When Heaven Meets Her Devil(C...

By Delicious_Peachyyy

64K 761 97

Warning!๐Ÿ”ž ||MATURE CONTENT Seraphina Nevaeh Salguero is an architecture student with big dreams who grew up... More

Blurb
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue
Author's Note

Chapter 20

1.2K 14 1
By Delicious_Peachyyy

Dev:

Let's talk later. I have important something to tell you.

Ako:

Ako din may sasabihin ako sayo.

Nagpaikot-ikot ako sa maliit na sala ng boarding house ko pagkatapos kong i-send ang reply ko. Araw ng sabado ngayon at birthday na ni Shane, ilang araw na din akong wala sa sarili at tulala dahil hindi parin tinatanggap ng utak ko lahat.

Ilang araw ko din pinag-isipan kung paano ko sasabihin kay Devon yung sitwasyon ko. Panay din ang dasal ko na sana matanggap niya kahit yung baby ko nalang. Sa ilang araw na yun ay naisip ko nalang na sabihin sa kanya ngayong kaarawan ni Shane, pasikreto ko s'yang kakausapin mamaya.

Sa totoo lang ay wala talaga akong balak sana na sumama sa celebration ng birthday ni Shane beach sa nueva ecija, kung wala lang talaga akong sadya kay bryan. Gusto ko kasing mag-usap kami ng masinsinan.

Sasama sakin si Lucy at Zara, hindi ko alam kung paano nakarating kay Laurence na pupunta kami ng nueva ecija kaya wala akong nagawa ng sabihin n'yang sasama din daw siya at sa sasakyan niya na kami sasakay. malamang isa sa mga kaibigan ko ang nagsabi sa kanya.

Tumunong ang cellphone ko kaya mabilis kong sinilip kung sinong nag-text, akala ko ay nagreply si bryan pero si Laurence pala.

Laurence:

Nakaready kana?

Ako:

Oo, hindi naman sobrang dami dapat ihanda eh.

Laurence:

Nagdala ka swimsuit?

Ako:

Hindi ako nagsusuot non.

Laurence:

Beach and resort ang pupuntahan mo tapos hindi ka magsusuot ng swimsuit?

Ako:

Ay, hind ako aware na kailangan palang naka swimsuit kapag mags-swimming?

Binaba ko ang cellphone ko sa kama ng marinig ko ang ilang beses na pagkatok mula sa pinto. Pagbukas ko ay sumalubong sakin ang nakangiting mukha ng dalawang kaibigan ko.

"Hello buntis."Nakangising bati ni Zara, pakiramdam ko ay naginit ang pisngi ko.

Ngumuso ako."P-pasok na kayo.."

Niluwagan ko ang pagbukas ng pinto. Pagpasok nila ay sinarado ko nalang ulit, pinatong ni Zara at Lucy ang tag-isa nilang bag pack sa lamesa bago umupo sa kama ko.

"Alas tres aalis, diba?"Tanong ni Zara, tumango naman ako.

Alas sais magsisimula ang selebrasyon ng birthday ni Shane kaya alas tres namin naisipang mag byahe dahil halos dalawang oras lang naman ang byahe mula sa manila hanggang nueve ecija, sakto, pagpatak ng alas-singko ay nakarating na kami doon.

"Bakit kaya wala pa si Laurence?"Tanong ni lucy.

"Baka papunta na yun,"Sagot ko.

Hindi nga ako nagkamali, pagkatapos ng ilang minuto ay dumating na si Laurence, katulad ni Zara at Lucy ay may dala rin s'yang bag, at syempre dala niya rin ang sasakyan nya. sakto lang ang dating niya dahil alas dos y media palang naman.

Nang sumapit ang alas tres ng hapon ay nagbyahe na kami. hindi ko alam kung nasa byahe na rin ba sila Devon o mas nauna na sila samin o baka naman nakarating na sila. wala akong alam kasi wala namang reply si Devon sa text ko kanina.

"Laurence, malayo ba sa inyo yung resort?"
Tanong ni Lucy.

Tumawa naman si laurence."Malapit lang,"

"Pumapasyal din ba kayo dun, laurence?"Si Zara naman ang nagtanong. "Maganda ba dun?first time ko kasing pupunta dun,"
Dagdag pa niya.

"Maganda dun, sure ako magugustuhan niyo."Sagot ni laurence at sumulyap sakin.
"Tahimik mo yata?"Tanong niya naman sakin.

"I-inaantok lang ako."Palusot ko.

"Matulog kana muna."Sinulyapan ako ni Laurence bago muling ibalik sa daan ang paningin.

Hindi na ako sumagot pa, pinikit ko nalang ang mata ko. Sa totoo lang ay hindi naman talaga ako inaantok wala lang ako sa mood hindi ko alam kung bakit. Sanhi kaya to ng pagbubuntis ko?past few days nahahalata ko na mabilis akong mawala sa mood at mainis.

"Sera."
"Sera, gising na.."
"Huy, sera.."

Umungot ako bago dahan-dahang minulat ang mata. Bumugad sa'kin ang mukha ni Zara at Lucy, nakabukas na ang pintuan ng front seat at nakatayo sila doon. Umayos ako ng pagkakaupo habang kinakapa ang mata ko kung may muta.

"Nandito na tayo, Sera.. ayos kalang ba?"
Tanong ni Lucy.

Tumango naman ako."Ang tagal ko palang nakatulog,"Sambit ko. "Lalabas na ako, nasan si Laurence?"

"Miss mo agad ako?"Biglang sulpot ni Laurence sa likod nila Lucy.

Ngumiwi naman ako pero natawan din. Pagbaba ko ay gumilid sila Lucy at Zara para bigyan ako ng daan. Doon kolang napagtanto na nasa labas palang din pala lahat ng kaibigan ni Devon at Shane, halos sabay -sabay pala kaming dumating.

"Sera, omg!you came.."Nakangiting bati ni Shane na nakakapit sa braso ni Devon, wala sa sariling napatingin ako sa kanya at naabutan kong nakatingin din siya sakin kaya nag-iwas ako ng tingin.

Ngumiti naman ako."Ah, oo."Pilit akong ngumiti. "Shane, mga kaibigan ko nga pala si Lucy at Zara —"Tinuro ko yung dalawa na nakangiti namang kumaway. "Tsaka si Rence."Tinuro ko si Laurence na nasa gilid ko.

"Hello, nice meeting you both.." Ngumiti si Shane at nakipag-kamayan.

Tumikhim si Devon kaya napatingin ako sa kanya, ang sama ng tingin niya kay Laurence.

Anong problema niya?

"Ano pang iniintay na'tin, pasok na tayo.."
Malakas na sabi ng isa sa kaibigan ni Bryan.

Pagpasok namin sa loob ng lobby ng hotel ay hindi ko maiwasang humanga. Sobrang laki nga, halatang pang-mayaman, nakasunod lang kami kila Shane dahil mas nauuna sila sa'min, hanggang sa sinalubong kami ng isang babae na tingin ko ay receptionist.

Bumati ito sa'min hanggang sa napunta ang paningin nito kay Laurence, kitang kita ko kung paano nanlaki ang mata niya para bang natataranta, ako naman ay nagtatakang tinignan si Laurence.

"S-sir Laurence.. g-good morning po,"
Magalang na sabi nito.

Ngumiti naman si Laurence."Good morning din,"

Kumunot ang noo ko."Kilala mo?"Tanong ko kay laurence, medyo nahiya pa ako dahil na sa'min ang atensyon ng lahat ng kasama namin.

"Y-yes ma'am.. he's the son of the owner of this beach and resort.."Yung receptionist ang sumagot.

Narinig ko naman ang pangsinghap ng dalawa kong kaibigan habang nanlalaki naman ang mata kong nilingon si Laurence.

"S-sa inyo pala 'to?"Halos hindi makapaniwalang sabi ko.

Tumawa siya at pinisil ng ilong ko."Hindi moba naintindihan, Seraphina.. anak lang ako ng may-ari nito,"

Napakurap-kurap ako. Ibig sabihin mayaman sila Laurence?sa totoo lang ay hindi ko siya kilala ng lubusan nung higschool palang kami kaya wala akong alam tungkol sa kanya maliban sa kilala rin siya sa skwelahan namin.

"Huy."

"H-ha?"Wala sariling sagot ko kay Laurence.

"Ang sabi ko tara na sa room.."

Namilog ang mata ko."K-kasama kita sa kwarto?"

Humalakhak siya."Gusto moba?pwede naman kung gusto mo."

Sinamaan ko siya ng tingin at hinampas. "Sabi mo kasi 'tara na sa room' kaya tinatanong ko kung kasama kita,"

Ngumisi siya at tinaasan ako ng kilay. "Magkatabi lang ang room natin, pero kung gusto mo akong katabi, walang problema sakin."

"Pinagbubulungan niyo?"Singit ni Lucy.

"Gusto daw kasi akong makatabi ng kaibigan niyo sa kwarto,"Sagot ni Laurence na ikinalaki ng mata ko, sa lakas ng boses niya ay paniguradong narinig yun nila Devon, shane at ng mga kaibigan nila.

Sinimangutan ko siya at nilampasan, mabilis akong naglakad papasok ng elevator pero mabilis niya akong nasundan kaya sinamaan ko siya ng tingin, mas lalo akong nainis ng marinig ko ang tawanan ni Lucy at zara.

Lord ilayo mo sakin si Laurence, baka mapaglihan ko'to.

Pagkatapos naming ibaba ang mga gamit namin sa kanya kanyang kwarto ay bumaba din kami agad sa restaurant dahil magdidinner na daw bago magsimula ang kasayahan sa tabi ng dagat. Wala akong naiintindihan sa usapan at hindi din ako mapakali lalo na at kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan,para bang may mangyayaring hindi inaasahan?

Idagdag mopa yung isiping hindi ko alam kung paano ko kakausapin ng masinsinan si Devon na kaming dalawa lang, dahil nakakapit lang si Shane sa kanya. Halos bindi ko matagalang makita silang dalawa, hindi ako komportable na nasa isang lugar lang kaming tatlo.

Tuwing hindi sinasadyang napapasulyap ako kay Devon ay naabutan ko ang titig niya sakin pero umiiwas din ako agad ng tingin, ayaw ko kasing makalata si Shane lalo na at kinausap niya na ako tungkol dito. Hindi ako tanga at marunong din akong umintindi kaya naintindihan ko lahat ng pinaparating niya.

Makalipas ang halos dalawang oras ay nagkayayaan na sila sa tabi ng dalampasigan, hindi ko alam kung anong meron doon basta't sumusunod lang ako.

"Ayos kalang?"Tanong ni Zara.

Tumango naman ako."Oo naman, may dahilan ba para hindi ako maging ayos?"

"Si Shane kung makakapit kay bryan akala mo linta."Bulong ni lucy kaya pinandilatan ko siya, mabuti nalang at abala ang mga kaibigan nila kaya hindi nila kami napapansin.

"We're not here just because to celebrate my birthday, but.. there's more—"Malakas at pabiting sigaw ni shane, habang nakapalupot ang kamay sa braso ni Devon. "I have important something to announce guys."Masayang masayang dagdag pa nito.

"Ano, nagkabalikan na kayo?"
"Omg, kayo na ulit?"
"Sabi kona nga ba, magkakaayos na kayo ulit."
"Support pa rin kami sa inyo, syempre bagay na bagay kasi kayo.."

Nagingay lahat ng kaibigan ni Shane at Devon habang tinutudyo silang dalawa, nabibingi ako sa tilian ng mga babae, kitang kita ko naman na nakangiti si Shane, si Devon naman ay blanko ang expression ng mukha.

"Wait.."Tumatawang sabi ni Shane at tinaas ang kamay para tumahimik ang ingay.

"Pabitin ka, Shane.. ano ba kasi yun sabihin niyo na.."Reklamo ng isang babae mula sa grupo nila, kung hindi ako nagkakamali ay barkada ito ni Shane.

"I'm Pregnant!"Sigaw niya. "Devon and I are going to have a baby,"Masayang balita niya at siniil ng halik si Devon sa harap naming lahat.

Pakiramdam ko nag-init ang sulok ng mata ko. Lahat ng lakas ng loob na naipon ay kusang nawala, mag kaka baby na sila?ito ba yung binabanggit ni Dev sa text na sasabibin niya sakin?

"M-mag cocomfort lang ako."Paalam ko at mabilis na tumakbo pabalik ng hotel.

Unti-unting pumapatak ang luha ko habang tumatakbo, bakit ang sakit?bubuo sila ng masaya at kumpletong pamilya?syempre masayang masaya si Devon kasi ito naman yung pangarap niya. Pangarap n'yang kasama si Shane.

Pero paano ako?paano ang baby ko?paano kami?

Continue Reading

You'll Also Like

203K 5.4K 68
Zero already has a boyfriend that she loves but finds out that he is cheating but she tries to work it out and stay with him. But then she goes to th...
1.2M 41.3K 86
As a Jedi padawan, gaining a Master is like a dream come true. It's one step closer to reaching knighthood, and then to reaching Master. But that dr...
124K 7.3K 90
"Great news! Wei WuXian has died!" "Wait- WHAT?!" "But I'm still here." The juniors (Lan Sizhui, Lan Jingyi, Jin Ling, and Ouyang Zizhen) accidentall...
1.4M 32K 60
In which Daniel Ricciardo accidentally adds a stranger into his F1 group chat instead of Carlos Sainz.