The Prophecy From Lower Realm

By arajanetp1

6.6K 1.3K 178

Si Kaizen ang batang maghahangad na maging malakas upang maprotektahan ang kanyang mga mahal sa buhay. Palagi... More

kabanata 1
kabanata 2
kabanata 3
kabanata 4
kabanata 5
kabanata 6
kabanata 7
kabanata 8
kabanata 9
kabanata 10
kabanata 11
kabanata 12
kabanata 13
kabanata 14
kabanata 15
kabanata 16
kabanata 17
kabanata 18
kabanata 19
kabanata 20
kabanata 21
kabanata 22
kabanata 23
kabanata 24
kabanata 25
kabanata 26
kabanata 27
kabanata 28
kabanata 30
kabanata 31
kabanata 32
chapter 33
kabanata 34
kabanata 35
kabanata 36
kabanata 37
kabanata 38
kabanata 39
kabanata 40
kabanata 41
kabanata 42
kabanata 43
kabanata 44
kabanata 45
kabanata 46
kabanata 47
kabanata 48
kabanata 49
kabanata 50
kabanata 51
kabanata 52
kabanata 53
kabanata 54
kabanata 55
kabanata 56
kabanata 57
kabanata 58
kabanata 59
kabanata 60
kabanata 61
kabanata 62
kabanata 63
kabanata 64
kabanata 65
kabanata 66
kabanata 67
kabanata 68
kabanata 69

kabanata 29

117 25 6
By arajanetp1


Hindi nag pahalata si ginoong arthon na siya ay Kinakabahan sa harap ng punong tagapamahala. Maingat siyang sumagot dito. "Ahm napalaban po kami dahil may nakasagupa po kaming isang espiya na nakapasok dito sa isla. Ito po ay nakasuot ng maskara sa mukha kaya hindi namin ito makilala." Maikling Niyang hayag. Hindi Niya inamin kung ano ang tunay na nangyari dahil malaking kumplikasyon iyon.

Napataas naman ng kilay ang kanilang punong tagapamahala. "Hmmm, ganun ba, hindi ko akalain may makakapasok na espiya dito sa atin gayun wala naman akong naramdaman na may pumasok sa ating entrenamiento na hindi tagadito."

"Maaari kayang may traydor sa atin at siyang nagpapasok sa espiya na iyon?" Mungkahi ni aldas, Isa sa tagabantay ng isla.

Mabilis na tumugon si ginoong arthon. "May Punto po kayo, dahil wala naman po ibang may hawak sa mahiwagang papel na susi sa pagbukas-sara ng lagusan ng ating entrenamiento bukod sa atin mga guro at tagabantay dito sa isla." Sang-ayon Niya.

Napatango naman ang punong tagapamahala bilang pagsang-ayun. "Maaari nga, buweno, Nakikita Kong mukhang napuruhan kayong dalawa. Sadya yatang napakalakas ang inyong nakatunggali." Pansin ni punong tagapamahala sa kalagayan nina arthon at Adelina.

Tahimik lamang si Adelina habang nakayuko. Hindi Niya kailangan sumali sa usapan dahil siya ay katuwang ni arthon. Di Bali nalang kapag siya'y tinanong, dun lang siya sasagot. Napag-usapan na nila ni arthon kung ano ang sasabihin kaya kampanti na siyang hindi sila mapapahamak sapagkat hindi iisipin ng mga ito na sila ang traydor dahil makikita naman sa kanilang tinamong pinsala dahil sila'y napalaban.

Tumango nalang si Ginoong arthon. "Tama po kayo, kahit dalawa na kami ni Adelina hindi namin siya nakayanan talunin, kung hindi nga lang napansin ng espiya na iyon ang inyong awra napaparating ay baka wala na kami ni Adelina ngayon." Paliwanag ni arthon.

Tumango-tango naman ang punong tagapamahala. "Buweno, kami na ang bahala sa pag-iimbistiga tungkol sa katauhan ng espiyang inyong nakalaban. At kung ano ang dahilan kung bakit siya naparito. Sa ngayon bumalik na kayo sa inyong gusali at magpagaling. " Mungkahi nito.

Tumango sina Arthon at Adelina, nagbigay pugay muna bago lumipad pabalik sa kanilang gusali.

Nawala ang ngiti sa mukha ng punong tagapamahala ng makaalis na ang dalawa. Seryuso itong tumingin sa gubat na nawasak. "Nagsisinungaling sila, kilala nila kung sino ang espiyang nakapasok dito." Mariin nitong bulong.

"Talaga ba pinuno? Paano mo naman nasabi?" Tanong ni aldas.

Narinig pala nito ang kanyang sinabi. Hindi nalang siya tumugon sa tanong ni aldas, sa halip ay tumalikod siya at malalim na nag-iisip. 'Dahil kilala ko kung sino ang nagmamay-ari sa awrang iyon. At Dahil kilala ko ito, mas lalong kilala nilang dalawa sapagkat higit Silang naging malapit sa isa't-isa noon, Samantalang ako naman ang naging tagapagturo nila.'  napabuntong hininga siya at tumingin kina aldas na naguguluhan sa kanyang di pagtugon sa tanong nito.

"Saka nalang natin pag-usapan ito, hanapin niyo muna Sina Karis at Saris, sila ang magagaling sa pag-iimbistiga. Ipaalam niyo sa kanila na kailangan Kong makuha agad ang impormasyon kanilang makakalap dito." Utos Niya sa dalawa.

Matuwid naman tumayo at nagbigay pugay ang dalawang tagabantay sabay sabing "masusunod punong tagapamahala!" Bago umalis.

Habang nasa himpapawid ay nagtanung ang kasamahan ni aldas na si dino. "Sinong Karis at Aris ang tinutukoy ni punong tagapamahala ginoong aldas?"

Lumingon siya dito, hindi nga pala nito kilala ang dalawang kambal na iyon dahil bago lang itong itinalaga ng hari para magbantay dito sa isla. "Si Karis at Aris ay kabilang sa grupong elite quads noon, pagkatapos nilang makapagtapos sa pag-aaral dito sa goldbath academy ay inaanyayahan sila ng hari na maging pribadong imbistigador at minsan ay espiya para sa palasyo. Magaling kasi ang dalawang iyon sa larangan ng pag-alam ng mga iba't ibang bagay, impormasyon o pangyayari. Kaya Pag may ganitong mga kahina-hinalang kaso ay sila ang tinatawag para umalam." Mahabang Paliwanag Niya.

Tumango nalang si Dino at hindi na nagtanung pa. Sa isip naman ni aldas ay hindi mawala-wala ang kanyang hinala kina Adelina, arthon at ng punong tagapamahala dahil mukhang may tinatago ang mga ito. 'kung anoman iyon, aking aalamin.'

-----

Nakabalik na Sina Arthon at Adelina sa gusaling Principiante. Habang sila ay nasa loob ng elebeytor paakyat sa silid ni Kaizen ay nagsalita si Adelina. "Sigurado ka bang hindi tayo pinaghihinalaan ni punong tagapamahala?"

Tumingin si arthon sa ada at tumugon. "Hindi ako sigurado, maaring naniwala sila na hindi tayo ang traydor na nagpapasok sa espiya. Pero ang pagsisinungaling natin na hindi natin kilala kung sino ito, ay tiyak na hindi iyon pinaniwalaan ni punong tagapamahala. Dahil tangin tayong Tatlo lang ang nakakaalam kung sino ang nagmamay-ari ng awrang iyon."

Nagkaroon ng kumplikasyon sa expresyon ng mukha ni Adelina. " Tama ka, tiyak Alam Niya, siya kaya ang naging tagapagturo niyo noon at nakita Niya kung paano kayong dalawa ni Neryum lumaki at lumakas."  Napabuntong hininga nalang si Adelina. "Anong gagawin natin ngayon arthon?". Marahan niyang tanong dito .

Hindi na sumagot pa si ginoong arthon dahil nakarating na sila sa palapag kung nasaan ang silid ni kaizen. Habang nasa harapan na sila ng pintuan ay napansin nilang Hindi ito nakakandado kaya nabuksan nila ito agad. Makikitang seryusong nag-uusap ang dalawa. At naririnig nila ang ekwenikwento ni Neryum hanggang sa matapos ito.

"Tungkol sa mga Diyos ba ang inyong pinag-uusapan?" Tanong  ni Adelina ng makalapit ito.

Lumingon si Kaizen, hindi Niya manlang namalayan ang presensya ng kanyang guro at ni Adelina dahil sa nakatuon lamang ang kanyang atensyon sa kwene-kwento ni ginoong Neryum Avox.  "Kayo po pala guro, mabuti naman at nakarating narin kayo dito sa wakas." Bati Niya sa mga ito.

"Oo, pasensya na at medyo natagalan dahil kinailangan pa namin magpaliwanag Kay punong tagapamahala tungkol sa nangyari."  Sagot ni arthon Kay Kaizen ngunit Kay Neryum ito nakatingin.

Nagkaroon ng kumplikadong ekspresyon ang mukha ni Neryum Avox. Inaalala Niya na baka nakilala ng punong tagapamahala ang awrang Nilabas Niya kanina.

Nabasa naman ito ni arthon. "Huwag ka ng magtaka Neryum, hindi imposibling makilala ka Niya, sapagkat siya lang naman ang tumulong sayo upang hasain yang kapangyarihan mo." Pagkumpirma Niya sa hinala nito.

Napatungo naman si Neryum. "Alam ko, handa naman akong tangapin ang Parusang kanilang ipapataw," tumingin ito Kay arthon na may pakikiusap. "Arthon, Adelina, at sa iyo bata,, pakiusap tulungan niyo mo na ang kapatid ko"

Sumilay naman ang ngiti sa mga labi ni arthon at Adelina at tumugon dito. "Ano ka ba, syempre naman, matagal na namin plinano ni Adelina na hanapin ka ng sa ganun matulungan ka namin."

"Tama siya Neryum, medyo naiba nga lang ang naging sitwasyon at sa ganito pa tayo pinagtagpo. Siguro ito na ang paraan ng tadhana upang tayo ay magkatagpo-tagpo rin sa wakas." Masayang dagdag na tugon naman ni Adelina.

Napangiti naman si kaizen. "Kaya ginoong Neryum, makakaasa ka na tutulungan ka namin pagalingin ng lubusan ang iyong pinakamamahal na kapatid."

Naluluhang nagpapalit-palit ang tingin ni Neryum sa kanilang Tatlo. Hindi nito lubos maisip na sa Kabila ng kanyang ginawa sa mga ito ay magagawa pa siyang tulungan ng bukal sa kalooban ng mga ito. "Ma-maraming salamat sa Inyo! Tatanawin ko itong malaking utang na loob."

Lumuhod ito paharap Kay Kaizen, habang nakataas ang kanan kamay, napakunot noo naman si Kaizen sa kinikilos ni Neryum. Habang nabigla naman sina Arthon at Adelina, may ideya sila kung ano ang binabalak nitong gawin.

"Ako, si Neryum Avox, mula sa lahing avoxian ay nanunumpa sa harap ng mga Diyos sa kalangitan na ako'y magiging matapat na tagapaglingkod ni Kaizen redvil, proprotektahan siya at lalaban kanino man kahit kapalit  pa ito ng aking buhay!"

Pagkatapos nitong bangitin ang huling salita ay bigla nalang itong nagliwanag, mula sa dibdib nito ay may lumabas na Isang linyang kuryente at pumunta sa dibdib ni Kaizen deretso sa kanyang puso. Ng maglaho na ang linyang kuryenteng iyon ay naramdaman ni Kaizen ang koneksyon Niya Kay ginoong Neryum. Nagtataka siyang napatingin dito.

"Ano po ang nangyari sa atin ginoo?" May pagtataka niyang tanong.

"Bumuo ng kuntrata ng katapatan si Neryum sa iyo Kaizen!" Bulalas na sagot ni Adelina.

Napangiti naman si Neryum at hinawakan si Kaizen sa balikat. "Master, ako ang iyong bagong tagapaglingkod at protektor mo na rin. Ang aking buhay ay nakatali na sa iyo".

Hindi ito masyadong maintindihan ni Kaizen kaya tumango nalang siya.

Napaubo naman si arthon, at nagwika. "kailangan na natin puntahan ang iyong kapatid, saka na natin ituloy ang pag-uusap tungkol sa mga nangyari ngayon araw. Sa ngayon, unahin na muna natin ang iyong kapatid Neryum." Seryusong mungkahi niya.

Nagliwanag ang mukha ni Neryum at mabilis na tumayo. "Sige, umalis na tayo at puntahan na natin ang aking kapatid, tiyak hinihintay na nito ang aking pagbabalik." Akmang mauuna na itong lumabas sa silid ni Kaizen ng pigilan ito ni Adelina.

"Teka lang!, hindi tayo maaaring umalis ng basta basta sa gusaling ito!". Mariing Saad ni Adelina. Nagkatinginan naman Silang lahat at nagtanung dito ng "bakit?".






Continue Reading

You'll Also Like

155K 4.9K 32
"do i look like i give a shit if he's poseidons son?" water from the fountain splashed into her face, dripping from the dark ends of her hair "the f...
17.2K 304 11
AU story in which the War has never happened. Katara's life in the Southern Water Tribe is turned upside down when she is forced into an arranged mar...
555K 18.8K 80
Child of the Eldest Gods from the East, Heiress of Earth and Legacy of Stars and Magic, Has the Affinity to Balance the Peace of Nature, Fated Love i...
2.3K 388 60
"Basta mag-level up pa ako ng 10 beses, maa-activate ko na ang Gene Lock. Sa oras na iyon, magagawa kong sirain ang makalangit na katawan na ito!" ...