Chapter 14

753 12 2
                                    

"Heaven.. hanggang kailan moba ako iiwasan?"

"Pwede ba Dev, umalis ka na sa daan ko.. may pasok pa ako sa coffee shop."Matalim ko s'yang tinignan.

"Heaven.. please naman, ayusin na na'tin oh?"

"Ano nanaman bang kailangan mo Devon.. may pangangailangan ka nanaman ba?"Diretsang tanong ko. "Isang linggong mahigit na tayong hindi naguusap tapos ngayon nandito ka nanaman sa harap ko at nunuyo?"Agad s'yang natigilan.

"Heaven.. sobrang miss na miss kita kung alam mo lang, ayaw ko lang talagangg sabayan yung galit mo.."Kinagat niya ang pang-ibabang labi niya.

"Hindi ako ang nami-miss mo Devon.. ang tanging nami-miss mo lang sakin ay yung katawan ko."Singhal ko.

Umawang ang bibig niya at naging sunod-sunod ang paglunok."H-hindi sa ganun, heaven."Mahinang sabi niya.

Mapait akong napangiti, hindi sa ganun?pero ganun yung nararamdaman ko. Kapag alam mong mainit yang katawan mo tatakbo ka sakin para palamigin, kapag kuntento kana babalik kana kay Shane, sa totoong mahal mo.

"Umalis kana d'yan Devon"Ulit ko.

Hindi siya natinag kaya pagod ko s'yang tinignan. Isang linggong mahigit na kaming hindi nagkikita o naguusap. Hindi ko alam ngayon kung bakit nandito siya sa harap ko ngayon. hinarang niya ako sa gate ng palabas na ako, hindi ko rin inaasahan at naiinis ako dahil ayaw niya akong padaain.

Sa totoo lang ay wala naman talaga akong pasok sa coffee shop ngayon dahil biyernes, sinasabi ko lang yun para umalis na siya sa daan ko pero hindi ako nagtagumpay dahil nandito pa rin siya.

"Sorry na please.."Malambing na sabi niya at akmang hahawakan ang kamay ko pero agad kong iniwas.

"Okay Dev, ayos na tayo.. pwede ka ng umalis sa daan ko,"Pinigilan kong mairita para tantanan niya na ako.

"Promise?"Parang batang tanong niya.

Tumango ako."Oo, kaya umalis kana d'yan.. may pasok pa ako,"

"Liar, wala kang pasok sa coffe.."Tumaas ang kilay niya.

"M-meron.."Nauutal na sagot ko.

Ngumisi siya."Wala kang pasok, kung gusto mo ikaw nalang ang pasukan ko."

Agad kong natampal ang bibig niya. "Manyak!"

"Sa'yo lang."Kumindat siya sakin.

"Lubayan mo ako Devon, bakit hindi si Shane ang puntahan mo para manyakin,"
Inirapan ko siya.

"Jealous?"Pang-aasar niya.

"Bakit naman ako magseselos?pwede ko namang tawagan si Laurence pa—"

Namilog ang mata ko ng siilin niya ako ng halik pero mabilisan lang at agad din s'yang humiwalay, uminit ang pisngi ko at luminga-linga sa paligid, nakahinga ako ng maluwag makita kong walang nakakita sa'min.

"Bakit mo ginawa yun?"

"Para patahimikin ka.."Maikling sagot niya.
"Wala kang karapatang mag banggit ng ibang pangalan kapag kasama mo ako, Heaven.. pangalan ko lang ang pwede mong banggitin, naiintindihan mo?" Supladong dagdag niya pa.

"Paano kung ayaw ko?"Panghahamon ko.

"May alam ako madaling paraan para makasigurado akong pangalan ko lang ang babanggitin mo hindi lang basta banggit —"Pabitin niya at bahagyang nilapit ang bibig niya sa tainga ko."I-uungol mo pa,"

Napasinghap ako at mabilis s'yang tinulak."Kung ano-anong sinasabi mo, bakit kaba nandito ha?umalis kana nga."Pagtataboy ko.

"Wag ka ng magselos kay Shane..mag date nalang tayo,"

When Heaven Meets Her Devil(COMPLETED)Where stories live. Discover now