Chapter 13

749 9 0
                                    

"Ang tanga mo talaga, Sera.. sarap mong kalbuhin,"Sermon ni Lucy.

"Noon palang sinabihan kana namin, Sera..mahirap yang sitwasyong papasukan mo,"Bumugtong hininga si Zara.

Kinagat ko naman ang pang-ibabang labi ko. Hindi ako nagreklamo sa sunod sunod na talak at sermon ni Zara at Lucy. sobrang bigat ng dibdib ko sa paguusap namin ni Devon nung nakaraan kaya masyado akong naapektuhan.

Wala sana akong balak na mag-open kay Zara at Lucy pero nahalata nila yung ilang araw na wala akong gana at wala sa mood.

"Mahal ko pa rin siya."Mahinang sabi ko.

Napahampas nalang ng kamay si Zara sa sariling noo."Pigilan mo'ko Lucy, nagdidilim paningin ko.."

Ngumiwi si Lucy."Kahit yata yugyugin mo utak n'yan hindi parin makakalimutan si Devon."

"Hindi ba ako mahal-mahal?"Puno ng hinanakit kong tanong.

"Kamahal-mahal ka, Sera.. ang mali molang, masyado mo ng binaba yung sarili mo, ulti mong pinakaiingat-ingatan mo, binigay mona kay bryan.."Sinserong sabi ni Zara. "Hindi ko alam kung paano kayo naging fuck buddy pero para sakin hindi magandang ideya dahil imbis na makalimutan mo siya mas lalo lang lalalim ang pangmamahal mo sa kanya."

Sinapo ko ng mukha ko gamit ang dalawang kamay."Gusto kona s'yang kalimutan pero hindi ko kaya.. mahal na mahal ko parin talaga siya."

"Sera..alam mo namang mahal ni Devon si shane, diba?umpisa palang sinabihan kana ni Devon pero nagpumilit ka pa rin.."

"Sige ipamukha niyo pa."Singhal ko.

"Para matauhan ka, Sera.. mahal ka namin dahil kaibigan ka namin pero ang tanga mo kasi talaga,"Imbis na maluha ako ay nakaramdam ako ng inis kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Iiyak kalang saglit, tapos bukas makalawa tanga kana ulit.."Busangot ang mukha ni Zara.

Pinahid ko ang luha ko."G*ga."

"Oh, sige i-deny mo.. pustahan tayo, kapag pinuntahan ka ni Devon dito, bubukaka ka ulit tapos may mangyayari nanaman sa inyo."Bulgarang sabi ni Lucy.

Inirapan ko naman sila."Syempre masarap."

Hindi na ako nagulat ng makatanggap ako ng batok sa kanila, hindi naman ganun kalakas pero medyo masakit pa rin.

"Masarap naman pala eh di tiisin mo yang sakit, g*ga, payag ka nun?ikaw yung pinapasukan pero hindi ikaw yung mahal?"Pangaasar ni Zara.

"Payag kana, Sera.. masarap naman diba?"Ngumisi si Lucy.

Sumimangot ako."Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong ginagawa niyo dito..kung nandito ba kayo para i-comfort ako o nandito lang kayo para inisin ako,"

"Sera..nandito kami para i-comfort ka at i-parealize sa'yo kung gaano ka katanga."

Hindi ko alam kung dapat ba akong mainis o matuwa sa pinagagawa nila pero hindi ko mapigilang mapangiti dahil kahit ganito ako katanga ay nagkaroon ako ng kaibigang totoo katulad nila.

Pana'y ang pangaasar nilang dalawa sakin. Pinagkakaisahan nila ako pero hindi naman ako napipikon, mas natutuwa ako dahil panay ang halakhak ni Lucy, hindi ko alam kung bakit, pero nitong mga nakaraang araw, gustong-gusto kong nakikita ang mukha niya. Gandang ganda talaga ako.

"Gusto n'yong pancit canton?"Tanong ko sa kanila.

"May stocked kaba o bibili pa sa tindahan?"
Balik tanong ni Lucy.

"Meron dito, bumili ako ng nung nakaraan.. gusto niyo ba?"Ulit ko.

"Syempre naman,"Malakas na sabi Zara. "Magprito ka rin ng egg, Sera.. para mas masarap,"

When Heaven Meets Her Devil(COMPLETED)Where stories live. Discover now