When Heaven Meets Her Devil(C...

By Delicious_Peachyyy

60.8K 643 63

Warning!๐Ÿ”ž ||MATURE CONTENT Seraphina Nevaeh Salguero is an architecture student with big dreams who grew up... More

Blurb
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue
Author's Note

Chapter 8

882 10 0
By Delicious_Peachyyy

Napadilat ako sa malakas at sunod-suno na pagkatok sa mula sa pinto. Pupunga pungas akong dumilat at akmang tatayo na pero agad akong natigilan ng maramdaman akong mabigat na kamay sa baywang ko. Kapos -kapos ang hiningan ko ng ma-aalala kong nandito nga pala si Devon.

Dahan-dahan akong gumalaw para harapin siya. Sobrang himbing ng tulog niya, bahagya pang nakaawang ang bibig niya. Gulo gulo rin ang medyo mahaba n'yang buhok na mas nakagwapo pang tignan sa kanya.

Hindi ko maiwasang titigan ang kabuuan ng mukha niya, matangos na ilong at makapag na kilay, ang labi n'yang nakakaadik halikan.

Bumalik ako sa wisyo ng muling may malakas na kumatok sa pinto. Nairita ako sa ingay dahil baka magising si Devon, kaya dahan -dahan kong inalis ang kamay n'yang nasa baywang ko. Tumayo ako sa kama at naginat-inat bago dumiretso sa pinto para pagbuksan ang kumakatok.

Nanlaki ang mata ko ng bumungad sakin si Zara at Lucy. Nataranta ako, anong ginagawa nila ng ganito kaaga dito?napapikit ako ng mariin ng maalala kong ngayon pala kami gagawa ng report, kamint tatlo kasi ang magkakasama, pero hindi ko akalain na ganitong oras sila pupunta.

"Good morning, Sera."Energentic na sigaw ni Lucy.

"Ang aga niyo namang nang-iistorbo ng tulog.."Sarakastikong sabi ko.

"Sorry na.. naisip kasi namin na maagang pumunta dito para maaga nating matapos, tapos dito na din kami kakain ng lunch.. ikaw magluluto, mamalengke tayo mamaya."Ngumisi si Zara.

"Hindi mo man'lang ba kami papapasukin?"Taas kilay na sabi ni Lucy.

"Ah, ano kasi—"

"Tumabi ka d'yan papasok na kami."Tumatawang sabi ni Zara at bahagya akong tinabig, natawa rin tuloy si Lucy.

Napapikit ako ng mariin dahil ang lalakas ng boses nila, pero agad din silang natahimik ng tuluyan na silang makapasok sa loob, dahan-dahan akong lumingon. Nanlalaki ang mata nila habang nakatingin may Devon na mahimbing na natutulog.

Napakurap-kurap si Zara at mabilis na humakbang patungo sakin at hinila ako palabas ng bahay, ramdam ko naman ang pagsunod ni Lucy.

"Ano yun?anong ginagawa ng kumag na yun dito?"Tanong ni Zara.

"Oo nga, akala koba walang cuddle?wag mong sabihing kadarating niya lang dahil halatang halata na dito siya natulog."Sambit pa ni Lucy.

Pumikit naman ako ng mariin."D-dito nga siya natulog."

Sabay silang napasinghap."Ano 'to mag damag kayong nag-sex, nakatulog sa sobrang pagod?"Bulgar na tanong ni Lucy.

Nanlaki ang mata ko."Lucy!"

"Oh ano?magdamag kaya dito natulog?"

"Syempre hindi.."Inirapan ko siya.

"Eh ano nga?"Pangungulit ni Zara.

"Hindi ko rin alam.."Nagkibit balikat naman ako. "Kagabi kasi galing ako sa unit niya, tinulungan ko s'yang gumawa ng presentation niya tapo—"

"Tapos nag sex kayo."Singit ni zara kaya ngumiwi ako. "Sige itanggi mo."Panghahamon niya.

Nag-iwas naman ako ng tingin."Tapos, tinatawagan siya ni Shane hindi ko alam kung anong pinagusapan nila basta nagpaalam siya na pupuntahan niya si Shane."

"Ah, pinuntahan yung tunay na mahal?"Bakas ang pangaasar sa boses niya.

Sinamaan ko naman siya ng tingin."Tapos syempre iniwan niya ako sa unit niya.. wala akong choice kaya naisipan ko nalang ding umuwi, then.. nagkita kami ni Laurence nung kumakain ako ng streetfoods."

Namilog ang mata ni zara."Sinong Laurence?"

"Taga nueva ecija yun.. schoolmate ko dati, siya yung kauna-unahang nag confess at binasted ko dahil grade 9 palang kami non.."Kwento ko.

"Gwapo ba?"Tanong ni Lucy.

Hinampas ko naman siya pero napangiti ako."Gwapo siya.."

"Yun nalang sa jowain mo."Sulsol ni Zara.

"G*go."Humalakhak ako.

"Ituloy mona yung kwento mo.."Udyok ni Lucy.

"Tapos, paguwi ko hinatid ako ni Laurence..naabutan kong nandito na si Devon,"

"Heaven.."Sabay sabay kaming napalingon sa boses ni Devon.

"Hmm. Anong ginagawa niyo dito?pwede namang sa loob nalang kayo magusap-usap.."Tanong niya.

Tumaas ang kilay ni Lucy."Natutulog ka kasi sa loob,nakakahiya namang magiingay kami doon, diba?"

Ngumisi naman si Zara, hindi maganda ang pakiramdam ko sa paraan ng pag ngisi niya.

"Tapos, nag-date kayo ni Laurence kagabi, Sera?"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Zara kaya pinandilatan ko siya. Kitang kita ko naman kung paano nagsalubong ang kilay ni Devon.

"Wag mona na nga'ng kulitin si Sera na magkwento sa'tin, Zara.. alam mo namang masikreto yan.."Gatong pa ni Lucy.

Ngumiwi ako ng magtawanan sila, naramdaman kong may kanina pa nakamasid sakin kaya nilingon ko si Devon, salubong ang kilay nito habang masama ang tingin sakin.

"Anyway, pwede nabang pumasok sa loob?siguro naman hindi kana matutulog ulit, right Devon?"Mataray na sabi ni Zara.

Binasa ni Dev ang pang-ibabang labi niya."Hindi na.."

"Oh, ano pa iniintay natin..eh di pumasok na tayo sa loob.."Aya ni Lucy.

Naunang maglakad papasok ng boarding ko si Lucy at Zara, akmang lalakad na din papasok ng hawakan ni Devon ang braso ko.

"B-bakit?"Nagtatakang tanong ko.

"Date, huh?"

"Ha?"Naguguluhang sabi ko.

"Totoo bang nagdate kayo?"Seryosong tanong niya.

Inalis ko naman ang pagkakahawak niya sa braso ko."Bakit kung nakipagdate ako, ano naman sa'yo?"

"Heaven.. may usapan tayo, bakit ka nakikipagdate sa ib—"

"Bakit ikaw lang ba ang pwede?"Hindi ko napigilang mainis. "Oo may usapan tayo, Dev ..pero hindi kita boyfriend malinaw na wala tayong label, walang namamagitan sa'tin, tanging kailangan lang natin ang isat-isa pag kailangan nating tanggalin ang init sa katawan nating pareho,"

Umawang ang bibig niya."Heaven, look.. i'm sorry kung ganun yung nara—"

"Devon, kanina pa tunog na tunog ang phone mo, may tumatawag sa'yo.."Biglang sumulpot si Zara at inabot ang cellphone sa kanya.

Saglit s'yang sumulyap sakin bago tumalikod at lumayo ng kaunti bago itapat ang cellphone sa tainga niya.

Great. Malamang hinahanap na siya ni Shane.

Hindi kona siya  pinansin pa at dumiretso nalang papasok sa loob. Naramdaman ko naman ang pagsunod ni Zara sakin.

"Oh, anong mukha yan?"Bungad ni Lucy na prenteng nakaupo sa kama ko.

"Eh kasi yung Devon niya tinatawagan na.."Si Zara ang sumagot tsaka malakas na humalakhak.

Ngumisi si Lucy."Ay tinatawagan na nung original na mahal?"

Tinaasan ko sila ng kilay."Mga g*go.."

"Payag ka nun?pangalawa kalang?"Pangaasar ni Lucy.

"Dami n'yong alam, gawin na natin yung report.. para matapos na,"

"Ay, badmood yarn?"

"Heaven.."Kunot noo ko namang nilingon si Devon na kapapasok lang.

"Ano?"Naiiritang tanong ko.

"Kailangan ko ng umalis.."Mahinang paalam niya.

"Okay.."Maikling sagot ko.

Lumapit siya sakin kaya mas lumalim ang kunot ng noo ko.

"Akala ko aalis kana?"Taas kilay na tanong ko.

"Mukha kang iritang irita sa'kin.. galit kaba?"Mahinahong tanong niya.

Ngumiwi ako."Bakit naman ako magagalit?"

"Napansin ko lang, okay naman tayo kagabi.. pero, ngayon ang init ng ulo mo sa'kin.."Titig na titig siya sakin.

"Kung ano-anong napapansin mo,"Umirap ako. "Umalis kana.. sure ako, hinahanap kana ni Shane."Humina ang boses ko sa huling salitang sinabi ko.

Kumamot siya sa kilay niya."Nagpapasama s'yang bumili ng bag sakin."

"Hindi mo naman kailangang sabihin sakin,"Diretsang sambit ko. "Magiingat nalang kayo."Patuloy kopa

Tumango naman siya at hindi na umimik pa. Nang marinig ko ang pag-andar ng makina at pag-alis ng sasakyan ni Devon ay nanatili ang katahimikan sa'ming tatlo.

Tumikhim si Zara."Simulan naba nating gawin?"

"Gusto moba bang gawin yung report natin, Sera?"Baling ni Lucy sakin.

Tanging tango nalang ang sinagot ko sa kanila. Pakiramdam ko nawala ako sa mood, marunong namang makiramdam yung dalawa kaya tahimik na sila at hindi na ako inasar pa.

Nang magsimula na kaming gumawa ng report ay pilit kong tinuon ang atensyon ko  dito at inalis sa isip ko si Devon at Shane. Ang mga bagay na pwede nilang gawin.

Nawala na din sa isip kona hindi pa nga pala ako nakakapag toothbrush o hilamos manlang. Sabagay ay sanay na sanay naman na sakin si Lucy at Zara dahil kadalasan ay nakatambay naman sila dito, kung hindi naman ay walang pasabi sila kung dumalaw.

Inabot kami ng halos sa dalawang oras paggaawa ng report bago tuluyang matapos, hindi naman kami nahirapan dahil pare-pareho naman kaming may utak kaya naisip namin na paghati-hatian nalang ang part mas mabilis.

"Anong gusto n'yong lutuin ko?"Tanong ko sa kanila ng mailigpit na namin ang mga ginamit namin.

"Luto ka nalang ng sinigang, sera."Suggestions yun ni Zara.

"Walang talipapa na pwedeng bilhan ng rekado dito..kung gusto niyo ng ulam na sinigang, obligadong mamamalengke tayo."Sagot ko.

Sumang-ayon naman silang dalawa sa sinabi ko kaya nagtungo kaming tatlo sa palengke. Para bumili ng mga rekadong dapat bilhin. Pagbalik namin ng boarding ay ako na rin ang nagluto dahil wala namang alam sa pagluluto ang dalawa, pero si Zara ay nagsaing ng kanin para samin.

Maghapon kaming tumambay sa boarding house ko. Nagfoodtrip at kwentuhan kami ng mga bagay bagay, medyo nawala din sa isip ko si Dev. Bukod sa maghapon talaga s'yang hindi manlang nag text o tumawag,  kahit na update manlang ay wala din. Siguro ay kasama niya si Shane kaya hindi niya ako naiisip.

Continue Reading

You'll Also Like

417K 25K 84
Y/N L/N is an enigma. Winner of the Ascension Project, a secret project designed by the JFU to forge the best forwards in the world. Someone who is...
573K 8.7K 86
A text story set place in the golden trio era! You are the it girl of Slytherin, the glue holding your deranged friend group together, the girl no...
283K 8.5K 93
Daphne Bridgerton might have been the 1813 debutant diamond, but she wasn't the only miss to stand out that season. Behind her was a close second, he...
157K 17.2K 23
"๐™๐™ค๐™ช๐™˜๐™ ๐™ฎ๐™ค๐™ช๐™ง๐™จ๐™š๐™ก๐™›, ๐™œ๐™ž๐™ง๐™ก. ๐™„ ๐™ฌ๐™–๐™ฃ๐™ฃ๐™– ๐™จ๐™š๐™š ๐™ž๐™ฉ" Mr Jeon's word lingered on my skin and ignited me. The feeling that comes when yo...