Chapter 32

1.8K 18 0
                                    

"Seraphina.. thank you for allowing me to be with them,"Mahina pero bakas ang sensiridad sa boses niya.

"May magagagawa ba ako?"Mapait akong napangiti. "Isa lang ipapakiusap ko sa'yo, Devon."

"K-kahit ano.."

"Wag mo silang sasaktan,"Pinilit kong patatagin ang boses ko. "Wag mong sasaktan ang mga anak ko, Devon.. kahit sino sa kanilang dalawa,"

"Pangako.."

Tumango ako at akmang aalis na pero mabilis niya akong hinawakan sa braso kaya kusa akong napahinto.

"May problema ba?"

Pumikit siya ng mariin."Sera, alam kong paulit-ulit mong sasabihin na hindi mo ako mapapatawad pero paulit-ulit parin akong hihingi ng tawad sa'yo,"

Hindi ako umimik nagpatuloy na sa paglabas ng kwarto, iniwan ko siya sa loob. Tulog na ang kambal dahil pareho silang pagod sa pakikipaglaro kay Devon sa maghapon. Natutuwa ako dahil nakikita kong sobrang komportable na ng kambal kay Devon, nakakalaro at nakakabonding niya na ang mga ito.

Hindi ako kumportableng nasa iisang lugar lang kaming dalawa ni Devon kaya hindi ko alam kung paano ko natagalang makasama siya dito sa unit, mula kaninang ala-una at kasabay pa naming s'yang kumain ng hapunan sa iisang lamesa.

Habang nililigpit ko ang mga laruan ng kambal ay agad akong natigilan ng may makita akong natiklop na bondpaper sa center table, binuklat ko ito at kusa akong napakagat sa pangibabang labi ko ng makita kong isa itong larawan ng isang masaya at buong pamilya.

Habang tinitigan ko ay doon kolang napagtanto na may dalawang batang lalaki, may mommy at may daddy. Nanikip ang dibdib ko hindi ko namalayan na unti-unti na palang pumapatak ang luha ko.

Sorry anak, hindi ko kayo mabibigyan ng buong pamilya, hanggang ganito lang ang kaya ko.

"Sera.."Napahawak ako sa pisngi ko at pasimpleng pinunasan ang luha ko at nag panggap na abala sa pagliligpit.

"Seraphina.."Ulit niya.

"Huh.."Nagkunwari akong ngayon palang narinig ang pagtawag niya sakin.

"May sasabihin kaba?"Mahinang tanong ko sa kanya.

Kumunot ang noo ko dahil hindi siya sumagot at nagsalita kaya muli akong tumalikod sa kanya at ginilid nalang ang mga laruan na nilagay ko sa basket, sinunod kong ayusin ang couch pinagpag ko ito at  inayos din ang magulong mga throw pillow.

"Bakit mo'ko tinatawag kanina?may kailangan kaba?"Tanong ko kay Devon ng tuluyan na akong matapos sa ginagawa ko.

"Umiyak kaba?"Halata sa boses nito ang pag-aalala.

"H-hindi.."Pagsisinungaling ko. "Bakit naman ako iiyak?"

"Stop lying, halata sa mata mo na umiyak ka.."Pinal na sabi niya.

"Hindi ako umiyak, napuwing lang ako kanina habang inaayos ang laruan ng mga anak ko."Palusot ko.

"Anak natin,"Mahinang pagtatama niya

Mas pinili ko nalang wag sumagot dahil baka mabara ko nanaman siya.

"Hindi kapa ba uuwi?"Ayaw ko sanang maging harsh sa kanya kaso masyado ng awkward dahil kami nalang dalawa ang nandito sa sala.

Binasa niya ang labi niya."Pinapauwi mona ba ako?"

"Inaantok na kasi ako.."Palusot ko.

"Bakit ka muna umiiyak, may problema ba?"Maingat na tanong niya.

Tinaasan ko siya ng kilay."Hindi ako umiyak, Devon."Medyo inis na sabi ko. "Umuwi kana, tulog naman na ang kambal.."

"S-sige..."Tumango ito.

When Heaven Meets Her Devil(COMPLETED)Where stories live. Discover now