The Prophecy From Lower Realm

By arajanetp1

6.2K 1.2K 174

Si Kaizen ang batang maghahangad na maging malakas upang maprotektahan ang kanyang mga mahal sa buhay. Palagi... More

kabanata 1
kabanata 2
kabanata 3
kabanata 4
kabanata 5
kabanata 6
kabanata 7
kabanata 8
kabanata 9
kabanata 10
kabanata 11
kabanata 12
kabanata 13
kabanata 14
kabanata 15
kabanata 16
kabanata 17
kabanata 18
kabanata 19
kabanata 20
kabanata 21
kabanata 22
kabanata 23
kabanata 24
kabanata 25
kabanata 26
kabanata 27
kabanata 28
kabanata 29
kabanata 30
kabanata 31
kabanata 32
chapter 33
kabanata 34
kabanata 35
kabanata 36
kabanata 37
kabanata 38
kabanata 39
kabanata 40
kabanata 41
kabanata 42
kabanata 43
kabanata 44
kabanata 45
kabanata 46
kabanata 47
kabanata 48
kabanata 49
kabanata 50
kabanata 51
kabanata 53
kabanata 54
kabanata 55
kabanata 56
kabanata 57
kabanata 58
kabanata 59
kabanata 60
kabanata 61
kabanata 62
kabanata 63
kabanata 64
kabanata 65
kabanata 66
kabanata 67
kabanata 68

kabanata 52

90 17 5
By arajanetp1

Boom!
Boom!
Boom!

Sunod sunod na pagtira ni wayom sa batang si Kaizen. Pero hindi Niya ito matamaan. Sa bilis ni Kaizen ay halos di na niya ito makita. Nakakaramdam na siya ng pagkairita.

"Ahhhhh! Letsing bata ka! Pagnahuli lang talaga kita, lagot ka sa akin!"

Napangisi naman si Kaizen at tumugon. "Kung... mahuli mo ako" pang-aasar Niya pa rito.

Alam ni Kaizen ang kanyang sitwasyon, napansin niyang may kakaiba sa kapangyarihan ng lalaking Kanyang kalaban, ito ang unang beses na nakasaksi siya ng itim na kapangyarihan na parang Lason na kahit awra lang nito ay nagagawa nitong matuyo, malanta at tuluyang mamatay ang mga halaman, puno o kahit ang ilang mga maliliit na hayop o halimaw na natatamaan dahil sa paulit-ulit niyang pag-iwas sa kapangyarihan nito.

Biglang tumigil si wayom, at mayamaya pa ay maririnig ang paghalakhak nito.
"Ngayon naintindihan ko na!," napangisi ito at tumingin Kay Kaizen. "Hmm matalino ka bata, hindi mo nga naman kami kayang matapatan sa lakas ng aming kapangyarihan kaya ang ginagawa mo ay pagurin nalang kami at sairin ang aming mga enerhiya ng sa ganun ay magagawa mo na kaming matalo."

Nawala ang ngiti sa mukha ni Kaizen. Sa kanyang isipan 'lagot, Alam na Niya na ang ginagawa ko' muli sanang mag-iisip si Kaizen ng panibagong plano dahil mukhang hindi na uubra pa ang ginagawa Niya. Ng biglang may nangyayaring kakaiba Kay wayom.

Napamaang Sina Kaizen at Shaira sa nasasaksihan. Unti-unting nagbabago ito ng anyo, nagiging mapula ang balat nito, ang mga Tenga ay naging patulis, ang mga mata ay nagkulay pula, at ang labi nitoy naging itim. Ang mga kuko nito ay humaba at naging matulis.

Pamilyar Kay Kaizen ang ganitong itsura parang nakita na Niya ito, at biglang bumalik sa alala Niya ang mga alalang ipinakita sa kanya ni haring Amer ng ilipat sa kanya nito ang kapangyarihan.

Nagkaroon ng pangamba si Kaizen, ito ang unang anyo ng Isang pagiging demonyo. Hindi pa ito ang ganap na anyo dahil mukhang hindi pa lubusang nagpapasakop si wayom sa itim na kapangyarihan.

"Hmm gusto ko ang ganitong pakiramdam," nakapikit pa ito na parang ninanamnam ang lakas na dumadaloy sa mga kalamnan nito.

Napalunok naman si Shaira bago magsalita. "Ang pangit ng anyo mo wayom! Hindi kaaya-aya sa mata ang tignan ka!" Panglalait Niya rito.

Bigla naman nagmulat si wayom ng mga mata ng marinig ang mapanglait na saad ni Shaira. Tumingin siya rito. Sa Isang kumpas lang ay nasira ang entrenamiento ni kaizen kung saan kasalukuyan prinuprotiktahan si Shaira. Tumilapon si Shaira patungo sa mga puno. "Pangahas ka! Ito ay magandang anyo, dahil sa anyong ito ako ay malakas! Masarap sa pakiramdam ang ganitong klasing lakas!" Pagmamalaki nito habang humahalakhak ng malakas.

Mabilis naman lumipad si Kaizen patungo Kay Shaira para alalayan ito. "Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong Niya rito.

Tumango naman si Shaira at umayos ng tayo. "Oo, ayos lang ako, mukhang trumepli ang lakas ng halimaw na ito." Napaismid na Saad ni Shaira.

"Mag-iingat ka, mukhang hindi magiging madali ang paglaban sa kanya." Tumingin si Kaizen Kay Shaira. "Kung maaari, habang nilalabanan ko siya ay umalis ka na rito."

Napakunot noo naman si Shaira at mariing tumutol sa ideyang pagtakas at Iwan ito."hindi kita iiwan sa laban na ito Kaizen, kung tutuusin nadamay ka lang dahil ako lang naman ang kailangan nila." Napabuntong hininga siya. "Kaya dapat ikaw ang tumakas at pabayaan nalang ako, mukhang hanggang dito nalang talaga ang buhay ko." Pagsuko Niya.

Biglang humarap si Kaizen sa kanya at tumitig sa kanyang mga mata. "makinig ka Shaira, hindi dito magtatapos ang buhay mo, maging matapang at malakas ka para sa iyong mga magulang o sa mga taong nagmamahal at umaasa sa iyo." Huminga Ito ng malalim at tumingin sa kanilang kalaban bago mag wika ulit. "Ito ang plano Shaira, bibigyan kita ng pagkakataon makatakbo, pumunta ka sa Inyo at humingi ng tulong, hindi natin kakayanin itong ka-angkan mong mukhang nagpasapi na sa demonyo. Kaya kong makipaglaban sa kanya, Pero hindi ako sigurado kung kakayanin ko siyang matalo. Kaya pakiusap,  tumakas ka na muna" huling sulyap nito nama'y pakikiusap sa mga mata sa kanya bago lumipad patungo Kay wayom.

Napatungo naman si Shaira, hindi Niya Alam ang gagawin Pero sa nakikita Niya ito na ang pinaka mabisang paraan upang matalo nila si wayom. Kailangan niyang humingi ng tulong sa kanilang pinuno!. Gagawin Niya ang inuutos ni Kaizen.

Nakita ni Kaizen na naghanda na si Shaira. Mukhang pumayag na ito. Napangiti siya rito at ngumiti rin ito pabalik. Humarap siya Kay wayom, para itong baliw sa katatawa.

"Handa ka na ba bata!? Handa ka na bang mamatay!" Sigaw nito at mabilis na kumilos.

Mabilis na inilabas ni Kaizen ang kanyang espadang lilang apoy.

Clang!
Clang!
Clang!

Espadang apoy niya laban sa mga kuko ni wayom. Magkasingbilis lang sila, kapag tinatangka ni wayom na sumugod Kay Shaira ay mabilis na nakakaharang agad si Kaizen. Sa inis ni wayom ay naisip niyang pagtuunan nalang muna ng pansin ang batang lalaki.

Dahil dito, nakita itong pagkakataon ni shaira upang palihim na tumakas.

Ng mapansin ni wayom na biglang Nawala ang awra ni Shaira ay bigla siyang tumigil sa pagsugod Kay Kaizen at akmang hahanapin at hahabulin si Shaira. Pero bago paman siya makaalis ay may pumulupot na sa kanya ng Isang Kadena.

Naiinis siyang tumingin sa batang si Kaizen na kasalukuyang nakangiti sa kanya. "Wag Kang tumakas, ang duwag mo naman upang takasan ang batang tulad ko." Pang-uuyam nito sa kanya.

Sa inis ay sinira Niya ang kadenang nakapulupot sa kanyang katawan.

"Ahhhhh!"

"Sinong may sabing tumatakas ako?!" Nagagalit niyang sigaw, "humanda ka sakin bata ka! Titirisin kita ng pinong-pino!" Nanggagalaiti itong sumugod.

Mas naging mabilis pa ito, hindi na nakakaya pa ni Kaizen ang sabayan ito kaya naman may mga nakakalusot na atake mula rito ang tumatama sa kanya.

Blag!

Paglagapak ni Kaizen sa lupa ng Tamaan siya ng hampas mula sa kamay ni wayom.

Thug!

Bumaon sa lupa ang paa ni wayom ng tangkain niyang pisatin ang ulo ni Kaizen sa pamamagitan ng mga paa nito, mabuti nalang at nakaiwas agad si Kaizen at mabilis na bumangon at paatras na tumalon.

Mabilis pinalitan ni Kaizen ang kanyang espadang lilang apoy at ginawang malalaking bolang apoy. Agad Niya itong ipinatama sa kalaban ngunit balewala lang nitong naiiwasan.

Muli siyang sumubok, naglalabas siya ulit ng kanyang kapangyarihan apoy, pinalaki Niya ito na parang Isang buhawi.
ng sapat na ang laki ay inihagis Niya na ito patungo Kay wayom. 

"ignispurpuraturvo!" Sigaw Niya

Hingal na hingal si kaizen, tagaktak narin ng kanyang pawis at nanginginig na ang Kanyang mga kalamnan, hindi Niya pa kabisado ang skill na ito dahil ito palang ang unang beses na ginamit Niya ito kaya naman halos kalahati ng kanyang enerhiya ang kanyang nagamit para lamang sa atake na ito.

Makikitang may binuong Harang si wayom upang di agad ito matamaan sa malaking buhawing lilang apoy ni Kaizen. Napataas ang kanyang mga kilay ng mapansin nagkaroon ng lamat ang kanyang binuong Harang kaya naman bago pa ito tuluyang mawasak ay nakapaghanda na siya. Gumawa siya ng Espadang itim na gawa sa kanyang kapangyarihan. Kaya ng mawasak ang Harang at papalapit na sa kanya ang ataking ginawa ng batang si Kaizen ay agad siyang tumalon pataas at sinalubong  ang buhawi sabay angat sa Espadang itim, "gladius strike!" Usal nito.

Agad nahiwa sa gitna ang buhawing lilang apoy ni Kaizen. Sa nakita ay nagkaroon ng alinlangan sa sarili si Kaizen. 'paano ko siya matatalo? Iyon na ang kasalukuyan Kong pinakamalakas na atake Pero baliwala lang nito iyong nahati.?' nakakaramdam na siya ng Pag aalinlangan. Nahiling Niya nalang na sanay dumating na agad ang taong hininga ng tulong ni Shaira. Aminado siyang hindi Niya pa kaya ang lalaki.

"Natatakot ka na ba bata!?" Pansin ni wayom sa mga mata ni Kaizen ang Pag aalinlangan. Napangisi siya at nanghahamak na tumingin dito. "Tandaan mo ito bata, ang tulad namin ay dadami pa, at kayong lahat na mga mahihinang nilalang ay malapit na namin masakop at maging alipin!" Lahad nito sabay halakhak.

Sa narinig ay napaisip si Kaizen. 'mukhang nagsisimula ng maghasik ng lagim ang kampon ng mga demonyo, ibigsabihin ba nito, nakapasok na sila rito, sa mundo namin?' Humarap siya dito at nagsalita.

"Umamin ka! Saan mo nakuha yang itim mong kapangyarihan!?" Pagtatanong Niya rito.

Ngumisi muna ito bago tumugon. "Sa Isang nilalang na siyang magiging hari sa buong sanlibutan!" Sigaw nito at bumwelo ng pagsugod Kay Kaizen.

"Dark chains!"

May lumabas na mahabang Kadena mula sa mga kamay nito at pasugod ngayon Kay Kaizen, agad Nilabas ni Kaizen ang kanyang apoy na Espada. Ginamit Niya itong pangsangga sa mga ataki ng kalaban gamit ang Kadena nito.

Pero dahil sa pagod at mga tinamong pinsala mula pa kanina ay humihina na ang Kanyang mga atake at bumabagal na ang Kanyang galaw. Isa pang rason nito ay umeepekto na ang malakas na Lason mula sa kapangyarihan itim ni wayom sa tuwing siya ay nasusugatan mula sa mga Tama na kanyang natatangap.

Hanggang sa pumulupot na nga sa kanyang mga kamay at paa ang mga Kadena at Iniangat siya sa ere.

"Tsk!tsk!tsk! Sa simula palang sinabi ko na sayo na wag makialam, Pero di ka nakinig, ngayon tuloy ay mamatay ka ng wala sa oras!" Pang uuyam nito habang humahalakhak.

"Hi-hindi ko ha-hayaan mamatay ang aking ka-kaibigan!"

"Hangal! Isa Kang malaking hangal! Asan na ang iyong kaibigan? Wala na rito dahil tumakas na at iniwan ka! Hahaha!" Tawa nito habang nakatingin sa kanya na may panghahamak. "Nakakaawa ka bata, Pero ganun talaga ang buhay, ang mga mahihinang katulad mo ay kailangan mamatay. At huwag Kang mag-alala dahil kahit naman tumakas si Shaira ay makikita at makikita ko pa rin siya. Sa aking mga kamay siya babawian ng buhay. Hindi lang siya dahil lahat ng mga taong naninirahan dito sa mundong ito ay mamamatay!" Malakas nitong salaysay.

Bugbug sarado man ay Pinipilit ni Kaizen iangat ang kanyang ulo at tumingin Kay wayom. "A-anong ibig mong sabihin?" May pagtatakang tanong Niya rito at muling napayuko.

Tumingin ito sa kanya at ngumisi. "Mamatay ka rin lang naman, sige pagbibigyan kita, sasagutin ko ang iyong tanong." Lumapit ito sa harap ni Kaizen at mariing hinawakan ang buhok nito sa ulo at Iniangat paharap sa kanyang mukha. "Magkakaroon ng malawakang digmaan ilang taon mula ngayon, at ang rason? Ito ay dahil sa panahon na iyon ay tuluyan ng nakarating at umusbong ang aming lahi, ang bagong lahing magiging pinakamalakas sa buong sanlibutan. Lahing kakatakutan ng lahat ng hari at Reyna. Alam mo ba na walang mabubuhay na mahihina, dahil lahat sila ay unang papatayin ng aming hari, o kaya'y gagawin katulad namin. Walang maliligtas! Bata man o matanda, lalaki man o babae, lahat ng mahihina ay mawawala at ang mundong ito ay mapupuno ng malalakas na nilalang na katulad namin!" Salaysay nito habang humahalakhak ng malakas.

Sa narinig ay napatulala si Kaizen, dahil muling nagbalik sa kanyang alaala ang mga alaala ni haring Amer sa mundong gwalima kung saan sinakop ito ng dyablo at demonyo, ang lahat ng nilalang roon ay pinatay at ang iba ginawang alipin o demonyo katulad ni wayom.

Nakaramdam siya ng takot, takot hindi para sa sarili Kundi takot para sa kanyang mga magulang, sa kanyang mga kaangkan, sa mga batang adventurer na nagsisimula palang mabuhay at makipagsapalaran katulad Niya. Takot para sa lahat ng kalahi niya!. 'hi-hindi! Hinding-hindi Niya papayagan manaig ang ganun kasamaan at kaharasan sa kanyang mundong ginagalawan!

--

Samantala sa kanyang mundo ay Mariin lang nakatingin ang dalawa niyang tauhan. Sina Leon at Chen.

"Hmm sapalagay mo makakaya kaya ni master Kaizen matalo yang demonyong iyan?"

"Oo, kaya hindi na natin kailangan tumulong" kampanting tugon ni Leon.

"Sabagay, mukhang may magigising na naman sa kanya na bagong kakayahan." Usal nalang ni Chen ng mapansin may pagbabago sa awra ni Kaizen.

--

Napansin naman ito ni wayom kaya agad siyang lumayo. Napakunot noo siya. Nararamdaman niyang tataas ang antas ng batang ito. Kaya bago pa man mangyari iyon ay agad siyang nagpalabas ng kanyang kapangyarihan. Mula sa kanyang mga palad ay may lumabas na maliit na itim na enerhiya. Unti-unti itong lumaki at ng sapat na para sa kanya hinaluan Niya ito ng pinakamataas na Uri at nakakamatay na Lason na meron siya. Sa kanyang isipan 'kung sakaling hindi ka mapuruhan sa kapangyarihan ko, tiyak ikakamatay mo naman itong aking extreme poisonous venum,' tumawa ito bago ihagis ang kanyang kapangyarihan at sumigaw. "paalam na bata!,,darkinyumvomunos!"

Agad itong bumulusok patungo Kay Kaizen. Makikita na tumama ito sa katawan ng bata,, napangisi naman si wayom, kuntento siya sa nasaksihan pagtama ng kanyang kapangyarihan sa kaawa-awang bata.

Ng pupuntahan na Sana Niya sina tiko at meko upang pagalingin ay napahinto siya dahil may naramdaman siyang kakaibang awra. Agad siyang lumingon sa batang si Kaizen na kasalukuyang tinatamaan ng kanyang kapangyarihan. Napakunot noo siya, 'bakit hindi pa sumasabog ang kanyang binatong kapangyarihan dito?' pagtataka Niya dahil parang nakahinto lang ang bolang itim sa katawan ni Kaizen. Maya-maya pa ay napanganga siya, dahil ang itim niyang bolang  kapangyarihan ay unti-unting nagiging puti. At mararamdaman mula rito ang kakaibang awra, isang awra na maaliwalas at may kadalisayan.

Unti-unti naglaho ang kanyang itim na bolang kapangyarihan at naging purong puti ito. nakikita Niya ngayon ang nakayukong si Kaizen, unti-unting gumagaling ang mga sugat at pinsala nito sa katawan. Sa Pag-angat ng ulo nito ay makikita ang purong puti sa mga mata nito. Sa Isang tingin lang ng bata sa mga nakapulupot na Kadena sa mga paa at kamay nito ay agad na nawasak.

Nakaramdam ng labis na Kaba at takot si wayom, sa buong buhay Niya ngayon lang siya nakaramdam ng takot sa isang nilalang. Ang awrang inilalabas ng batang si Kaizen ay hindi Niya kayang labanan, ang purong kaputian nito at pagiging marilag ay nakakasindak para sa kanya.

Lumingon at tumingin sa kanya ang purong puting mata ni Kaizen. Kinuntrol nito ang puting bolang kapangyarihan.

"Ahhhhh!" Sigaw ni Kaizen

Mula sa pagiging first level gold rank ay umakyat ito ng pangalawang beses. Ngayon ay naging third level gold rank na siya. Labis na namangha sina teko at miko sa nasasaksihan, nagising sila dahil sa kakaibang awrang kanilang naramdaman. At ngayon nakikita nga nila ang pagtaas ng antas ng batang si Kaizen habang ang anyo nito ay nag-iba, naging purong puti ang mga mata nito at buhok. Napapansin rin ang pagiging matingkad ng awrang Nilalabas nito.

"Album encederluz!" Sigaw ni Kaizen at inihagis ang puting bolang kapangyarihan patungo Kay wayom na kasalukuyan nakatulala.

Agad naman napansin ito Miko at tiko, kaya agad Silang tumalon patungo Kay wayom at hinawakan ito. Mabilis Inilabas ni Miko ang portalispeiyedra. Isang Uri ng batong maaaring magamit sa Pagbubukas ng portal upang makarating sa ibang lugar. Bago paman sila Tamaan ng kakaibang kapangyarihan iyon ay nakapasok na sila sa portal at mabilis itong nawala.

Ang bolang liwanag ay dere-deretsong tumungo sa paparating na Sina Shaira at ibang kasamahan nito.

"Ilag!"

Sigaw ng Isang matandang lalaki na nasa animnapo ang edad. Pero mapapansin parin ang kakisigan nito.

Agad nag si Ilagan ang mga  kasamahan ni Shaira.

Booooom!!!!!

Malakas na pagsabog, makikita ang nagawang pinsala nito dahil nagawa pa nitong yanigin ang buong kabundukan.

Napatulala nalang sila sa nasaksihan. Ng lumingon sila kung saan nagmula ang kapangyarihan iyon ay nagulat sila sa kanilang nakita. Isang batang lalaki ang nakalutang habang may purong puti ang mga mata at puting mga buhok. Nararamdaman din nila ang kadalisayan ng awra nito.

Napakunot noo naman ang matanda habang nakatingin sa batang lalaki. Sa kanyang isip 'ang kanyang awra, ay katulad sa awra ni shaira' at tumingin Kay Shaira na kasalukuyan tumatakbo patungo sa bata. Ito pala ay sa kadahilanan unti-unting nahuhulog ang batang lalaki dahil nawalan na ito ng malay.

Mabilis na sumunod ang ilan nilang kaangkan. Mabuti nalang at Mabilis nasalo ni rex ang batang si Kaizen, mapapansin ngayon ang pagbabalik ulit ng dating itsura nito.

"Kaizen!" Naiiyak na usal ni Shaira.

Agad naman sinuri ng matanda ang bata. Ilang sandali pa ay tumingin Kay Shaira at ngumiti. "Huwag Ka ng malungkot, mukhang ayos lang naman itong kaibigan mo"

"Talaga pinunong alfo, mabuti naman!" Nakahinga Saad ni Shaira.

Continue Reading

You'll Also Like

228K 6K 31
"Why do you always look like that?" "Like what?" "Like you hate every person in this room." "That's because I do." "Why? What did these people do to...
32.1K 725 47
A student from the Paldea region took an interest in traveling to other regions to learn new things.
774K 31.3K 48
Former No. 2 of the Eleven Fatui Harbingers. Cold, ruthless. But most of all, she just needed a few people to warm up to. Contains profanity, so be a...
509K 15.1K 38
MALE WEDNESDAY X READER "I love you...Wednesday Addams" The girl cried while hugging him as tight as she could. "I love you too....Amore mio. Please...