You Are Mine (Published Under...

De DisenchantedNow

9.3M 90.2K 5.6K

Akala niya, siya na ang pinakamaswerteng tao sa buong mundo. Pero ng malaman niyang nage-exist pa pala yung f... Mai multe

You Are Mine
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
A MUST READ AUTHOR'S NOTE.
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60 - THE LAST CHAPTER
Epilogue
FINAL AUTHOR'S NOTE

Chapter 31

125K 1.2K 105
De DisenchantedNow

CELINE'S POV

Pagkatapos naming makausap si Attorney Rivero, agad na kaming bumiyahe patungong mall. May malapit naman na mall sa meeting place namin kaya, doon na lang kami nagpunta.

Hindi ko maiwasang matuwa ng sinabi ni Attorney na perfect daw ako para kay Shaun. Naging proud ako sa sarili. Maraming nagsasabi sakin na bagay daw kami ni Shaun, even Patrice. Pero, iba pa rin yung galing sa ibang tao. At syempre, mas lalong iba kapag galing mismo kay Shaun. Mas special yun, at sigurado, hindi lang ako matutuwa, for sure, super saya ako nun.

Hindi ako masaya na gusto niyang ipakulong yung nangharrass sakin kagabi dahil parang sobra naman yun eh pwede naman siyang magbayad ng charges na lang. Kawawa rin kasi yung lalaki pero, somehow, I'm happy knowing that he really cares for me. Ang lagi kong kaaway noon, ay siya rin palang tagapagtanggol ko ngayon.

I smiled.

"Hoy ! Kanina ka pa nakangiti ! Ano ba ? Nababaliw na ba ang fiancee ko ?"

At doon ko siya nalingon. Hindi ko namalayan, naglalakad na pala kami sa entrance ng mall, at magkahawak kamay pa.

"H-Ha ? I'm sorry ha." Eh kasi naman, masyado na kitang iniisip eh.

He pouted. Hobby na rin ba niya ang pagpout ? Eh lalo siyang gumagwapo, eh.

"Baby naman. May iniisip ka bang iba ? Mukha ka kasing lutang, eh."

If you just know, Shaun. Ikaw ang iniisip ko.

"Iniisip ko kasi yung project namin ni Patrice sa ethics. Sorry naman." at kumapit ako sa braso niya.

Ngumiti na rin siya sa wakas. "Really ? So, mali yung hinala ko na, ibang lalaki ang iniisip mo ?"

"Ito naman o ! Tigilan mo nga ako. Sino namang iisipin kong ibang lalaki ?"

"Malay mo yun ex mong walang hiya." at inirapan ako.

Aba ! Inirapan ako ? Mas gwapo pala siya kapag suplado ? Hihi.

At si James ? Hindi ko siya naiisip dahil masaya ako ngayon na kasama ka.

"Bakit ko naman siya iisipin ?"

"Ah, basta ! Ano, saan tayo ?"

"Punta tayo ng arcade ! Gusto mo ?"

Ang laki ng ngiti nito. "Sure !" At hinila na ako papasok. Mas excited pa sakin, eh.

**

Medyo marami na rin kasing tao sa mall kaya pagdating namin sa worlds of fun, ayun ! Marami na ang naglalaro.

"Baby, dun muna tayo sa basketball !" yaya niya at hinila ako.

Natawa ako. "Oo, pero bibili muna tayo ng token."

"Ay oo nga pala ! Sorry,excited lang." at natatawang tinungo ang token booth sa may gilid.

At ilan naman ang binili naming token ? Take note, 1000 tokens. Nalula nga yung cashier, eh. Pero todo ngiti din nung nginitian ni Shaun. Yea, I know. Shaun's charm that enchanting ever girl here.

Ang sarap magselos. Pero nandito kami para magsaya, hindi para sirain ang araw na kami ay magkasama.

Hinila niya ulit kami sa may basketball. Agad siyang naghulog ng 2 tokens at nag-start ng gumulong ang mga bola at tinira niya ng tinira.

Napangiti ako. Wow. Wala man lang mimpis ? Shoot lahat ?Ang galing sobra. Hindi ko namalayan, may mga katabi na pala ako, at mostly girls.

Ang galing naman niya.

Basketball player siguro.

Ang gwapo pa.

Grabe, ang macho, shocks.

Gusto kong sabihin na, fiancee ako ng lalaking pinagnanasaan nila ngayon. Pero sige, palalagpasin ko yan ngayon. Si Shaun, mawalan ng tagahanga ? How I wish. Hindi joke.

Natapos ang game. Naka-3 rounds, 200 points ? Wow.

Palakpakan ang lahat. Pati ako, hindi ko mapigilan.

Nilingon niya ako at nginitian saka kinabig saka hinalikan. Nagulat ako doon, pero mas nagulat ang lahat ng nasa paligid namin.

"Kita mo yun, baby ? Ang galing ko no ?"

Hala, girlfriend niya pala yun.

Naku, katabi pa naman natin.

Ang ganda niya, parang model.

Bagay na bagay sila.

Napangiti na lang ako sa mga comment ng ibang tao sa likod. Inakbayan ako ni Shaun.

"What's next ?"

"Bump car, please." Favorite ko yun kapag naga-arcade ako nung bata ako, eh.

"Are you sure, matatalo mo ako ?"

Tinaasan ko siya ng kilay. "Watch me." at ako naman ang humalik sa kanya. Natawa siya. We don't care if anybody sees us. Masaya ako. Sobra. Na kasama siya.

Pumila naman kami pagkatapos naming bumili ng ticket.

At pagkatapos ng naunang batch sa amin, it's our turn. Yes. Bubungguin ko siya ng bubungguin. Akala niya, ha.

"Sir, 30 minutes, pwede ? Here's 5,000. Kaming dalawa lang ng fiancee ko ang sasalang." sabi niya sa operator.

Nagulat ang lahat. At lalo naman ako.

"S-sir. Hindi po kasi ako pwedeng tumanggap ng pera. Tsaka, 10 minutes lang po ang allowed, eh. May iba pa pong customers na naghihintay."

"Shaun ... ano ba yang ginagawa mo."

"I just want my fiancee to enjoy this. So, please ? And sa mga customers na nakapila, dito. Sagot ko kayo lahat ng mcdo meal while waiting for us ! Hintayin niyo lang na matapos kami, okay lang ba ?"

Ano bang ginagawa ng lalaking to ? Tss.

Nalingon ko yung mga ibang customers na nasa likod namin. Sa simula nagbubulungan sila.

"O sige ! Payag kami !" sigaw ng lalaki mula sa medyo likuran na.

"O sige, sige ! Call !" sabi na rin ng iba.

Napangiti si Shaun. "Wait here, baby." at nabitawan niya ang kamay ko saka tumungo ng token booth. Nakita kong inabot niya ang ilang piraso ng 1000 bill.

Hindi ko akalaing gagawin niya yun.

He wants me to enjoy this. Hindi ko maiwasang kiligin. Lagi na akong kinikilig sa kanya. Napapadalas na to.

Agad naman siyang bumalik at hinolding hands ulit ako. "Okay na, sir. I've paid in the cashier. May we go in ?"

Napapangiti na Lang ang operator. Siguro iniisip ng lalaking to, nababaliw na tong kasama ko. Magbayad ba naman ng 5000 para lang sa 30 minutes time ng bump car ? Hahaha.

I chose a pink car while he gets the blue one. Nagsuot kami ng seat belt.

"Ready baby ?" nakangiting sabi niya. So, kami lang talaga ang maglalaban ? Hahaha.

"Of course !" excited kong sabi. Tumunog na ang buzzer, hudyat ng pagsisimula. Agad kong inikot ang steering wheel. Nagsisimula namang mag-ingay ang mga audience sa labas. Oo, nagmistula silang audience sa isang bump car showdown. Hahaha.

Una akong nakabunggo kay Shaun, at tawa ako ng tawa.

Pero nakabawi siya. Umatras ako para makalayo sa kanya pero mabilis siyang nakahabol at binunggo ang likuran ko.

"Owwww !" sigaw ng mga nasa labas. Hahaha. Ang saya naman nito !

"Baby, here I come !" sisigaw niya at binunggo na naman ako ulit. Isa pang bunggo. At isa pa !

Aba, nakakadami na siya, ha. "Ang daya mo !" at inikot ko ang kotse ko saka siya hinabol.

Ayaw pang magpahuli. Ang galing magpaliko-liko. Pinahirapan pa ako.

Wala kaming ginawa kung hindi ang bungguin ang kanya-kanyang kotse at kasabay nun ang tawa at ngiti namin sa isa't-isa. God, how perfect is this moment ? Kung irarate ko ang moment na to from scale of 1-10 ? I will say 20 ! Sobrang saya ko. Si Shaun, halata ko ang enjoyment niya sa ginagawa niya. Dagdagan pa ng cheer ng mga nanonood sa labas. Lalo pa siyang ginanahan.

Sa huli, hindi ko siya nahuli at siya pa ang nakahuli sakin.

Binunggo niya ang bumper. Nagkatinginan kami at nagngitian. He's perfect, his beautiful. At ginawa niya to para sakin.

Hindi mo ba siya gusto ? Hindi ka pa ba inlove sa kanya ?

Yun agad ang naisip ko. Yung tanong ni Patrice.

"Baby ..." mahina niyang sabi, nasa kanya-kanyang kotse pa rin kami. Pero pakiramdam ko, kami lang ang tao sa mga oras na to. Kami lang dalawa.

This time, alam kong sigurado na ako. Sigurado na ako na, nahuhulog na ang loob ko sa kanya. I'm falling for him, for Shaun, for my knight in shining armor.

"Shaun ..." it's almost a whisper.

At doon muling tumunog ang buzzer na hudyat na, tapos na ang 30 minutes.

"Ma'am, Sir ... tapos na po." sabi ng operator na lumapit sa amin. Doon kami natauhan at gaad na tumayo para umalis sa mga bump cars.

He hold my hand again while leaving the flatform. Napangiti ako doon. Ang sarap sa feeling.

"O, yung mcdo meal namin, ha." sabi ng isang customer paglabas namin. Kapwa kami napangiti.

"Baby, dito ka na lang muna. Baba lang ako para magpa-deliver sa mcdo ng meal dito. Tapos, lunch na din tayo after this, okay ?" at pinisil pa ang baba ko. Parang gusto kong gayahin si Patrice na parang bulate kung kiligin. Eh nakakakilig siya masyado, eh.

"O sige. I'll wait here."

Tumango ito. "Baba lang po ako para umorder." at lumayo na si Shaun para tumungo ng escalator pababa ng 2nd floor.

"Hija, ang swerte mo naman sa boyfriend mo. Ang sweet at mukhang ang yaman-yaman pa !" sabi ng isang ale na katabi ko.

Nalingon ko siya. "Salamat po."

"Bagay na bagay kayong dalawa ! Model ka ba ? Ang ganda-ganda mo kasi, eh. At ang tangkad pa." puna naman ng isang early adult na babae.

Pero nginitian ko na lang siya.

Masaya na ang umaga ko kanina, pero mas masaya ako dahil sa mga nangyayari ngayon.

1 hour din ang inabot ni Shaun para makabalik, kasunod na ang ilang staff ng mcdo dala ang 3 karton na laman ng meal nila.

"Thanks for bringing this meals. Thankyou ulit. Ito o." sabay abot ng 3 1000 bill mula sa wallet sa 3 staff.

"Naku, sir. Thankyou po !" tuwang-tuwa naman ang 3. Napangiti naman ako dun.

"Here's your meal. Kain na po kayo. Salamat po at pinagbigyan niyo kami ng fiancee ko ..." saka ako inakbayan.

"... we're going now. Enjoy !" at tuluyan na kaming tumalikod.

"Nagutom ako dun, baby. Kain na agad tayo." sabi niya na ikinatawa ko.

"Oo naman ! Ako rin, nagutom rin ako dun. But thankyou, sobrang nag-enjoy ako."

He smiled and kiss me on my lips. "For you."

"Tara na nga !" kasi namumula na ako, for sure. Kung noon in denial pa ako sa mga kakaibang nararamdaman ko para kay Shaun, ngayon, hindi na. Inamin ko na sa sarili ko na mahal ko na siya. Minamahal ko na ang unggoy na to. Inaamin ko na na nagseselos ako sa bawat may babaeng lalapit sa kanya, na basta na lang siya hahalikan at yayakapin, na nata-touch ako sa tuwing sinasabi niya na dapat lagi akong nag-iingat, at kinikilig ako sa tuwing nilalambing niya ako at hinahalikan na lang basta-basta sa harap pa ng ibang tao. Iba kasi ang feeling ko. Feeling ko. sobrang special ko na sa kanya. Kahit na, hindi naman talaga. He's doing all of it dahil alam niyang may expectations sila mommy sa kanya.

Paano kaya kung sabihin ko sa kanya na mahal ko siya ? Magbabago kaya siya sakin ? Lahat ba ng ginagawa niya sakin ngayon, hindi na niya gagawin kapag nalaman niyang mahal ko siya ? Which is, ito yung una niyang kondisyon sakin.

Don't fall for me.

Don't fall for me.

Don't fall for me.

Hindi na ba pwedeng magbago yun ? Hindi ko maiwasang madisappoint. Pero ayokong sirain ang moment naming dalawa.

Masaya kami at ayokong ako na naman ang dahilan ng pagkasira ng araw niya.

Papunta na kami sa isang spanish restaurant ng mapatigil kami.

"Jared ? Is it you ? Jared ?"

Kapwa namin nalingon ang nagsalita.

Tama ba ang nakikita ko ? O naduduling lang ako ? Baka napuwing lang din ako ? Ano ba ? Totoo ba tong nasa harapan namin ni Shaun ?

Nabitawan ni Shaun ang kamay ko na hawak niya ng bigla siyang yakapin ni Claire, ang ex niya.

Feeling ko hindi ako makagalaw. Pero nanghihina ang mga tuhod ko. Pakiramdam ko, ano'ng oras mula ngayon, matutumba na ako.

Hindi man gumanti ng yakap si Shaun, hindi naman siya umiwas para gumanti.

Si Claire, yung ex niya nung 2nd year high school kami. Yung ex niya na matagal niyang niligawan. Yung ex niya na pinag-alayan niya ng sobrang effort. Alam niyo kung bakit ko alam ? Eh kasi naman kung may gagawin mang something special si Shaun para kay Claire that time, laging pinapakita sa ibang tao, sa amin. Laging may audience. Laging kailangan ng crowd.

"Jared ! I miss you !" at tuwang-tuwa si Claire habang tinitingnan si Shaun.

Nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon ni Shaun. At nalingon ako, saka hinawakan ang kamay ko.

"I'm with my fiancee." at kinabig ako. Nawala ang mga ngiti niya na kanina lang, nakaguhit sa labi niya sa sobrang saya naming dalawa.

Nalingon ako ni Claire. At halata kong pilit lang ang ngiti niya.

"Celine right ? Remember me ?" at naituro pa ang sarili niya.

I wear my best smile, as of this moment. Kahit na ayaw kong ngumiti. Kanina lang kasi, masaya ako, pero ngayon, hindi ko maiwasang malungkot at ramdam ko yung kirot sa dibdib ko nung yakapin niya si Shaun, at hindi man lang ito bumitaw agad. Hinintay niya pa si Claire.

"Y-Yah, of course. I remember you, Claire."

Nung sila kasi ni Shaun, sobrang sikat ni Claire dahil kay Shaun. Ang dami kasing nagkakagusto kay Shaun, araw-araw pinag-uusapan ang update ng kanilang relasyon na akala mo, celebrity.

"Baby, I think we need to go." si Shaun.

"S-si----"

"Wait ! Aalis kayo agad ? Eh ngayon nga lang tayo nagkita-kita ? Pasok na lang tayo, dito. treat ko." suggestion ni Claire.

"Ah, no. We can go somewhere else." tanggi ni Shaun.

"Please, Jared. Celine ? Please ?" at nagpuppy eyes pa.

Nalingon ko si Shaun. Ayoko namang mapahiya si Claire. Kaya tumango na lang ako. Kahit na ayoko.

**

Spell AWKWARD ! Kami yun ! As in, walang imikan. Kumakain lang ng tahimik. Si Shaun, halatang umiiwas ng tingin kay Claire kahit na tinitingnan siya ni Claire at halos hindi man lang kainin yung nasa plato niya. At Ako ? Ako ? Para namang extra lang ako dito. Para akong tanga na nakikiramdam sa kanilang dalawa. Parang ako yung 3rd party sa isang pelikula na pumipigil sa pagbabalikan ng dalawang bida. Oh my goodness naman. Bakit ganito ang pakiramdam ko ?

Pinipilit ko na lang lunukin ang bawat subo ng pagkain sa kutsara ko. Why is it so hard ? Parang mas lalong kumikirot ang dibdib ko, sa nakikita ko ngayon. Lalo na si Shaun. Kakaamin ko lang ng feeling ko para sa kanya sa sarili ko pero, parang meron na agad problema, ngayon pa lang.

Nagulat na lang ako ng gumalaw ang mesa at tumapon ang iced tea sa damit ko.

Sht.

"Oh, I'm sorry, Celine ! Natabig ng paa ko ! I'm really sorry ! Para kasing may gumagapang sa paa ko, eh !" apologetic na sabi ni Claire.

I sighed. Bakit naman kailangan pang mangyari sakin to ?

"Are you okay ?" saby punas ng table napkin ni Shaun sa damit ko.

"I'm really sorry, Celine." dagdag pa ni Claire.

I look at her, at matipid na nginitian. "I-It's okay."

"Tara na. Uwi na tayo." at saka ako itinayo.

"Shaun ..."

"Jared, wait !" pigil agad ni Claire pero hindi siya nakinig sa amin. Hinila na niya ako palabas ng resto at naiwan namin si Claire.

r.fi

Continuă lectura

O să-ți placă și

612K 7.9K 23
[COMPLETED] "Asawa mo ko pero hanggang papel lang yon!" sigaw niya sa akin at umakyat na siya sa kwarto ng bagong bahay namin. Great! Ang gandang hon...
140K 4K 25
Brianna Mariel's life was mapped out and she's okay with it pero niloko siya ng lalaking dapat ay mapapangasawa niya, ang masaklap ito pa ang kinamp...
146K 1.6K 7
Title : Teach me Primo (RomCom-Hotseries) Hindi lubos akalain ni Michelle Hoffman na sa mismong araw ng kanyang kasal ay aatras si Carlo ang lalakeng...
371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...