Ávrio: Seth & Lucas

By rexxsab

341 38 11

Seth woke up from a deep slumber only to find out that the world is dying. *** Seth awoke alone in what appea... More

front matter
Seth & Lucas
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21

Chapter 16

19 2 0
By rexxsab


DAPIT hapon na ngunit nandito ako ngayon at naglalakad papunta sa Havhav Resto kung saan ako nagtatrabaho at malapit lang din sa campus namin. Kahit pagod ako ngayon galing sa klase ay wala akong ibang magagawa kun'di ang kumayod pa rin. Saan nalang ako pupulutin kung hindi ako magbabanat ng buto.

Minsan ay napapatingin ako sa mga taong nakakasalubong ko sa daan, sa mga magagarang sasakyan na dumadaan. Napapaisip ako kung ano kayang pakiramdam mabubay ng marangya. 'Yong tipo bang hindi mo na po-problemahin ang pera at ang tanging gagawin mo nalang ay huminga at gawin ang kung anong gusto mong gawin sa buhay. Ang gaan siguro nun. Wala kang ibang iisipin kun'di ang sarili mong kapakanan at ang pamilya mo. Ano kayang pakiramdam nun?

"Seth!" Agad dumako ang tingin ko sa binatang nakasuot ng cap na may logo ng restaurant. May sarili rin itong apron na isinusuot ng mga waiter kapag nagse-serve ng customer. Bago pa lang tayo itong resto na ito ngunit marami-rami na ring mga kumakain dito dahil unti-unti na itong nakikilala rito sa lugar. Masasabi kong matagumpay ang negosyong ito ni Nefali.

Agad kong binilisan ang lakad ko at maingat na tumawid sa gitna ng daan papunta sa harap ng kainan. Nasa harap ko ang binatang tumawag sa pangalan ko kanina.

Ngunit malabo rin ang kaniyang mukha at tanging malabong pagsilay ng ngiti niya lang ang nakaklaro ko.

"Ohh Jeff, napaaga ka yata," bungad ko sa binatang nagngangalang Jeff. Jeff ang pangalan niya at mukhang kasamahan ko siya sa trabaho. Maputi ang kaniyang balat at medyo tisoy kung tingnan kahit pa na malabo ang mukha niya. Parehas lang kami ng tangkad at at hubog ng katawan.

"Maaga kasing umalis si Criza. Uuwi raw muna siya sa kanila kaya naiwan akong mag-isa sa apartment ko. Magbihis ka na, maraming customer ngayon kasi Biyernes alam mo naman," aniya saka tinapik ang balikat ko. Iginaya niya ako sa loob at hindi nga siya nagbibiro nang sabihin niyang maraming customer ngayong araw. Halos puno rin ata lahat ng upuan sa loob at kahit yata sa mga upuan sa labas kanina. Nakita ko rin ang iba pa naming kasamahan na abalang nagse-serve ng orders.

Dali-dali na akong pumasok sa silid kung saan kami nagbibihis ng damit namin. Naiwan sa labas si Jeff dahil agad siyang tinawag ng taga-luto dahil may ise-serve ulit na bagong order. Matapos 'yon ay dumiretso na agad ako sa labas para simulan ang trabaho.

Ang trabaho ko ay taga-kuha ng orders ng mga customers kaya lagi kong dala-dala ang maliit na booklet at ballpen kung saan ko isinusulat ang orders ng bawat nila at ang menu kung saan sila o-order ng gusto nilang kainin.

Inayos ko ang cap ko at agad na isinuot ang masigla kong ngiti na lagi kong ipinapakita sa tuwing nagaasikaso ako ng mga customer. Palagi akong nakangiti sa tuwing sinasalubong ang mga bagong customer at sa tuwing kinukuha ko ang mga orders nila dahil sabi sa amin ni Nefali o ang may-ari ay dapat daw nakangiti kami o masaya naming inaasikaso ang mga customer dahil mas nakakaengganyo raw 'yon sa kanila na magustuhan ang serbisyo namin at babalik-balikan nila.

Ilang ulit din ata akong paikot-ikot sa buong silid, lista rito, lista roon. Ramdam ko ang pagod sa katawan ko ngunit pilit ko pa ring nginingitian ang bawat customer na kumakain dito.

Ilang oras ang lumipas, mas dumagsa ang maraming kustomer mga bandang alas syete hanggang alas otso ng gabi. Naging abala ang lahat at kahit si Jeff ay hindi ko na nakakausap. Minsan ay may pumapalit sa akin at nagkakaroon ako ng labinlimang minutong pahinga at nakakatulog ako ng mga sampung minuto sa loob ng silid para sa mga staffs.

"Ayos ka lang?" tanong sa akin ng isa ko pang kasamahan habang nakahawak ang isa niyang kamay sa braso ko. Matamlay ko siyang tiningnan ngunit gaya ng iba, malabo rin ang mukha niya pero pamilyar ang boses niya.

Dahan-dahan lang akong tumango habang humihikab. "Inaantok lang," sagot ko saka tumungo na sa silid para umidlip man lang kahit sandali. Pagkapasok ko pa lang ay naramdaman ko agad ang bigat ng bawat talukap ko kaya't agad akong napahiga sa sofa na nasa gilid lang malapit sa pintuan.

Nawalan ako ng malay sa oras nang maramdaman kong may tumapik-tapik nang mahina sa pisnge ko. Unti-unti kong ibinuka ang mga mata ko ngunit malabong mukha lamang ang tumambad sa akin habang may suot pa rin na waiter's cap.

"Shift mo na, kaya mo pa ba?" parang umiikot ang paningin ko at hindi lang ang mukha ng taong kaharap ko ang malabo kun'di pati na rin ang buong paligid. Biglang sumama ang pakiramdam ko. Giniginaw ako, idagdag mo pa ang malakas na aircon.

Hindi ako nakasagot sa tanong niya at narinig ko siyang may sinabi ngunit hindi ko na maalala pa. Naramdaman ko siyang tumayo at may inilagay sa ibabaw ko. Kumot. Saan siya galing ng kumot?

Hindi na ako nakaalma pa dahil sobrang sama talaga ng pakiramdam ko na para bang lalagnatin ako. Naramdaman ko nalang na nakatulog ulit ako.

Nagising lang ako nang may marinig akong mga tawanan sa labas. Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko at iginaya ang buong tingin sa silid. Naalala kong nasa resto parin pala ako. Malilintikan ako kay Nefali nito. Masama pa rin ang pakiramdam ko pero pinilit ko pa ring tumayo. Bahagya akong napahawak sa sandalan ng sofa nang maramdaman ko ulit ang pagsirko ng paningin ko. Ang sakit ng ulo ko. Lalagnatin talaga ako.

Inayos ko ang sarili ko sa salamin at hindi pinahalatang masama ang pakiramdam ko. Sinubukan kong ngumiti sa harap ng salamin para naman hindi nila ako mahalata. Pagkatapos ay lumabas na ako ng silid at naabutan ko silang lahat na nagku-kuwentuhan sa counter kaya't bigla silang natahimik at tumingin sa akin. Bigla akong nailang. Nawala 'yong pag-eensayo ko ng ngiti kanina. Nakakahiya.

"Maayos na ba ang lagay mo Seth?" tanong ng isa kong kasamahan. Matipid akong tumango.

"Masakit lang ang ulo ko," mahina kong sagot saka lumapit sa kanila. Biglang lumapit sa akin si Jeff at idinampi ang likod ng kaniyang kamay sa noo ko. Hindi ko naman maaninag ang ekspresyon niya dahil malabo lang ang mukha niya.

"May lagnat ka ata. Umuwi ka na kaya ng maaga. Kami nalang bahala kumausap kay boss," suhestyon niya pero agad lang akong umiling. Malaking bagay na na sinalo nila ang oras ng trabaho ko, ayoko nang makaabala pa sa kanila.

"Oo nga. Mabait naman si bossing, magpahinga ka nalang sa inyo," sang-ayon nung isang brusko ang pangangatawan at buo ang boses. Hindi ko maalala ang pangalan niya. Sa tingin ko ay siya ang taga-luto namin.

Lumapit 'yong isa ko pang kasamahan sa akin. "Nasaan ang mga gamit mo?" malumanay niyang tanong. Hindi na ako nakaangal pa dahil pakiramdam ko masusuka ako ano mang oras. Itinuro ko nalang ang silid namin kaya't dali-dali siyang pumasok doon at kinuha ang mga gamit ko.

Pagkalabas niya ay may pinasuot siya sa akin. 'Yong lagi kong dala-dalang itim na jacket. Nakasukbit na rin sa magkabila niyang balikat ang bag niya at 'yong sa'kin. Kukunin ko sana pero inilayo niya lang sa'kin.

"Ako na," mahina kong sabi ngunit hindi lang ito nakinig.

"Mauna na kami mga pre, hatid ko lang 'to," paalam niya sa mga kasamahan namin. Tumango lang sila at paulit-ulit na sinasabing sila na ang bahalang magpaalam sa amin, lalo na si Jeff. Hindi na ako nakaangal pa dahil pakiramdam ko ay babagsak ulit ako dahil sa sobrang pagod at sama ng pakiramdam.

Naramdaman ko ang pag-alalay sa akin ng kasamahan ko. Sabay kaming lumabas at kasabay nun ang pagtunog ng bell sa entrance door na gawa sa mamahaling salamin. Agad siyang nagpara ng masasakyan namin.

"Sabi ko kasi sa'yo huwag ka masyadong magpapagod sa mga gawain ng iba. Bakit ba ang tigas din ng ulo mo," rinig kong sabi niya. Tumahimik nalang ako at hinayaan siyang dalhin ako kung saan.

Nakapikit lang ang mga mata ko dahil inaantok ako ng sobra at halos hindi ko na ito maibuka pa. Narinig kong may humintong sasakyan sa harap namin. Ito na siguro 'yong taxi na ipinara ng kasama ko.

Narinig ko silang nag-uusap. Hindi ko mawari kung ano ang pinagsasabi nila basta naramdaman ko nalang na isinakay niya ako sa loob ng sasakyan.

'Yon na ang huli kong naalala bago ulit ako nakatulog. Bahagya akong nagising sa paghinto ng kotseng sinasakyan ko. Pagbukas ng mga mata ko ay wala akong masagap na ilaw dahil sobrang dilim sa loob ng sasakyan. Biglang bumukas ang pintuan sa gilid ko at bahagyang ipinasok ng lalaki ang kaniyang sarili sa loob at inalalayan akong makalabas.

"Your temperature's high. Let me take you to your room," rinig kong sabi niya habang nag-aadjust pa ang paningin ko sa paligid. Nasa labas kami, sa harap ng apartment building na tinutuluyan ko.

"Dito na ako," matamlay kong sabi bago kinuha ng bag ko ngunit kinuha niya 'yon sa pagkakahawak ko. Muli kong naamoy ang pamilyar niyang panlalaking pabango

"Ihahatid na kita," sambit ng pamilyar na boses bago ako inalalayan papasok ng gusali. Hindi ko na masyado maaninag pa ang buong paligid dahil lumalabo talaga ang paningin ko.

Naramdaman ko nalang na nakahiga na ako sa komportable kong kama. Napangiti ako ng bahagya sa kabila ng sama ng pakiramdam ko.

"Sleep tight, Seth."

Continue Reading

You'll Also Like

2025 By boss ni wawie

Science Fiction

611K 39K 55
⚠️TW: Violence, Depression She's Yuan Ignacio and she cares. A 20-year-old thrill seeking girl risks everything, even her own life, just to fulfill t...
3.3M 160K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
7.1K 499 6
In a time of great threat, Earth faces an imminent invasion from Zithea, a planet created by Jia's mother through the enchanted book of Polaris. To c...
25K 1.3K 34
I want to fake an illusion. Pero alam kong hindi naman iyon maaari.