Chapter 12

746 12 0
                                    

Ako:

Dev, san ka?lunch na. hindi kaba kakakain?

Panay ang sulyap ko sa cellphone dahil inaasahan ko ang reply ni Devon pero nakalipas ang ilang minuto ay wala pa rin kaya binaba kona muna ang cellphone sa lamesa para bumalik sa pagkain.

Walang gana kong sinubo ang kanin kong may ulam na afritada. Hindi ko maiwasang makaramdam ng inis dahil wala pang message si Devon sakin. Ang last na usapan namin ay kahapon pa ng tanghali.

Sobrang busy niya ba?kanino, kay Shane?

"Nakailang bugtong hininga kana, sera..ano bang problema?"Tanong ni Zara.

Umiling naman ako."Wala.."

"Oo nga, kanina kapang umaga wala sa mood, sera.. may nangyari ba?"Singit ni Lucy.

"Hulaan ko.. tungkol kay Devon?"Nakangiwing sabi ni Zara.

"Bakit ano nanamang problema, Sera? Walang paramdam?"Tanong ni Lucy.

Umiling ako."Kahapon pa ng tanghali, last na usapan namin."

"Eh paano walang kailangan."Bulong ni Zara.

"Si Devon ba problema mo?ayun oh!"May nginuso si Lucy kaya agad kong sinundan ng tingin.

Ang labi kong may malapad na ngiti ay dahan-dahang nabura ng makita kong kasama niya nanaman si Shane at ang iba pa nilang kaibigan. Bitbit ni Devon ang bag ni Shane habang nakikinig ito kay Shane na nakangiti habang nagkwekwento.

Mabilis akong nag-iwas ng tingin bago pa maabutan ni Devon na nakatingin ako sa kanya. Pinigilan kong wag maiyak, ngumisi ako ng makita kong nagaalalang tumingin sakin yung dalawa.

"Redflag talaga amp*ta."Iling iling na sabi ni Lucy.

"Kita mo yan, sera?mag-paparamdam lang sa'yo yan kapag may pangangailangan tapos hindi ka naalala kapag kasama na si Shane."Asik ni Zara. "T*ngahan mopa ha?walang sisihan ha?wag mong sasabihin samin ni Lucy na hindi ka namin binalaan."Dagdag niya pa at umirap.

"Ayos lang naman, wala akong karapatang mag demand.. ginusto ko yung ganitong sitwasyon."Nakangising sabi ko kahit sa kaloob-looban ko ay gusto ko ng umiyak.

"Ayos lang pero deep inside masakit.."Bumugtong hininga si Lucy.

Hindi na ako kumibo pa dahil totoo naman ang sinabi ni Lucy. Mas pinili ko nalang ibalik ang atensyon ko sa pagkain, pigil na pigil kopa ang sarili kong wag silang lingunin pero talaga yatang mapaglaro ang tadhana dahil sa tabi pa ng lamesa namin sila umupo.

Nagkatinginan si Zara at Lucy, ramdam kong may nakamasid sakin. Maaring isa yun sa mga kaibigan ni Dev pero nagpanggap akong hindi yung napapansin.

"Talaga yatang nanggagag* tong mga 'to, sa dami ng bakanteng lamesa, dito pa umupo sa tabi ng lamesa natin."Pikong bulong ni Lucy.

"Kaya nga.. napaka- insensitive talaga n'yang redflag na yan."Nag-ngingitngit na sabi ni Zara.

"Hayaan niyo na, wag niyo nalang pans—"

"Hi.."Hindi kona naituloy ang sasabihin ko dahil sa nagsalita.

Namilog ang mata ko ng makita siya. Anong ginagawa niya dito?nakapamulsa siya habang nakangising nakatingin sakin, may hawak din itong kumpol ng rosas.

"A-anong ginagawa mo dito, Rence?"Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Wala man'lang i miss you para sakin?" Tumaas ang kilay ni Laurence.

"Paano ka nakapasok?"Tanong ko.

"Hindi mo talaga ako na-miss?"Ulit ni Laurence at yumuko.

Namilog ang mata ko ng dampian niya ako ng halik sa pisngi. Napakurap-kurap ako, nagtilian naman si Zara at Lucy. Samantalang nanahimik naman ang lamesa nila Devon na kanina lang ay maingay.

When Heaven Meets Her Devil(COMPLETED)Where stories live. Discover now