Chapter 34

1.9K 13 7
                                    

"Dev...gising kana oh?"Umiiyak usap ko habang hawak ang kamay niya.

Ang sabi ng doctor ay wala naman daw dapat ipag-alala dahil normal naman ang resulta ng CT scan niya, na ipinag - papasalamat ko sa diyos, pero hindi pa rin ako ma-komportable dahil hindi pa rin aiya magkakaroon ng malay.

Nakakatawa lang isipin na sa kabila ng lahat ng nangyari ay unti-unti ko ring napagtanto na sa sobrang pagsisinungaling ko ay pati sarili ko niloloko kona rin.

Anim na taon kong pilit na pinapasok sa utak ko na hindi kona siya mahal. pinaniniwala ko rin ang sarili kong nakalimutan at wala na akong nararamdaman pa sa kanya.

Pero sa lahat ng nangyari ngayon ay parang napakabilis ko din naamin sa sarili kona mahal ko pa rin pala siya, wala pa rin pala talagang nagbago, na kaya pala nasasabi ko lang na hindi na ay dahil sobra ko s'yang kinasuklaman.

Agad kong pinunasan ang luha ko ng marinig kong tumunog ang doorknob ng pinto takda na may pumasok.

"Mommy.."Rinig kong tawag ng isa sa mga anak ko.

Kinagat ko ang labi ko at humarap sa kanila ng may ngiti. Ayaw kong mag-alala ang mga kambal, kaya ayaw kong makita nila akong umiiyak.

"Mommy.. magiging okay naman po si daddy, diba?"Mahinang tanong ni Bryce.

Ngumiti naman ako."Okay na si daddy, anak.. need niya lang mag rest,"

"Mom, anong nangyari kay daddy?"Tanong naman ni Bryle.

"Niligtas ako ng daddy niyo.. ako dapat ang tatamaan ng bakal pero tinulak niya ako at siya ang tamaan."Paliwanag ko.

"Mommy, when po magigising si daddy?matagal din po siya mags-sleep mommy?" Daldal ng anak ko.

Napangiti ako."Hindi naman matagal anak pero wait natin, okay?"

Bumungisngis ang anak ko."Okay po mommy.."

"Mom, want ko pong umupo sa hospital bed ni daddy."Biglang singit ni Bryle kaya tumayo ako para buhatin siya.

"Mommy ako din po,"Panggagaya ni Bryce kaya binuhat ko din siya.

Pareho silang nakaupo sa hospital bed ng ama nila. Pinagmasdan ko lang kung anong gagawin nila. Napangiti ako ng halikan ni Bryce si Devon sa noo, habang hinawakan naman ni Bryle ang kamay nito.

"Daddy, wake up na' po magplay na tayo ng basketball.."Mahinang mahinang sabi ni Bryle. "Daddy hindi mo naman kami iiwan ulit, diba?"Nanikip ang dibdib ko ng makita kong nagumpisa ng manggilid ang luha niya.

Agad ko namang hinaplos ang likod niya."Anak, wag kang mag-alala hindi na tayo iiwan ulit ng daddy niyo, kaya tahan na.."

"Daddy gising kana po.. bahala ka, kapag hindi kapa nagising papakasalan ni daddy Laurence si mommy,"Pananakot ni Bryce.

Mabigat ang loob ko pero hindi ko maiwasang mapangiti, Siguro kung gising ngayon si Devon ay salubong na salubong ang kilay niya katulad noon tuwing nakikita n'yang kasama ko si Rence.

Tanging anak ko lang talaga ang may alam kung paano mapa-pagaan ang loob ko. Kaya thankful ako na binigay sila sakin ni lord.

Sila yung regalong panghabuhay kong ipagpapasalamat.

Maghapong nanatili ang kambal dito. Pero ng pumatak ang alas-syete ng gabi ay pinagsabihan ko sila na umuwi na at sila Rhea muna nila ang bahala sa kanila. Gusto pa nga sanang matulog ng kambal dito pero sinabi ko na wag na dahil mahihirapan lang sila, nangako nalang ako na tatawag ako agad kapag nagising na ang daddy nila.

Nang kakaming dalawa nalang ni Devon ang naiwasan sa loob ng kwarto ay pinagmasdan ko ang kabuuan ng mukha niya. Wala pa rin nag bago, napaka-gwapo niya pa rin. Ito pa rin yung mukha n'yang kinabaliwan ko ng husto noon. Kinagat ko ang labi ko kapag na-aalala ko lahat ng sinabi ni shane kahapon.

When Heaven Meets Her Devil(COMPLETED)Where stories live. Discover now