Chapter 2

935 16 1
                                    

Nagising akong wala akong katabi sa kama. napangiti ako ng mapakla, kailan paba ako masasanay?tumayo ako ng kama at tinabing ang comforter sa katawan upang pulutin ang nagkalat kong damit sa sahig.

Pumasok ako ng banyo para magbihis. Pagkatapos kong magpalit nakita kong may marka ako sa leeg, mukhang bunga yun ng panggigil ni devon sakin kanina. Bumugtong hininga ako inayos ang magulo kong buhok.

Pagbukas ko ng pintuan ay akmang lalabas na ako pero agad akong natigilan ng makarinig ako ng mga iilang boses. Dahan-dahan kong sinara ulit ang pinto pero hinayaan kong nakaaawang ito ng kaunti.

"Kamusta kayo ni shane, dre?"Rinig kong tunong ng isa sa kanila.

"We're casual."Boses yun ni dev.

"Bakit kasi hindi pa kayo magbalikan dre?alam naman nating lahat kung gaano ka kabaliw kay shane mula noon hanggang ngayon.."Tumatawang sabi pa ng isa.

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng matinding sakit sa dibdib ko.

"Oo nga naman dre, na kay shane na lahat, maganda, mayaman.. sexy lahat lahat na yata."Singit pa nung isa.

"Magbabalikan din yan.. pustahan pa tayo oh?ipupusta ko sasakyan ko."Pinal na sabi nung isa.

Kung hindi ako nagkakamali ay lima silang lahat kabilang na si devon.

"Anong magbabalikan?paano na si sera?"Tanong nung isa.

"Oo naman naman dre, paano naman si sera?"Sang-ayon ng isa. "Maganda rin yun eh tsaka matalino."

"Anong paano si sera, wala namang sila..tsaka hindi niyo ba naiintindihan kung anong meron sila?"Humalakhak na sabi nito. "Parausan lang ni pareng devon si sera, pang-tanggal init ng katawan, kumbaga habang hindi pa sila ayos ni shane dito muna siya kay sera,"

"Ano yun, itatapon nalang basta basta si sera kapa'g wala na s'yang silbi?"

"Ayun nakuha mo rin.. may utak ka pala James?"

Nagtawan naman sila. Hindi ko narinig ang boses ni devon, hindi niya man'lang ako ipagtatanggol?talagang hinayaan niya lang na maliitin ako ng mga kaibigan niya?dahan-dahan kong sinara ang pintuan para hindi nila malaman na nakikinig ako.

Sumandal ako sa pinto gusto ko sanang pakalmahin ang sarili ko pero naramdaman ko nalang na nagbabasa ang pisngi ko. Doon ko lang napagtanto na umiiyak na pala ako, sound proof ang kwarto ni Devon kaya ayos lang kung umiyak man ako ng malakas pero mas pinili kong umiyak ng tahimik.

Tanga kaba, Sera?ginusto mo yang ganyang sitwasyon tapos ngayon iiyak iyak ka?

Tumayo ako at pinunasan ang luha ko. Humugot ako ng malalim na hininga at binuksan ulit ang pinto. Natigilan sila sa tawanan ng lumabas ako ng kwarto, nagtama ang tingin namin ni Dev pero nagiwas ako ng tingin sa kanya.

Lumapit ako sa couch para kuhanin ang maliit na bagpack kong nakapatong sa mesa, ramdam ko ang paninitig nila pero hindi ako nag-aksaya ng oras para lingunin sila. pagabot ko ay humarap ako kay Devon.

"Uwi na'ko.."Maikling paalam ko at dumiretso na palabas ng unit niya.

Hindi pa ako nakakalayo ng maramdaman ko ang paghawak ng kung sino sa braso ko. Nilingon ko naman ito, nagulat ako dahil sinundan ako ni Devon pero pinanatili ko ang walang reaksyon kong mukha.

"Bakit?"Malamig na tanong ko.

"Hatid na kita, Heaven."Presinta niya.

Umiling ako."Hindi na kailangan, Dev.. kaya ko,"Peke akong tumawa."Kaya ko ngang pumunta ditong mag-isa.. umuwi pa kayang mag-isa?"

"Pero, gusto kitang ihatid."Desperadong sabi niya.

Inalis ko naman ang pagkakahawak niya sa braso ko."May mga bisita ka Dev.. asikasuhin mo nalang sila,"Pinal na sagot ko. "Hindi ko naman kailangan na ihatid mo dahil unang una wala namang tayo, hindi mo ako girlfriend.."

When Heaven Meets Her Devil(COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz