When Heaven Meets Her Devil(C...

By Delicious_Peachyyy

60.9K 643 63

Warning!🔞 ||MATURE CONTENT Seraphina Nevaeh Salguero is an architecture student with big dreams who grew up... More

Blurb
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue
Author's Note

Chapter 14

858 12 2
By Delicious_Peachyyy

"Heaven.. hanggang kailan moba ako iiwasan?"

"Pwede ba Dev, umalis ka na sa daan ko.. may pasok pa ako sa coffee shop."Matalim ko s'yang tinignan.

"Heaven.. please naman, ayusin na na'tin oh?"

"Ano nanaman bang kailangan mo Devon.. may pangangailangan ka nanaman ba?"Diretsang tanong ko. "Isang linggong mahigit na tayong hindi naguusap tapos ngayon nandito ka nanaman sa harap ko at nunuyo?"Agad s'yang natigilan.

"Heaven.. sobrang miss na miss kita kung alam mo lang, ayaw ko lang talagangg sabayan yung galit mo.."Kinagat niya ang pang-ibabang labi niya.

"Hindi ako ang nami-miss mo Devon.. ang tanging nami-miss mo lang sakin ay yung katawan ko."Singhal ko.

Umawang ang bibig niya at naging sunod-sunod ang paglunok."H-hindi sa ganun, heaven."Mahinang sabi niya.

Mapait akong napangiti, hindi sa ganun?pero ganun yung nararamdaman ko. Kapag alam mong mainit yang katawan mo tatakbo ka sakin para palamigin, kapag kuntento kana babalik kana kay Shane, sa totoong mahal mo.

"Umalis kana d'yan Devon"Ulit ko.

Hindi siya natinag kaya pagod ko s'yang tinignan. Isang linggong mahigit na kaming hindi nagkikita o naguusap. Hindi ko alam ngayon kung bakit nandito siya sa harap ko ngayon. hinarang niya ako sa gate ng palabas na ako, hindi ko rin inaasahan at naiinis ako dahil ayaw niya akong padaain.

Sa totoo lang ay wala naman talaga akong pasok sa coffee shop ngayon dahil biyernes, sinasabi ko lang yun para umalis na siya sa daan ko pero hindi ako nagtagumpay dahil nandito pa rin siya.

"Sorry na please.."Malambing na sabi niya at akmang hahawakan ang kamay ko pero agad kong iniwas.

"Okay Dev, ayos na tayo.. pwede ka ng umalis sa daan ko,"Pinigilan kong mairita para tantanan niya na ako.

"Promise?"Parang batang tanong niya.

Tumango ako."Oo, kaya umalis kana d'yan.. may pasok pa ako,"

"Liar, wala kang pasok sa coffe.."Tumaas ang kilay niya.

"M-meron.."Nauutal na sagot ko.

Ngumisi siya."Wala kang pasok, kung gusto mo ikaw nalang ang pasukan ko."

Agad kong natampal ang bibig niya. "Manyak!"

"Sa'yo lang."Kumindat siya sakin.

"Lubayan mo ako Devon, bakit hindi si Shane ang puntahan mo para manyakin,"
Inirapan ko siya.

"Jealous?"Pang-aasar niya.

"Bakit naman ako magseselos?pwede ko namang tawagan si Laurence pa—"

Namilog ang mata ko ng siilin niya ako ng halik pero mabilisan lang at agad din s'yang humiwalay, uminit ang pisngi ko at luminga-linga sa paligid, nakahinga ako ng maluwag makita kong walang nakakita sa'min.

"Bakit mo ginawa yun?"

"Para patahimikin ka.."Maikling sagot niya.
"Wala kang karapatang mag banggit ng ibang pangalan kapag kasama mo ako, Heaven.. pangalan ko lang ang pwede mong banggitin, naiintindihan mo?" Supladong dagdag niya pa.

"Paano kung ayaw ko?"Panghahamon ko.

"May alam ako madaling paraan para makasigurado akong pangalan ko lang ang babanggitin mo hindi lang basta banggit —"Pabitin niya at bahagyang nilapit ang bibig niya sa tainga ko."I-uungol mo pa,"

Napasinghap ako at mabilis s'yang tinulak."Kung ano-anong sinasabi mo, bakit kaba nandito ha?umalis kana nga."Pagtataboy ko.

"Wag ka ng magselos kay Shane..mag date nalang tayo,"

Ngumiwi ako."Bakit ako makikipag date sa'yo, jowa ba kita?"

"Gusto moba akong maging jowa?"Agad akong natigilan sa sinabi niya.

Umiwas ako ng tingin."Hindi ka'pa handa para doon.. tsaka kung sakaling magjojowa ka, hindi naman ako yun."Pilit akong tumawa.

Hindi sya sumagot, kaya nanahimik nalang ako. nagulat ako ng yakapin niya ako at dampian ng halik sa buhok.

"Mag-date nalang tayo, please.."Malambing na bulong niya.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Nagchange topic kasi hindi pa siya handa. Mali pala, handa na siya kapag kay Shane at hindi para sakin.

Binaklas niya ang pagkakayakap sakin at hinila ako paalis. Hindi na ako nagreklamo, heto nanaman kami, ang rupok rupok ko pag dating kay Devon. Pagdating namin ng parking ay pinagbuksan niya ako, napairap pa ako dahil may pahabol s'yang halik sa labi bago tuluyang isarado ang pintuan.

"Saan tayo pupunta?"Tanong ko sa kanya habang nililibang ang sarili ko sa bawat nadadaanan.

"Saan mo ba gusto?"Balik tanong niya.

"Wala akong gustong puntahan."Palihim akong umirap.

"Tara sa tagaytay?"

Gulat ko naman s'yang nilingon."Ha, anong gagawin na'tin don?"

Nagkibit balikat siya."Nagsasawa na ako sa tanawin dito sa manila..gusto ko namang gumala sa ibang lugar para huminga."

"Bakit hindi kaba nakakahinga ngayon?"
Pamimilosopo ko.

Ngumisi siya."Hindi ako makahinga kapag hindi kita nakakasama,"

Tumaas ang kilay ko."Eh, bakit buhay kapa?"

Tumawa naman siya."Nandito kana, kaya nakakahinga na ulit ako ng maluwag."

Ngumiwi ako."Hindi naman ako si Shane."

"Bakit naman nasali nanaman si Shane sa usapan?"Saglit niya akong sinulyapan.

"Wala.."

Namayani ang katahimikan saming dalawa sa nakalipas ng trenta minutos kaya mas pinili ko nalang ipikit ang mata ko, parang inaantok ako pero parang mas lamang yung takam ko sa pakwan.

San naman ako kukuna non?

Pinilit kong ipikit ang mata ko pero talagang natatakam ako sa pakwan kaya inis akong dumilat at umayos ng upo.

"May problema ba?"Tanong ni bryan

"Nagugutom ako."Napatakip ako sa sarili kong bibig.

Tumawa naman siya."Okay, anong gusto mong kainin?"

"Pakwan.."Mabilisang sagot ko.

Kitang kita kong paano nagsalubong ang kilay ni Devon. Saglit itong sumulyap sakin na para bang nagtataka.

"Sabi mo gutom ka?"Aniya.

"Oo nga.. pero nagc-crave ako sa pakwan.. gusto ko non,"Pinal na sagot ko. "Hindi naman ako magpapabili sa'yo, basta pag may nadaanan kang nagtitinda, ihinto mo dahil bibili ako.."

"Okay, heaven..calm down, bakit ba ang init ng ulo mo?"Tumatawang sabi niya

"Ikaw ba naman kasama ko kahit gaano ako kakalmado iinit pa rin ang ulo ko."

Ngumuso naman si Devon kaya nagiwas ako ng tingin. Bakit kasi ang cute niya?

Wala kaming nadaanang nagtitinda ng pakwan habang nasa byahe, kaya masamang masama ang loob kong umidlip. mabuti nalang at ng madaan kami sa palengke ng tagaytay ay maraming nagtitinda kaya bumaba si Devon para bumili.

Ilang minuto lang ay bumalik siya na may hawak na dalawang pirasong malalaking pakwan at may isang pakwan na slice na.  Mas lalo tuloy akong natakam.

"Kainin muna, baka sakaling lumamig ulo mo sakin.."Tumatawang sabi niya at inabot sakin ang pakwan.

Matalim ko naman s'yang tinignan bago kinuha mula sa pagkakaabot niya ang pakwan. Nakahinto kami sa gilid ng palengke, hindi pa pinaandar ni Devon ang sasakyan kaya naisip kong gusto niya sigurong ubusin kona muna ang pakwan na kinakain ko.

"Gusto mo?"Tanong ko sa kanya at tinapat sa bibig niya ang pakwan na nakagatan ko.

Kusa akong napahinto ng maalala ko yung araw na sinusubuan siya ni Shane sa restaurant. Bigla akong nahiya, feeling mo Sera, ikaw si Shane? Akmang aalisin kona pero agad namang kinuha ni Devon ang kamay ko at kinagatan ang pakwang hawak ko.

"Masarap ba?"Mahinang tanong ko ng umpisa niya ng nguyain.

"Sino ikaw?oo sobra.."

Pakiramdam ko nag-init ang pisngi ko kaya hinampas ko siya sa braso at nagiwas ng tingin.

"Ano nga palang ginagawa natin dito?saan na tayo susunod na pupunta?"Magkasunod na tanong ko para palitan ang topic.

"Hotel.."Maikling sagot niya, sinamaan ko naman siya ng tingin. "Kalma heaven, nag book ako ng hotel para sa'tin.. walang pasok bukas, kaya naisipan kong after ng gala natin sa sky ranch..sa hotel na tayo, didiretso." Paliwanang niya.

Nagliwanag ang mukha ko."Talaga?papasyal tayo sa sky ranch?"

Tumango siya."Yes.. at ayaw kong madaliin yung oras para maenjoy natin kaya nag book nalang ako ng hotel kung saan tayo mags-stay."

Pagkatapos kong kumain ng pakwan ay nagpatuloy na sa pagmamaneho si Devon pero napansin kong panay ang hikab niya.

Tumikhim ako."Inaantok kaba?"

"Medyo.."

"Gusto mobang wag na tayong tumuloy sa sky ranch?magpahinga balang tayo sa hotel?"

Umiling siya."No.. nandito para mag-date kaya hindi pwedeng maudlot."

Kinagat ko ang pangibabang labi ko at pinigilang mapangiti. Ito kasi yung unang beses na magde-date kami ni Devon, yung matatawag talagang date.

Pagdating namin ng sky ranch ay hindi ko maiwasang humanga sa laki nito. Ito ang unang beses akong makakapunta dito at si Devon pa ang kasama ko. Hindi ko maiwasang mapangiti.

"Let's go?"Aniya at hinila niya ang kamay ko papasok sa loob, napagtangay ako.

Holding hands kami.

Pagod na pagod kami pareho ng matapos kaming subukan lahat ng rides, rides-all-you-can kasi ang ticket na hawak ni Dev kanina kaya wala talaga kaming pinalampas ni isa. Sobrang nag-enjoy ako, hinding hindi ko makakalimutan 'to.

"Nag enjoy kaba?"Tanong ni Devon ng kasalukuyan na kaming nasa daan patungo sa hotel.

"Oo naman, sobrang nag-enjoy ako."

"Ako din.. sobrang nag-enjoy ako lalo na at ikaw ang kasama ko."Mahinang sabi niya sapat lang para marinig ko.

Hindi naman ako agad nakapagsalita, bumaba ang tingin ko sa kamay niya ng maramdaman kong hinawakan nito ang kamay kong naka patong sa hita ko, pinigilang ko mapatili dahil kinikilig ako.

Hindi naman sigurong mag-assume ako diba?baka pwede kahit ngayong araw lang isipin kona muna na ako yung mahal niya at hindi si Shane. Gusto ko lang sumaya kahit ngayon lang, kahit kasinungalingan nalang.

Sana wag munang tatawag si Shane dahil alam kong sa oras  na mangyari yun, kayang kaya niya akong iwan para puntahan si Shane.

Continue Reading

You'll Also Like

107K 3.2K 31
"she does not remind me of anything, everything reminds me of her." lando norris x femoc! social media x real life 2023 racing season
71.9K 1.6K 31
!Uploads daily! Max starts his first year at college. Everything goes well for him and his friends PJ and Bobby until he meets Bradley Uppercrust the...
290K 8.7K 95
Daphne Bridgerton might have been the 1813 debutant diamond, but she wasn't the only miss to stand out that season. Behind her was a close second, he...
204K 4.3K 47
"You brush past me in the hallway And you don't think I can see ya, do ya? I've been watchin' you for ages And I spend my time tryin' not to feel it"...