When Heaven Meets Her Devil(C...

By Delicious_Peachyyy

60.9K 643 63

Warning!🔞 ||MATURE CONTENT Seraphina Nevaeh Salguero is an architecture student with big dreams who grew up... More

Blurb
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue
Author's Note

Chapter 13

852 11 0
By Delicious_Peachyyy

"Ang tanga mo talaga, Sera.. sarap mong kalbuhin,"Sermon ni Lucy.

"Noon palang sinabihan kana namin, Sera..mahirap yang sitwasyong papasukan mo,"Bumugtong hininga si Zara.

Kinagat ko naman ang pang-ibabang labi ko. Hindi ako nagreklamo sa sunod sunod na talak at sermon ni Zara at Lucy. sobrang bigat ng dibdib ko sa paguusap namin ni Devon nung nakaraan kaya masyado akong naapektuhan.

Wala sana akong balak na mag-open kay Zara at Lucy pero nahalata nila yung ilang araw na wala akong gana at wala sa mood.

"Mahal ko pa rin siya."Mahinang sabi ko.

Napahampas nalang ng kamay si Zara sa sariling noo."Pigilan mo'ko Lucy, nagdidilim paningin ko.."

Ngumiwi si Lucy."Kahit yata yugyugin mo utak n'yan hindi parin makakalimutan si Devon."

"Hindi ba ako mahal-mahal?"Puno ng hinanakit kong tanong.

"Kamahal-mahal ka, Sera.. ang mali molang, masyado mo ng binaba yung sarili mo, ulti mong pinakaiingat-ingatan mo, binigay mona kay bryan.."Sinserong sabi ni Zara. "Hindi ko alam kung paano kayo naging fuck buddy pero para sakin hindi magandang ideya dahil imbis na makalimutan mo siya mas lalo lang lalalim ang pangmamahal mo sa kanya."

Sinapo ko ng mukha ko gamit ang dalawang kamay."Gusto kona s'yang kalimutan pero hindi ko kaya.. mahal na mahal ko parin talaga siya."

"Sera..alam mo namang mahal ni Devon si shane, diba?umpisa palang sinabihan kana ni Devon pero nagpumilit ka pa rin.."

"Sige ipamukha niyo pa."Singhal ko.

"Para matauhan ka, Sera.. mahal ka namin dahil kaibigan ka namin pero ang tanga mo kasi talaga,"Imbis na maluha ako ay nakaramdam ako ng inis kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Iiyak kalang saglit, tapos bukas makalawa tanga kana ulit.."Busangot ang mukha ni Zara.

Pinahid ko ang luha ko."G*ga."

"Oh, sige i-deny mo.. pustahan tayo, kapag pinuntahan ka ni Devon dito, bubukaka ka ulit tapos may mangyayari nanaman sa inyo."Bulgarang sabi ni Lucy.

Inirapan ko naman sila."Syempre masarap."

Hindi na ako nagulat ng makatanggap ako ng batok sa kanila, hindi naman ganun kalakas pero medyo masakit pa rin.

"Masarap naman pala eh di tiisin mo yang sakit, g*ga, payag ka nun?ikaw yung pinapasukan pero hindi ikaw yung mahal?"Pangaasar ni Zara.

"Payag kana, Sera.. masarap naman diba?"Ngumisi si Lucy.

Sumimangot ako."Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong ginagawa niyo dito..kung nandito ba kayo para i-comfort ako o nandito lang kayo para inisin ako,"

"Sera..nandito kami para i-comfort ka at i-parealize sa'yo kung gaano ka katanga."

Hindi ko alam kung dapat ba akong mainis o matuwa sa pinagagawa nila pero hindi ko mapigilang mapangiti dahil kahit ganito ako katanga ay nagkaroon ako ng kaibigang totoo katulad nila.

Pana'y ang pangaasar nilang dalawa sakin. Pinagkakaisahan nila ako pero hindi naman ako napipikon, mas natutuwa ako dahil panay ang halakhak ni Lucy, hindi ko alam kung bakit, pero nitong mga nakaraang araw, gustong-gusto kong nakikita ang mukha niya. Gandang ganda talaga ako.

"Gusto n'yong pancit canton?"Tanong ko sa kanila.

"May stocked kaba o bibili pa sa tindahan?"
Balik tanong ni Lucy.

"Meron dito, bumili ako ng nung nakaraan.. gusto niyo ba?"Ulit ko.

"Syempre naman,"Malakas na sabi Zara. "Magprito ka rin ng egg, Sera.. para mas masarap,"

Tumawa naman ako at tumango."Oo na, alam ko namang paborito mo yun."

"Parang mas masarap kapag may coke, no?"Suggestions ni Lucy.

"Oo nga.."Sang-ayon ni Zara. "Sera, bukas naba yung tindahan doon sa kapit-bahay mo?"

Nagkibit balikat ako habang nagsasalin ng tubig pang-pakulo para sa pancit-canton.

"Hindi ko alam, parang hindi ko naman kasi nakikitang nagbubukas yun."

"Samahan mo'ko, Za..bili tayong coke,"Yaya ni Lucy.

"Wait lang Sera, bibili lang kami ng coke."Paalam ni Zara, tumango naman ako.

Hindi pa kumukulo ang pinapa-init kong tubig kaya binuksan ko nalang muna isa isa yung pancit canton. Habang iniintay ko ay inopen ko ang cellphone ko para mag scroll up sa instagram.

Nagtingin-tingin ako ng mga my day ng nga followers ko. Panay lang ang swipe ko pero kusa akong natigilan ng madaan ako sa my day ni Devon. Video yun ng isang babaeng nag-gigitara, noong una ay inakala kong baka nakuha niya lang sa tiktok o sa facebook pero ng tuluyan ko ng matitigan ay tsaka kolang napag-tanto na si Shane pala yun.

Video ito sa isang condo unit, nakaupo si Shane sa isang couch habang naka indian seat at nasa hita nito ang gitara, nasuot lang ito ng simpleng shirt pero napakaganda niya pa rin. Mukhang hindi alam ni Shane na vine-videohan siya ni Devon dahil nakatuon ang atensyon nito sa gitara at pagkanta. Mundo by iv spades ang kinakanta niya.

Bahagya pangzino-zoom ni bryan ang video kapag ngingiti si Shane.

Bigla akong nakaramdam ng insecure. maputi kasi si Shane samantalang morena naman ang kulay ko, engineering ang course ni Shane pareho sila ni Devon kaya rin siguro sabay silang nag-aaral. Totoo lahat ng sinabi ng mga kaibigan ni Devon, na kay Shane na lahat, maganda, sexy, matalino at mayaman bagay sila ni Devon dahil galing din sa mayamang pamilya si Devon, bagay na wala sakin at hindi ko alam kung magkakaroon paba ako.

Sumasakit ang dibdib ko ng i-next ko ang my day ni Devon, picture naman nila ito ni Shane. parehong nakadila at nakapose ng wacky, Inistalk ko ang account ni Shane, April Shane pala ang tunay n'yang pangalan?May mga highlights din sa account niya karamihan ay bulaklak at nakatag ang pangalan ni Devon. Bigla akong nanliit sa sarili ko, si Shane kasi ay tinuturing na prinsesa ni Devon, samantalang ako lalambingin lang kapag may kailangan.

Wala akong alam sa past ni Devon at Shane basta't alam ko lang ay nanligaw si Devon kay Shane mula junior high, pakatapos ay naging sila ng senior high hanggang sa 1st year college tapos bigla nalang naghiwalay.
pero ang alam ko maayos ang break up nila dahil bumalik parin ang friendship nila sa isat-isa.

Yun yung mga balitang nalaman ko dahil baliw nga ako kay Devon mula pa noon kaya inalam ko halos lahat tungkol sa kanya.

Halos mawala na sa isip ko yung pinapainit kong tubig kaya napakamot ako sa kilay ko at binaba ang cellphone para isalang na ang pancit-canton. Sana pala hindi na ako nag-open ng instagram, nawala tuloy ako sa mood.

Ilang minuto lang ang nakalipas ay pumasok na din si Zara at Lucy na may hawak na 1.5 na coke at kung anong anong gummies na candy.

"Ang laki nung aso ng kapit-bahay niyo, Sera.. akala ko mangangagat na."Reklamo ni Zara.

"Akala ko nga din eh, tahol ba naman ng tahol."Ngumiwi si Lucy at sinubo ang gummy.

"Tumakbo sana kayo ah."Humalakhak ako.

Pagkatapos kong magluto ng canton at itlog ay sabay-sabay kaming kumain habang nanonood ng larva sa loptop, ilang oras pang nanatili yung dalawa dito bago napagpasyahang umuwi na.

Nang dumating ang alas sinko y media ay naghanda naman ako dahil may pasok ako sa coffee shop. Naligo ako at nasuot ng simpleng pantalon at yung polong uniporme namin. Inayos kona din ng mataas na ipit ang buhok para hindi ako naaalibadbaran habang nagtatrabaho maya.

Pasado alas -sais ng dumating ako sa coffee shop, medyo na-late lang naman ako ng sampung minuto kaya nanghingi ako ng pasensyay kay Clay at ate Lanie, pero sinabi nilang ayos lang naman daw yun.

"Good evening sir, welcome to symphony cafe.."Nakangiting bati ko "Can i take your order now, sir?"Dagdag kopa.

"Macchiato and croissant please.."Ngumiti rin dito.

"That's all sir?"Tanong ko, mabilis naman ang naging pagtango nito kaya pinidot ko na ang inorder niya.

Naging sunod-sunod ang pagpasok ng customer kaya naging abala ako sa pagkuha ng orders nila dahil ako ang assign sa counter ngayon. Kahit nag-aagaw na ang liwanag at dilim ay patuloy pa rin ang pagdami ng tao kaya naisip kona hanggang mamaya ulit ay paniguradong mapupuno ulit itong loob.

Nang pumatak ang alas-otso ng gabi ay nakakaramdam na ako ng gutom pero marami pa ring customer kaya pilit kong niwawala sa isip ko pero grabe na talaga ang pag-kalam ng sikmura ko.

Bumugtong hininga ako, hindi pa ako pwedeng kumain at makisabay sa mga customers dahil baka pagalitan ako ng amo namin.

"Ate Lanie, pwede bang ikaw muna dito?"Bulong ko kay ate lanie ng bumalik na siya pagkatapos mag serve.

"Namumutla ka Sera, ayos kalang ba?"Nag-alalang tanong niya.

"Sa totoo lang ate, nahihilo ako dahil kanina pa ako nagugutom.."Pag-amin ko.

"May baon kabang pagkain?kumain kana muna, ako na munang bahala dito."Sambit niya.

"Salamat ate.."Ngumiti ito at tumango.

Naglakad ako patungong locker. Sa totoo lang ay wala akong baong pagkain, ang tanging meron sa bulsa ng bag ko ay dalawang pirasong sky flakes kaya yun nalang muna ang pagtyatyaan ko. Bigla akong natigilan ng mapagtanto kong nakalimutan ko nanamang dinala yung pills ko sa sobrang pagmamadali.

Ilang beses ko ng nakakaligtaang uminom.

Continue Reading

You'll Also Like

155K 5.6K 42
❝ if I knew that i'd end up with you then I would've been pretended we were together. ❞ She stares at me, all the air in my lungs stuck in my throat...
1.3M 57.9K 104
Maddison Sloan starts her residency at Seattle Grace Hospital and runs into old faces and new friends. "Ugh, men are idiots." OC x OC
71.6K 1.6K 31
!Uploads daily! Max starts his first year at college. Everything goes well for him and his friends PJ and Bobby until he meets Bradley Uppercrust the...
776K 28.8K 104
The story is about the little girl who has 7 older brothers, honestly, 7 overprotective brothers!! It's a series by the way!!! 😂💜 my first fanfic...