Ávrio: Seth & Lucas

By rexxsab

341 38 11

Seth woke up from a deep slumber only to find out that the world is dying. *** Seth awoke alone in what appea... More

front matter
Seth & Lucas
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21

Chapter 15

14 2 0
By rexxsab


MAINGAT ako sa pagmamaneho sa tuwing lumiliko kami sa mga makikipot na daan ng Westside. Sobrang daming mga nagkalat na mga inabandonang sasakyan sa kahit saang sulok ng daan. Minsan nahihirapan ako kung saan dumaan o lumiko. Panay rin ang tingin ko sa mga nadadaanan naming mga establisyemento, nagbabaka sakaling may madadaanan kaming refilling station.

Ibang daan ang tinahak namin kumpara sa pinuntahan namin ni Lucas noong mga nakaraang linggo. Hindi ko kasi maalalang may nadaanan kaming estasyon ng tubig. Kadalasan kasi sa parteng 'yon ay mga shopping marts o di kaya ay botika. Hindi bale na, maaalala ko naman siguro ang dinadaanan namin ngayon. Hindi naman siguro ganoon kalaki ang Westside gaya ng sinabi ni Lucas. Hindi nalang kami lalayo ng sobra.

Sobrang tahimik ng buong lugar at nakakapanibagong makita ang mga malalapad na daan na nababalutan na ng mga nagtataasang talahib at nagkalat ng mga papel at dyaryo. Wala kang makikitang niisang tao na nakatayo o naglalakad. O kahit man senyales ng mga ibang hayop na gumagalaw. Sa sobrang tahimik ay minsan hindi ko maiwasang matakot.

"Tahol ka nga Spot, sobrang tahimik naman dito," pabiro kong sambit kay Spot na nakaupo lang sa passenger's seat habang nakaawang ang bibig at nakalabas ang dila. Bigla itong kumahol ng isang beses na ikinabigla ko naman kaya agad ko siyang sinuway.

"Hindi ka mabiro Spot," natatawa kong sabi. Hindi na ito ulit pa naglikha ng ingay na para bang naiintindihan niya ang mga sinasabi ko.

Ipinagpatuloy ko ang pagmamaneho nang lumiko ako sa mas malapad pang daanan na napapagitnaan ng mga nagtataasang gusali na ngayon ay basag-basag na ang ibang salamin at kita na rin ang senyales ng karupukan. Ang iba ay makikita rin ang bakas ng pagkasira dulot ng nangyaring giyera. Hindi ko maiwasang malungkot sa mga sinapit ng mga tao rito.

"I guess we stop here," bulong ko sa hangin dahil sa lapad ng daan ay puno ito ng sandamakmak na sasakyan at trucks. Kahit na rin ang mga eskinita sa gilid ay hindi na madadaanan pa dahil sa tambak na mga sasakyan.

Pinatay ko ang makina at saka bumaba ng sasakyan. Agad namang tumalon si Spot palabas at sumunod sa akin. Inilagay ko muna sa passenger's seat 'yong sniper gun saka pinagmamasdan ang malawak na paligid.

"Saan kaya kita mahahanap," mahina kong sambit habang inaalala ang maaaring daan papunta sa pamilyar na fly-over na una kong napagmasdan noong ako ay unang nagising. Plano kong pumunta ulit sa ospital kung saan ako galing. Kukunin ko sana ang medical records ko na naiwan ko roon sa silid ko. Nagbabaka sakali akong mas may malalaman pa ako patungkol sa buhay ko noon at baka may maalala ako. Pansamantala ko munang ipinagpaliban ang paghahanap ng maiinom na tubig.

Kung hindi ako nagkakamali, konektado ang overpass na 'yon sa highway ng Westside kung saan kami ngayon. Maaaring iisa lang din ang daan patungo roon. Hindi ko na maalala anong oras ako nagising noon sa ospital pero sa tansya ko ay pa dapit hapon na iyon at nasa silangang bahagi na ang sinag ng araw.

Napatingala ako at tinansya ang direksyon ng liwanag ng araw. Nagsimula akong maglakad sa kabilang direksyon ng malawak na daan habang nakabuntot naman sa akin si Spot. At dahil mahirap ng dumaan sa gilid ng mga sasakyan ay sa mismong ibabaw ng mga sasakyan na kami umaapak. Ilang oras din ang naging paglalakbay namin ni Spot nang masilayan ko sa malayo ang pamilyar na flyover. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa kabilang kanto lang ang ospital kung saan ako nanggaling.

"Bilisan na natin Spot!" tawag ko sa aso na agad namang naintindihan ang sinabi ko at naunang tumakbo sa unahan ko. Pagkarating namin doon ay hindi ko maiwasang maalala ang minsan kong naging bangungot sa lugar na 'to. Nasilayan ko ang pamilyar na daan at ang bungad ng abandonadong ospital ng St. Lucia Medical Hospital.

Nang mapadaan kami sa may mga hile-hilerang sasakyan ay sumalubong agad sa akin ang masangsang na amoy na para bang galing sa isang patay na katawan ng hayop. Muli akong napatingin sa pamilyar na sasakyan kung saan ako muntikang mamatay nang dahil sa dalawang asong mababangis na humabol sa akin at doon ay nakita ko ang naaagnas na bangkay ng asong binaril ni Lucas. Inuuod na ito at halos hindi na maitsura ang katawan. Mahigit mag-iisang buwan na rin simula ang nangyari at maliit na parte na lamang ng laman ng aso ang naiwan na inuuod at ang iba ay tuluyan ng naging buto. Hindi ko rin maiwasang magtaka kung bakit ang tagal nitong na-decomposed pero siguro dahil na rin sa laki ng aso. Sobrang laki rin kasi nito kaya sobra ang takot ko nung hinabol ako ng mga 'to.

Hindi ko na nakayanan ang nakakasulasok na amoy kaya't dali-dali ko nang ipinagpatuloy ang paglalakad at pumasok na sa ospital. Walang nagbago sa itsura ng lugar at ganoon pa rin nung huli akong nagising dito. Naaalala ko pa rin naman 'yong silid na pinaglalagyan ko. Akala ko ay nagpaiwan si Spot sa labas ngunit nakasunod pa rin pala siya sa'kin kaya panay ang tawag ko sa pangalan niya.

Pagkarating ko sa palapag kung saan ang silid ko ay agad ko itong hinanap. Hindi naman ako nabigo at nahanap ko rin ito agad. Pagkapasok ko pa lang ay parang bumalik ulit lahat 'yong alaala ko nung nagising ako sa silid na 'to. 'Yong pakiramdam na wala kang kaalam-alam sa mga nangyayari sa mundo. Na bubungad sa'yo ang napakatahimik at abandonadong siyudad na minsan mong naging tahanan sa matagal na panahon. Ang malaman mong maaaring ikaw nalang ang nag-iisang natirang buhay sa mundo. At higit sa lahat, ang magising na walang kahit anong alaala sa iyong buhay noon. Sobrang pagkalito at walang hanggang katanungan sa isipan.

Naglakad ako sa mesa kung saan nagkalat ang kumpol-kumpol na mga medical records. Hinanap ko 'yong akin at hindi naman ako nahirapan dahil kung saan ko ito huling naiwan ay doon ko lang din ito agad nahanap. Tiningnan ko ulit ang litrato ko na nakadikit sa naninilaw na papel. Hindi na malayo ang itsura ko ngayon sa litrato dahil parehas na ito ng gupit sa buhok na siyang nagpabalik sa dati kong awra at style sa mukha. Wala na rin ang makapal kong bigote sa mukha. Medyo mataba nga lang ako noon kumpara ngayon.

Itiniklop ko 'yon at saka inipit sa gilid ng masikip kong suot na pantalon. Agad na akong lumabas ng maabutan kong nakaharap si Spot sa isang pintuan ng silid na kasunod lamang ng silid ko. Nakaupo lang si Spot sa harap nito saka tumingin sa akin na para bang sinasabing buksan ko ito.

Dahan-dahan ko siyang nilapitan at binuksan ang pintuan. Pagkabukas ko ay agad na tumakbo papasok sa loob si Spot. Bumungad sa akin ang mga IV bags at stands na malinis na nakapatong sa kama at mesa. Hindi ito nalalayo sa itsura ng silid ko. Ang pinagkaiba nga lang ay imbes na medical records, puro IV bags o dextrose ang nakatambak dito. Nagtaka naman ako kasi puro ubos ito at malinis na para bang ginamit kamakailan lang.

"Halika na Spot at baka maabutan pa tayo ng dilim dito," tawag ko sa aso na agad namang sumunod sa'kin palabas. Isinara ko lang ito ulit bago muling nilisan ang ospital.

Babalik na sana kami sa direksyon kung saan kami galing kanina nang mapagdesisyonan kong maglibot-libot muna sa lugar at baka sakaling may mga nakatayong resto hindi malayo rito sa ospital dahil minsan ganoon naman sa mga siyudad. Mas mataas kasi ang tsansa at dagsa ng mga kustomer.

Panay lang ang tingin-tingin ko sa mga nadadaanan namin habang sinisigurado ko naman na nakasunod lang sa akin si Spot. Bigla akong napahinto nang masilayan ko ang isang pamilyar na daan. Sobrang pamilyar sa akin na para bang nakapunta na ako rito noon. Binagtas ko ang daan at sa malayo, nakita ko ang isang malaking gate.

Isang paaralan.

Bigla akong nakaramdam ng pananabik at agad tumakbo papalapit dito. Matayog ang gate at bakod kaya imposibleng maakyat ko ito. Naka-locked din ang gate kaya ang bungad lamang ng campus ang kita mula rito.

Napangiti ako.

Naaalala ko na.

Dito ako nag-aaral noon. Bakit ko nga ba makakalimutan ang lugar na 'to e isa 'to sa palagi kong pinupuntahan noon. Ang Westside Colleges. Ang paaralan kung saan ako nag-aral ng kolehiyo. Muli, naramdaman ko ang saya at pagka(miss) sa lugar na 'to. Hindi ko pa maalala ang mga taong naging kasama ko rito noong nag-aaral pa ako rito pero sigurado akong maaalala ko rin 'yon.

Bumalik sa isipan ko ang alaalang nagbalik sa akin noon. 'Yong lalaking si Steve na nakasabay ko sa isang tren papunta rito sa campus ngunit hindi ko maalala ang itsura niya at tanging ang pangalan niya lang. Ngayon sigurado akong isa siya sa malapit kong naging kaibigan noong nag-aaral pa ako rito pati na rin ang iba pang pangalan na nabanggit niya sa'kin.

Biglang naalala ko, may kilalang resto akong pinagtatrabahuan noon malapit lang dito. Tama, at baka makahanap ako roon ng malinis na tubig. Dali-dali akong tumakbo habang tinatawag ang pangalan ni Spot na agad namang sumabay sa akin. Naaalala ko na ang daanan papunta sa kanto kung saan nakatayo ang kainan na 'yon.

Hindi ko maiwasang manabik.

Parang pinagbagsakan ako ng lupa nang mapahinto ako't masilayan ang lugar na minsang naging parte ng buhay ko noon. Wasak na ito at halos hindi na maitsura dahil sa mga sira-sirang yero at bubong. Dahan-dahan akong naglakad palapit dito at hindi ko maiwasang malungkot sa sinapit nito.

"Havhav Resto..." sambit ko sa karatula na ngayon ay nasa lupa at may bakas ng pagkasunog. Kumusta na kaya sila. Hindi ko pa man lubusang naaalala ang mga itsura at pangalan nila ngunit sigurado akong may mga naging kasamahan ako sa kainang 'to. Kumusta kaya sila. Kasama kaya sila sa mga nag-evacuate sa Colony? Hindi ko maiwasang mangamba sa kalagayan nila. Napatingin ulit ako sa kabuuan nito at imposibleng may mga maisasalba pa akong gamit sa loob dahil mukhang mahirap na rin itong pasukin dahil sa mga nagbagsakang semento. Pansin kong ganoon din ang kalagayan ng mga establisyementong katabi at malapit lang sa parteng 'to ng kainan. Kahit ang daan ay bakas ang pagkabitak-bitak na para bang may malaking pagsabog na naganap dito.

Sa hindi inaasahan, biglang tumakbo si Spot palayo kaya agad kong tinawag ang pangalan niya ngunit parang hindi niya na ako narinig. Wala akong ibang nagawa kun'di sundan siya. Sobrang bilis ng takbo niya at lumiko sa kabilang kanto.

"Spot! Bumalik ka rito!" sigaw ko ngunit nagpatuloy lang siya sa pagtakbo sa kung saan. Panay ang liko namin sa mga eskinita at parang nasanay na rin ako sa pag-iwas sa mga nakaharang na sasakyan kaya hindi na ako gaano nahirapan.

Hindi ko na alam kung saan kami
papunta basta ang alam ko ay sinusundan ko si Spot na para bang may hinahabol sa kung saan.

Continue Reading

You'll Also Like

135K 3.8K 10
(COMPLETED/ BOYXBOY STORY!) Si AQUANO ay isang sireno na nabibilang sa Unda-e o mga dugong bughaw sa Aquatika-- isang kaharian sa ilalim ng karagatan...
285K 21.3K 58
A new academy opens for the ability-users and a dark twist puts the students in a game of critical thinking and mind manipulation. Serena who becomes...
2.6K 212 13
Mainit ang dugo ni Apollo sa mga Omega, kaya ang unang araw niya sa THEMIS IV , hindi na kaagad maganda. Kumukulo ang dugo niya dahil kay Arte, ang S...
6.7K 987 122
BL/Historical Volume 12: Reasons For Living: Cure or Kill Volume 11: Poisonous Love. Curable Love Volume 10: The One That Left Behind Volume 9: To S...