When Heaven Meets Her Devil(C...

By Delicious_Peachyyy

64K 761 97

Warning!🔞 ||MATURE CONTENT Seraphina Nevaeh Salguero is an architecture student with big dreams who grew up... More

Blurb
Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue
Author's Note

Chapter 2

1.1K 18 1
By Delicious_Peachyyy

Nagising akong wala akong katabi sa kama. napangiti ako ng mapakla, kailan paba ako masasanay?tumayo ako ng kama at tinabing ang comforter sa katawan upang pulutin ang nagkalat kong damit sa sahig.

Pumasok ako ng banyo para magbihis. Pagkatapos kong magpalit nakita kong may marka ako sa leeg, mukhang bunga yun ng panggigil ni devon sakin kanina. Bumugtong hininga ako inayos ang magulo kong buhok.

Pagbukas ko ng pintuan ay akmang lalabas na ako pero agad akong natigilan ng makarinig ako ng mga iilang boses. Dahan-dahan kong sinara ulit ang pinto pero hinayaan kong nakaaawang ito ng kaunti.

"Kamusta kayo ni shane, dre?"Rinig kong tunong ng isa sa kanila.

"We're casual."Boses yun ni dev.

"Bakit kasi hindi pa kayo magbalikan dre?alam naman nating lahat kung gaano ka kabaliw kay shane mula noon hanggang ngayon.."Tumatawang sabi pa ng isa.

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng matinding sakit sa dibdib ko.

"Oo nga naman dre, na kay shane na lahat, maganda, mayaman.. sexy lahat lahat na yata."Singit pa nung isa.

"Magbabalikan din yan.. pustahan pa tayo oh?ipupusta ko sasakyan ko."Pinal na sabi nung isa.

Kung hindi ako nagkakamali ay lima silang lahat kabilang na si devon.

"Anong magbabalikan?paano na si sera?"Tanong nung isa.

"Oo naman naman dre, paano naman si sera?"Sang-ayon ng isa. "Maganda rin yun eh tsaka matalino."

"Anong paano si sera, wala namang sila..tsaka hindi niyo ba naiintindihan kung anong meron sila?"Humalakhak na sabi nito. "Parausan lang ni pareng devon si sera, pang-tanggal init ng katawan, kumbaga habang hindi pa sila ayos ni shane dito muna siya kay sera,"

"Ano yun, itatapon nalang basta basta si sera kapa'g wala na s'yang silbi?"

"Ayun nakuha mo rin.. may utak ka pala James?"

Nagtawan naman sila. Hindi ko narinig ang boses ni devon, hindi niya man'lang ako ipagtatanggol?talagang hinayaan niya lang na maliitin ako ng mga kaibigan niya?dahan-dahan kong sinara ang pintuan para hindi nila malaman na nakikinig ako.

Sumandal ako sa pinto gusto ko sanang pakalmahin ang sarili ko pero naramdaman ko nalang na nagbabasa ang pisngi ko. Doon ko lang napagtanto na umiiyak na pala ako, sound proof ang kwarto ni Devon kaya ayos lang kung umiyak man ako ng malakas pero mas pinili kong umiyak ng tahimik.

Tanga kaba, Sera?ginusto mo yang ganyang sitwasyon tapos ngayon iiyak iyak ka?

Tumayo ako at pinunasan ang luha ko. Humugot ako ng malalim na hininga at binuksan ulit ang pinto. Natigilan sila sa tawanan ng lumabas ako ng kwarto, nagtama ang tingin namin ni Dev pero nagiwas ako ng tingin sa kanya.

Lumapit ako sa couch para kuhanin ang maliit na bagpack kong nakapatong sa mesa, ramdam ko ang paninitig nila pero hindi ako nag-aksaya ng oras para lingunin sila. pagabot ko ay humarap ako kay Devon.

"Uwi na'ko.."Maikling paalam ko at dumiretso na palabas ng unit niya.

Hindi pa ako nakakalayo ng maramdaman ko ang paghawak ng kung sino sa braso ko. Nilingon ko naman ito, nagulat ako dahil sinundan ako ni Devon pero pinanatili ko ang walang reaksyon kong mukha.

"Bakit?"Malamig na tanong ko.

"Hatid na kita, Heaven."Presinta niya.

Umiling ako."Hindi na kailangan, Dev.. kaya ko,"Peke akong tumawa."Kaya ko ngang pumunta ditong mag-isa.. umuwi pa kayang mag-isa?"

"Pero, gusto kitang ihatid."Desperadong sabi niya.

Inalis ko naman ang pagkakahawak niya sa braso ko."May mga bisita ka Dev.. asikasuhin mo nalang sila,"Pinal na sagot ko. "Hindi ko naman kailangan na ihatid mo dahil unang una wala namang tayo, hindi mo ako girlfriend.."

Tumitig naman siya sakin. Parang gusto ko tuloy magalit at umiyak sa mga narinig ko kanina. Pero anong karapatan ko?ginusto ko yung ganitong sitwasyon?bakit ako magrereklamo, diba?

"Bumalik kana sa loob ng unit mo, Dev.. uuwi nako."Sambit ko at tinalikuran na siya

Hindi kona inantay pa ang sagot niya, hindi na rin naman siya humabol pa. Pagpasok ko ng elevator ay natanaw kong naroroon pa rin siya t nakatanaw sakin. Umiwas naman ako ng tingin at pumidot na ng numero.

Nang tuluyan ng sumara ang elevator ay nagsimula na ulit manggilid ang luha ko. kinagat ko ang labi ko para wag maiyak. Ayaw ko namang gumawa ng eksena. paglabas ko ng building ay pumara na ako ng tricycle.

Pagdating ko ng boarding house ay naabutan kong nasa harapan ng pintuan ko si aling martha, ang land lady ng boarding house ko.

"Magandang gabi po, aling Martha.."Bati ko ng tuluyan na akong makalapit

"Magandang hapon, Seraphina.. ipapaalala ko lang sa'yo yung upa ha,magdadalawang
buwan na."

"P-pasensya na po kayo, aling Martha.. alam niyo naman pong natanggal ako sa trabaho nung nakaraang buwan, pero hayaan niyo po, may bago napo akong papasukan, pangako po magbabayad ako sa katapusan."

"Ayos lang hija, naiintindihan ko."Ngumiti ito.

Nilabas ko mula sa bag ang susi ng padlock ng boarding ko at binuksan ito."Gusto niyo po bang pumasok muna?"Alok ko.

"Hindi na, hija.. uuwi na rin ako, dinalaw ko lang talaga itong paupahan ko para ipaalala ang upa ngayong buwan."Sagot nito.

"Mag-iingat po kayo sa paguwi.."Paalala ko.

"Oo naman hija, salamat."

Sinarado kona rin ang pinto ng makita kong sumakay na ng tricycle si aling Martha. Sa totoo lang ay mabait naman ang landlady ng boarding kung saan ako nakatira,mabuti nalang at naiintindihan nito ng ipaliwanag kong naalis ako sa trabaho kaya hindi muna ako makakapag-bayad.

Hindi gaanong malaki ang boarding ko. Sadyang pangisahan lang ito, maliit na kwarto lang saktong sakto para sakin. Wala naman kasi akong maraming gamit maliban sa tulugan at lutuan.

Bigla kong naalala na kailangan ko nga palang magsaing ng pagkain ko. wala na rin akong stocked na mga sardinas dito, tanging canton, noodles at itlog nalang kaya yun nalang ang pagtyatyagaan kong iulam.

Habang iniintay ko ang niluluto kong sinaing ay kinuha ko ang loptop ko para gawin ang presentation ko. May loptop ako pero hindi sobrang mahal sa totoo lang ay 2nd hand lang ito. sinadya ko lang bumili dahil kadalasan samin ay presentation ang pinapagawa mahirap kapag walang sariling loptop.

Tinuon ko ang atensyon ko sa paggawa ng presentation ko sa history. Gusto ko ring tuparin yung pangako ko kay Lucy at Zara na babawi ako. Hindi naman ganun kabirap yun nga lang ay kailangan i-type kaya inabot rin ako ng halos kwarenta minutos bago tuluyang matapos.

Nagluto ako ng itlog pang-ulam, kapag may pera ako ay maggo-grocery nalang ulit ako pero sa ngayon ay tiis-tiis muna, kailangan kong magbayad ng dalawang buwang renta tapos malapit nanaman ang bayaran ng matrikula. Wala akong aasahan kung hindi sarili ko kaya kailangan kong mag tyaga sa pagaaral para makapagtapos.

Gusto ko ring maranasan ang maginhawang buhay dahil lumaki akong mahirap. Hindi ko kilala ang nanay at tatay ko dahil lumaki ako sa ampunan basta ang sabi ni mother salve sakin ay iniwan lang daw ako ng nanay ko sa kanya noong apat na buwan pa lamang ako bukod doon ay wala na kaya hindi na rin ako nagtanong pa.

Nang mag-kaisip ako ay umalis ako ng ampunan at nagsariling sikap para makapagaral, marami akong hirap na napagdaanan. Naranasan kong maging pulubi at palaboy. naranasan ko pa ngang magtrabaho sa isang karinderya kapalit lang ay pagkain, pero sa awa ni lola Beth sakin ay kinupkop niya ako at pinalaki dahil wala rin s'yang anak, matandang dalaga siya.

Ang kaso ay ng mag grade 10 na ako ay inatake siya sa puso at namatay. kaya wala akong choice kung hindi magsariling sikap ulit, sa awa ng diyos ay nakayanan ko namang pag-aralin ang sarili ko hanggang ngayon. 4th year college na ako, kaunting kembot nalang ay makakapagtapos na ako sa kursong architecture.

Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko na ang pinagkainan ko. Sobrang init ng panahon ngayon kaya binuksan ko ang electricfan kahit labag sa loob ko. madalang kong buksan ito dahil kung maaari ay sobra rin ang pagtitipid ko sa kuryente.

Habang nakahiga ako sa kama ay nanatili akong tulala sa kisame. Hindi pa rin ako dinadapuan ng antok kaya inabot ko muna ang cellphone ko para mag bukas nag facebook.

Pagbukas ko ng data ay bumungad agad sa messenger ko ang chat ni Lucy. Napangiti tuloy ako.

Lucy Ameerah:

Oy, gawin mona yung presentation sa history. Baka makalimutan mo nanaman.

Seraphina Nevaeh:

Tapos napo, nakakahiya naman sayo.

Lucy Ameerah:

Good. Akala ko uunahin mo nanaman si devon eh, kukutusan talaga kita.

Seraphina Nevaeh:

Kanina kopa tapos, paguwi ko ginawa kona agad.

Lucy Ameerah:

Good.

Seraphina Nevaeh:

Matutulog nako, goodnight.

Lucy Ameerah:

Goodnight din sera.

Nag heart react nalang ako sa chat niya at hindi na nangreply pa. Muli kong pinatay ang data ng cellphone ko bago ito ibaba sa tabi ng unan ko.

Pinikit ko nalang ang mata ko at akmang matutulog na pero agad akong napadilat ng tumunong ang cellphone ko.

Dev:

Gising kapa ba?pwedeng tumawag?

Continue Reading

You'll Also Like

293K 7.2K 53
what will happen to ayasha (🐶) after their marriage contract with mikael (🦊) ended? Knowing that she's pregnant with the billionaire? This story a...
364K 31.8K 90
Sequel to my MHA fanfiction: •.°NORMAL°.• (So go read that one first)
2M 57.4K 95
On the twelfth hour of October 1st, 1989, 43 women gave birth. It was unusual as none of them had been pregnant since the first day they started. Sir...
288K 13.8K 93
Riven Dixon, the youngest of the Dixon brothers, the half brother of Merle and Daryl dixon was a troubled young teen with lots of anger in his body...