The Prophecy From Lower Realm

By arajanetp1

6.5K 1.3K 176

Si Kaizen ang batang maghahangad na maging malakas upang maprotektahan ang kanyang mga mahal sa buhay. Palagi... More

kabanata 1
kabanata 2
kabanata 3
kabanata 4
kabanata 5
kabanata 6
kabanata 7
kabanata 8
kabanata 9
kabanata 10
kabanata 11
kabanata 12
kabanata 13
kabanata 14
kabanata 15
kabanata 16
kabanata 17
kabanata 18
kabanata 19
kabanata 20
kabanata 21
kabanata 22
kabanata 23
kabanata 24
kabanata 25
kabanata 26
kabanata 27
kabanata 28
kabanata 29
kabanata 30
kabanata 32
chapter 33
kabanata 34
kabanata 35
kabanata 36
kabanata 37
kabanata 38
kabanata 39
kabanata 40
kabanata 41
kabanata 42
kabanata 43
kabanata 44
kabanata 45
kabanata 46
kabanata 47
kabanata 48
kabanata 49
kabanata 50
kabanata 51
kabanata 52
kabanata 53
kabanata 54
kabanata 55
kabanata 56
kabanata 57
kabanata 58
kabanata 59
kabanata 60
kabanata 61
kabanata 62
kabanata 63
kabanata 64
kabanata 65
kabanata 66
kabanata 67
kabanata 68

kabanata 31

95 22 2
By arajanetp1



Halos Isang linggo din Silang naglakbay bago makarating sa tirahan nina Neryum at ng kapatid nito. Mabuti nalang at wala Silang nakasagupang mga rogue adventurer o halimaw. Sadya Silang umiiwas sa gulo dahil ayaw nilang magkaroon ng aberya sa kanilang paglalakbay at baka matagalan pa sila. Kailangan nilang makarating agad sa lugar kung nasaan ang kapatid ni Neryum dahil sa bawat minutong lumilipas ay lalong lumalala ang kalagayan nito.

Mabilis tumakbo si Neryum sa kanilang tahanan at binuksan agad ang pintuan habang nakasunod naman sa kanya ang Tatlo. Tinawag nito ang kapatid. "Lira! Andito na si kuya!, may mga kasama akong makakatulong na sa atin sa wakas." Malakas nitong sigaw habang mababakasan ang kasabikan sa boses nito. Kaya Lang katahimikan ang bumungad sa kanila. Maging sina Arthon, Adelina at Kaizen ay nagtataka dahil ang tahimik at parang walang tao.

Kinabahan si Neryum, mabilis itong nagtungo at pwersahang binuksan ang silid ng kanyang kapatid. Ngunit wala ito roon. Bumalik ito at tumingin sa kanilang kusina, ngunit wala din dun, tumulong na Sina Arthon sa paghahanap sa buong bahay Pero wala Silang makitang tao.

Makikitang balisang palakad lakad si Neryum, nag aalala ito dahil hindi nila makita ang kanyang kapatid. "Baka naman may pinuntahan lang ang iyong kapatid" pang -aalo ni Adelina rito.

"Hindi, hindi iyon umaalis, kung umalis man-" biglang may naalala ito. "Tama! Maaaring nandoon siya!" Mabilis itong tumakbo palabas ng kanilang tahanan. Nagkatinginan ang Tatlo, at nagpasyang sundan ito kung saan ito patungo.

Nakarating sila kaizen sa Isang talon, sinusundan parin nila si Neryum, umakyat ito sa mga bato. Sa likod pala ng rumaragasang tubig mula sa talon ay mayroon nakatagong kuweba. Pagpasok nila sa loob ay namangha sila sa kanilang nakita, hindi madilim kung di maliwanag dahil sa iba't ibang Kristal na umiilaw sa bawat pader. Makikita rin ang mga halamang ligaw na tumubo sa paligid. Kung sina Arthon, Adelina at Kaizen ay namamangha si Neryum naman ay kinabahan ng makitang ang kanyang kapatid ay nakahiga sa pinakagitna ng kuweba.

"Lira!" Sigaw nito, at dali-daling lumapit sa kapatid nitong nakahandusay.

Dahan-dahan nagmulat ang mga mata ni lira, ngumiti ito ng makita ang kanyang kuya. "Ku-kuya, s-sa wakas nandito k-kana". Hinang-hinang wika Niya.

Lumapit na din sina Arthon, nabigla sila sa itsura ng kapatid ni Neryum. Humpak na ang mukha nito maging ang katawan. Halos buto't balat nalang ito, unti-unti rin nalalagas ang mahabang nitong buhok Nakikita rin nilang pahina ng pahina ang star system ni lira. Mabilis tumingin si Neryum Kay Kaizen. "Master!, pagalingin mo ang aking kapatid". Nagsusumamong pakiusap  nito.

Mabilis na lumapit si Kaizen, seryuso niyang pinagmasdan at inobserbahan ang kalagayan ng kapatid nito. Makalipas lang ng ilang segundo ay lumingon siya Kay Neryum at tumugon. "Huwag Kang mag-alala ginoo, mabuti nalang at nakita natin siya agad, kung nagtagal pa tayo, maaaring mahuli na ang lahat."

Bumaling naman siya kina arthon. "Guro, maari niyo bang hawakan ni ginoong Neryum si binibining lira. Paupuin niyo po siya at isandal sa pader." Utos Niya sa mga ito. Mabilis naman kumilos ang dalawa. Inalalayan nilang makaupo si lira at isinandal sa pader ng kuweba. Mabilis na umupo si Kaizen sa harap at hinawakan ang noo ni lira habang nakapikit. Alam Niya na kung paano gawin ang colliequesco tiknik mabuti nalang at may nakalap siyang  impormasyong mula sa ipinasa ni haring Amer sa kanya, magiging gabay Niya ito upang magawa ng Tama ang colliequesco teknik.

Makikita ngayon sa mukha ng tatlo ang pagkamangha sa kanilang nasasaksihan. Ilang sandali pagkatapos hawakan ni Kaizen ang noo ni lira ay biglang nagliwanag ito. Mula sa daliri nitong nakatutok sa noo ng dalaga ay may lumabas na puting apoy, tumama ito sa noo ni lira at unti-unting pumasok sa katawan nito. Sa pagpasok ng puting apoy, ay mabilis itong kumalat sa lahat ng ugat kung saan dumadaloy at namamahay ang nanmuneris dekensya na siyang nagpapabara para hindi makahigop ng enerhiya ang star system ni lira, at dahilan para ito'y unti-unting manghina at mamatay. Pagkatapos lusawin ng puting apoy ang nanmuneris dekensya ay nagsimula na ulit makahigop ng enerhiya ang star system ni lira. Akala nila Neryum ay doon na matatapos ang ginagawa ni Kaizen. Pero higit Silang nagulat ng pagkatapos nitong mapalabas ng purong puting apoy, ay may lumalabas narin na limang iba't ibang kulay na nakahalo dito. At dahil dito, mapapansin ang mabilis na pagbabago sa katawan ni lira, ang nalagas nitong buhok ay tumubo Ulit, ang humpak nitong katawan ay nagkalaman na, hindi na ito mukhang kalansay. Kung di napakasigla na nitong tignan at parang hindi galing sa sakit.

Ng mawala na ang liwanag ay minulat na ni Kaizen ang kanyang mga mata, sumilay ang kanyang ngiti ng makitang nagtagumpay siya sa kanyang ginawa.

Unti-unting minulat rin ni lira ang kanyang mga mata, una niyang nabungaran ang nakangiting mukha ng Isang bata. Nitong nakaraan mga araw ay  ginugupo na siya ng kanyang sakit, ubos na ang Kanyang gamot. Pumunta siya dito sa loob ng kuweba dahil may kukunin sana siya kaya Lang dahil sa labis niyang panghihina ay bumagsak siya at di na niya nakayanan makatayo pa. Naisip Niyang ito'y katapusan Niya na, pakiramdam Niya ay walang ng pag-asa pa upang siya'y gumaling pinapatagal nalang talaga Niya ang kanyang buhay dahil hinihintay niya pang makita sa huling pagkakataon ang kanyang kuya. At ng masilayan Niya na ito ay handa na siyang bumitaw at magpahinga na. Pero sa gitna ng kanyang paghahanda upang sumuko sa sakit, ay biglang may naramdaman siyang humawak sa kanyang noo, at mula dito ay may kung ano siyang naramdaman mainit na pumasok at kumalat sa lahat ng parti ng kanyang katawan, ramdam na ramdam Niya ang pagdaloy nito sa kanyang nakabarang mga ugat dahil sa nanmuneris dekensya. Sa ilang sandali pa ay Unti-unti Niya na ring naramdaman ang kaginhawaan at na nagagawa Niya na ulit humigop ng natural na enerhiya mula labas.

"Lira!" Masayang sigaw ni Neryum, at mabilis na lumapit at niyakap ito. "Sa wakas magaling ka na" dagdag nito.

lumapit narin Sina arthon at Adelina makikitang masaya din sila at nagawa ni Kaizen na mapagaling ang kapatid ni Neryum. Hinawakan ni gurong arthon ang balikat ni Kaizen. "magaling bata nagtagumpay ka". Bati Niya dito. Tumingin ito sa kanya na nakangiti, Pero unti-unti itong natumba at nawalan ng malay. Mabuti nalang at nasalo Niya ito agad.

"Kaizen/Master!" Sabay na sigaw nila Adelina at Neryum. Mabilis Silang lumapit dito, "nakatulog lang siya dahil sa pagud. Mukhang maraming enerhiya ang nawala sa kanya sa ginawa niyang pagpapagaling sa iyong kapatid Neryum" malumay na paliwanag ni arthon. Nakahinga naman ang dalawa.

Lumapit narin si lira. "Siya ba ang nagpagaling sakin kuya?" Tanong Niya Kay Neryum.

Ngumiti naman at tumugon si Neryum sa kanyang kapatid. "Oo lira, siya nga, at ang batang ito ay ang aking master, si Kaizen mula sa angkan redvil" pagpapakilala Niya sa bata Kay lira.

Sumilay ang maaliwalas na ngiti sa mukha ni lira. "Nararamdaman Kong magiging mabuti siyang adventurer at magiging pinakamalakas sa lahat, kaya kuya, swerte ka na siya ang Napili mong paglingkuran, mamaya sa paggising Niya, akin siyang pasasalamatan. Hindi lang sa paglusaw sa aking sakit ang ginawa Niya, bagkos, pinagaling din Niya ang aking mga pinsala sa loob ng aking katawan. Ito ang dahilan kung bakit ang gaan ng pakiramdam ko at parang nag-uumapaw ako sa lakas". Masigla niyang Saad. Makikita sa kanyang mga mata ang labis na kasayahan at kasabikan. Para siyang nabuhay muli.



------

"Lucas, nagawa na ba ni Neryum ang atin ipinagagawa sa kanya?". Tanong ni pinunong Ronaldo Kay Lucas. Kasalukuyan nasa Isang silid sila kung saan malaya niyang nakikita ang mga nagsasanay niyang kaangkan at naging tauhan.  Inuobserbahan Niya ang mga ito kung may pagbabago ba sa mga lakas nito. At Kung umuunlad ba at hindi nasasayang ang kanyang mga kayamanan pinapagamit sa mga ito. Lumingon siya Kay Lucas ng hindi agad ito makatugon. Napakunot noo siya ng makitang kumplikado ang ekspresyon ng mukha nito.

"May problima ba Lucas?"

Nakakuyom ang mga kamay nito at biglang lumuhod. "Patawad pinuno, Pero ayon sa ulat ng ating espeya sa loob ng goldbath academy, ay hindi nagawang mapatay ni Neryum ang batang redvil. Sa halip nakita Niya ang mga ito, kasama ang kanilang gurong si arthon at ang kanyang katuwang na sabay-sabay na Umalis at mukhang may pupuntahan.!" Mahabang Paliwanag Niya. Tiyak sa sasabog sa galit ang kanilang pinuno, at baka pagbuntunan pa siya kaya inihanda Niya na ang Kanyang sarili. Pero Mali ang akala Niya dahil malumay lang ang sunod na sinabi ng kanyang pinuno.

"Ganun ba, hmmm," maikling tugon ng kanyang pinuno. Nagtataka siyang tumingin dito. Wala siyang nakikitang galit o yamot sa mukha nito, sa halip ay mukhang masaya pa ito. Kaya di Niya maiwasan mag tanong. "Pinuno? Hindi kayo nagagalit?" Paninigurado Niya

Sumilay ang ngisi sa mukha nito, at kinuha ang basong may lamang alak na nasa mesa. Uminon ito bago tumugon sa kanya. "Nakakadismaya na hindi Niya nagawang mapatay ang batang iyon. Pero dahil sa Sinabi mong kasama ni Neryum sina Arthon at ang Kanyang katuwang na Isang ada, mukhang may mas magandang mangyayari sa hinaharap at tiyak kong tayo ang makikinabang". Nasasabik nitong bulalas. Makikita sa mukha nitong may niluluto itong magandang plano sa isipan.

"Lucas, ikaw na muna ang bahala dito, siguraduhin mong nagsasanay ng mabuti ang mga iyan, dapat sa loob ng Tatlong buwan ay malalakas na sila." Utos Niya Kay Lucas.

"Bakit po pinuno? May pupuntahan po ba kayo?". Nagtataka niyang tanong

"Wala, ako'y magsasanay sa aking silid sa loob ng Tatlong buwan. huwag niyo muna akong gambalain, kung may mahahalagang pangyayari na may kinalaman sa ating angkan, ikaw nalang muna ang bahalang humarap at mamahala." Huling utos nito at biglang naglaho.

'hmm mukhang magsasanay si pinuno ng mabuti para maabot na nito ang sky rank. Nakita Kong kinalap nito lahat ng matataas na Uri ng kayamanan ng kanilang angkan. Mukhang gagamitin nito iyon. Bakit kaya? Anong meron kina arthon, at Neryum? Mukhang may malaking mangyayari pagkatapos ng Tatlong buwan.' sa isip Niya.











Continue Reading

You'll Also Like

14.6K 333 16
An alternate Jason Uchiha timeline
115K 1.8K 22
bl . Taekook πŸ”žπŸ”₯ αž”αž˜αŸ’αžšαžΆαž˜:αž€αŸ’αž˜αŸαž„αž€αŸ’αžšαŸ„αž˜18αž†αŸ’αž“αžΆαŸ†πŸ™ αžŸαžΌαž˜αž’αž—αŸαž™αž‘αŸ„αžŸαžšαžΆαž›αŸ‹αž–αžΆαž€αŸ’αž™αž–αŸαž…αž“αŸαž˜αž·αž“αžŸαž˜αžšαž˜αŸ’αž™πŸ™πŸ”₯
173K 5.1K 100
After the death of Gwen Stacy, Peter hadn't had the courage to become a hero again. Meanwhile, the Justice League were looking for a more experience...
17.2K 304 11
AU story in which the War has never happened. Katara's life in the Southern Water Tribe is turned upside down when she is forced into an arranged mar...