Chapter 20

1K 10 0
                                    

Dev:

Let's talk later. I have important something to tell you.

Ako:

Ako din may sasabihin ako sayo.

Nagpaikot-ikot ako sa maliit na sala ng boarding house ko pagkatapos kong i-send ang reply ko. Araw ng sabado ngayon at birthday na ni Shane, ilang araw na din akong wala sa sarili at tulala dahil hindi parin tinatanggap ng utak ko lahat.

Ilang araw ko din pinag-isipan kung paano ko sasabihin kay Devon yung sitwasyon ko. Panay din ang dasal ko na sana matanggap niya kahit yung baby ko nalang. Sa ilang araw na yun ay naisip ko nalang na sabihin sa kanya ngayong kaarawan ni Shane, pasikreto ko s'yang kakausapin mamaya.

Sa totoo lang ay wala talaga akong balak sana na sumama sa celebration ng birthday ni Shane beach sa nueva ecija, kung wala lang talaga akong sadya kay bryan. Gusto ko kasing mag-usap kami ng masinsinan.

Sasama sakin si Lucy at Zara, hindi ko alam kung paano nakarating kay Laurence na pupunta kami ng nueva ecija kaya wala akong nagawa ng sabihin n'yang sasama din daw siya at sa sasakyan niya na kami sasakay. malamang isa sa mga kaibigan ko ang nagsabi sa kanya.

Tumunong ang cellphone ko kaya mabilis kong sinilip kung sinong nag-text, akala ko ay nagreply si bryan pero si Laurence pala.

Laurence:

Nakaready kana?

Ako:

Oo, hindi naman sobrang dami dapat ihanda eh.

Laurence:

Nagdala ka swimsuit?

Ako:

Hindi ako nagsusuot non.

Laurence:

Beach and resort ang pupuntahan mo tapos hindi ka magsusuot ng swimsuit?

Ako:

Ay, hind ako aware na kailangan palang naka swimsuit kapag mags-swimming?

Binaba ko ang cellphone ko sa kama ng marinig ko ang ilang beses na pagkatok mula sa pinto. Pagbukas ko ay sumalubong sakin ang nakangiting mukha ng dalawang kaibigan ko.

"Hello buntis."Nakangising bati ni Zara, pakiramdam ko ay naginit ang pisngi ko.

Ngumuso ako."P-pasok na kayo.."

Niluwagan ko ang pagbukas ng pinto. Pagpasok nila ay sinarado ko nalang ulit, pinatong ni Zara at Lucy ang tag-isa nilang bag pack sa lamesa bago umupo sa kama ko.

"Alas tres aalis, diba?"Tanong ni Zara, tumango naman ako.

Alas sais magsisimula ang selebrasyon ng birthday ni Shane kaya alas tres namin naisipang mag byahe dahil halos dalawang oras lang naman ang byahe mula sa manila hanggang nueve ecija, sakto, pagpatak ng alas-singko ay nakarating na kami doon.

"Bakit kaya wala pa si Laurence?"Tanong ni lucy.

"Baka papunta na yun,"Sagot ko.

Hindi nga ako nagkamali, pagkatapos ng ilang minuto ay dumating na si Laurence, katulad ni Zara at Lucy ay may dala rin s'yang bag, at syempre dala niya rin ang sasakyan nya. sakto lang ang dating niya dahil alas dos y media palang naman.

Nang sumapit ang alas tres ng hapon ay nagbyahe na kami. hindi ko alam kung nasa byahe na rin ba sila Devon o mas nauna na sila samin o baka naman nakarating na sila. wala akong alam kasi wala namang reply si Devon sa text ko kanina.

"Laurence, malayo ba sa inyo yung resort?"
Tanong ni Lucy.

Tumawa naman si laurence."Malapit lang,"

When Heaven Meets Her Devil(COMPLETED)Where stories live. Discover now