Silently In Love (Completed)

By kevayDREAMER

328K 5.7K 798

This story is about love and friendship of high school students. Ashley Shaine Santos----Since First year inl... More

Silently In Love
Chapter 1: Best Friends
Chapter 2: ang sakit. Sobra </3
Chapter 3: since then
Chapter 4: IceCream
Chapter 5: Torpe at Manhid
Chapter 6: Miss Him
Chapter 7: Ghost??
Chapter 8: lub.dub.lub.dub
Chapter 9: Destiny
Chapter 9.5 : Kismet
Chapter 10: Hindi na sana umasa
Chapter 11: beside him
Chapter12: Knight
Chapter 13 Cupid </3
Chapter 14: Weird
Chapter 15: If I cry a thousand tears
Chapter 16: aylabshoochu
Chapter 17: Just a kiss
Chapter17: Just a kiss:baby (PART TWO)
Chapter 18: Under the moonlight
Chapter 19: Inexplicable Feelings
Chapter 20: Last Question
Chapter 21: Give UP?
Chapter 22: Future GIRLFRIEND
Chapter 23: Curiosity Kills
Chapter 24: Okay lang ako
Chapter 25: One thing
Chapter 26: Bahala ka!
Chapter 27: Tired
Chapter 28: Hindi kita iiwan
Chapter 29: Princess and Knight
Chapter 30: His Ex
Chapter 30.5 His Reason
Chapter 31: So close
Chapter 32: Leaving
Chapter 33: Always be yours
Chapter 34: Knight?
Chapter 34.5: Step Yes/No!
Chapter 35: Misunderstood
Chapter 36: don't worry
Chapter 37: Pain
Chapter 39: I'll never go
Chapter 40: Like a Skyscraper
Chapter 41: December 16
Chapter 42: The Prince and the Knight
Chapter 43: The Prince and the Princess
Chapter 44: The Princess and the Knight
Chapter 45: You got me
PART2 SIL Chapter 46: Beginning
Chapter 47: Practice Game
Chapter 48: Student Teacher
Chapter 49: ST-Ashley
Chapter 50: I'm his GIRL
Chapter 51: GAME
Chapter 52: Fieldtrip
Chapter 53: Not a big deal
Chapter 54: Love Bite
Chapter 55: You and Him
Chapter 56: Their Secrets
Chapter 57: With him
Chapter 57.5 First
Chapter 58: Go back
Chapter 59: I exist
Chapter 60: He's back
Chapter 61: Video
Chapter 62: Pygmalion and Galatea
Chapter 63: Love me?
Chapter 64: Memories in the past
Chapter 65: Forever and always
Chapter 66: Heartache
Chapter 67: Please me
Chapter 68: Waiting
Chapter 69: Mine again
Chapter 70: Clingy
Chapter 71: Prom Night
Chapter 72: His Girl
Chapter 73: For real?
Chapter 74: Double Date
Chapter 75: Player
Chapter 76: Gift
Chapter 77: Dream
Chapter 78: Perfect
Chapter 79: Remember
Chapter 80: Task
Chapter 81: Decision
Chapter 82: Plan
Chapter 82: Again
Chapter 83: Do you love me?
Chapter 84: Still
Chapter 85: Three
Chapter 86: Say GoodNight
Chapter 87: Be your everything
Chapter 88: Say something
Chapter 89: End

Chapter 38: Christmas Ball

2.8K 52 15
By kevayDREAMER

Dedicated to her. @sweet_alcuez yiieeeee.. eto na! I hope magustuhan nyo. Thanks again for reading.. I appreciate your comments and messages. super katouch :”>>

THANK YOU PO SA LAHAT NG NAGREREAD NG SIL. LOVEYAHALL:**

I want to know your reactions about this chapter. Leave your comments dears! :”>>

Enjoy.! ^__^

----------------------------------------------------------------------------

"Ashley,pwede ba kitang maisayaw?"

 tinignan ko lang sya habang hinihintay yung kamay ko. Naiilang sya at halos hindi makatingin sa akin.

"Sorry, I'm not in the mood to dance.."

Iniwan ko na lang sya at bumalik sa table namin ni Khate.

Hayst. Ito na yung pinaghihirapan naming Christmas Ball. Mukha namang elegant kahit sa school lang ginanap. Nakasuot ako ng cocktail dress, na actually kanina lang namin binili dahil pabago-bago yung isip ko.

"Kawawa naman sila. ang dami ng nagyayaya sayo,bakit tinatanggihan mo?"

"hindi ko lang feel makipasayaw ngayon" umupo na ako sa tabi ni Khate.

Tama sya. Marami ng nagyayang makipagsayaw kahit na kararating ko lang. As usual, late na naman ako. Sa totoo lang, kung hindi dahil kay Khate hindi ako aattend. Naisip ko kasi baka wala syang kasama. Ako lang naman ang kaibigan nya. As far as I know.

"ehemmm.."

napalingon kami ni Khate sa lalaking nakatayo sa gilid namin. He wears  blue long sleeves inside his black chaleco. Mga porma talaga nito...pangchix. Tss.

Tinaasan ko sya ng kilay habang mataray na tinitignan.

"ahmm...a-ano... Wag mo nga akong tignan ng ganyan Ash!"

"Psh. What do you want?"

para naman syang nahihiya na ewan na parang najejebs. Tss.

"Pwede ko bang yayain si Khate sumayaw?"

Tinignan ko si Khate, parang nagulat pa sya sa sinabi ni Carlo. Lumuhod si Carlo sa harap nya at inilahad yung kamay nito.

"May I have a dance with you?"

Tumingin sakin si Khate like asking if ok lang ba. I smiled at her. Alam ko namang gusto nya kanina pangsumayaw.

"wag mong aapakan yung paa ni Khate..kapag ginawa mo yun,humanda ka sakin."

"Ako pa! Dancer kaya toh..at hindi ko naman sya hahayaang masaktan"

Parang double meaning ang sinabi nya..

Narinig ko narin yun, pero ganun parin...nasaktan parin ako . Alam ko lahat naman nasasaktan kapag nagmamahal...pero sana wag nyang paasahin pa si Khate kung hindi rin naman nya kayang saluhin.

"sinabi mo yan ah.."

 I trust you..

Sana seryosohin mo siya ngayon.. I'll give this  chance para makapag-usap na kayo ng maayos.

"Pero Ashley..."

"ok lang ako dito.. don't worry.. go on!"

She smiled back at me. I'm happy for Khate. I'm happy for both of them..

Kinuha ko yung baso ko at iinom sana ng mapansing wala na palang laman. Tumayo ako at kumuha ng maiinom..

Tinignan ko yung paligid. Lahat sila masayang sumasayaw. May iba't ibang kasama, makakagrupo man o hindi, lahat sila masaya ngayon. Samantalang ako, eto... nag-iisa. Parang hindi kabilang sa mundong ginagalawan nila. Napahinga ako ng malalim. Tumalikod na ako at lumabas ng gym.

Kahit sabihin ni Mhie na ieenjoy ko lang ang araw na ito at kalimutan siya, mahirap parin para sa aking gawin. lalo na kanina ng makita ko siya.. Nakawhite suit siya at bagay na bagay sakanya yung damit nya. Pati ang pagkakaayos ng buhok nya. Iniwasan kong magkatinginan kami or makita man lang nya ako. sana katulad nalang dati.. walang pakielamanan....

Tahimik... walang tao.. dito ako nararapat. Yung walang nakakita sa akin, walang nakakapansin.. walang nakakaalam sa nararamdaman ko ngayon.

Naglalakad lakad ako ngayon hanggang sa mapunta ako sa lugar kung saan nag-simula ang lahat....

Sa bench.

Naaalala ko yung lahat, yung court kung saan siya naglalaro habang ako nakaupo lang dito at tinatanaw siya...dito rin yung unang beses ko siyang nakausap ng matagal.. yung tinanong nya ako kung pwede bang manligaw..yung every lunch or may free time dito kami madalas tumambay kasama ng iba...nung birthday ko ito rin ang pinili nyang place.. Ang lugar na ito ang naging saksi kung paano ako naging masaya.. nakaramdam ng bagong pagmamahal.. naranasan yung feeling na mainlove.. at heto ako ngayon, lumuluha dahil sa taong mahal ko... sa lalaking pinaasa lang ako.

"Dito nalang tayo..

"Wag dito mamaya may makakita pa sa atin!"

"tss. hindi yan!"

naaninag ko yung apat na lalaking papalapit. Hindi siguro nila napansing andito ako.

Pinunasan ko agad yung luha ko at tumayo para lapitan sila.

"Hoy! anong gagawin nyo!?!"

"Sht! may tao!"

"Si...si... A-Ashley yan.. yung Vice President!"

"malalagot tayo pre! nangbugbog yan eh!"

"Tungek ka ba! Babae yan, apat tayo!

nak ng tipaklong yan. parang hindi ko naririnig sinasabi nila. Psh..

"Excuse me.. pakilakasan nyo pa.. hindi ko naririnig eh!"

naglakad pa ako para makita sila.. pero napahinto ako ng makita kung ano yung hawak nila…….

*******

VINCE's POV

"Pag-isipan nyong mabuti. maganda ang opportunity na ito sa inyo.. kung ako sa inyo iggrab ko na. Minsan lang yan at bibihira ang nakakatanggap."

"sige po Sir, pag-iisipan po namin"

"sige, coach!"

Nagpaalam na kami at bumaba na agad. Nagkakasiyahan yung lahat. Nakakabingi na nga yung tugtog, sobrang dami pa ng tao. Hindi ko alam kung na saan siya ngayon.

Psh. badtrip! Kung tutuusin wala naman talaga akong balak  pumunta kung hindi lang dahil sakanya. Tumawag pa sa akin si Tita kagabi para lang sabihing tignan tignan ko si Ashley. Alam narin nyang hindi kami nag-uusp, matagal narin naman din nilang alam na hindi lang bestfriend tingin ko kay Ashley. Pero ako lang daw talaga kilala nilang magbabantay kay Ashley.. mag-aalaga ngayon. Pero asan na nga ba siya? Pinatingin ko siya kay Lawrence sandali dahil bigla kaming tinawag ni Sir Edward...wrong timing naman..! psh. Pwede namang next time nalang nya sabihin, hindi rin naman ako interesado. 

Asan na ba si Lawrence?! tokwa yun! psh.

"Vince, Tol...yung kay Ashley.. Tulungan mo naman akong makausap man lang sya"

"Alam mo yung ugali nya, wala akong magagawa dyan."

"Please Vince, ayokong mawala sya sa akin...."

"diba may usapan tayo na wag mo syang sasaktan?"

"Alam ko yun, pero yung nangyari hindi ko sinasadya..hindi ko alam na gagawin  yun ni Trish...alam mong sya lang ang mahal ko.."

"Pero sinaktan mo parin.."

Tinignan ko sya. Napayuko sya sa sinabi ko. Sinabihan ko na sya nung una palang na wag nyang sasaktan si Ashley. Kapag ginawa nya yun hindi ko na hahayaang mapalapit pa si Ashley sakanya....

Pero maski ako, hindi ko alam kung paano ko sya lalapitan. Kelangan nya ako ngayon, pero natatakot ako....baka masaktan lang ako sa posibleng mangyari... Pwedeng maging rebound ako o isipin nyang sinasamantala ko yung sitwasyon.

Nung nalaman ko yung nangyari sakanila, hindi ko napigilan yung sarili ko kaya nasuntok ko si Daniel.Hindi naman sya lumaban dahil alam nyang kasalanan nya..

Alam ko namang seryoso sya kay Ashley, pero ibang usapan na kapag sinaktan nya.

"Bigyan mo pa sana ako ng pagkakataon para iparamdam sakanyang mahal ko sya"

nanatili syang nakayuko habang sinasabi yun. Alam kong nasasaktan din sya ngayon. Alam kong mahirap para sa kanyang mawala ng basta-basta lang ang matagal nyang hinintay na pagkakataon.

Pero, paano naman ako? Hanggang kelan ko kayang makitang magkasama sila ng babaeng mahal ko!? Paano kapag nasaktan nya ulit si Ashley?.....Ang gusto ko lang naman ay protektahan sya.

"VINCENT!... Huh!..k-kanina pa kita hinahanap..huh..huh.!" napalingon kami kay Lawrence. Hingal na hingal ito.

"Oh?kanina pa rin kita hinahanap. Nasan si Ashley?"

"Si Ashley.....huh...si Ash....nasa may court...lasing na lasing!"

**** Agad kaming pumunta sa may court kung saan mismo nakita ni Lawrence si Ashley. Nakasalubong pa nga namin sila Khate at Carlo na hinahanap din pala si Ashley. Sandali lang naman daw nung iwan nila si Ash, pero nawala na daw nung pagpunta nila sa may table. Putcha naman talaga! Ano na naman bang pumasok sa kokote ng babaeng yun?!

"huy! Penge pa nga ako chabi eh! Hik! Ang damot nyo!"

"Si Ashley yun diba?"

malayo palang narinig na namin agad yung boses nya. Mukhang lasing na lasing na nga sya. May kasama pa syang apat na lalaki na may hawak na bote ng alak.

"Ashley!!"

napalingon naman sila agad ng makita kami.

"Pre, lagot tayo. Tara na!"

Hinarangan namin sila bago makatakas. Hinablot ko yung kwelyo nung isa. Bakas yung takot sa mga mukha nila. Nabitawan pa nga yung nya yung bote.

"Anong ginawa nyo sakanya!?"

"w-wala...sabi nya patikim lang daw hanggang sa hindi na namin sya mapigilan.."

"natakot kami na baka isumbong nya kami kapag hindi namin sya napagbigyan"

"Nakng! Bakit ba kasi kayo nagdadala ng ganyan?! At sya pa talaga pinainom nyo?!Hindi naman yan umiinom! Putcha!"

susuntukin ko na sana sya kaso nga lang may biglang may humampas sa braso ko. Fck! Sakit!

"OY B! BAKIT ANG SHUNGIT MO?! Wag mo nga shilang pagalitan! Mga dabarkads ko yan! Hik!"

hindi ko alam kung matatawa ba ako o maaawa sa itsura nya. ASAR! Kampihan pa talaga yung mga tukmol! Psh. Kitang lasing na lasing na nga sya. Nakaalalay lang sakanya sila Khate at Carlo para hindi tumumba.

"Psh.umalis na nga kayo bago pa ako mabadtrip sa inyo."

Binitawan ko na sya at agad naman silang tumakbo. Psh. Alam na ngang bawal uminom, magdadala pa. Hina ng mga kokote. Sarap gulpihin!

"hihi! Tinakot mo shila.. Hik! Kawawa naman..hik! BABAYOO FRIENCHDS! Hik! SHALAMAT!!"

"Lasing ka na Ash...Isuot mo nga ito at iiuwin na kita"

Sinuot ko sakanya yung coat ko at hinawakan yung kamay nya pero nagpumiglas lang sya.

"hindi....Ako...lashing...understand? At ayoko pang-umuwi. Nag-eenjoy pa nga yung tao, KJ nito!"

"psh.Bakit ka ba uminom?! Alam mo namang hindi mo pa yan kaya!"

Inalalayan ko sila Carlo para paupuin sya pero ang kulit lang talaga! Pilit tumayo para ipoke lang yung noo. Psh.

"Bakit ang shungit shungit mo kahit kelan?! Hik! Ngayon nga lang tayo nag-ushap pagagalitan pa! Hik!"

"psh.tigilan mo nga yan!"

"Ashley,maupo ka muna.lasing ka na"

"KHATE!!! andyan ka pala!"

bigla nyang niyakap si Khate. Muntik pa nga silang maout of balance buti nalang naalalayan agad ni Carlo.

"Khatelyn! Hik! Alam mo ba mashaya ako at nakilala ko ang ishang kyot na japayuki! Hihi! Mashaya akong naging kaibigan kita...shana hindi mo ko iwan.."

"Ganun din ako Ashley. Thank you dahil naging kaibigan kita. Hindi kita iiwan."

"Promishhe?hik!"

"Oo naman. Ikaw ang kauna-unahang naging kaibigan ko ngayong high school. Thank you..dahil naging memorable ang high school life ko dahil sayo, Ashley"

"Sana hindi mo ko iwan tulad nila...."

Sa sinabi nyang yun kay Khate, parang gusto ko syamg yakapin ngayon at magsorry sa ginawa ko.

Gusto ko syang protektahan..Gusto ko maging masaya sya..ayoko syang masaktan...ayokong pahirapan pa ang sarili ko kaya nagawa kong iwan sya.

Walang araw na hindi ko sya inisip. Walang araw na hindi ko pinag-sisihan na sana hindi nalang ako nagtapat. Maling minahal ko ang bestfriend ko. Sana noon palang pinigilan ko ang nararamdan ko sakanya. Para sana hindi sya nasasaktan ngayon.

"Shimula ngayon, bestfriend na kita! Number 1 rule natin.. Walang iwanan! Ok? Ha-haha! Dahil hindi ko alam kung makakaya kong mawala pa ang nag-iisa kong kaibigan...Iniwan na nila akong lahat...wag mo kong iiwan ah...please..wag..."

Nagsimula na syang umiyak. Napaupo sya sa may damuhan at ipinangtakip yung mga kamay sa mukha nya.

Nasasaktan akong makita syang ganito. Parang lahat ng sinasabi nya ay patama sa akin...sa amin ni Daniel.

Bakit ko nga ba sya nagawang iwan, sa panahong mas kelangan nya ang kaibigan?

"Ashley, hindi kita iiwan. Andito lang ako...Sshh.. Wag ka ng umiyak..naiiyak na ako nyan eh!" niyakap sya ni Khate habang patuloy lang sya sa pag-iyak. Umupo rin si Carlo at hinaplos ang likod nito.

"Ash, andito rin naman ako. Kaibigan mo rin ako kahit lagi mo kong inaaway."

wala akong magawa. Nakatayo lang ako habang pinagmamasdan sila.

Bakit hindi ko man lang sya madamayan ngayon? Bakit hindi ko man lang masabi na andito ako sakanya.?

Pinunasan nya yung mga luha nya at humarap kay Carlo.

"Carlo? Andito ka rin palang babaero ka! Hihi! Langya ka! Wag mong shashaktan yung bestfriend ko ah! Kapag ginawa mo yun, lagot ka sa akin!"

"Aray! Bakit kelangang may hampas pa?! Hindi ko naman gagawin yun. Behave na kaya ako.. Loyal toh pre!"

"Talaga lang ha? Baka pareho lang kayo ni...." natigilan sya sa sasabihin nya. Napatingin ako kay Daniel na nasa gilid ko lang. Nakayuko at hindi magawang tignan si Ashley.

Ano kaya ang nararamdaman nya ngayon? Pareho lang siguro kaming nasasaktan...lalo na't alam naming may kasalanan kami kung bakit nagkakaganyan ngayon si Ashley..

Hindi ko naman akalaing seseryosohin ni Trish ang sinabing nyang kukunin nya ang lahat kay Ashley at ipaparamdam lahat ng sakit na naranasan nya.

sana pala hindi ko nalang sya iniwan. Sana mas lalo ko syang prinotektahan. Napakat@nga ko para isiping hindi sya masasaktan kapag lumayo ako sakanya...

Sobra syang nasasaktan...parang lahat nawala sakanya...lahat iniwan sya..Isa na ako dun.

"Ashley,tara na" Inalalayan ko syang tumayo. Muli nyang pinunasan yung pisngi nya at tumingin sa akin. Parang tinitignan nya ako ng mabuti.

[[PLAY SONG if u want: Kung ako ba sya by Khalil Ramos. Hihi. Kras ko yan eh :''> ]]

"Hatid na kita Ash"

nagulat ako ng bigla nalang nya akong yakapin. Hindi ko mapaliwanag yung nararamdaman ko pero namiss ko sya...namiss ko ito. Yung pagyakap at pag-iyak nya sa akin.

Hindi ko alam kung paano ko nagawang iwan itong babaeng mahal ko.

Niyakap ko sya ng mahigpit.

Akala ko hindi ko na magagawang yakapin pa sya ng ganito.. Akala ko hindi ko na magagawang haplusin ang buhok nya.. Akala ko magagawa kong kalimutan ang nararamdaman ko sakanya.

"B....Alam mo bang miss na miss na kita? Siraulo ka kasi! Bakit kelangan mo pa kasi akong layuan?! Alam mo namang hindi ko kayang mapalayo sayo.."

Hindi na Ashley..Hindi na kita iiwan pa.

"B..Diba sabi mo mahal mo ko?"

tumingala pa sya para matignan ako. Patuloy sa pagluha ng mga mata nya. Kitang kita mong hirap na hirap na sya.Ayoko syang makitang ganito. Parang sumisikip ang dibdib ko.

Hindi ako sumagot. Nanatili lang akong nakatingin sakanya.

"B...pwede bang mahalin mo lang ako?Gusto ko syang kalimutan at mahalin ka Vince!"

niyakap nya ako muli. Hindi ko akalaing sasabihin nya yun. Gusto nyang kalimutan si Daniel at mahalin ako.....bakit ng marinig ko yun, imbis matuwa lalo pa akong nasaktan.?

Hindi ba ito ang pagkakataong hinihintay ko? Pero bakit ang sakit?

"Bakit kasi sya pa! Kung pwede namang ikaw Vince!. Ikaw nalang kasi!...sana ikaw nalang, B.."

Yan din lagi kong tanong. Bakit sya, kung pwede naman ako na laging nasa tabi mo? Bakit hindi mo ko magawang mahalin,Ashley?

Napatingin ako kay Daniel at tinignan si Ashley...

Kung ako ba sya, mamahalin mo kaya ako Ashley?

Humiwalay ako sa pagkakayakap sakanya. Hinaplos ko yung mukha nya at pinunasan yung luha nya.

"Sira na yung make-up mo"

ngumiti ako kahit masakit..kahit mahirap. Inayos ko yung buhok nya, tulad ng ginagawa ko noon.

Hindi ko alam kung anong isasagot sayo,Ashley... Dahil mismong ako nagtatanong kung bakit hindi nalang ako...

"andito lang ako lagi sa tabi mo...hindi na kita iiwan.."

"Promise?"

"oo.Pero kelangang iuwi na muna kita dahil lagot ako sa mommy mo."

ngumiti sya sa akin at tumango.

Inalalayan namin sya ni Khate sa paglalakad. Nakapikit na at pagewanggewang kung maglakad. Psh. Gusto ko na nga syang buhatin para mabilis pero ayaw nya. Hindi daw sya lasing. Tigas ng ulo!

"Vince..pre!Huh..eto tubig...buti nalang naabutan ko pa kayo"

"Salamat pre.. B, uminom ka muna"

Bahagya nyang dinilat yung mga mata nya at kinuha yung tubig.

B na tawag ko sakanya ulit. Nagtatampo bakit daw hindi ko na sya tinatawag na B. Psh. Hindi pala dapat nalalasing toh. Lalong nagiging matampuhing isip bata.

Parang naging baby-sitter tuloy ako. Asar!

"Thank you. Uwi na tayo. Inaantok na ako"

"Sige. Una na kami pre, salamat, instant exercise yan! Carlo hatid mo si Khate sa BAHAY nila.."

"L*l! Tingin mo sa kin?!"

"uy,ok lang ako. Ingat kayo! Itext mo nalang kami kapag nakauwi na kayo Vince"

"Sige, bye. Ingat din kayo.. Tara na Daniel, hatid na natin si Ash."

"D-Daniel?"

napatingin kami kay Ashley.Mukhang ngayon lang nya napansing nandito si Daniel.

"Bakit sya nandito?"

nagkatinginan lang kami. Alam kong mahiqap ito para kay Daniel. Pero ito na yung pagkakataong hinihingi nya sa akin...

Isinakay ko na si Ashley habang patuloy nya akong tinatanong kung bakit andito si Daniel.

"tol, pakialalayan si Ashley.."

"Ako na magddrive.."

"Akin yung kotse kaya ako magddrive"

"Pero tol..."

"this is your last chance..don't loose it again.."

tinapik ko yung balikat nya. Nagdadalawang-isip pa sya pero hindi ko na hinintay pa yung sasabihin nya. Pumunta na ako sa harap at sumakay.

Sana tama itong ginagawa ko...Dahil ito lang ang alam kong paraan para hindi na sya magkaganyan...alam kong mas kelangan mo sya,kaysa sa akin.

Sumakay narim si Daniel. Tinignan ko si Ashley at nakasimangot ito. Umupo pa sya sa pinakasulok, sa may bintana.

"anong ginagawa mo dito?!"

"Ashley..."

"ayoko kitang makita diba?! B! Pababain mo nga sya dito! O kaya lilipat ako dyan!"

umiling lang ako at inistart yung kotse. Sorry Ash...para sayo rin ito.

"Joshua Vincent Lenmark Garcia! Wag mo nga akong itabi sa panget na toh! Dyan na lang ako sa harap!"

"Ash..."

"Lumayo ka sakin..wag mo nga akong lalapitan!... Tabi! ...Alis ka!...."

naririnig kong sigaw ni Ash.. Galit na galit sya kay Daniel. Sobra syang nasaktan sa nakita nya, para kamuhian nalang nya ng ganito si Daniel.

"Ashley..makinig ka sakin..please!"

"La..la..la...makinig your face! go away!"

"Ashley, I'm really really sorry.. Sori na...sorry.. Sorry..."

"SORRY SORRY?! Mali tono mo.! Dapat Sorry Sorry Sorry Sorry

Naega naega naega meonjeo…."

muntik pa akong matawa. Pucha. Lasing na nga talaga. Nagawa mamilosopo at kumanta. Last na yan Ashley, hindi ka na talaga dapat pinapainom. Asar! Parang ewan na baliw!

"Ashley...I love you...please.. Forgive me...give me another chance.."

"Tama na Daniel! Ayoko ng marinig pa yang sasabihin mo! Nakakasawa na! Paulit-ulit nalang! Nasasaktan na ako..."

tinignan ko sila sa may salamin. Umiiyak na naman sya habang patuloy nyang hinahampas sa dibdib si Daniel.

Naaawa ako kay Daniel, alam ko kung gaano kabigat yung kamay ng babaeng yan...sunud-sunod pa ang hampas nya pero walang nagawa si Daniel. Nanatili lang syang nakayuko habang sinasalo yung bawat hampas ni Ashley.

Nagpatuloy lang ako sa pagmamaneho. DMN! SHT! naiinis ako sa sarili ko! Wala akong magawa kundi pakinggan lang si Ashley na umiiyak,,pucha! Ito ba yung sinasabi kong proprotektahan sya?! T***a!

"I HATE YOU! I HATE YOU! I HATE YOU SO MUCH!............Please..tama na Daniel...masakit na. Ang sakit sakit mo ng mahalin..."

hindi kumikibo si Daniel. Boses lang ni Ashley ang naririnig. Paulit ulit nyang sinasabing masakit na.

Napansin kong biglang tumahimik si Ashley. Baka nakatulog na sya kakaiyak.

Tumingin ako ulit sa salamin habang nakastop light pa...

Pero agad ko ding binawi ang tingin ko....

Humihigpit ang hawak ko sa manibela. Siguro nga, game over na para sa akin... Sana nga lang wag mo ng sasaktan ulit ang bestfriend ko, Daniel.

Hinintay kong maging berde yung ilaw at pinaandar na muli yung sasakyan.

Sana kasi hindi nalang nagred yung ilaw....

Sana hindi ako huminto....

Sana pala hindi na lang ako tumingin...

Para hindi ko nalang sana nakitang hinahalikan ni Daniel si Ashley........

VOTE.COMMENT. FOLLOW.

Leave your comments dears! :”>>

Anong masasabi nyo? Dali. I need to know. Sa mga wala pong wattpad you may drop a message in my fb account. ----> Ceasy Sheen

Thank you so much. ^______^

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 49.4K 62
In the universe there are only two worlds that the person can call home, one is for the good and one is for the bad. It is really a good thing when y...
10.9M 491K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...
273K 10.4K 30
After the bumping incident between the bad boy and the nerd at the convenience store, the simple, plain, and quiet life of the four-eyed "nerd" named...