Chapter 22

2K 23 2
                                    

"Bakit biglaan naman ata?"Gulat na tanong ni Laurence ng tawagin siya ni Lucy para sabihing hindi na kami magpapalipas ng gabi dito sa hotel.

"G-gusto ko ng umuwi, hindi kasi ako makatulog dito."Dahilan ko.

"So, aalis na tayo?sure na kayo?paano yung friends nyo?"Tanong

"Kung ayaw mopang umalis, Rence.. ayos lang naman, tutal sa inyo naman itong hotel, magco-commute nalang kami pabalik."Ngumiti ako ng pilit.

"Oo nga Laurence, late na din...nakakahiya kung maabala kapa namin,"Singit ni Zara.

"No, it's okay.. nakaayos naba kayo?tara na?"Tanong nito. "How about your friends, hindi na kayo mag-papaalam?"Baling niya sakin.

"Hindi na, Laurence.. ite-text nalang ni Sera sila Devon bukas,"Si lucy ang sumagot at lumingon sa'kin. "Diba, Sera?"Sambit nito at makahulugan akong tinignan.

Lumunok naman ako at tumango."O-oo, ako ng bahalang mag text bukas, baka kasi tulog na sila ngayon, nakakahiya namang mang-istorbo."

"Okay, then.. let's go," Tumango pa si Laurence at kinuha ang bag ko.

"Ayos ah?yung kay Sera lang talaga ang binitbit."Sarkastikong puna ni Lucy.

Humalakhak naman si Laurence."Need moba ng help?"

"Wag na, Laurence kayang kaya ko 'to." Mataray na sagot niya.

"May regla ba yang kaibigan mo?"Bulong ni Laurence sakin, kahit medyo mabigat ang loob ko ay natawa ako ng mahina.

"Narinig kita, Laurence!wala akong regla, tumigil ka sa kakabulong mo kay sera, baka hindi kita matantsa!"Bulyaw ni Lucy.

Nagkatinginan naman kami ni Zara. Napahilot ako sa sentido ko ng magumpisa na silang mag-away mula sa elevatory ng hotel, paglabas namin ay may bumabati kay Laurence kaya nahihinto sila saglit dahil bumabati pabalik si Laurence, pagkatapos nun ay magtatalo sila ulit hanggang sa makarating na kami ng parking area at makasakay sa sasakyan.

Habang nasa byahe kami ay dilat lang ako, gustuhin ko mang matulog ay hindi ko magawa kaya nilibang ko nalang ang sarili ko sa tanawin, tulog na rin si Zara at Lucy. Ako naman ay binagabag ng isip ko, napakarami kong iniisip halos hindi kona sila mayakanan lahat. Naalala ko kung paano ako nabaliw kay Devon, kung paano ko siya paulit-ulit na hinabol, kung paano ko binigay yung sarili ko sa kanya, kung paano ko hayaang gamitin niya ako kung kailan niya gusto at higit sa lahat kung paano niya ipamukha sakin na walang makakapantay kay Shane.

"Sera.."Tawag ni Laurence sakin.

"Hmm. Bakit?"

"Mukhang malalim ang iniisip mo, may problema ba?"Tanong nito.

Kinagat ko ang labi ko. Simpleng salita lang naman yun pero kapag sinasabi sakin sa sitwasyon ngayon, pakiramdan ko gusto kong umiyak ng malakas.

"A-ayos lang ako, hindi lang talaga ako makatulog."

"Sera, hindi ako naniniwalang hindi ka makatulog sa hotel.. alam mong may problema kayo nung—what his name again?Devon, right?hindi kita pipiliting magkwento.. but kung kailangan mo nung makakausap, handa akong makinig."Napatingin ako sa kanya,seryoso ang mukha niya.

"T-thank you,"

"I think, nag-away kayo ng boyfriend mo?hindi sa chismoso ako pero nakita ko s'yang lumabas ng kwarto mo kanina.."

"H-hindi ko siya boyfriend, Laurence." Paglilinaw ko.

Kumunot ang noo niya."Really?"

Tumango ako."H-hindi ko siya naging boyfriend,"

When Heaven Meets Her Devil(COMPLETED)Where stories live. Discover now