Chapter 8

782 10 0
                                    

Napadilat ako sa malakas at sunod-suno na pagkatok sa mula sa pinto. Pupunga pungas akong dumilat at akmang tatayo na pero agad akong natigilan ng maramdaman akong mabigat na kamay sa baywang ko. Kapos -kapos ang hiningan ko ng ma-aalala kong nandito nga pala si Devon.

Dahan-dahan akong gumalaw para harapin siya. Sobrang himbing ng tulog niya, bahagya pang nakaawang ang bibig niya. Gulo gulo rin ang medyo mahaba n'yang buhok na mas nakagwapo pang tignan sa kanya.

Hindi ko maiwasang titigan ang kabuuan ng mukha niya, matangos na ilong at makapag na kilay, ang labi n'yang nakakaadik halikan.

Bumalik ako sa wisyo ng muling may malakas na kumatok sa pinto. Nairita ako sa ingay dahil baka magising si Devon, kaya dahan -dahan kong inalis ang kamay n'yang nasa baywang ko. Tumayo ako sa kama at naginat-inat bago dumiretso sa pinto para pagbuksan ang kumakatok.

Nanlaki ang mata ko ng bumungad sakin si Zara at Lucy. Nataranta ako, anong ginagawa nila ng ganito kaaga dito?napapikit ako ng mariin ng maalala kong ngayon pala kami gagawa ng report, kamint tatlo kasi ang magkakasama, pero hindi ko akalain na ganitong oras sila pupunta.

"Good morning, Sera."Energentic na sigaw ni Lucy.

"Ang aga niyo namang nang-iistorbo ng tulog.."Sarakastikong sabi ko.

"Sorry na.. naisip kasi namin na maagang pumunta dito para maaga nating matapos, tapos dito na din kami kakain ng lunch.. ikaw magluluto, mamalengke tayo mamaya."Ngumisi si Zara.

"Hindi mo man'lang ba kami papapasukin?"Taas kilay na sabi ni Lucy.

"Ah, ano kasi—"

"Tumabi ka d'yan papasok na kami."Tumatawang sabi ni Zara at bahagya akong tinabig, natawa rin tuloy si Lucy.

Napapikit ako ng mariin dahil ang lalakas ng boses nila, pero agad din silang natahimik ng tuluyan na silang makapasok sa loob, dahan-dahan akong lumingon. Nanlalaki ang mata nila habang nakatingin may Devon na mahimbing na natutulog.

Napakurap-kurap si Zara at mabilis na humakbang patungo sakin at hinila ako palabas ng bahay, ramdam ko naman ang pagsunod ni Lucy.

"Ano yun?anong ginagawa ng kumag na yun dito?"Tanong ni Zara.

"Oo nga, akala koba walang cuddle?wag mong sabihing kadarating niya lang dahil halatang halata na dito siya natulog."Sambit pa ni Lucy.

Pumikit naman ako ng mariin."D-dito nga siya natulog."

Sabay silang napasinghap."Ano 'to mag damag kayong nag-sex, nakatulog sa sobrang pagod?"Bulgar na tanong ni Lucy.

Nanlaki ang mata ko."Lucy!"

"Oh ano?magdamag kaya dito natulog?"

"Syempre hindi.."Inirapan ko siya.

"Eh ano nga?"Pangungulit ni Zara.

"Hindi ko rin alam.."Nagkibit balikat naman ako. "Kagabi kasi galing ako sa unit niya, tinulungan ko s'yang gumawa ng presentation niya tapo—"

"Tapos nag sex kayo."Singit ni zara kaya ngumiwi ako. "Sige itanggi mo."Panghahamon niya.

Nag-iwas naman ako ng tingin."Tapos, tinatawagan siya ni Shane hindi ko alam kung anong pinagusapan nila basta nagpaalam siya na pupuntahan niya si Shane."

"Ah, pinuntahan yung tunay na mahal?"Bakas ang pangaasar sa boses niya.

Sinamaan ko naman siya ng tingin."Tapos syempre iniwan niya ako sa unit niya.. wala akong choice kaya naisipan ko nalang ding umuwi, then.. nagkita kami ni Laurence nung kumakain ako ng streetfoods."

Namilog ang mata ni zara."Sinong Laurence?"

"Taga nueva ecija yun.. schoolmate ko dati, siya yung kauna-unahang nag confess at binasted ko dahil grade 9 palang kami non.."Kwento ko.

When Heaven Meets Her Devil(COMPLETED)Where stories live. Discover now