akin, tinago na nya yung cellphone nya.

"Oo."

"Sikreto."

"Sabihin mo na!"

"Hindi mo na kailangan pang malaman," tumayo sya at nag-inat.

"Hindi mo talaga sasabihin?"

"Nope."

"At hindi mo rin ako isasama?"

"Yep."

"Psh! Sige bahala ka, makikipag-date nalang ako sa ibang lalaki sa Sunday." ^^

"Okay."

What? Okay lang sa kanya na makipagdate ako sa iba sa Sunday?! Hindi sya affected?! Wala syang pakialam?!

"Ano'ng ibig mong sabihin na OKAY?!"

"Na pwede mong gawin anuman ang gusto mo sa linggo, hwag ka lang makikialam sa game namin. Hwag kang pupunta."

Tinignan ko sya nang matagal. Seryoso lang sya. I can't believe this!

"Seryoso ka?! Okay lang sayo na makipag-date ako sa ibang guy?"

"Gawin mo kung ano'ng gusto mo."

"Fine! Gagawin ko talaga yon!"

"Okay."

"Shut up!"

"Okay."

Mas mahalaga sa kanya ang game na yon kaysa sa girlfriend nya?! What a b@stard! Ano bang meron sa game na yon?! Parang mas nacu-curious akong pumunta.

"Wifey. Galit ka ba?" kinulbit nya ako sa balikat.

"HINDEEE!!!" mataray na sagot ko.

"Okay." -___-

"HEADS UP!!"

Lumipad nang mabilis ang bola sa direksyon namin

Ilag! Nag-duck ako habang nasalo naman ni TOP ang bola na ihinagis ng Coach. Muntik na akong tamaan.

"Pendleton! Tumayo ka dyan, mag-practice ka rito!"

"Yow Coach! Hayaan mo nalang si TOP don. Hindi mo ba nakikita na kasama nya ang girlfriend nya?" sabi ni Red.

"Sigurado naman na hindi mawawala ang girlfriend nya kung magpa-practice sya dito. Mas mabuti nga na mag-practice sya habang nanunuod ang nobya nya hindi ba? Makakapag-pasikat sya."

"Pero Coach e-"

"Bumalik ka sa pwesto mo Dela Cruz. Pendleton pumunta ka rito!"

"Ah shit! You don't have to tell me twice Coach," sagot ni TOP.

"Yeah! Yeah! Hurry up!"

"Hehe! Ayan Hubby mag-pasikat ka na! Go Hubby! Woot! Woot!"

"Hwag kang manuod," tinignan ako ni TOP na parang ayaw nya talaga akong manuod.

"Bakit naman?!" Di ko mapigilan na masaktan.

"Pumikit ka! Hwag kang manunuod."

"Eh! Magpractice ka na nga lang don!" tinulak ko sya.

Nag-jog sya papunta sa team nya, Lucky 13.

"GO HUBBY!" cheer ko.

Binigyan na naman nya ako ng tingin na 'yon. Yung parang hindi nya alam kung ano'ng gagawin nya. Tumingin din sa'kin si Red tapos tinapik nya sa balikat si TOP na parang ine-encourage nya.

*PRRRRTT!!*

Nag-umpisa na ang game. Practice game. Nahati sa dalawang team ang Lucky 13. Ang jump ball ay nakuha ni TOP dahil matangkad sya. Whoo! Go Hubby! Napunta sa team nya ang bola. Si Red ang may dala ng bola, binantayan naman sya ni Jack. Kaya pinasa ni Red kay Six ang bola. Nagkaron ng opening kaya naipasok ni Six ang bola sa ring, two points.

"WAY TO GO TEAM!" sigaw ni Red, nag-appear sila ni Six

"SIX YOU'RE SO HOT!!"

"Bakit hindi mo ipinasa ang bola kay TOP, Red?! Open sya for three-point shot!" sigaw ni Audrey sa kapatid nya.

Napatingin ako kay TOP, nakatingin sya kay Red tapos umiling sya. Ano yun?

"Ano ba ang iniisip ng mga 'to?" tanong ni Audrey.

Nasa kabilang team ang bola at nakapuntos sila ng three points. Napunta kay TOP ang bola, dinala nya sa side nila pero pinasa nya kay Jun, two points. Huh?

Palaging ipinapasa ni TOP ang bola sa mga ka-team nya kahit na walang nakabantay. Actually wala na talaga masyadong nagbabantay kay TOP, maliban nalang kapag itinatakbo nya ang bola. Hindi sya nag-aattempt na mag-shoot, laging pasa.

"GO HUBBY! SHOOT THAT BALL!" sigaw ko.

Ipinasa na naman nya yung bola. Ano ba?! Nakaka-frustrate naman oh! Bakit ayaw nyang mag-shoot?!

"Ano ba ang problema ng boyfie mo Sam? Hindi ba sya marunong mag-shoot?" tanong ni Cheska na ikinairita ko.

"Marunong sya no! Baka wala lang sya sa mood! Tama! Wala sya sa mood!" (>__<)

"Wala syang gana mag-shoot kasi nanunuod ka. Bakit hindi ka nalang umalis Samantha? Para naman ganahan sya," sabi sa'kin ni Audrey.

"Ang sama mo naman Audrey. Hwag mo ngang inaaway si Sam."

"Nagsasabi lang ako ng totoo. At ang isa pa mas kilala ko si TOP kaysa kay Samantha. Mas una ko syang nakilala."

"Pano ka naman nakakasigurado na kasalanan nga ni Sam kaya hindi makapaglaro ng maayos si TOP?"

"Kung may mga mata ka, madali lang makita. At ang isa pa wala naman ibang dahilan para magkaganyan sya."

Siguro nga tama si Audrey. Kasalanan ko. Kaya ba ayaw ni TOP na nandito ako at pinapanuod sya? Hindi ba sya komportable na nanunuod ako? Napunta ulit kay TOP ang bola. Naghanap sya ng mapapasahan pero mahigpit ang bantay sa mga ka-team nya.

"Shoot that ball Pendleton!" sigaw ni Coach.

Ihinagis ni TOP ang bola papunta sa ring. Tumama ang bola sa ring at hindi pumasok. Tumalon naman kaagad si Red para i-rebound ang bola. Nag-dunk sya.

"See? I told you, hindi kayang maglaro ni TOP nang maayos."

Tumayo ako mula sa bleachers at bumaba.

"Sam, saan ka pupunta?" tanong ni Cheska.

"Sa washroom lang."

Lumabas ako ng gym. Naalala ko ang unang beses na nakita ko si TOP na naglaro ng basketball. Nang makita nya akong nanunuod nasira ang game nya. Siguro kasalanan ko nga. Ayaw nya ba talaga akong makita kapag naglalaro sya? Kaya ba ayaw nya akong isama sa Sunday? Dumiretso ako sa labas. Hindi ako pumunta sa washroom. Sa likod ako ng gym pumunta. May malaking puno kasi don na pwede kong akyatin at mula r'on pwede kong masilip ang loob ng gym.

Wala naman tao sa paligid kaya umakyat na ako. This is very unladylike. Lagot ako kay Vice Principal kapag nakita nya akong umaakyat ng puno.

"Nice shot Pendleton! Welcome back to the game!" puri ni Coach.

"WAY TO GO TOP!!" cheer ni Audrey.

Si Audrey, gusto ko syang kalmutin sa mukha. Ako dapat ang nagsaasbi nun at hindi sya eh! Nakatapak ako sa isang matabang sanga. Nasilip ko na rin ang loob, just in time, nakita ko nag-shoot si TOP ng three-point-shot. Ang bilis nya tumakbo, ang liksi ng mga galaw nya at ang smooth ng pag-hagis nya sa bola. Hindi man lang tumama sa ring, naka-center talaga sa ring ang bola.

Ngayon napatunayan ko na talaga na hindi nya kayang maglaro kapag nasa malapit ako. Binigyan sya ng tapik sa balikat at high five ng mga ka-team nya. Kita ko kahit dito sa malayo ang facial expression nya, magkasalubong ang kilay na parang nagco-concentrate. Lumingon sya sa bleachers. Ah! Hinahanap nya ako. Umikot yung tingin nya sa buong gym. At parang na-sense nya na may nakatingin sa kanya, tumingin sya sa itaas, sa direksyon ko.

WAAH! Bigla akong nagtago. Nakaupo na ako ngayon sa sanga. Sana hindi nya ako nakita. Nakakahiya 'yon, kailangan ko pang mag-spy para mapanuod sya.

"MALAGLAG KA!!" may biglang sumigaw.

"AAAHHCK!!" sa sobrang gulat ko nawalan ako ng balance at nalaglag. Pero nagawa kong kumapit sa sanga.

"Mag-iingat ka!"

"What the?!" Tumingin ako sa ibaba. Nakakalula. Ang taas pala ng inakyat ko.

"Hwag kang tumingin sa ibaba!"

"Huli na Einstein, nakatingin na ako. Salamat sa late warning mo."

"Susubukan kong umakyat, kaya mo pa bang kumapit sa sanga?"

"H-Hindi ko na ka-YAAHH!" at tuluyan na akong nahulog.

Wala akong naramdamang impact ng pagtama ko sa lupa. Naramdaman ko lang may dalawang braso ang nakahawak sa'kin.

"Hoo~! Buti nalang nasalo kita."

"Huh?" napamulat ako. Una kong nakita ang mukha ng isang gwapong nilalang.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Mr Savior.

"A-Ah oo!" Grabe ang gwapo nya! Kung wala lang siguro akong boyfriend ngayon. Ay teka! Ano ba 'tong iniisip ko?!

"Sigurado ka Ms Perez?"

That voice! Hala! Alam ko na kung sino sya! Waah! Kakahiya naman! Bakit hindi ko sya kagad nakilala?!

"O-Opo Sir Anthony!"

"Hahaha! O sige, kaya mo na bang tumayo?"

Narealize ko na buhat parin nya ako. Agad akong tumango at tumayo na ako. WAAH! Si Sir pala 'yon! Pinagpantasyahan ko ang music Teacher ni TOP! Shiz!

"S-Salamat po Sir!"

"Walang anuman. Nagulat nga ako kasi nakita kita sa itaas ng puno. Ano ba ang ginagawa mo don? Naninilip ka ba?"

"Ehh?! Hindi po ganon Sir! Gusto ko lang pong manuod ng game!"

"Ahh.. Ganon ba? O sige maniniwala ako sayo ngayon pero sa susunod mag-iingat ka ha?"

"S-Sir hindi po talaga ako naninilip! Swear!"

"Cross your heart?"

"C-Cross my heart!"

"Tamaan ka man ng kidlat?"

"T-Tamaan man ako ng kidlat!"

"Hmm." Tumingin sya sa langit. Makulimlim.

"Totoo po! Maniwala po kayo sakin!"

"Ahahaha! Masyado kang seryoso Ms Perez. Nagbibiro lang ako. Alam ko naman na hindi mo yon magagawa dahil galing ka sa magandang eskwelahan. At nabalitaan ko pa na ikaw ang rank one."

"Naniniwala na po kayo sa'kin?"

"Oo. Hahaha! You know, you remind me of someone. Unang kita ko sa kanya nasa itaas din sya ng puno."

"Kayo rin po ba ang sumalo sa kanya nang mahulog sya?"

Nagulat sya. "Pano mo nalaman na nalaglag sya? Pero tama ka, katulad mo nasalo ko rin sya," ngumiti sya.

Kaka-intriga naman.

"Ah. Sino po ba sya?"

"My wife."

What? Akala ko binata si Sir?!

"Siguro maganda po sya."

"Yeah."

"Kung ganon sa susunod po gusto ko syang makita."

Biglang lumungkot ang mukha ni Sir. Tumingin sya sa langit at bumuntong hininga.

"Kung pwede lang," huminga sya ng malalim. "Iniwan nya na kasi ako eh."

"Po?" Iniwanan si Sir ng asawa nya?!

"Nagkaron na kasi sya ng mga pakpak. Nasa langit na sya ngayon."

Continue Reading

You'll Also Like

223K 9.1K 11
A short story that makes your heart beat fast and let you experience heartbreaks same as Mayumi Cabrera. Her name was Mayumi Cabrera, she has a deal...
106K 6.1K 20
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
758K 24.2K 78
Eight teens with different dreams in life will experience the test of their friendship. There is a deep love, which will bring pain to all and reven...