The Prophecy From Lower Realm

arajanetp1 tarafından

6.7K 1.3K 178

Si Kaizen ang batang maghahangad na maging malakas upang maprotektahan ang kanyang mga mahal sa buhay. Palagi... Daha Fazla

kabanata 1
kabanata 2
kabanata 3
kabanata 4
kabanata 5
kabanata 6
kabanata 7
kabanata 8
kabanata 9
kabanata 10
kabanata 11
kabanata 12
kabanata 13
kabanata 14
kabanata 15
kabanata 16
kabanata 17
kabanata 18
kabanata 19
kabanata 20
kabanata 21
kabanata 22
kabanata 23
kabanata 24
kabanata 25
kabanata 26
kabanata 27
kabanata 28
kabanata 29
kabanata 30
kabanata 31
kabanata 32
kabanata 34
kabanata 35
kabanata 36
kabanata 37
kabanata 38
kabanata 39
kabanata 40
kabanata 41
kabanata 42
kabanata 43
kabanata 44
kabanata 45
kabanata 46
kabanata 47
kabanata 48
kabanata 49
kabanata 50
kabanata 51
kabanata 52
kabanata 53
kabanata 54
kabanata 55
kabanata 56
kabanata 57
kabanata 58
kabanata 59
kabanata 60
kabanata 61
kabanata 62
kabanata 63
kabanata 64
kabanata 65
kabanata 66
kabanata 67
kabanata 68
kabanata 69

chapter 33

110 23 2
arajanetp1 tarafından

Nakarating narin sila sa wakas sa isla. Mabuti nalang at hindi sila napansin ng mga tagabantay. Maayos na nakapasok sila sa loob ng gusali ng Principiante, salamat sa mga lagusan na nilagay ni Adelina sa loob ng gusali.

"Kumusta ang naging lakad niyo? Halos siyam na araw kayong nawala ah." Bungad na tanong sa kanila ni maryana. Bumalik na ito sa dating anyo.

"Maayos naman, nagtagumpay kami sa aming pakay sa labas." Tugon ni arthon.

Napansin ni maryana na masyadong tahimik si Adelina. Kaya tinanong Niya si arthon. "Eh anong nangyari diyan sa Isa at mukhang natalo ng Isang Daan beses ang pagmu-mukha."

Natawa nalang sila ni Kaizen sa tinuran nito. Nagkibit balikat nalang sila dahil maging sila ay walang Alam kung bakit nagkakaganyan si Adelina.

Narinig naman ito ni Adelina kaya matalim niyang tinitigan si maryana. "Bakit? Maayos lang naman ako, pwedi ba wag niyo akong pag-uusapan." Paismid nitong wika.

Napataas naman ng kilay si maryana. Pamilyar sa kanya ang ganitong Asta, siguradong may nangyari sa ginawa nilang paglalakbay at mukhang hindi naging mabuti dito iyon. "Masama bang magtanong? Nagtataka lang naman ako at himalang hindi ka na maingay." Tugon Niya rito at iniripan.

Bago mapunta pa sa away ang mga bangayan ng dalawang ada pumagitna na si arthon at nagtanung. "Ahm maryana, ano pala balita dito nung nawala kami?". Pag-iiba Niya.

Kumalma si maryana ng masilayan sa kanyang harapan si arthon at matamis na ngumiti dito habang nagsasalita. "Ah maayos naman ang ginawa Kong pagbabantay dito at pagtuturo sa dapat matutunan ng  iyong mga studyante. May Dumating lang na Isang mensahero mula sa punong tagapamahala nagpapabatid na Maaga raw gagawin ang buwanang pagtatasa ngayon dahil kailangan daw nilang malaman kung may makakapasok ba na bagong studyante sa elite quads. At tungkol naman sa mga nagmamanman sa Inyo eh umalis na ng Isang linggong wala Silang nakukuhang mahalagang impormasyon sa kanilang ginagawang pagsusubaybay sa akin." Mahabang Paliwanag Niya.

Sa nalaman ay nawala na rin ang kanina pang inaalala ni arthon. na baka na buko na sila o kaya'y may nangyaring hindi maganda ng wala pa sila. "Mabuti naman, maraming salamat maryana" pagpapasalamat Niya rito.

Matamis itong ngumiti. "Wala iyon basta ikaw aking ginoo." Saad nito at biglang may naalala. "Ngayon nandirito na kayo," lumapit ito Kay arthon at humawak sa mga bisig nito. "Baka pwede na tayong mamasyal sa bayan tulad ng ipinangako mo!". Sabik nitong Saad.

Nawala ang ngiti sa mukha ni arthon ng marinig ang sinabi nito. Makikita sa mukha Niya ang Pag-tanggi Sana kaya Lang iyon ang kanilang napag-usapan kailangan niyang tuparin. "Ah oo naman, siguro mga bukas ng tanghali, may kailangan lang akong gawin muna ngayon araw". Sagot Niya.

"Kyaahhh! Sige, sige, ako'y aalis muna at maghanda, kita tayo dito bukas aking ginoo, paalam!" Sabik nitong sigaw at bigla nalang umalis.

Natatawa nalang si kiazen sa kanyang nakitang kakulitan ni maryana. Mukhang patay na patay nga ito sa kanyabg guro.

"Kaizen," tawag ni arthon sa bata.

Lumingon naman ito at tumugon. "Bakit po guro?".

"Nagawa mo na ba ang pagsasanay na ibinigay ko sa iyo?" Seryusong tanong ni ginoong arthon.

Malapad na ngumiti si Kaizen at tumugon "Opo guro!, nagawa ko, at hindi lang berding enerhiya ang nagagawa Kong mahigop guro, Kundi kaya Kong gawin sabay Silang higupin." Buong pagmamalaking pinaalam Niya rito.

Napakunot noo naman si arthon. "Ibig mong sabihin kaya mong sabay higupin ang puting enerhiya at ang berding enerhiya?".

Tumango naman si Kaizen. "Ipapakita ko po sa Inyo." Umupo si Kaizen habang ang dalawang palad ay magkadikit na parang nagdarasal. Maya Maya lang nakikita na ni arthon ang ibigsabihin ni kiazen. Namangha siya sa kanyang nakikita, ang puting enerhiya at berding enerhiya ay magkasabay na hinihigop ng katawan ni Kaizen deretso sa star system nito.

"Ang galing" bulalas Niya. Dumilat na si Kaizen at tumayo.

"Maraming salamat sa pagtuturo niyo sa aking gurong arthon, dahil sa ganitong teknik mas madali at mas mabilis ko ng nahihigop ang mga natural na enerhiya galing sa ating inang kalikasan, malaking tulong din po ito upang maabot ko agad ang susunod na antas.!" Masayang wika ni Kaizen sa kanya.

"Susunod na antas? Ang ibig mong sabihin di na magtatagal ay makakatungtong ka na sa 4th bronze rank?. Pagkumpirma Niya rito. Tumango naman ito Pero may kakaiba sa mga ngiti nito.

Ngumiti nalang si kaizen, hindi pa pala Alam ng guro Niya ang kanyang tunay na antas, sa kasalukuyan nagawa na niyang maabot ang 6th silver rank. Isang antas nalang papasok na siya sa gold rank. Sa pamamagitan ng puspusan na pag-eensayo at sa teknik na itinuro ng kanyang guro ay magagawa niyang makatapak na sa gold rank, bigyan lang siya ng Isang buong araw at magagawa Niya iyon.

"Guro, ako'y magpapahinga na muna, Pero mayamaya lamang po ay magsisimula ulit ako sa aking pagsasanay." Pagtataboy Niya sa kanyang guro. Nasa loob kasi sila ng kanyang silid. Nais Niya munang makapagpahinga ng sa ganun nasa Isang Daan porsyento ang kanyang lakas Pag nagsimula siyang magsanay.

"Sige, maiwan ka na.muna namin ni Adelina, kung maykailangan ka, Alam mo na kung saan kami pupuntahan. Pagbutihin mo ang pag-eensayo malaki ang tiwala Kong mapipili ka para makapasok sa elite quads." Nakangiti nitong tugon.

"Maraming salamat po guro! Makakaasa kayo na pagbubutihin ko ang pagtatasa.!".

Tumalikod na si ginoong arthon, habang walang pakialam naman si adelinang sumunod dito. Wala siya sa kanyang kundisyon para makipag-usap.

Paglabas nila ng silid ni Kaizen ay humarap si arthon sa kanyang katuwang na parang wala sa sarili. "Maari mong sabihin sa akin kung ano man iyang dinadala mong problima." Wika Niya rito.

Tinatamad naman tumingin si Adelina Kay arthon. "Wala to, wag mo nalang akong intindihin. Gusto Kong mapag-isa, kung may importante Kang kailangan sa akin, ipatawag mo nalang ako." Bumalik na ito sa maliit na anyo at lumipad patungo sa salaming nakadikit sa pintuan ng silid ni Kaizen. Pumasok na ito doon. Napabuntong hininga nalang si arthon. Kilala Niya na ang Kanyang katuwang, may ideya na siya kung bakit nagkakaganito ito. Siguro tinanggihan ito ni Neryum, hindi naman lihim sa kanya ang pagtingin nito sa kaibigan.

Tumalikod na siya at sumakay sa elebeytor. Pupunta siya sa opisina ng punong tagapamahala. May kailangan siyang linawin.

-----

"Mahal na hari, nandirito po ngayon sa palasyo si Anastasia mula sa angkan Gustav. Nais Niya po kayong makausap at mayroon din po siyang nais ipakita sa inyo." Magalang na saad ni Haron ng angkan ethold sa hari ng bansang goldbath. Siya ang punong kunseho at kanan kamay ng hari.

Humarap sa kanya ang hari at tumugon. "Sige, intayin Niya nalang ako sa aking silid pagpupulong, doon mo siya dalhin." Utos nito.

Marahan naman siyang tumango at yumuko, tatlong beses siyang humakbang paatras bago tumalikod at umalis, ito ang paraan nila sa pagbibigay galang sa hari. Ng maisara na niya ang pintuan ay Napabuntong hininga nalang siya. 'ano naman kaya ang pakay ng angkan na iyon sa hari? Malaki ang pinagbago ng hari simula ng dumating ang angkan na iyon.' tanong Niya sa kanyang isipan.

Samantala sa loob ng silid ay muling bumalik ang hari sa kanyang ginagawa kanina bago siya inabala ng kanyang kanan kamay. Pinagmamasdan Niya lang naman ang buong Bayan ng Gotham sa ibaba. Nakikita kasi mula sa kanyang balkonahi ang buong Bayan ng Gotham at ibang kapuluan ng kanyang nasasakupan. Malalim siyang nag-iisip kung papaano Niya magagawang masulusyonan ang nakaambang digmaan na magaganap sa kanyang bansa. Dahil sa biglaan pagdating  ng kanyang panauhin kailangan Niya munang tigilan pansamantala ang kanyang ginagawang pag-iisip. Inayos Niya ang kanyang sarili at  nagtungo na sa silid pagpupulong.

Pinagbuksan siya ng dalawang kawal na nagbabantay sa silid pagkatapos nitong ipaalam ang kanyang presensya. pagpasok Niya ay nakita niyang nakatayo si Anastasia at magalang na nagbigay pugay sa kanya. Taas noo siyang dumeritso sa kanyang Trono at umupo.

"Binibining Gustav, ika'y naparito? Ano ang iyong sadya?" Tanong Niya rito.

Nakayuko parin ito habang sumasagot. "Napag-utusan po ako ng aking amang si Ronaldo; ang pinuno ng aming angkan na ipakita at ibigay sa iyo ang aming munting  regalo," kinuha nito ang Isang polseras na mayroon maliit na bilog sa gitna. Pinalutang Niya ito patungo sa hari.

Kinuha ng hari ang polseras at pinatakan ng kanyang dugo ang bilog na nasa gitna bago isinuot. Pumikit siya Pero ilang sandali pa ay napamulat siya agad at napatingin Kay Anastasia na ngayon ay nakatitig na sa kanya na may ngiti.

"Sana'y iyong magustuhan ang aming munting regalo. Nais ipabatid ng aking ama na handa ang aming buong angkan na tumulong sa iyo para sa ikabubuti ng iyong nasasakupang bansa." Saad nito.

Napangiti naman siya rito. "Ipabatid mo sa iyong ama ang aking lubos na pasasalamat sa kanyang pagkukusang tumulong sa akin. At tungkol naman dito sa inyong regalo, ito'y napakalaking tulong para sa aking bansang pinamumunuan, Kaya't hindi ko ito tatanggihan. Kung sakaling mayroon man kayong nais, hanggat aking makakayang maibigay ay magsabi lamang kayo." Seryusong tugon Niya sa dalaga.

Palihim na napangisi ang dalaga.  "Iisa lamang po ang nais ng aming pinuno. Nais Niya lamang pong makipagpalit ng teritoryo sa angkan redvil." Kunwaring mapagkumbaba niyang Saad.

Sandaling nag-isip ang hari bago tumugon. "Napagtanto ko, na baka yan nga ang inyong hingin sapagkat matagal na yang nais ng iyong ama. Dati wala akong makitang dahilan para pumayag, Pero dahil sa inyong regalo at buong pusong pagsuporta para sa bansang ito ay asahan niyong mapagbibigyan ko na kayo. Bigyan niyo lamang ako ng maikling panahon at ako'y makikipagpulong muna sa aking mga kunseho." Tugon Niya rito.

Napangiti si Anastasia sa isip Niya. 'sa wakas nagtagumpay kami, maganda itong balita, tiyak matutuwa nito si ama.' Sino ba naman ang aayaw sa binigay nilang regalo. limang Daan epic armament, dalawang libong high tier armament at tatlong libong mid tier armament lang naman ang binigay nila. Hindi man sapat para sa libo-libo nitong kawal sa buong bansa, Pero malaking tulong na ito upang maarmasan ang ilang mga kawal ng epic at high armament. Dahil kung tutuusin mayroon lamang limang daan epic armament ang palasyo. Kulang na kulang para sa nalalapit na digmaan mangyayari sa hinaharap.

"Kami po ay lubos na nagpapasalamat sa iyo mahal na hari. Tiyak matutuwa ang aking ama Pag nabatid Niya ito. Ako'y aalis na at pasensya na sa nagawa Kong pang-aabala." Tugon niya.

Nakita Niyang Tumango ang hari, Kaya tumalikod na siya at malapad siyang napangisi. Paglabas Niya ng palasyo ay di Niya mapigilang mapahalakhak. Nasasabik na siya sa mangyayari kapag naibigay na ang kautusan mula sa hari sa pagpapaalis nila sa angkan redvil. Sa isip Niya. 'Makakaganti rin ako sa wakas sa angkan iyon at lalong lalo na sa batang pumutol sa aking pinakamamahal na buhok. Humanda siya at hindi ko siya titigilan.!' Sumpa Niya sa sarili.

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

2.3K 388 60
"Basta mag-level up pa ako ng 10 beses, maa-activate ko na ang Gene Lock. Sa oras na iyon, magagawa kong sirain ang makalangit na katawan na ito!" ...
1.6K 127 5
''ဆုံဆည်းမှုဟာ...သိပ်နောက်ကျခဲ့လေတော့....စွန့်လွှတ်ဖို့ဖြစ်လာရပြန်တယ်''
11.7K 1.6K 42
Bagong katauhan, bagong lugar na gagalawan ni Li Xiaolong o mas mabuting sabihing si Wong Ming. Sa apat na taong pagkupkop sa kaniya ng tumatayong a...
572K 26.3K 200
Author : Ye Yiluo Status: Complete Status in COO: 397 Chapters Rebirth of a wild child who was abandoned the family. Xiao Jingting, who had been play...