Chapter 27

2.1K 22 0
                                    

Halos hindi ko mai-lunok ang wine na nilagok ko dahil nanatili ang titig sa'kin ng demonyo, kanina pa niya hindi inaalis ang paningin niya sakin, ni hindi na yata kumukurap, hindi ko na rin alam kung ilang beses na akong umirap sa kawalan.

"Are you okay?"Tanong ni Laurence sa pabulong na paraan, naramdaman niya yatang hindi ako komportable.

Tumango ako."I'm fine,"

Mas idinikit niya ang katawan niya sakin."Kanina pa titig na titig yung ex mo, sarap dukutin ng mata.."

Hindi ko mapigilang matawa kaya napatingin sa'min ang iba pang Engineer at Architects na kasama namin sa mahabang presidential table. Tumimikhim naman ako at nilapit ang bunganga ko sa tainga niya.

"Sinong ex ko?may ex ba ako?"Nakangising tanong ko.

Narinig ko ang pagtawa niya."Selos yata sa'kin."

"May asawa na yan, wag mo'kong gawing kabit.."Inirapan ko siya.

Nagkibit balikat naman siya at ipinatong ang kamay niya sa upuan ko nagmukha tuloy s'yang nakaakbay sakin.

"Engr. Montes masyado mo namang binabakuran si Architect Selguero,"Puna ni Engr. Soto, pakiramdam ko at nag-init ang pisngi ko dahil napunta samin ang atensyon nila.

Humalakhak si Laurence at mahinang pinisil ang balikat ko kaya alanganin akong ngumiti.

"Binabakuran ko lang talaga kung anong sa'kin, right babe?"Sumulyap pa si Laurence sa'kin na may makahulugang tingin.

Ngumuso ako."Of course, babe.."

Hindi sinasadyang mapatingin ako kay Devon, kumunot ang noo ko ng makita kong sobrang talim ng tingin niya kay Laurence pero ng mapansin n'yang nakatingin ako sa kanya ay mabilis s'yang nagiwas ng tingin.

Hindi ko nalang siya pinansin at tinuon ang atensyon ko sa mga iba pa naming kasama, may mga usapan at kwentuhan sila, minsan ay nakikisali ako kapag kinakausap o tinatanong nila pero mas madalas ang pananahimik ko at pakikinig nalang sa usapan nila.

"Do you want more?"Tanong ni Laurence.

Ang tinutukoy niya ay ang wine dahil nakita n'yang wala ng laman ang wine glass ko.

Bumugtong hininga ako bago tumago."Yes, please.."

Sa ilang oras kong pananatili dito ay marami akong nakahalubilo, karamihan pa ay bigating business man pero mas lamang ang kilalang engineer at architect na tumatanggap na ng ibat-ibang proyekto mula sa ibang bansa.

Kilala rin naman ako bilang isang best engineering sa LEGACY Firm kung saan ako nagtatrabaho, marami na rin akong proyektong nahawakan sa nagdaang taon, hindi sa pag mamayabang ay hindi kona nga halos mabilang, basta karamihan ay puro building at hotel.

Buryong na buryong ako sa nagdaang ilang oras, pakiramdam ko din ay medyo tinatamaan na ako sa wine na nainom ko, hindi ko halos namalayan na nakailang beses na rin palang nasalinan ang wine glass ko.

"Oh, You're the Architect of Royale Hotel, Architect Selguero?" Tanong yun sakin ng isa sa mga enginer na ipinakilala sa'kin kanina, pero hindi kona natatandaan kung anong pangalan niya.

"Yes.."Tumango ako, napansin ko naman ang pagsulyap ni devon sakin pero hindi ko siya pinansin.

"So, Engr. Montes is the engineer?"Tanong ulit nito.

"No, i'm not.."Umiling si Laurence na nasa tabi ko.

"Actually, Engr. I don't really know who's the engineer of the Royale Hotel, hindi pa kasi nababanggit ni Mr and Mrs. Flores last time na nag-usap kami.."Pag-amin ko.

When Heaven Meets Her Devil(COMPLETED)Where stories live. Discover now