When Heaven Meets Her Devil(C...

By Delicious_Peachyyy

60.8K 643 63

Warning!πŸ”ž ||MATURE CONTENT Seraphina Nevaeh Salguero is an architecture student with big dreams who grew up... More

Blurb
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Epilogue
Author's Note

Chapter 35

2.2K 13 0
By Delicious_Peachyyy

"Mommy, daddy!"Sigaw ni Bryce ng makita n'yang palapit na kami ni Devon dahil kalalabas lang nila ng classroom.

Naagaw pa ng anak ko ang atensyon ng ibang magulang na nandito. Natawa si Devon at mabilis na hinakbang ang pagitan nila para salubungin ang mga anak ko.

Isang buwan na din magbuhat ng makabalik sa skwelahan ang mga anak ko dahil tapos na ang bakasyon. Bumalik na din kami ng manila dahil sa up-coming projects ko kaya dito na din nag transfer ang mga bata.

Maayos akong nagpaalam sa magulang ni Laurence at kay Laurence mismo dahil malaki ang utang na loob ko sa kanila. Wala naman akong narinig na reklamo basta't sabi ni tita Laureta at ipasyal ko parin sa kanila ang mga bata kapag hindi abala sa trabaho.

Nangako naman ako sa kanila na ipapasyal ko talaga kahit hindi nila sabihin dahil alam kong mahal at tinuring na nilang tunay na apo ang mga anak ko. Si Laurence ay nakausap kona din at naipaliwanag kona din lahat sa kanya, natutuwa ako dahil sinabi n'yang masaya para samin.

Matagal din kaming nag-usap noong umuwi kami ng nueva ecija kaya nalaman kong may kinababaliwan na ang bestfriend ko. Wala akong alam tungkol sa babae maliban sa pangalan nitong 'Mari' ang kwento ni Laurence ay abogado daw ito. 

Nang makabalik kami ng manila ay nagplano akong bumili ng condo na hindi sinang-ayunan ni Devon dahil ang gusto niya ay sa kanya kami titira. Sa condo unit niya pero hindi na ito yung condo unit niya noong college palang kami dahil bago na ito. Noong una ay hindi ako pumayag dahil hindi naman kami mag-asawa para tumira sa isang bubong pero talagang mapilit siya kaya napapayag niya na rin ako.

Habang lumilipas ang mga araw ay unti-unti kong nakikita kung gaano kabuting ama si Devon sa mga anak ko. Marami s'yang pagkukulang pero kitang kita kong bumabawi siya sa bawat araw na nawala sa kanilang mag-aama.

Wala kaming relasyon ni Devon at hindi maliwanag sakin kung anong meron samin pero pinaparamdam niya naman na mahal niya ako kaya nakuntento na mun ako doon, Isa pa ay pareho kaming abala sa pagiging magulang sa anak namin kaya hindi pa namin malagyan-lagyan ng label yung samin.

Natutulog kami ni Devon sa iisang kwarto at iisang kama dahil dadalawa ang kwarto sa unit niya pero ni minsan ay wala pa ulit nangyari samin. Hanggang yakap at halik lang si Devon kaya ramdam na ramdam ko ang respeto niya sakin.

Bumalik ako sa wisyo ng may humawak sa kamay ko kaya bumaba ang paningin ko doon. Masyado na pala akong pre-occupied.

"Anong iniisip mo?"Tanong ni Devon habang nakahawak sa kamay ko at ang isang kamay naman ay nasa manibela.

"Si Laurence.."

Sinulyapan niya ako at sinamaan ng tingin, ngumuso naman ako.

"Kasi gusto kong makilala yung nililigawan niya,"Paglilinaw ko.

"Kahit na.. wala ka dapat ibang iniisip maliban samin ng mga anak natin,"

Ngumiwi ako."At sino namang nagsabi na iniisip kita?"

"Hindi ba?"Tumaas ang kilay niya kahit nakafocus ang mata niya sakalsada.

"M-minsan lang.."Napakurap-kurap ako dahil parang may sariling buhay ang bibig ko.

Pinapahamak ako!

"Dev.."

"Hmm, yes?"

"Tingin mo.. uh, magugustuhan ako ng magulang mo?"Mahinang tanong ko."Tsaka yung tungkol sa mga bata tingin mo, matatanggap kaya nila?"

Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko. Kaya medyo kumalma ako.

"Don't worry, nabanggit na kita sa kanila pati mga bata,"Ngumiti siya ng tipid.

"B-baka ayaw nila sakin..o sa mga anak natin,"

Tumawa siya."Matagal na akong pinag-aasawa ni mom dahil gusto niya pa raw maabutan ang mga apo niya sakin."

"Eh, bakit hindi ka nag-asawa?"

"Paano akong mag-aasawa kung nawala ka?"

Ngumuso ako."Eh di sana naghanap ka ng iba o kaua tinuloy mo  nalang yung kasal niyo ni Shane?"

"Heaven.. hindi ko kayang magpakasal at sumumpa sa harap ng diyos ng pang- habang buhay sa taong hindi ko naman talaga mahal,"

"Eh paano kung may asawa na pala ako?"

Sumama ang timpla ng mukha niya."Sino namang nagsabi na papayag akong magpakasal ka sa iba?"

"Kung may asawa na nga ako..kunyare kasal na?"

Ngumisi siya."Okay lang sakin kahit kabit nalang.. tatanggapin ko,"

Hinampas ko naman siya kaya humalakhak siya, hinawakan niya nalang ang kamay ko para dampian ng halik. Napailing nalang ako inabala ang paningin sa bawat nadadaanan.

Kasalukuyan kasi kaming nasa byahe dahil pupunta kami sa mansyon na pagmamay-ari nila, dahil dumating ang mga magulang niya galing germany at gusto raw makita at makilala ng mga ito ang apo nila.

Nang tumapat kami sa malaki at mataas na gate ay umaarangkada ang mabilis na pagtibok ng puso ko, ito kasi yung unang beses na makikita at makikila ko ang magulang ni Devon. Tatlong beses na nagbusina si Dev at kusa itong bumukas.

Napalunok ako ng tuluyan ng huminto ang sasakyan, sumulyap pa si Devon sakin at sinsero akong nginitian bago lumabas ng sasakyan. Una n'yang binuksan ang pintuan ng backseat at binaba ang kambal na excited na excited na, sinunod n'yang buksan ang shot gun seat kung saan ako nakaupo.

Humugot ako ng malalim na hininga bago tuluyang bumaba, inalalayan pa ako ni Devon.

"Bakit ang lamig ng kamay mo?"Gulat na tanong niya.

"K-kinakabahan ako.."Pag-amin ko.

"Wag kang kabahan, promise.. magugustuhan ka nila,"Pag papakalma niya.

Hindi na ako sumagot pero para akong nanlalambot maburi nalang at hawak ako ni Devon. Hinawakan namin ni Devon ang magkabilang kamay ng kambal bago kami tuluyang naglakad papasok ng mansyon.

"Wow, ang big naman ng house niyo daddy.."Manghang sabi ni Bryce.

"This is our family house, Buddy..  don't worry mas malaki pa ang bahay na ipapatayo namin ng mommy mo,"Sambit nito kaya natigilan ako. "Right, Architect?"

Tinaasan ko sya kilay hanggang sa bumaba ang tingin ko sa anak kong mukhang naghahantay ng sagot ko kaya awkward akong ngumiti.

"S-syempre naman,"

"Daddy, mabait po ba si lolo at lola?"Tanong ni Bryle.

Tumango naman si Devon."Yes buddy,i'm sure matutuwa sila sa inyo.."

"Bryan Devon, You're already here.."Sabay sabay kaming napalingon sa nagsalita.

Para akong na-estatwa ng matanaw ko ang magandang ginang na nakatayo hindi kalayuan samin, nakasuot ito ng engrandeng damit, kung tititigan mo siya ay sa pananamit at itsura palang ay sumisigaw na ito ng karangyaan.

"Mom.."Bati ni Devon bago lumapit sa ginang para halikan ito sa pisngi.

Mom?

Napatuwid ako nag pagkakatayo. Oh my god! Devon's mom?Mas lalong kumalabog ang dibdib ko. Hinaplos nito ang braso ni Devon pagkatapos s'yang halikan, ilang minuto lang ay napatingin siya samin.

Kitang kita ko ang pagkislap ng mata niya habang nakatingin sa kambal na ngayon ay nagtatago na sa hita ko, medyo nailang ako ng umangat ang tingin niya sakin. nawala lahat ng pangamba ko ng ngumiti ito.

"Bigboys, come here.. may ipapakilala ako sa inyo,"Rinig kong utos ni Devon sa mga anak namin

Dahan-dahan namang umalis sa pagtatago ang mga anak ko upang sundin ang kanilang ama. Maliliit ang hakbang ng kambal pero matyaga silang hinintay ng daddy nila.

"Bigboys, This you is Lola Brianna.. she's my mom,"Pakilala ni Devon.

"Hello po lola, i'm Bryle Hendrix po, and this is my twin, Bryce Kendrix.."Magalang na sabi Bryle.

"Napakagwapo ng mga apo ko, kamukhang kamukha kayo ng daddy niyo.."Nakangiting sabi ni tita Brianna at hinaplos ang pisngi ng kambal.

"Heaven.. come here,"Mahinang sabi ni Devon, sapat lang para marinig ko.

Nanginginig akong lumapit sa kanila. Mabilis namang pinalupot ni Devon ang kamay niya sa baywang ko.

"Mom, This is Seraphina Nevaeh.. the mother of the twins and the woman i love the most,"Nag-init ang pisngi ko.

Nagulat naman ako ng hakbangin ni tita brianna ang pagitan namin upang bigyan ako ng mahigpit na yakap.

"Nice finally meeting you, Hija.. ang tagal kana naming gustong makilala,"

"N-nice meeting you po t-tita.."

"Mommy.."

"P-po?"

"Call me mommy,"Ngumiti ito. "Anywa, nasa dining area ang daddy ni Devon, so let's go there.."

Pagpasok namin ng dining area ay bumungad samin ang mahaba at engrandeng lamesa, sobrang laki ng kusina halatang pangyayamanin talaga, ulti momg gamit at design ay parang naghahalaga ng daan-daang libo.

"Bigboys, this is Lolo Nixon, my dad." Pakilala naman ni Devon sa daddy niya kaya mabilis namang lumapit ang kambal sa lolo nila na tuwang tuwa naman sa kanila.

"Dad, this is Seraphina.."Hawak pa rin ni Devon ang baywang ko.

"Nice finally meeting you, Seraphina." Magaspang ang boses nito para halata naman ang pag respeto sa pananalita niya.

"Nice to meet you din po,"Ngumiti ako.

Inakaso ko ang kambal ng mag umpisa na kaming kumain. Habang naguusap sila ay nakikinig lang ako, paminsan-minsan ay sumasagot ako kapag tinatanong o may sinasabi si tito at tita. Ang kambal naman ay tahimik lang dahil tinuruan ko sila na wag makikisali sa usapan ng matatanda.

"So, what's your plan now?"Tanong ni tito Nixon.

"Oo nga naman Devon, may mga anak na kayo.. wala pa ba kayong planong mag pakasal?"Singit ni tita Brianna dahilan para mabulunan ako, mabilis naman akong inabutan ng tubig ni Devon. "Kung ako ang papiliin ay mas gugustuhin kong magpakasal kayo, para hindi magmukuhang bastardo ang mga apo ko..pero, si Seraphina pa rin ang masusunod kung handa naba s'yang magpakasal sayo,"Dagdag pa nito at simulyap sakin.

"Yeah. That's why we're here, mom.. gusto kong ibalita sa inyo na magpapakasal na kami ni Seraphina.."

Anong kasal?hindi pa nga namin napaguusapan yang bagay na yan.

Umawang ang bibig ko sa sinabi ni Devon. Sobrang bilis ng pangyayari natagpuan ko nalang ang sarili kong nakatitig sa singsing na dahan dahang sinusuot ni Devon sa daliri ko.

Anong proposal to?

"Hindi na kita tatanungin ng 'Will you marry me' dahil sa ayaw at gusto mo.. magpapakasal ka sakin, Heaven.."

Continue Reading

You'll Also Like

596K 12.7K 43
i should've known that i'm not a princess, this ain't a fairytale mattheo riddle x fem oc social media x real life lowercase intended started: 08.27...
70.4K 1.6K 31
!Uploads daily! Max starts his first year at college. Everything goes well for him and his friends PJ and Bobby until he meets Bradley Uppercrust the...
439K 11.5K 62
❝spencer, all this week you've been holding my hands. what about your germ thing?❞ ❝you were more important.❞ hazel finley is a liar. but she's a da...
1.9M 86.3K 194
"Oppa", she called. "Yes, princess", seven voices replied back. It's a book about pure sibling bond. I don't own anything except the storyline.