The World Of Ellorin (On-Goin...

By DeuxEl

752 238 9

In the mystical realm of Ellorin , a once-thriving world is plunged into darkness as an ancient curse awakens... More

PLEASE READ!
DISCLAIMER
AUTHOR'S NOTE
THE WORLD OF ELLORIN
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37

CHAPTER 7

26 7 0
By DeuxEl

Chapter 7

Ensayo

Maaga akong ginising ng mga tagasunod sa palasyo. Nagulat na lang ako nang bigla nila akong hinubaran at dinala sa malaking paliguan sa aking kwarto. Yakap ko ang aking sarili habang hinila nila ako ng marahan patungo sa bukal na tubig.

Pagpasok ko ay tumambad sa akin ang pamilyar na bukal napapalibutang ng mga halaman. Nasisinagan ang tubig ng sinag ng araw na siyang nagpapakislap nito.

Nangamba pa ako nong una kong pagtapak dito na baka may makakita sa aking buong kahubaran dahil sa pagkaka-alam ko'y may mga nakabantay na mga kawal sa bubong ng palasyo.

Pero nakakalimutan ko atang na walang possible sa mundong ito. Lahat ay punong-puno ng misteryo at kahiwagaan.

"Lumubog na po kayo sa tubig, binibini." Mahinang usal ng isang tagasunod na babaeng lobo upang paliguan ako.

"Ako na."pagpumilit ko.

"Ngunit binibini, utos po ito' ng general." Sabat ng isa pang tagasunod na babae. Isang diwata.

"Kung gusto niyo'y sabayan niyo nalang ako." suhestyon ko.

"Hindi na po, binibi-"

"Noella." Pagpapakilala ko. "Kayo? Anong mga pangalan niyo? Bakit kayo nandito sa palasyo?" Sunod na sunod ang tanong ko.

Nagtitigan pa sila bago nagsalita.

"Liezel ang pangalan ko." Pagpapakilala ng lobo.

"Ako naman si Kara." Ani ng diwata.

"Masaya akong malaman ang inyong mga pangalan." Binigyan ko sila ng isang matamis na ngiti.

Sinuklian naman nila ito.

"Pinili naming magtrabaho dito para mabuhay. Wala na kasi kaming pamilya na mauuwian, namatay ang aming mga magulang at kapatid sa pagkaubos ng kanilang mga kapangyarihan. Hindi kinaya ng kanilang mga katawan ang sakit na dala nito."nanginginig na  kuwento ni Kara.

"Matagal na talaga naming layunin maging isang tagasunod sa palasyo. Alam kasi naming dito ay talagang may mapupuntahan at matutulugan kami. Hindi man kami kilalang lahat ng mahal na hari ngunit malaki ang pasasalamat namin dahil tinanggap niya kami dito. Masaya kaya dito, maraming pagkain at ramdam namin ang proteksyon." Masayang kuwento ni Liezel.

Nakalubog kami ang aming mga katawan sa tubig hanggang sa aming dibdib.

Bigla kong naalala ang isang tagasunod na pinatay ng isang konseho. Mariin kong pinikit ang aking mga mata para maalis ang alaalang iyon.

"Ngunit pwede kayong mapatay dito." Sabi ko.

"Alam namin. Lalo na't sa oras na may malaman kaming di puwedeng marinig ng isang mababang nilalang na katulad namin." Saad ni Kara habang nakatitig sa kawalan.

"Masaya kaming dumating ka, Noella." Puno ng pag-asa ang aking nakikita sa mga mata ni Liezel.

Parang niyakap nito ang aking puso.

"Katulad niyo din ako. Walang pamilyang iniuwian, nawala din sila sa harap ng aking mga mata habang tinatangay ang kanilang buong buhay at kapangyarihan. Katulad niyo din ako, palaboy-laboy sa bayan. Magnakaw ng mga paninda upang mabuhay." kwento ko sakanila.

"Kaya masaya kami na ikaw ang kanilang hiningan ng tulong. Dahil alam naming hindi mo kami malilimutan at naiintindihan mo kaming mga nawalan. Pagbayarin mo ang nilalang na may gawa non, Noella. Ipaghiganti mo kami sa kanila."maluha-luhang saad ni Kara.

Tumulo ang kanilang mga luha sa kanila mga mata at humalo ito sa tubig na kinalulubugan namin. Napabuntong hininga ako. Ito ba talaga ang landas na tatahakin ko?

Masarap sa pakiramdam ang epekto ng kanilang tiwala sa akin ngunit sa parte ko'y isa itong mabigat na resposibilidad. Nakatakot mabigo, nakakatakot.

Pagkatapos namin ay mabilis nila akong binihisan, gusto ko pa sanang tumanggi at ako nalang gagawa ngunit nagpumilit sila.

"Kami na, Noella." Masayang tugon ni Kara habang inaayos ang likod ng damit ko.

"Isang karangalan na makasabay kang maligo at makausap ka." Inayos ni Liezel ang aking buhok.

Tinirintas niya ito at nag-iwan ng ilang hibla ng buhok sa aking harapan.

"Ang ganda mo, Noella." Puno ng paghahanga ang nasa kanilang mga mata.

Napatingin naman ako sa aking sarili sa harap ng malaking salamin na kita ang kabuuan ko.

Maayos na nakatirintas ang aking mahaba at itim na buhok. Nag-iiwan ito ng ilang hibla sa aking mukha. Ang napupunong dumi na mukha ay ngayo'y parang nilampaso upang maging makintab.

Mapupungay ngunit matapang na mga mata. Mahabang pilik mata, makapal na kilay. Matangos at maliit na ilong at mapupulang labi. Napahawak ako sa aking sariling mukha at mas tinignan ng maigi ang aking kabuuan.

Nakasuot ako ngayon ng isang hipit na kulay chocolateng pantalon. Hipit na itim na pangtaas na may mahabang manggas. Sakto lang sa aking katawan upang malaya akong makagalaw.

Mas nag-depina ang kurba ng aking katawan dahil sa aking suot at mas inangat nito ang aking mga mahahabang paa at maliit na katawan.

Mismong ako'y humanga sa aking sarili ngayon.

Ngunit bigla tinubuan ng kaba ang aking puso. Dahil ito ang araw ng aking ensayo. Mula sa pakikipag-laban hanggang sa panibagong paraan ng paggamit ng mahika.

Biglang may kumatok sa pintuan kaya napalingon kami.

"Maaari ba akong pumasok?" Boses ni Alarik ang aming naririnig.

Nahagip ng aking mga mata ang pagpula ng mukha ni Liezel at Kara.

Sino ba naman ang hindi hahanga sa angking kakisigan ng general?

Lahat ata ay kaya niyang mapalingon. Ngunit bigla kong naalala ang misteryosong lalake. Nagdulot ito ng kiliti sa aking puso.

Dahil lamang ito sa kanyang pagiging misteyoso.

Pagdadahilan ko na lamang.

"Pumasok ka." Mahina kong tugon.

Bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang isang makisig na general.

"Handa ka na ba?" Tanong niya sa mababa ngunit malambing na boses.

Tumango nalang ako sa kanya sabay ngiti.

Sabay kaming lumabas ng kwarto at lumihis na ng daan sina Kara at Liezel.

Binigyan ko muna sila ng yakap.

"Gagawin ko ang lahat at ibubuhis ko ang aking buhay para mapagtatagumpayan ito. Masaya akong nakilala ko kayo, at ipangako niyo sakin na mabubuhay kayo ng matagal." Sabi ko sa kanila.

"Pangako." Sabay nilang sambit.

"Masaya din kaming makilala at makausap ka, Noella." Maluhaluhang sabi ni Kara.

Nagbigayan kami ng ngiti sa isa't-isa.

Sana nga magtagumpay ako.

***

"Ang una mong ensayo ay dapat matuto kang lumaban, Noella." Malakas at mauturidad na sabi ng general.

"Hindi sa lahat ng pagkakataon ay gamitin mo ang iyong kapangyarihan. Hangga't maari ay ipunin mo ang iyong lakas at wag itong pagurin. Gamitin mo lang itong kung kinakailangan." Pagpapatuloy nito.

Tumango ako ng seryoso.

Nandito kami ngayon sa malayong parte ng palasyo. Sa lugar ng pinag e-ensayuan ng mga kawal. Nakanuod sa amin ang ilang mga kawal at nandito din ang hari at ang mga konseho. May namumuong kaba sa aking dibdib.

"Pumili ka ng iyong sandata." Pinalapit ako ng isang kawal isang mahabang mesa na napupuno ng mga sandata.

May pana, kutsilyo at iba pang mga kagamitan ngunit ito lamang ang pamilyar sa akin.

I chose the double edge dagger.

Tumaas lamang sulok ng labi ni Alarik at ng kawal na nagpalapit sa akin.

"Una! Dapat matuto kang humawak ng sandata, Noella!"

Hinigpitan ko ang aking pagkakahawak nito. Dalawang kamay ko ang may hawak.

"Pangalawa! Matuto kang pumwesto ng tama!"

Pinakita sa akin ng isang kawal ang tamang pagpwesto ng paa at kamay.

Mabilis naman akong nakakuha kaya hindi naging matagal at pag-usad ng aming ensayo.

"At paano naman kung wala kang hawak?" Biglang saad ni Alarik.

Paano nga ba?

Tanong ko sa aking isipan.

Kinuha ng isang kawal ang sandatang pinili ko.

"Ang pinaka-importante sa lahat ay ang matutong lumaban ng walang dala, Noella."

"Tignan nga natin ang kaya mo." Sumenyas si Alarik sa isang kawal para sugurin ako.

I-pinuwesto ko ang aking sarili katulad ng kanilang tinuro. Inihanda ko ang aking mga kamay para protektahan ang aking sarili. Sumugod bigla ang isang kawal at tumalon ng mataas upang umikot sa ere at lumundag sa aking likuran. Napakabilis.

Mabilis niya akong tinapik sa aking balikat at binaliktad ako patahaya.

I groaned in pain.

Akala ko tapos na ngunit mabilis nahagip ng aking mga mata ang pagtaas ng kanyang kamao upang tamaan ako sa tiyan. Pero mabilis kong sinipa ang kanyang kaliwang paa kaya napalayo siya sa akin.

Mabilis akong tumayo at pinaulanan siya ng suntok.

Suntok sa kaliwa. Nakaiwas siya.

Suntok sa kanan. Mabilis siyang nakaiwas.

Suntok sa tyan ngunit mabilis siyang umatras upang iwasan ang aking suntok. Mabilis akong sumugod sa kanyang kinatatayuan at nagbigay ng sipa upang patamaan siya sa gilid.

Sa aking lakas bilang isang bampira ay nakita kong dumaing ito sa sakit. Ngunit di ko man lang naisipan ang puwede niyang susunod na hakbang. He grabbed my legs, punched it and twisted it. Sumabay naman ang buo kong katawan sa pag-ikot kaya muli na naman akong natumba.

Hiningal ako at tagaktak ang butil ng pawis sa aking buong mukha. Dumaing ako sa sakit na aking nararamdaman.

Tumayo ako't mabilis na tumakbo patungo sa kanyang posisyon. Sa ilang dipa ng aming layo ay tumalon ako sa ere at umikot. Binigyan siya ng isang malakas na sipa sa mukha.

Habol ko ang aking hininga habang nakatukod ang aking kanang kamay sa lupa.

Continue Reading

You'll Also Like

Past Life By Ria๐Ÿ’œ

Historical Fiction

3.5K 149 18
Si Isabella Infantes ay isang babaeng na comatose mula sa makabagong panahon na magbabalik tanaw sa kanyang nakaraang buhay noong ika-19 siglo, Las I...
927 253 38
an epistolary / short story COMPLETED There are many jokes... that we cannot laugh about. And that's how Ligaya struggles to seek the purity of happi...
36.2K 569 15
DELULU & GUILT PLEASURE
225K 8.9K 31
""SIT THERE AND TAKE IT LIKE A GOOD GIRL"" YOU,DIRTY,DIRTY GIRL ,I WAS TALKING ABOUT THE BOOK๐ŸŒ๐ŸŒš