Chapter 6

734 11 1
                                    

"Are you still drinking your pills, Heaven?"Tanong ni Dev.

Napalunok naman ako. bigla kong naalala na dalawang beses kona yatang nakaligtaang uminom. Noong isang gabi ay busy ako sa paggawa ng reports kaya nakatulugan ko, kagabi naman ay nag-review ako para sa nalalapit na exam kaya nakalimutan ko din.

Bigla akong nakaramdaman ng matinding kaba, hindi naman siguro ako buntis kahit araw -araw may nangyayari samin ni Devon diba?kinalma ko ang sarili ko, kalma Sera hindi ka buntis. Iinom nalang ako ng pills mamayang gabi kapag katapos ko kumain ng hapunan.

"Heaven.."

Agad naman akong bumalik sa wisyo."H-ha?ano ulit?"

"Tinatanong ko..kung iniinom moba yung pills mo?"Mahinahong ulit niya.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko."O-oo naman.."

Hinawakan niya ang kamay ko."Are you sure?"

Pilit akong tumawa."Syempre Dev.. alam ko namang ayaw mopang mag-ka baby,"Sinserong sabi ko. "Tsaka, alam kong kung sakaling magkaka-baby ka, hindi naman ako ang gusto mong maging ina."

Tumitig siya sakin."Heaven.."

"Don't worry, iniinom ko ang pills.. Dev,"

Kasalukuyan akong nasa condo niya ngayon. Kaninang uwian ay tinulungan ko s'yang gawin yung presentation niya, pero bago yun syempre may nangyari sa'min ulit. Wala namang bago doon, araw-araw may nangyayari sa'min. Yun lang naman ang dahilan ni Devon para makipag kita sakin wala ng iba.

"Are you hungry?"Tanong ni Dev kaya bumalik ang tingin ko sa kanya.

"Hindi pa naman, magluluto nalang ako sa boarding mamaya pag uwi ko."

"No need, mapapagod kapa, kumain nalang tayo ng dinner sa labas."Ngumiti ito sakin ako naman ay nanatili lang tahimik.

Tumunog ang cellphone niya kaya pareho kaming natahimik. hindi naman ito tunog kapag tawag kung hindi text lang. sumulyap siya sakin, kaya nagiwas ako ng tingin sa kanya at binalik ang paningin ko TV. Alam kong si Shane nanaman yun, wala namang iba.

Pasimple ko s'yang sinulyapan ng makita kong nakatutok ang atensyon niya sa screen ng cellphone niya habang nagtitipa. Umiwas ulit ako ng tingin ng mahalata kong susulyap siya sakin. ilang minuto lang ay tumunog na ulit ang cellphone niya, tunong kapag may tawag.

"Hello Shane?"Rinig kong bungad niya.

I knew it, si Shane yun.

"Okay then, i'll fetch you.. hintayin mo'ko sasamahan kita sa bar na yun, no.. delikado kapag ikaw lang at mga kabigan mo ang pupunta, i said no..Shane, makinig na sa'kin."

Habang nakikinig ako sa usapan nila ay halatang halata ko sa boses ni Devon ang pag-aalala at pagkainis. Inabala ko ang sarili ko sa panonood kahit masakit sa dibdib lahat ng naririnig ko. mabuti pa si Shane inaaalala niya.

Ako kaya ni minsan inalala niya rin?syempre, hindi.. sino ba ako?

Tumayo si Dev mula sa pagkakaupo at inis na binato ang cellphone sa couch. Napatingin siya sakin.

"Heaven, i'm sorry hindi na ta—"

"Naiintindihan ko Dev, wala kang dapat ipaliwanag.."Ngumiti ako. "Kailangan ka ni Shane?puntahan mona siya,"

"Kailangan ko s'yang samahan, baka mapahamak siya kapag pumunta siya ng bar kasama ang mga kaibigan n'yang babae lang din tulad niya."Mahinang sambit nito.

"Puntahan mona siya.."Pagtataboy ko.

"Paano ka?gusto mobang i-hatid muna kita sa boarding house mo?"Bakas ang awa sa boses niya.

When Heaven Meets Her Devil(COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt