My Rival My Lover (BoyxBoy)

By jwayland

206K 7.4K 811

Si Chase Montevista ang pinaka popular guy sa campus, lahat ng tao ay humahanga sa binata dahil sa maliban sa... More

Mr. Perfect
Pretend
Not How I Roll
Not What I Expected!!!
Something About That Kiss
Last Subject
Losing My Mind
Doctor's Order
Face Your Fear
A Deal
My First Time
His Other Side
My Decision
Not An Update
A Request
Rumor
My House
Finally
Secret
Bakit Siya?
In Love With My Best friend
Ang Mahalaga
A Picture
Obsessed
The Bestfriend
His Side of the Story
His Safety
I Love Him
Wait For Me
Paghihintay
Pagtakas
Can't Let Go
I'm Rich!
Graduation Day
A Decision To Make
After All

Threaten

7.6K 300 10
By jwayland

Good evening guys chapter three of My Rival My Love meet Dexter Soriano paanong guguluhin ni Dexter Soriano ang perpektong college life ni Chase Montevista

Picture of Dexter Soriano on the right======>>>>>>>

Song is I Hate Sorry by Jason Chen

===============================================================================

CHAPTER THREE

Chase's POV

One week na din ang nakakalipas since magstart ang klase, at sa nakalipas na mga araw ay wala pa din namang pinagbabago ang status ko bilang pinakasikat at pinakahahangaang estudyante sa Xavier's University, well isang pagbabago lang naman ang gusto kong mangyari at iyon ay ang mapasagot ko na si Zonia, I mean come on simula pa lang first year kami ay niligawan ko na siya pero hanggang ngayon ay wala pa ding nangyayari minsan nga naiisip ko na lang na manligaw nang iba pero agad din naman iyong nawawala dahil alam kong si Zonia lang ang nababagay sa akin and for sure mas kakainggitan ako ng mga kalalakihan kung sakaling maging kami.

Katulad ng dati ay maaga akong gumising at nag-ayos papasok ng school, tinulungan ko na muna si Nanay sa mga paninda nito at matapos magpaalam at halikan si bunso ay agad na akong sumakay sa usual na sinasakyan ko.

Hindi ko alam kung mangingiti ako o maiiling ba ng makita ko ang nagkukumpulan kong mga schoolmates, kasi naman sa ginawa ba naman na araw araw kailangan nilang maghintay sa pagdating ko, at ni hindi sila nagmimintis para salubungin ako, naglalakad lang ako dahil hindi daw makakapasok si Bruce kasi may trinangkaso daw ito kaya naman ito wala akong rides ngayon which is ok lang naman dahil wala naman naghihinala sa totong status ng buhay ko.

Sa totoo lang nag-eexpect ako ng tilian from the girls ng tuluyan na akong nakalapit ngunit nakapasok na ako't lahat ngunit parang hindi man lang nila napansin na nandoon ako na labis kong pinagtataka, nanatili lang sila nagkukumpulan na para bang may importante silang pinag-uusapan, pinagkibit balikat ko na lang iyon dahil baka may mga kailangan lang silang gawin or baka naman sinasadya talaga nilang huwag akong pansinin dahil may niluluto silang pakulo para sa akin and with that in mind ay nagpatuloy lang ako sa locker ko para kuhanin ang ilang mga gamit ko.

"Good morning Chase." ang nakangiting bati sa akin ng isang schoolmate ko na hindi ko matandaan ang pangalan.

"Good morning din." I said showing my perfect set of white teeth, ngunit kung dati nararattle sila kapag ginamit ko na ang killer smile ko ay parang hindi na siya gaanong kaeffective, dahil sandali lang ito natulala ang bumalik na din ito sa pakikipag-usap nito sa kasama.

"Going back to our topic, iyon nga sobrang guwapo talaga ng bagong lipat no?" ang kinikilig pa nitong sinabi sa kasama.

"So may bago pala kaming schoolmate." sa loob loob ko habang nagpapatuloy sa paglalakad papasok sa unang klase ko for that day, well medyo nacucurious ako kung sino ba iyong tao na iyon pero hindi na din ako nag-abala dahil alam kong kapag nakita nila how stupid that guy is at kung guwapo man siya ay pagsasawaan din siya ng mga tao sa campus.

Pagkapasok sa unang klase ay agad kong namataan si Zonia na tahimik na nakikipag-usap sa kaibigan nito at katulad ng dati ay agad akong lumapit dito.

"Good morning Zonia." nakangiti kong bati dito sabay aboy ng bulaklak na binili ko.

"Good morning din Chase, hanggang kailan ka ba magbibigay ng bulaklak sa akin, alam mo naman na wala pa talaga akong balak mag boyfriend." ang naiiling na sinabi nito matapos abutin ang bulaklak na binigay ko dito.

"For you Zonia hinding hindi ako magsasawa hanggang makita mong sincere talaga ako." ang simpatiko kong sinabi dito.

Agad akong umupo sa puwesto ko na hindi naman kalayuan sa inuupuan ni Zonia kaya dinig na dinig ko ang pag-uusap ng dalawa.

"Going back sa pinag-uusapan natin, sure ka bang hindi mo pa nakikita iyong transferee?" tanong ni Lovie sa kaibigan.

Bigla akong napadiretso ng pagkakaupo ng marinig ko ang bagay na iyon, gusto kong malaman kung anong tingin ni Zonia sa bagong salta, medyo teritorial kasi ako kaya kailangan malaman ko ang mga bagay na kailangan kong malaman.

"No, haven't seen him yet, at wala naman akong pakialam kahit guwapo pa siya, katulad nga ng sinabi ko ang focus ko ay ang pag-aaral ko." she answered without even any hint of curiosity in her voice which actually put a smile on my face, mukhang wala naman pala akong kailangan ipag-alala eh.

Pinagpatuloy ko ang pagkuha ko sa binder ko para nakaready na kapag dumating na si Professor Lalusis, medyo terror pa naman ang prof naming iyon.

Lumipas lang ang limang minuto ay dumating na din ang Prof namin at katulad ng dati ay ni hindi man lang ito nangiti, sa stay ko sa school na ito ay ni hindi ko man lang nakaitang ngumiti ito kahit nga ang pamatay kong killer smile ay walang nagawa para pangitiin ito, siguro pinanganak ito na punong puno ng pait sa dibdib nito.

"Good morning...." ngunit bago pa man matapos ang pagbati namin dito ay agad na kaming pinutol nito.

"What's the good in morning, I want you to prepare a piece of yellow pad for our short quizz." ang seryoso pa din nitong sinabi, dinig na dinig ko ang bulungan ng mga classmates ko dahil hindi man lang daw nagpaabiso na may surprise quizz gusto ko nga sanang sabihin sa kanilang kaya nga surprise quizz dahil walang nakakaalam eh pero minabuti ko na lang na tumahimik dahil siyempre kailangan maganda pa din ang tingin nila sa akin.

"Kaya natin to." ang nakangiti kong sinabi sa mga ito at kita ko naman na mukhangh nabuhayan sila ng loob, actually handang handa ako sa kahit na anong quizz ang ibigay ni Professor Lalusis dahil hinanda ko na ang sarili kong mag advance study sa mga lessons na hindi pa naman namin pag-aaralan mas mabuti na kasing advance kaysa makuntento na lang sa kung kailan ituturo ng prof ang lesson na iyon.

We were about to start ng makarinig kami ng boses sa bandang pintuan ng classroom, biglang kumunot ang noo ko nang makita ko ang lalaking nakita ko last tuesday na nakatayo doon.

Nagulat din ako ng marinig ko ang in sync na pagsinghap ng mga babae kong classmates, well in fairness naman sa bagong dating guwapo naman talaga siya, maputi, chinito, matangkad.

"Shit ano bang iniisip mo Chase, at talagang description mo pa talaga guwapo ah, ano ka bading?" naiiling kong bulong sa sarili ko.

"Yes can I help you young man?" ang masungit na tanong ni Professor Lalusis sa bagong dating, bigla ang ngiting nanilay sa mga labi ko sa ginawi ng prof namin dahil since kilala ito sa pagiging terror wala pa atang time na walang natakot dito.

"As a matter of fact yes, if I'm not mistaken this would be my first class." ang sinabi nito at kitang kita ko kung paano natigilan si Prof. ng biglang ngumiti ang bagong salta sa totoo lang kahit ako man ay biglang natigilan sa ngiti nito pakiramdam ko kasi biglang nagliwanag ang buong classroom sa ngiting pinakita nito ngunit agad kong sinawata iyon dahil unang-una lalaki siya for crying out loud and second mas astig kaya ang killer smile ko dito.

"Can... I see you registration card please." and for the first time in my college life ay ngayon ko lang nakitang marattle si Professor Lalusis at sa pagkabigla ng lahat ay ngumiti ito sa kauna-unahang pagkakataon.

Agad nitong inabot ang hawak na registraion card at habang tinitignan ni Prof ang reg card nito ay sandaling gumala ang mga mata nito sa loob ng classroom and for some reason nakaramdam ako ng creepy feeling ng bigla itong tumingin sa akin na para bang kilala ako nito lalo na't biglang sumeryoso ang mukha nito ngunit sandali lang naman iyon kaya naman naisip kong baka imahinasyon ko lang ang nakita ko.

"Ok just seat anywhere you want Mr. Soriano." ang nakangiti pa din nitong sinabi sa bagong dating matapos masiguradong dito nga sa klaseng ito ang klase ng bagong salta.

Sa kasamaang palad ay sa mismong tabi ko pa ito umupo sa puwesto ni Bruce.

"Uhmm sorry brad kasi diyan nakaupo ang bestfriend ko." ang nakangiti kong sinabi dito, and that creepy feeling again from the way he look at me na para bang may mga bagay itong tinatago.

"That's fine Mr. Montevista since absent naman si Mr. Santos kaya ok lang kung diyan umupo si Mr. Soriano." ang narinig kong sinabi ni prof kaya naman wala na akong nagawa ng umupo ito pero kahit hindi ko tignan ito ay nararamdaman kong nakatitig ito sa akin which really freaks me out.

Lahat ay nakatulala kay Prof dahil nga ngayon lang namin siyang nakitang ngumiti na mukhang agad naman nitong narealized kaya agad itong bumalik sa strict mode nito.

"Where are your papers for the quizz?!" masungit na naman nitong sinabi sa amin saka lang uli nagsikilos ang mga classmates ko para kumuha ng inutos nito, ngunit biglang nagbago na naman ang expression nito ng tawagin ni si Mr. Soriano.

"Since this is your first day, you don't have to take the quizz." ang nakangiti na naman nitong sinabi, nakakatakot ang bilis ng pagbabago ng mood nito.

"No that's fine, I will take the exam." ang sagot naman nito, hindi ko maiwasang hindi maismid sa sinabi nito nayabangan kasi ako bigla dito.

"Sige tignan natin kung may masasagot ka nga." sa loob loob ko habang hinanda ko ang atensyon ko sa mga tanong ni Prof.

Ilang sandali nga lang ay nagsimula na ito sa mga tanong nito at sa totoo lang medyo nahirapan din ako pero gaya ng inaasahan ay nasagot ko ang lahat ng tanong nito.

"Ok class finish or not finish exchange paper with your seatmate." ang utos ni Prof kaya naman nagpalit kami ng papel ng newbie, medyo tiwala ako ng inabot ko ang papel nito ngunit awtomatikong kumunot ang noo ko ng makita ko ang mga sagot nito, hindi ko tuloy maiwasang hindi mapitingin dito na sa harap naman nakatuon ang atensyon.

Lahat kasi ng mga sagot nito ay kapareho ng sagot ko which means tama ang lahat ng sagot nito, at gaya ng inaasahan ay wala man lang itong mali.

"Ok class you know the drill." ang sinabi nito ang ibig nitong drill ay ang pagcocompute namin ng scores namin.


Matapos ngan icompute ang scores ay agad na nitong tinawag ang mga scores na.

"Ok one hundred?" tawag nito, agad akong tumayo para iabot ang papel at ganoon din naman si newbie.

"Ok good Mr. Montevista and......... Mr. Soriano, good job Mr. Soriano even though this is your first day nakakuha ka agad ng one hundred percent." ang nakangiti na naman nitong sinabi, I wonder kung may on and off switch button ba ang smile nito.

Nagpatuloy na ito sa pagtawag ng mga scores at kaming dalawa lang ni newbie ang nakakuha ng scores na perfect, bigla ko tuloy naisip na baka naman nangopya sa akin ito kaya nakaperfect which is hindi malayong dahilan.

Matapos ang quizz na iyon ay nagpatuloy na ito sa mga lectures at kung inisip ko kaninang baka nangopya lang ito ay agad na iyong nawala sa isip ko ng sunod sunod itong sumagot sa mga tanong ni Prof. well alam ko din naman ang mga sagot don dangan nga lang ayaw akong tawagin ni Prof at puro na lang Mr. Soriano ang pangalan na tinatawag nito.

Finally natapos na din ang unang klase ko kaya agad akong bumaling kay Zonia.

"Sabay na tayo." ang nakangiti kong aya dito completely ignoring Mr. Soriano ngunit biglang napalis iyon ng makita kong titig na titig ito sa katabi ko.

"Dexter sabay na tayo." aya nito sa binata na para bang hindi man lang nito narinig ang aya ko, naiwan naman akong nakatingin sa papalayong imahe ng dalawa.

Biglang nagdilim ang mukha ko sa nangyari dahil ngayon lang akong naisamtabi at dahil iyon sa bagong salta na si Dexter Soriano.

Continue Reading

You'll Also Like

2.9M 107K 57
Samantha Laurent, a homophobic bitch. 33 years old. She owns various business. Malaki ang galit nya sa mga babaeng pumapatol din sa kanyang kapwa. A...
1.5M 68.6K 56
Hindi ko alam kung maniniwala ba ako na mayroon daw na pagala-galang tao na may lahing ahas. Ewan ko ba kung totoo na nangangain slash kumakain din...