The Prophecy From Lower Realm

De arajanetp1

6.5K 1.3K 176

Si Kaizen ang batang maghahangad na maging malakas upang maprotektahan ang kanyang mga mahal sa buhay. Palagi... Mais

kabanata 1
kabanata 2
kabanata 3
kabanata 4
kabanata 5
kabanata 6
kabanata 8
kabanata 9
kabanata 10
kabanata 11
kabanata 12
kabanata 13
kabanata 14
kabanata 15
kabanata 16
kabanata 17
kabanata 18
kabanata 19
kabanata 20
kabanata 21
kabanata 22
kabanata 23
kabanata 24
kabanata 25
kabanata 26
kabanata 27
kabanata 28
kabanata 29
kabanata 30
kabanata 31
kabanata 32
chapter 33
kabanata 34
kabanata 35
kabanata 36
kabanata 37
kabanata 38
kabanata 39
kabanata 40
kabanata 41
kabanata 42
kabanata 43
kabanata 44
kabanata 45
kabanata 46
kabanata 47
kabanata 48
kabanata 49
kabanata 50
kabanata 51
kabanata 52
kabanata 53
kabanata 54
kabanata 55
kabanata 56
kabanata 57
kabanata 58
kabanata 59
kabanata 60
kabanata 61
kabanata 62
kabanata 63
kabanata 64
kabanata 65
kabanata 66
kabanata 67
kabanata 68

kabanata 7

92 24 3
De arajanetp1

Natapos na ang tatlung-pong minuto, Nagawa ni Kaizen matapos ang pagtatasa. Ngayun ay umahon na siya at walang anuman umalis sa batya. Ni hindi makikitaan ng kahit anung pinsala ang kanyang balat di tulad ng ibang kabataang sumalang sa batya na kung wala lang ang mga ito ng healing potion , siguradong mahapdi parin ang mga paa nila. Hindi na pinababa si Kaizen ni arthon, sa halip tinawag nalang nito ang mga batang nakapasa mula sa iba't ibang angkan.

"Mga mamamayan ng goldbath, narito  ang mga batang nakapasa sa ating pagtatasa, mula sa angkang Arcadian , Sina Lena, inok,  Aryan, at maru. Sa angkang ng Farion, ay ang mga batang Sina Jenny, Rosa, daven, Luca, maryo, Alexa, at Darwin. Sa angkan naman ng ethold,  Sina Mary, Fabian, andi, zenun, idan, at Zena, mula sa angkan ng windillian Sina zenki, Zara, fara ,at Lara.Sa angkan ng golass ay Sina, Dana, kalo, zafa, Harriet, Alvy, at Gon. Sa angkan ng golers ay Sina bornok at baron. At sa huling angkang, na tangin nag iisang nakapasa at walang kagalosgalos, na si Kaizen Redvil!,,,Atin silang bigyang nang masigabong palakpakan.!!!"  Pagpapakilala ni arthon sa mga batang nakapasa, makikitang nagmamalaki at taas noo ang ilang Ilan sa kanila, lalo na sa mga batang nagmula sa mga angkang ng Farion at Arcadian. Habang blanko naman ang reaksyon ng mga batang mula sa angkang ethold. Habang si Kaizen naman ay seryuso lang.

"Maaari  na kayong bumalik sa Inyong kanya-kanyang angkan." Turan ni arthon sa mga bata. Bumaba na sila at pumunta sa dati nilang mga upuan. Ng makita ni arthon na nakabalik at nakaupo na ang mga batang nakapasa ay sinimulan na Niya ang kanyang huling anunsyo.

"Sa makalawa ay may darating sa Inyong mga tahanan upang kayo ay sunduin kaya sa Inyong pagbabalik sa Inyong mga tahanan ay simulan niyo na ang maghanda. Binabati ko kayo mga bagong studyante ng goldbath, nawa'y makamit niyo ang Iyong minimithi sa Pag aaral sa akademyang ito." Tukoy ni arthon sa mga batang nakapasa sa pagtatasa. "At para dun sa mga hindi nakapasa, wag kayong mag aalala, maari pa kayong sumalang sa susunod na taon, hanggat hindi pa umaabot ang iyong ika-labing walong taong gulang, pwepwedi pa kayong sumubok ulit." Pagbibigay Niya ng pag-asa sa mga ito.

"Hanggang sa  muli mga mamamayan ng goldbath, paalam." At bigla nalang itong nawala, doon na nagtatapos ang kanilang pagtatasa. Isa Isa ng nagsialisan ang mga tao sa bulwagan. Mabilis na  Umalis si Kaizen sa kanyang pwesto, nasasabik na siyang makauwi at ibalita sa kanyang itay at inay ang nangyari at sa kanyang pagkakapasa. Pagpihit Niya sa Isang pasilyo ay may nabangga siya, ito pala si zenki ang nakipagkaibigan sa kanya kanina.

"Kaizen, ikaw pala, binabati kita at nakapasa ka din!" Masiglang bati nito sa kanya.

"Binabati din kita zenki," tipid niyang sagot.

"Nakakabilib ka Alam mo ba iyon, Sabi na eh kaya mo yung maipasa" wika nito habang nagniningning ang mga mata.

tuwang-tuwa si zenking makausap si Kaizen, kahit tipid lang ang sagot nito sa lahat ng kanyang tanong, kahit hindi masyadong nagpapakita ng pagkagiliw si Kaizen. Hindi Niya Iyong minamasama,. Palakaibigan kasi siya at magaan ang loob Niya Kay Kaizen. Nakikita Niya kasing mabait ito at sadyang nahihiya lang. Nais pa Sana ni zenki makipagkuwentuhan ng matagal kaya Lang tinawag na siya ng kanyang ama at ina.

"Oh paanu kaibigan, kita nalang ulit tayo sa akademya!" Paalam nito.  hinatid nalang ng tingin ni Kaizen si zenki hangang sa mawala na ito sa kanyang paningin. Sumilay ang kanyang mga ngiti, natutuwa siya sa pagiging palakaibigan ni zenki. Kaya simula sa araw na ito, ituturing Niya ng bagong kaibigan ang batang iyon. Tumalikod na siya at sinimulan nang umalis sa simboryo. Sa kanyang paglalakad palabas ng tarangkahan ay may tumawag sa kanya.

"Kaizen , sandali lamang,, " si ka tenyong pala, ang kanilang pinuno. Tumigil siya at yumuko bilang pagbibigay galang. Napatigil ang matanda, inaamin ni ka-tenyong na hindi Niya inaasahang magbibigay pa ng paggalang si Kaizen sa kanya, sakabila ng lahat ng ginawa Niya dito. Aaminin niyang malaki ang kasalanan Niya Kay Kaizen at sa magulang nito. Masyado siyang hindi Naging patas para sa pamilyang ito.

Napalunok siya. "Uuwi ka na ba?" Tanung Niya rito.

Tumingin ito sa kanya, "opo ka-tenyong" tipid na sagot ni Kaizen, may pagtataka sa kanyang mukha kung bakit tinawag siya ng kanilang pinuno.

Napatango nalang si ka-tenyong at muli ay nagsalita ito, "uuwi narin kami, maari ka bang sumabay sa amin?" Aya ni ka-tenyong Kay Kaizen. Sandaling nag isip ang bata, mayamaya lang ay napatango na siya. Napagtanto Niya kasing mas mabilis Kung sasakay nalang siya, kesa ang tumakbo ulit.

"Kung ganun halika na" masayang Saad ni ka-tenyong. Natutuwa siya at mukhang hindi nagtanim ng galit ang batang si kaizen sakanila. Naglakad na sila papunta sa karwahing nakaparada sa gilid ng daan. Mukhang lahat ng mga ka-angkan Niya ay nasaloob na at sila nalang dalawa ang hinihintay. Makikita ngayun sa mga mata ng mga matatanda ang paghanga para sa batang si kaizen. Habang ang kanilang mga anak naman ay naiingit. Si Kaizen naman ay naaawa para sa kanyang mga kababata. Nakikita niya kasi sa mga mukha nila ang paghihirap na nararanasan mula sa mga pinsalang kanilang natamo. Wala naman magagawa ang kanilang pinuno sapagkat hindi tulad ng ibang angkan , wala Silang gamot para dito. Kakailanganin pa nilang manguha sa gubat at maghanap ng mga halamang gamot para gawing alternatibo sa healing potion.

Napabuntong hininga nalang si Kaizen, mula sa kanyang bulsa ay kinuha Niya ang Isang bote, naglalaman ito ng gamot na ginawa Niya kagabi para sa kanyang ama. Marami pa kasing sobra kaya itinago Niya nalang. Bukod sa kaya nitong pagalingin ang star system ng kanyang ama at ina eh kaya din nitong lunasan ang isang simpleng pamamaga ng balat. Lumapit siya sa mga bata, isa Isa niyang pinahid ang bawat patak ng likido sa mga paa nila. Nagulat at nabigla ang kanyang mga ka-angkan sa kanyang ikinilos. At mas namangha pa sila ng magliwanag ang mga paa ng kanilang mga anak, at pagtingin nila ay wala ng bakas ng pamamaga. Tulayan naring gumaling ang mga ito. Nagkatinginan sila at lumapit Kay Kaizen. Lumuhod sila rito at buong pusong nagpasalamat. Hindi nila lubos maisip na sakabila ng pang hahamak at pang aalipin nila sa kanya ay Nagawa niya pang pagalingin ang kanilang mga anak. Ngayun nilang napagtanto na napakasama pala nila. Nabigla si kaizen sa inasal ng kanyang angkan.
" Tumayo po kayo, huwag po kayong lumuhod sa harap ko, hindi naman po kailangan." Ngiting Saad Niya.

"Patawarin mo Sana kami Kaizen maling mali ang mga Nagawa namin sa iyo. " Makikita sa mga mata nila ang labis na pagsisisi. Maiintindihan nila kung nagtanim ng galit ang batang si Kaizen, masyado silang Naging malupit sa kanya. Ni hindi nila tinulungan ang ama niya nung malaman nilang nawawala siya kahapon, hinayaan lang nila na mag-isang maghanap ang kanyang ama.

Ngumiti si Kaizen, "pinapatawad ko na po kayo. Kalimutan nalang po natin iyon" malumanay Niyang wika. Sabay sabay silang nagpasalamat sa kanya at may mga ngiting bumalik sa Kani-kanilang upuan.

Ilang sandali pa nakarating narin sa wakas ang kanilang sasakyang sa kanilang nayon. Nakikita nilang marami sa kanilang mga kanayon ang nakaabang sa kanilang pagbabalik. Nasasabik ang mga ito malaman kung may nakapasa ba at kung sino. Pagbaba nila sa sasakyan nagsilapitan ang mga kanayon nila.

"Pinunong ka-tenyong,, si zenu ba ang nakapasa!?" Sabik na tanong ng Isang ginang. Napatungo nalang si zenu, habang umiiwas ng tingin ang kanyang mga magulang sa mga taong nananduon.

Umiling si ka-tenyong "sa kasamaang palad hindi Niya naipasa" malungkot nitong sagot.

nalungkot ang mga kaangkan nila. Dahil si zenu lang naman ang inaasahan nilang makakapasa, Pero ngayun maging ito ay hindi, nawalan na sila ng pag-asa , magsisialisan na Sana sila. Kaya Lang nagsalita ulit ang kanilang pinuno. "Ngunit mga ka-angkan ko, wag kayong masyadong malungkot" Saad ni ka tenyong, Kaya humarap sila ulit at nasabik .

"Ibig mo bang sabihin ay mayroon nakapasa?" Umaasang Saad ng Isang matandang lalaki.

Tumango si ka-tenyong, nakahinga ng maluwag ang mga kanayon Niya. "Pinuno sino po sa kanila ang nakapasa?"  Nasasabik na tanung ng Isang binatilyo.

Tumabi sa gilid si ka-tenyong at inilahad Niya ang kanyang kamay na parang ipinaaabante ang batang na sa kanyang likuran. Napangsinghap sila ng makilala nila ang batang umabanti at tinabihan ni ka-tenyong.

"Mga aking ka-angkan ang nag iisa at natatanging nakapasa  sa pagtatasa ay walang iba Kundi ang batang si Kaizen" maraming ang hindi makapaniwala, meron din ang nagdududa, napakunot-noo pa ang Ilan.

Inaasahan na ni Kaizen na naganito ang magiging reaksyon ng kanyang ka-angkan. Kaya hindi na siya nagulat pa,. Alam ni ka tenyong na hindi agad maniniwala ang mga ito, at masyadong hindi angkop ang lugar para dito niya mismo ipaliwanag ang lahat, kaya sinabi Niya nalang "Alam Kong nakakagulat ito, naiintindihan ko kaya ipapaliwanag ko sa Inyo mamaya ang lahat lahat na nangyari sa bayan. Pumunta nalang kayo mamaya sa ating maliit na bulwagan doon natin Pag pupulungan ang lahat. Pag uusapan narin natin duon ang magiging hakbang natin para masulosyunan ang ating kasalukuyan problima." Pagtataboy nito sa mga tao. Tumango nalang ang iba at isa-isa na silang nagsialisan. Hindi parin sila makapaniwala pero sabi nga ng pinuno nila ipapaliwanag nito ang lahat.

Ng makaalis na ang lahat, humarap si ka-tenyong Kay Kaizen. "Huwag mo na sanang masamain ang mga ipinakitang reaksyon ng ating mga ka-angkan, pagpasensyahan mo nalang muna sila," hingin paumanhin nito.

Mapagkumbabang Ngumiti si Kaizen at sinabing " sanay na po ako pinuno, huwag po kayong mag alala at nauunawaan ko naman po."

"Salamat, napakabuti mong bata, saka nga pala, papuntahin mo ang Iyong mga magulang mamaya sa bulwagan, kasama sila sa gagawin naming pagpupulong."

"Sige po pinuno, makakarating po ang Iyong mensahe sa kanila, ako'y aalis na po" paalam ni Kaizen, tumalikod na siya at mabilis na Umalis.

"Naniniwala ka bang nasa 1st bronze rank palang ang batang iyon?" Tanung ni ka-tenyong tumingin ito sa lalaking nakasandal sa sasakyan. Ito ang kanyang kanang-kamay na si Elvin. Isang 4th silver rank.

Pinagmamasdan nito ang mabilis na pagtakbo ng batang si Kaizen. "Sa ganyang kabilis na pagtakbo? Hindi maaaring nasa 1st bronze rank palang ito. Tiyak Kong nasa silver rank na ang batang iyon pinuno." Seryusong Saad nito.

Napabuntong hininga nalang si ka-tenyong "Tama ka, hindi ko mawari kung paano Niya  naitago ang kanyang tunay na antas, siguro may kinalaman ang kanyang suot na kuwentas, Pero ang mas nakakapagtaka papaanung tumaas agad ng ganun ang antas Niya gayun katatapak palang nito sa 1st bronze rank ngayun araw". Matiim nitong Sabi.

Tumango si Elvin "tiyak iyon pinuno, pamilyar sa akin ang suot niyang kuwentas, mukhang nakita ko na at nabasa ang tungkol  dito sa Isang libro, tungkol naman sa napakabilis ng pagtaas ng kanyang antas, masyado nga Iyong imposible". Pagsang-ayun niya, saisip ni Elvin ay hahanapin niya ang libro tungkol sa mga kayamanan, dahil nakakasiguro siyang nabasa na niya ang tungkol sa suot-suot na kuwentas ni Kaizen.

"Buweno elvin, ihanda mo na ang ating bulwagan, doon tayo magtitipon tipon at magpupulong tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa ating angkan." Utos nito sa kanyang kanang-kamay.

Continue lendo

Você também vai gostar

173K 5.1K 100
After the death of Gwen Stacy, Peter hadn't had the courage to become a hero again. Meanwhile, the Justice League were looking for a more experience...
229K 6K 31
"Why do you always look like that?" "Like what?" "Like you hate every person in this room." "That's because I do." "Why? What did these people do to...
Re:Cursed De

Aventura

45.7K 1.5K 21
Y/N: CAN I GET A REDO PLSS!!!. Dark: Nope. Y/N: WHY?!, It was all good I got my isekai cheat skill and I got to design how I look like in the end all...
554K 18.7K 80
Child of the Eldest Gods from the East, Heiress of Earth and Legacy of Stars and Magic, Has the Affinity to Balance the Peace of Nature, Fated Love i...