Ávrio: Seth & Lucas

By rexxsab

284 35 11

Seth woke up from a deep slumber only to find out that the world is dying. *** Nagising si Seth sa isang maha... More

front matter
Seth & Lucas
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20

Chapter 12

7 2 0
By rexxsab


HINDI pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari. Tiningnan ko si Lucas at tahimik lang siyang nakaupo sa harap ng mga radyong nasa mesa. Panay ang pagngatngat niya sa sariling mga kuko sa kamay na para bang balisa at hindi rin mapakali. Walang niisa sa amin ang nagsalita at tanging ang pagkalansing lang ng kadenang nakakabit sa leeg ni Spot ang maririnig sa buong sala.

Bumalik sa isipan ko ang nangyaring aksidente kanina. 'Yong paglapat ng mga labi namin sa isa't-isa. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. May kung ano sa tiyan ko na hindi ko pa rin maipaliwanag pero sa kabila nun ay may parang bumubulong din sa isipan ko na mali 'yon. Mali lahat ng 'yon. Wala lang 'yon. Aksidente lang ang lahat.

Ngunit hindi ko makalimutan ang malambot niyang mga labi. Ang lambot ng labi ni Lucas.

Napaisip ako kung may nakahalikan na rin kaya siyang iba noon? Suwerte siguro ng naging girlfriend niya kung ganoon.

Napatingin ako sa gawi niya nang umayos siya ng upo at sinubukang buksan ang mga radyo. Narinig ko ulit ang pamilyar na tunog na narinig ko nung unang gabi akong napunta sa lugar na 'to. Parang static noise na maririnig mo sa isang naiwang nakabukas na TV na walang programa. May kung ano siyang kinakalikot doon na hindi ko masyado makita dahil nakaupo ako rito sa may sofa malayo sa kaniya.

Gusto ko siyang kausapin pero parang naiilang ako. Rinig ko rin ang panay buntong hininga niya. Ang awkward kaya hindi ko napigilang magsalita.

"Lucas-"

"W-wala lang 'yon. Okay lang sa'kin. K-kalimutan nalang natin," bigla niyang putol sa'kin na parang nahihiya at hindi mapakali. Napakunot naman ang noo ko. Iniisip niya pa rin ba 'yong halik namin kanina?

"Magtatanong lang sana ako kung nagugutom ka ba, maghahanda ako ng makakain," sambit ko. Nagnakaw siya ng sandaling tingin sa'kin bago nagsalita.

"Ayos lang ako," aniya. Tumango-tango nalang ako saka tumayo para maghanda ng makakain namin. Alam ko namang nagugutom siya dahil andami rin ng ginawa namin ngayong araw. Nagbungkal sa hardin, nag-ensayo sa gubat, at hindi na rin namin nakain ang mga pinitas naming mga mangga kanina kasi medyo nawala rin ako sa sarili at bigla nalang siyang iniwan mag-isa roon at nauna akong umuwi rito. Mabuti nalang at alam ko ang daan pabalik.

Hindi kasi ako mapakali. Sasabihin ko kaya sa kaniya? Na may naalala ako kanina nung maglapat ang mga labi namin, parang dahil doon ay may kung anong nangyari sa utak ko at may munting alaala akong nagbalik. Kaya hindi ko masyado dinibdib 'yong aksidente namin kanina dahil sa isip ko'y mukhang nakatulong 'yon sa'kin.

Nang matapos kong ihanda 'yong meryenda namin ay bumalik din agad ako sa sala at inilagay 'yon sa maliit na mesang nasa gitna. Tumingin ulit ako sa kaniya at seryoso lang siyang nakatuon sa ginagawa.

"Kanina...may naalala ako," pagsisimula ko. Bahagya namang natigilan si Lucas saka dahan-dahang tumingin sa'kin. Bakas ang pagkalito sa mukha niya.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong niya.

Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kaniya. Nahihiya rin ako. Paano ba 'to?

"N-nung kanina, nang aksidente tayong n-nagkahalikan...may bigla akong naalala," tugon ko. Hindi ako makatingin sa kaniya ng diretso kaya tumalikod ako sa kaniya at tumingin sa labas.

"Anong naalala mo?"

Bumalik sa isipan ko ang mga alaalang nagbalik kanina sa'kin. Hindi ko mawari kung bakit hindi ko maalala ang mukha niya. Parang ang labo at hindi ko matukoy kung sino talaga siya. Ngunit may kakaiba akong nararamdaman sa taong 'yon, parang kilala ko siya at parang magkakilala kami noon. Ayokong pilitin ang utak kong makaalala dahil baka sumakit lang ulit ang ulo ko at siguro senyales din ito na unti-unti nang nanunumbalik ang mga alaala ko. Kailangan ko lang dahan-dahanin ang lahat.

"Isang lalaki. Hindi ko matukoy kung sino siya dahil malabo lang ang kaniyang mukha pero naaalala ko ang pangalan niya...Steve," patuloy ko saka humarap ulit sa kaniya. Wala akong makitang kahit anong reaksiyon sa mukha ni Lucas. Blangko lamang iyon at parang nakatitig lang siya sa kawalan. Hindi ako sanay na tahimik siya.

"Mabuti 'yon at unti-unti nang bumabalik ang mga alaala mo," 'yon lang ang naging sagot niya bago bumalik sa ginagawa. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at lumapit ako sa kaniya at ibinagsak ang isa kong kamay sa sandalan ng upuan niya at ang isa ay sa mesa. Diretso akong tumingin sa mga mata niya na puno ng kalituhan dahil sa inaasta ko.

"Paano kung...paano kung halikan mo ako ulit?" diretso kong sabi na nagpabigla sa kaniya. Tumawa siya ng kaunti na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"N-nagbibiro ka lang diba?" tanong niya ngunit tiningnan ko lang siya ng seryoso. Naiilang siyang umiwas ng tingin sa'kin bago tumayo at saka ako umalis sa pagkakaharang sa kaniya.

"Ano mang iniisip mo Seth, kahibangan 'yan," aniya saka naglakad papalapit sa mesa at binuksan ang isang chichirya. Hindi siya mapakaling sumubo nang sumubo hanggang sa napuno na lahat ng pagkain ang bibig niya. .

"Naisip ko kasi na baka dahil doon sa halik natin na 'yon ay may kung anong nangyari sa utak ko na nagpaalala sa'kin. Kung sakaling gagawin ulit natin 'yon-"

"Hindi. Baka dahil lang 'yon sa pagkahulog mo at baka naalog utak mo kaya ganoon," pagpuputol niya sa'kin. Napaisip naman ako sa sinabi niya. May punto naman siya ngunit kumbinsido talaga akong dahil 'yon sa aksidente naming halik kanina kaya ako nakaalala. Kung paano nagkalapat ang mga labi namin ay siya ring pagbalik ng alaala ko.

Gusto kong subukan ulit namin sa isang pagkakataon ngunit ngayon, hindi na ito aksidente. Ngunit paano nga kung mali ako? Nakakahiya na halikan si Lucas tapos parehas kaming lalaki. Alam kong mali pero walang malisya, para lang patunayan kung tama ba ang mga hinala ko.

"Sige na, isa lang," kumbinsi ko at biglang nabilaukan si Lucas sa kinakain niya.

Dali-dali akong tumakbo sa kusina at nagsalin ng tubig sa baso at patakbong ibinigay sa kaniya na agad naman niyang tinanggap.

"Ayos ka lang?" usisa ko saka hinagod ang likod niya. Naubos niya agad ang isang basong tubig saka hinihingal na inilapag 'yon sa mesa.

"H-huwag ka namang magbiro ng ganiyan Seth, nakakagulat ka naman," aniya at hindi ko alam kung matatawa ba ako o maaawa sa itsura niya. Napahawak siya sa tiyan niya saka sumandal sa upuan.

"Seryoso ako," patuloy ko at gulat na naman siyang napatingin sa'kin.

"Totoo?" hindi niya makapaniwalang tanong. Tumango lang ako habang nakahalukipkip na nakatayo sa harapan niya. Nakita kong nakailang lunok siya ng laway dahil sa pagkailang.

"Susubukan lang natin kung tama ba ang hinala ko," ani ko saka sinenyasan siyang tumayo. Nag-aalanganin naman siyang sumunod saka lumapit sa'kin. Hindi ko maiwasang hindi matawa sa itsura niya dahil ang pula niya pati ang tuktok ng tenga niya.

"Bakit?" inosente niyang tanong pero umiling lang ako. "Wala."

Umayos siya ng tayo sa harap ko. Hindi ko mapagkakailang mas matangkad nga siya sa'kin kaya bahagya akong nakatingala sa kaniya.

"Walang malisya, kailangan lang sa pag-aaral," biro ko at natawa naman siya. Kapwa kami natawa at ilang sandali lang ay bumalik din sa pagkaseryoso.

Huminga ako ng malalim saka tumingin ng diretso sa mga kayumangging mga mata ni Lucas. Hindi rin siya nag-iwas ng tingin.

"Handa ka na-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang walang sabi-sabi ay ipinulupot ni Lucas ang kaliwa niyang kamay sa batok ko at saka hinila ang ulo ko palapit sa kaniya.

Sa pangalawang pagkakataon, muling naglapat ang mga labi namin ni Lucas.

Dahan-dahan akong napapikit habang dinadama ang malambot niyang mga labi. Wala sa amin ang gumalaw.

Nagtagal ang halikan namin ni Lucas nang ilang segundo. Ngunit sa loob ng mga sandaling 'yon ay parang bumagal ng takbo ng oras at wala akong ibang maramdaman kun'di ang mga labi niya sa'kin.

Hinintay kong may manumbalik na alaala sa'kin...ngunit wala.

Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko at nasilayan ko ang nakapikit na mga mata ni Lucas. Hindi ko maiwasang humanga sa angkin niyang kagwapuhan. Ngayon lang ata ako nabigyan ng tsansa na masilayan siya nang malapitan.

Dahan-dahang bumukas ang mga mata niya at nagtama ang mga tingin namin. Unti-unting humiwalay ang mga labi namin sa isa't-isa at bumalik kami sa reyalidad. Anong nangyari?

Napakamot si Lucas sa batok niya saka nahihiyang umiwas ng tingin.

"M-may naalala ka b-" hindi niya naituloy ang sasabihin niya nang mabilis kong ipinulupot ang braso ko sa leeg niya at hinila siya palapit para siilin ulit siya ng halik. Hindi agad siya nakagalaw dahil sa matinding gulat.

Pikit-mata kong siniil siya ng halik at parang may sariling buhay ang mga labi ko nang magsimula itong gumalaw. Ilang segundo ring hindi nakagalaw si Lucas bago niya tinugon ang mga halik ko.

Tahimik at mainit naming pinagsasaluhan ng ilang segundo ang halik na iyon. Wala sa amin ang pumutol. Wala sa amin ang huminto. Tila naging mapusok ang halikan namin kaysa kanina.

Naramdaman ko ang kamay ni Lucas na dahan-dahang bumaba sa bewang ko at walang ano-ano'y lumayo ako sa kaniya.

Parehas kaming hinihingal na nakatingin sa isa't-isa. Hindi ako makapaniwala sa mga nagawa ko. Hindi, mali 'yon. Mali lahat ng 'to.

Hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata niya dahil sa matinding hiya.

"P-pasensya na," 'yon lang ang tangi kong nasabi bago ako naglakad palabas at iniwan siyang mag-isa sa loob.

Continue Reading

You'll Also Like

34.8K 768 24
Illuminati, conspiracy theories, paranormal, cults, mysteries of the world Sa ating mundo, Hindi na mawala ang kaguluhan. pilitin man nating Alisin a...
130K 1.3K 11
Ako yung maingay na tao... Siya ang tahimik... Ako yung makalat... Siya ang masinop... Ako ang nakulit... Siya ang seryoso... Nahirap ako...
452K 39.4K 139
Rogue Wars Online (RWO) is an all-out action-adventure game that invites the top streamers, pro-gamers, and even newbies in their official beta-testi...
56.5M 2.3M 81
Most women fall for engineers, doctors, lawyers, architects and businessmen but in my case? I fell in love with an astronaut. Highest rank: 1 Cover...