Chapter 10

794 13 0
                                    

"Paki-serve sa table 5 sera, salamat.." Pakikisuyo ni ate Lanie sakin.

"Ako ng bahala."Ngumiti ako at kinuha ang tray na may kape upang dalhin sa table 5.

Araw ng huwebes ngayon kaya may pasok ako dito sa coffee shop. Ramdam na ramdam ko ang pagod sa maghapon sa skwelahan tapos ang dami pang customer ngayong gabi. Hindi nauubusan, kapag may lalabas ay may papasok din bilang kapalit.

"Sera, paki-serve sa table 11."

Tumango naman ako at muling kinuha ang tray na may lamang kape. Dahan-dahan lang kilos ko dahil ingat na ingat akong madulas o may matapunan. Ilang linggo na akong pumapasok dito at maganda naman ang kinalabasan kaya ayaw kong makagawa ng anumang pagkakamali para hindi nanaman ako maalis.

Sabagay hindi naman ako naalis sa dating trabaho ko dahil may nagawa ako. Sa totoo lang ay hindi ko rin alam ang dahilan, kaya naman ng matanggap ako dito sa coffee shop na ito ay laking pasasalamat ko dahil malaking tulong ito sakin.

Kung sakaling may mapapasukan pa ako ay papatulan ko talaga para may pandagdag pa ako sa pang-gastos ko. Hindi lang sa skwelahan kung hindi sa pambayad ko ng renta at matrikula, lahat ng trabaho tatanggapin ko basta wag lang masamang trabaho.

Hinilot ko ang batok ko gamit ang kanang kamay ko dahil hawak ko sa kaliwang kamay ang tray na ginamit ko pang serve. Ang sakit ng batok ko, hindi ko rin alam kung bakit, kaninang umaga pa ito. Hanggang ngayon hindi pa rin nawawala.

"Ang dami nating customer ngayon grabe.."Sabi ni Clay. isa rin sa kasamahan ko, waiter din siya tulad ko.

"Oo nga, nakakapagod.."Sang-ayon ni ate Lanie. "Mabuti pa itong si Sera kahit pagod na mukha pa ring fresh."Nakangiting sabi niya at sumulyap sakin.

"Anong fresh?pakiramdam ko nga, haggard na haggard na ako..dahil mula pa kanina hindi na naubusan ng customer."Tumatawang sagot ko.

"Pero grabe ka rin, Sera no?"Biglaang sabi ni clay.

Bahagya naman akong naguluhan."Huh.."

"Eh kasi studyante ka sa maghapon tapos nagtatrabaho kapa sa gabi hanggang madaling araw.."Patuloy niya.

Bumugtong hininga ako."Wala naman aking choice, Clay..kung hindi ako magtatrabaho, hindi ako makakakain at makakapag-aral dahil sarili ko lang naman ang inasahan ko."

"Kaya nga ako naghinto ng pagaaral kahit labag sa loob ko.. dahil, hindi ko kinayang pagsabayin ang pagaaral at pagtatrabaho," Malungkot na sabi ni ate Lanie.

"Marami pa namang taon ate, pwede kapang magpatuloy sa paga-aral kapag nakapag-ipon kana."Pagpapagaan ko sa loob niya.

"Tama ka, Sera.."Sinserong itong ngumiti.

"Wait lang Clay, ah?iihi lang ako.. ikaw muna ang bahala saglit."Paalam ko.

"Sige bilisan mo ah?"Tumango naman ako.

Binilisan kong maglakad patungong comfort room dahil naiihi na talaga ako. Pagkatapos kong umihi ay saglit akong sumulyap sa salamin sa harap ng sink para tignan ang sarili ko, medyo magulo na ang buhok ko kaya inayos kona muna bago tuluyang bumalik sa harap ng counter.

"Ang bilis mo teh,"Natawa naman ako kay Clay.

"Para hindi ka magreklamo."Tumawa ako.

"Clay, table number 8.."Rinig mong sani ni ate Lanie.

Akmang kukunin ni Clay ang tray pero pinigilan ko ang kamay niya.

"Ako na,"Presinta ko at ako na ang kumuha ng tray para dalhin sa table 8.

"Here's your coffee.. ma'am, sir."

Halos matapon ko ang kapeng nasa tray ng makita ko kung sino ang customer namin. Si Shane at Dev. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at pumikit ng mariin para kalmahin ang sarili ko.

When Heaven Meets Her Devil(COMPLETED)Where stories live. Discover now