Chapter 16

762 10 0
                                    

"Hoy!nag skyranch ka pala noong friday ha?"Bungad ni Zara pagdating na pagdating ko.

"Oo nga, may ka-couple kapa ng night wear ha, sino yun?"Nakangising sabi ni Lucy. "Pero bakit muna naka blurd yung picture niyo nung guy?lowkey yarn?"Dagdag niya pa.

Ngumiwi ako at umayos ng pagkakaupo. Araw na ng lunes ngayon, dalawang araw na mula ng makauwi kami galing tagaytay ni Devon, nagtataka nga ako dahil noong sabadong umuwi kami sa boarding ko nanaman siya natulog kinagabihan, tapos kahapon naman nandoon kami sa condo niya, nag foodtrip at nanood ng netflix. Hinatid niya rin naman ako pagpatak ng gabi dahil may pupuntahan daw siya. Ayaw ko sanang mag-assume pero pakiramdam ko may nagbago kay Dev, sobrang lambing niya sakin.

Hindi na kaya sila nagsasama ni Shane?

"Hoy babae!ano na?magkwento kana." Agad akong bumalik sa reyalidad sa lakas ng boses ni Zara.

"Ano iku-kwento ko?"Taas kilay na tanong ko.

"Kung sino yung kasama mo noong friday."Si Lucy ang sumagot.

"Secret kona yun, baka ma-usog." Nakangising sabi ko.

Mabuti nalang at dumating na ang prof namin sa first subject, dahil alam kong hindi ako lulubayan ng dalawa kakatanong nakakatuwa lang na mababaliw sila sa kakaisip.

Hindi kasi nila aakalaing si Devon yun dahil alam naman nilang hindi kami nagde-date ni Dev, hindi rin nagc-cuddle, ni hindi rin lumalabas dahil fuck buddy nga lang kami. After sex, aalis na siya ganun lang ang nakasanayan namin, na nakasanayan din ng mga kaibigan ko dahil madalas akong magkwento.

Ganadong-ganado akong makinig sa prof, lalo na kapag naaalala kong kaunting kembot nalang ga-graduate na ako, kaunting tiis nalang. Bigla kong naalala si Devon, after kaya ng graduation magkikita pa kami?or mag-uusap?

Bigla akong nalungkot at the same time. Kapa'g kasi nag graduate kami ni Devon bukod sa pagiging engineer niya paniguradong siya na ang mamahala sa kumpanya nila magiging sobrang busy niya. Tsaka alam ko rin na kasabay ng pagtatapos namin ng kolehiyo ay pagtatapos narin kung anong meron samin.

Naisip ko lang after kaya ng graduation, yayayain na ni Devon ng kasal si Shane?malamang Sera, doon na talaga sila papunta dahil si Shane lang naman ang inaantay ni Devon.

Natapos ang ilang klase namin ng wala akong maiintindihan, bigla kasi akong nawala sa mood sa mga naiisip ko. Nawalan ako ng ganang makinig, nawala yung magandang mood ko.

"Oh, bakit parang binagsakan ka ng langit at lupa, kanina lang ang ganda ganda ng mood mo."Puna ni Zara ng simulyap siya sakin.

"Wala, may naisip lang.."Maikling sagot ko.

"Si Devon yan no?nakita mona siguro yung my day niya sa instagram."Singit ni Lucy.

Kumunot ang noo ko."Anong my day?"

"Hindi mopa nakita?"Gulat na tanong ni Zara.

"Itatanong koba kung nakita kona?"
Ngumiwi ako.

"Wag mo ng tignan..masasaktan ka lang,"Umiling iling pa si Zara.

Hindi ko sila pinakinggan nilabas ko ang cellphone mula sa bag ko. Narinig ko naman ang bugtong hininga ng dalawa pero hindi ko sila pinansin at mabilis nagopen sa instagram.

Pumunta agad ako sa wall ni Devon, mayroon nga s'yang my-day, hindi pa kasi ako nagopen ng social media magbuhat kahapon kaya hindi kopa talaga nakikita.

Napalunok ako ng makita ko ang my day ni Devon, picture nila ito ni Shane, mukhang malaking gatherings. Nakapalupot ang kamay niya sa baywang ni Shane na may hawak na kumpol na puting rosas nakangiti ang dalaga habang nakatagilid si Devon na nagmukhang nakatitig kay Shane.

When Heaven Meets Her Devil(COMPLETED)Where stories live. Discover now