Talk Back and You're Dead!

By Alesana_Marie

9.5M 142K 28.7K

Simple lang naman ang gusto ni Samantha sa buhay, ang maka-graduate na may highest honors at talunin ang kari... More

Author's Note
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-Four
Chapter Forty-Five
Chapter Forty-Six
Chapter Forty-Seven
Chapter Forty-Eight
Chapter Forty-Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty-One
Chapter Fifty-Two
Chapter Fifty-Three
Chapter Fifty-Four
Chapter Fifty-Five
Chapter Fifty-Six
TIMOTHY'S JOURNAL
BOOK 2: NTBG

Chapter Twenty

181K 3.1K 568
By Alesana_Marie

Chapter Twenty

"Ugh!" Grabe ang sakit ng puson ko! Para akong sinasaksak ng paulit-ulit Magkakameron na yata ako! "I'm... dying..." Ang sakit talaga! Naglagay ako ng pressure sa puson ko para mawala kahit papano pero walang epekto.

Ipinatong ko ang ulo ko sa desk. Nasa school ako. Bakit ba kasi pumasok pa ako ngayon? Oo nga pala, dahil sa gwapong lalaking nakaupo sa tabi ko. Pero wala pa kasi yung sakit kanina bago ako pumasok. At hindi ko alam na magkakaron ako ngayon kaya wala akong dalang napkin. Wala pa yung instructor namin sa History kaya pwede pa akong lumabas ng room.

"San ka pupunta?" tanong ni TOP ng tumayo ako

"CR."

Tumayo din si TOP. Mukhang susunod sya sa'kin. Kahit ayoko, pinabayaan ko nalang. Ayoko kasing magsalita. Ang sakit talaga. Napansin siguro ni TOP na wala ako sa mood kaya nagtanong sya.

"Why so quiet?"

"Hmm..." Lakad lang. Straight. Lakad.

"What's wrong?"

Kaunti nalang Sam, malapit ka na sa restroom. Lakad. Teka nahihilo ako. Parang masusuka yata ako.

"Are you trying to ignore me?"

Left foot forward then right naman. Kaya mo yan!

"Shit! Why are you ignoring me?!"

Lakad Sam, hwag masyadong mabilis baka magka-stain ka.

"Did I do something wrong again?"

Lakad. Lakad. Ouch! Ang sakit talaga! Sucks to be a girl!

"Say something Miracle!"

Bakit ba kailangan pang maranasan ng mga babae ang ganitong klase ng paghihirap?

"Fine, be like that!"

Tapos ang mga lalaki naman puro pasarap! Walang problema.

"Galit ka ba? Pinsan ko talaga sya!"

Hindi nila problema ang magkaron ng monthly period.

"Hindi mo ba talaga ako kakausapin?"

Hindi rin nila problema ang panganganak. Unfair!

"Ah shit! Miracle! Talk to me."

"Ugh," Umupo muna ako kahit nasa gitna kami ng hallway. Hindi ko na talaga kaya, ang sakit na talaga!

"Ano ba talaga ang problema?" umupo si TOP sa harap ko.

"Wala!" At napaka-clueless ng mga lalaki. Manhid!

"Ano'ng wala?" bigla nyang nilagay ang kamay nya sa noo ko. "Wala ka naman sakit. May masakit ba sa'yo? Sabihin mo para may magawa ako!"

Pinagtitinginan kami sa hallway. Kapag hindi ko pa sinabi sa kanya sigurado susumpungin na naman sya ng Gangsterism nya. Yon ang tawag ko sa sakit nya.

"Eh kasi..." bulong ko.

"Ano?" naiinis na tanong nya pero sa kabila non nahimigan ko ang pag-aalala sa boses nya.

"Lumapit ka."

Tumaas yung isang kilay nya pero lumapit sya sa'kin. Binulong ko sa kanya yung sitwasyon ko. Nang matapos na, kitang kita ko yung pamumula ng mukha nya. Kasalanan mo yan. Nagtanong ka kasi.

"Oh." Napahawak sya sa batok nya.

Pft! 'Oh' lang ang nasabi nya. Nahihiya sya. Ouch! Ang sakit parin, pero kahit papano nabawasan na. Eh kasi naman si TOP masyadong gwapo. Nakaka-distract ang kagwapuhan ni TOP kahit sa sakit.

"T-Teka! Hwag Timothy!" bigla nya akong binuhat, bridal style.

"Bakit?" clueless na tanong nya.

"Naka-skirt ako! Gusto mo bang makita ng lahat ang underwear ko?"

"Shit!" ibinaba nya ulit ako.

"Okay lang ako, kailangan ko lang pumunta sa restroom," parang mas sumakit yung puson ko.

"Don't lie to me Miracle. I can see that you're not okay," tinanggal nya yung blazer nya at itinali ang magkabilang sleeves paikot sa waist ko.

Binuhat nya na ulit ako at pumunta kami sa ladies room.

"TOP, hindi ka pwedeng pumasok."

"Why?"

"Pambabae lang 'to."

"I don't give a f*ck," matigas na sabi nya habang magkasalubong ang dalawang kilay.

"Basta," nasa tapat na kami ng pinto ng restroom. "Ako na lang ang papasok sa loob."

"Are you sure you can do this alone?" yung way ng pagtatanong nya parang three years old na bata ang kinakausap nya.

Tumango ako. Pinatayo na nya ako at pumasok ako sa loob. Dumiretso ako sa pinakadulong cubicle at ni-lock ang pinto. Haay grabe. Teka! Wala nga pala akong napkin! Ano'ng gagamitin ko?!

"Wifey!" may kumatok sa pinto ko.

"Ah! TOP sinabi ko na hwag kang pumasok!"

"I can't just stand there and do nothing. Do you need some help? Do you have a—a what do you call that thing you put on your panty? Shit."

Pinipigilan kong matawa nang marealize ko kung ano yung tinatanong nya. Sinabi nya yung word na panty. Natatawa ako. ^^

"Wala akong dala."

"You don't have any? What brand do you use?"

"Ibibili mo ba ako?" tumawa ako.

"Just wait for me here okay Miracle? You hear me? Wifey?"

"Oo!" Hindi ba obvious na hindi ako pwedeng umalis dito kahit gustuhin ko pa?

"Wait for me and don't open this door!" at narinig ko na bumukas at sumara ang pinto.

***

Stranded parin ako sa cubicle at nag-iimagine ng mga gangster looking na biik na nakasakay sa isang motorbike. Nasaan na kaya si TOP? Bumibili parin kaya sya ng napkin? Ano kayang brand ang pinili nya? Sana hwag yung large ang bilhin nya, ayoko nun eh. Ano kayang hitsura ni TOP habang bumibili ng napkin? Kahit papano naaawa ako sa kanya. Ginagawa nya iyon para sa'kin. Ang sama ko! Ang pride nya, ang reputation nya at ang pangalan nya, kapag nakita sya ng isa sa mga nakakakilala sa kanya habang bumibili ng napkin. Naiimagine ko na ngayon ang kahihiyan nya habang nasa feminine hygene section sya ng isang store. Sorry Hubby!

"Wifey?!" sigaw ni TOP.

"Waah! Hubby!" bumalik na sya.

"Nabili ko na, kunin mo sa ilalim," may narinig akong ingay ng plastic at pumasok mula sa ilalim ng pinto ng cubicle ang plastic bag.

"Ehh..." halos lumuwa ang mata ko sa nakita ko. Nasa isang malaking grocery plastic bag ang iba't ibang brand ng napkins. Mukhang binili nya lahat ng klase. Isa lang naman ang kailangan ko eh. TOP talaga.

Kumuha ako ng isa sa mga nasa plastic at binuksan para kumuha ng isang pad. Ginamit ko kaagad.

"Hindi ko alam kung ano'ng brand ang ginagamit mo kaya kinuha ko nalang lahat," sabi ni TOP mula sa labas na nag-aalala parin. "Pwede na ba 'yan?"

"Yeah! Thanks!" inayos ko na ang skirt ko.

"Gusto kong pumasok, buksan mo!"

"Huh? Hwag na!"

"Open the door Wifey!"

"Hwag na kasing makulit TOP okay lang ako," finlush ko yung toilet bowl hanggang sa mawala yung kulay red sa tubig.

"Sumasakit parin ba?"

"H-Hindi na masyado."

"You're lying again, open this door!" kinalampag nya yung pinto.

Mukhang malapit nang bumigay yung pinto. Binuksan ko na.

"Woah!" nagulat ako ng bigla nya akong yakapin nang mahigpit.

"Retard. Kung nasasaktan ka, sabihin mo agad sa'kin."

"Pero okay lang talaga ako. Sanay na ako sa sakit. Kung nakaya ko dati syempre walang ipinagkaiba ngayon."

"Iba dati, iba ngayon. Nandito na ako kaya hindi mo na kailangan pang solohin ang sakit na nararamdaman mo."

***

"TOP."

"Yes Miracle?" lumapit sya at umupo sa hospital bed kung saan ako nakahiga.

Dinala nya ako dito sa clinic. Pinilit ang tamang word. Ayoko sa lugar na pure white. Binigyan naman ako ng pain reliever ng nurse kaya nga lang may side effect yung gamot, inaantok ako.

"Dito ka lang." Hinawakan ko yung kamay nya.

"Of course." Umupo sya sa silya sa tabi ng kama na hinihigaan ko.

"Hubby."

"Yeah?"

"Naaalala mo pa ba nung magkita tayo sa mall dati? Yung unang beses tayong magkita?"

"Oo."

"Ano'ng unang tingin mo sa'kin? First impression?"

Nag-isip sya saglit. Binabalikan nya siguro yung mga pangyayari dati.

"Lunatic."

"Hahahaha!" tumawa ako.

"Ikaw?"

"Nanghinayang ako sayo."

"Nanghinayang?"

"Yep! Kasi," napakagat labi ako at ngumiti.

"Mm?"

"Ang gwapo mo kasi kaso sayang manloloko ka pala," tumawa ako.

Tumawa din sya at mahinang pinitik ang noo ko bago nya halikan. May bigla akong naalala kaya napatigil ako sa pagtawa.

"Nasabi ko na ba na.."

"Hmm?"

"Sorry sa ginawa ko sa'yo ha. Hindi ko naman kasi alam na pinagtripan ka lang pala nila Michie. Sorry ha. Masakit ba yung sampal ko sa'yo dati?"

"Yeah, a red handprint was etched on my face that day," he frowned and unconsciously touched his left cheek.

"Sorry, gusto mo ng gamot?"

"No thank you, matagal na 'yon."

"Pero ibang gamot ang ibibigay ko sa'yo," umupo ako sa kama at lumapit sa kanya.

"Kung may gamot ka palang dala, bakit hindi mo ininom kanina nung—" naputol ang sinasabi nya ng halikan ko sya sa left cheek nya.

"Kisspirin!" niyakap ko sya ng mahigpit. "At yakapsule!"

Hindi sya gumalaw nung una, mukhang na-shock, but eventually niyakap din nya ako at tumawa sya.

"These are the only medicines I want to take every hour."

"Baka ma-overdose ka?"

"Nah! I'm sure I won't," he said, chuckling.

Humiga na ulit ako sa kama. Nakatingin lang ako sa mukha nya habang unti-unting tumatalab ang gamot sa akin. Nakatulog ako. Hindi ko alam kung kailan ako nakatulog. May napanaginipan ako, mga lumilipad na itim na biik na may pink na ilong. Weird. Nagising ako sa pakiramdam na may nakatingin sa akin.

"Miracle, you're awake," sabi ni Timothy habang nakatingin sa akin.

"Timothy," bumangon ako at umupo sa kama. Nag-inat ako.

"Ang tagal mo natulog, tayo nalang ang nandito sa school."

"Ano? Bakit hindi mo ako ginising?" tumayo ako sa kama at tumingin sa orasan sa dingding.

"Ginigising kita kanina," may guilty look ang mukha ni TOP.

"Ano?" nakatingin sa kanya na tanong ko. Inayos ko ang buhok ko.

"Ang hirap mong gisingin," umiwas sya ng tingin.

"Pano mo ba ako ginising? Baka naman binulungan mo lang ako na gumising na ako?"

Hindi nya ako pinansin. Ayaw nya akong tingnan sa mukha. Pasulyap-sulyap lang sya sa'kin at may guilty look ang mukha nya. Bakit? Don't tell me may drawing ako sa mukha?!

"AAAHH! TOP DON'T TELL ME NILAGYAN MO NG DRAWING ANG MUKHA KO?!"

"No, why would I do that?"

"Buti naman," nakahinga ako ng maluwag. "Kung ganon bakit hindi ka makatingin sa'kin ng diretso? At bakit may guilty look sa mukha mo?"

"Hindi ko alam ang sinasabi mo. Hihintayin nalang kita sa labas," at nagmadali syang lumabas ng clinic. Para syang nakakita ng multo.

"Hmm? Multo?" mabilis akong lumingon sa likod ko, wala naman. Eeeeh! TOP naman, nananakot!

Palabas na sana ako ng clinic ng makakita ako ng salamin. At nakita ko sa salamin ang repleksyon ko. Nanlaki ang mga mata ko.

"AAAAHHHHGGH!! TOOOP!!" tumakbo ako sa labas ng clinic.

Nanlalaki yung mga mata ni TOP sa'kin. At mas bakas na ngayon ang guilty look sa mukha nya.

"ANO'NG GINAWA MO?!! BAKIT GANITO 'TO?!!" tinuro ko yung labi ko, sobrang pula. Mukha akong kumain ng super spicy noodles.

"Bakit ganyan ang alin?"

"Hwag ka nang magkunwari na walang alam TOP! Ano'ng nangyari habang tulog ako huh?!"

"I don't know."

"Liar! Kapag hindi ka sumagot kakagatin kita! As in! Yung masakit na kagat!"

"Here," inabot nya sakin yung braso nya. "Kagatin mo na."

Tinitigan ko lang sya. Ano ba yung nangyari at ayaw nyang sabihin? May napansin ako, ang pula din ng labi nya. Ehhh? Matagal kong tinitigan si TOP. Ayaw nya talagang sabihin ha?

"Fine then, no kiss!"

"What?"

"No kiss! No good night kiss for you later! Iuwi mo na ako, tara na, bilis! Chop chop!" tumalikod na ako at naunang naglakad.

Nakakatawa yung mukha nya! Hahaha! Mukhang gumuho ang mundo nya. No kiss policy! Tama lang 'yon sa kanya! Matapos nya akong rape-in este hindi pala ako, yung labi ko lang. Hinawakan ko yung labi ko, swollen parin. Gaano naman kaya nya katagal ako hinalikan? At hindi man lang ako nagising? Kasalanan 'tong lahat ng gamot na 'yon!

Tahimik lang kami sa loob ng kotse nya. Nilingon ko sya, meron syang adorable sad face. Puppy face. And I swear malapit na syang mag-pout. Hindi ko pa yata sya nakikitang mag-pout!

Nakarating na kami sa tapat ng bahay namin. Okay, time to go! I unbuckled my seatbelt. Naramdaman ko syang nakatingin kaya hindi ko sya tinignan. Nang bubuksan ko na yung pinto pinigilan nya ako.

"Wifey," sabi nya sabay hila sa braso ko.

"Bakit Hubby?" I smiled oh so sweetly.

"I demand a kiss!" sabi nya na parang hari

"No."

"I'm your husband so I deserve a kiss!"

"Ayaw. Bleh!" tinignan ko lang yung nails ko.

"You're not obeying me Wifey"

"So?"

"Then I shall punish you."

"Ano naman yon?"

"A kiss," ngumiti sya.

"TOP you're not gonna get any from me so suck it up," lumabas ako ng kotse nya.

"Wifey!" tawag nya mula sa kotse.

"Good night TOP!" binuksan ko yung gate.

"F*ck it! Fine sasabihin ko na!" nasa tapat ko na sya. Bilis ah!

"Okay, explain," utos ko. Hindi ko akalain na maeenjoy ko ito.

"I kissed you. Okay? Just a kiss, so what?"

"Ano?!" galit na reak ko.

"Yeah I kissed you."

"Halik lang?" nakataas ang isang kilay na tanong ko.

"And I also touched your breasts."

What the heeeck!!!

"TIMOTHY ODELLE PENDLETON!!"

"Can I have my good night kiss now?"

"HINDEE!! MANIGAS KA DYAN!!"

Iniwan ko syang naguguluhan sa labas. 

Napatingin ako sa dibdib ko. WAAAH!! (;'༎ຶД༎ຶ')

Continue Reading

You'll Also Like

16M 74.7K 21
Available na po sa bookstores. NATIONWIDE. Grab your copy now! :) Price: P175.00 175 pages Taglish Psicom Publishing Book 1: Sadist Lover (published...
3.9K 259 23
Love and friendship story of six 4th year high school students from section Sampaguita.
1M 18K 32
Ang pangatlong libro sa SMITH TRILOGY! 1ST BOOK: My Facebook Boyfriend...For Real!? 2ND BOOK: STOP! In the name of LOVE... AMEN. REMINDER: STAND ALON...
758K 24.2K 78
Eight teens with different dreams in life will experience the test of their friendship. There is a deep love, which will bring pain to all and reven...