HABAK

By Alex_Camiller

143K 5.9K 365

Mula ako sa angkan ng mga malulupit na aswang. Ang nais lang namin ay padamihin ang mga katulad namin at nang... More

Author's Note
Prologue
1
2 : Uninvited Visitors
3 : Training
4 : Malupit na Kahapon
5 : Pagsasanay sa Karagatan
6 : Makamandag na Tuka
7 : Mapaglarong nilalang
8 : Silverio
10 : Ang Pagsasalin
11 : Pagpapaliwanag
12 : Paghaharap
13 : Kadiliman
14 : Kalakasan
15 : Kapangyarihan at Di Kilalang Kalaban
16 : Ang matinding kalaban
17 : Pag-ibig part I
18 : Pag-ibig part II
19 : Pag-ibig III
20 : Pag-ibig IV
21 : Pag-ibig V Lucretia
22 : Pag-ibig VI Castaneda
23 : Pag-ibig VII Panganganak
24 : Pag-ibig_Bagong Tagapagligtas
25 : Pag-ibig_Pagpapagaling
26 : Pag_Ibig Mapanganib na Marquis
27 : Pag_ibig_Pagpapaalam
28 : Pag_Ibig Simon
29 : Pag-ibig_Manliligaw
30 : Pag_ibig Pagtitipon
31 : Pag_Ibig_Piano
32 : Pag-Ibig_Alcance
33 : Pag_Ibig Pagtakas
34 : Pag_Ibig Pagsugod ng Aswang
35 : Pag-ibig nila Adelina at Simon
36 : Pag-ibig_KALI
37 : Pag-ibig_kakaibang kaibigan
38 : Pag-ibig_Pamanang Likido
39 : Pag_Ibig_Ang Piging
40 : Pag_ibig_Dalagitang aswang
41 : Pag-ibig_Pagliligtas kay Simon
42 : Pag-ibig_Sagupaan sa Gubat
43 : Pag-ibig_Mga Dambuhalang Puno
44 : Pag-ibig_KAIBIGANG TAGAPAGLIGTAS
45 : Pag-ibig_Paalam
46 Pag-Ibig : Durog na Puso
47 Pag-Ibig_Pagtulong
48 Pag-ibig_Matinding kalaban ng aswang
49 : Pag-ibig_Mga naiwan
50 : Buhay sa tabing dagat
51 : Mga taong Nasagupa
54 : Talon
55 : Mga Bagong Kalaban
56 : Paghihiganti ng mga Aswang
57 : mga taong sinlalaki ng puno
58 : Gubat Geryon
59 : Dayo
60 : Umuusbong na Pag-ibig
61: Pamilya ni Cipriano
62 : Aling Saida
63 : Pagtatapat
64: Pagtanggi sa Manliligaw
65 : Pagdukot kay Andres
66 : Isang BABALA at TULONG
67 : Pagsugod ng Lobo
68 : Ang Paghaharap
Pagsunod kay Andres

9 : Bow and Arrow

2K 93 5
By Alex_Camiller

A/N

Hello friends,

Here's the new update. Sana po magustuhan ninyo.

Salamat po.

Dont forget to vote and comment.


God bless you all,

Alex_Camiller

=======================

This may be a work of fiction I pray that whoever read this story will

be protected under the mantle of love of our Blessed Virgin Mary.

=======================

Silverio's POV


Tapos na ang aking turn para sa pagbabantay pero nanatili ang kagustuhan kong bantayan ang mga tao doon. I keep my silence regarding sa iniisip at nararamdaman ko hindi ko kasi alam kung anong nangyayari sa akin. Matapos ang bawat pag-eensayo namin at tulog na ang buong komunidad ay umaalis ako at nagtutungo sa lugar na iyon. Doble ingat lang nga ang ginagawa ko dahil alam kong may mga kasamahan kaming nagbabantay at sa oras na malaman nila na naroroon din ako ay mapapagalitan ako ni Ama. Malayo pa lang ay nakita ko sila Daniel at Manong Samson na nagbabantay sa lugar nila kaya medyo lumayo ako sa pwesto nila sa lugar kung saan hindi nila ako mapapansin.  Mag-aalas kwatro na ng umaga ng mapansin kong may lumabas na tao mula sa bahay. Nagtungo sya sa kaliwang bahagi ng kanilang lugar at may isinabit sa sanga ng isang punong. Napatayo ako dahil napagtanto ko na sya ang nakatayo sa mismong harapan ko yun nga lang malayo ako sa kanya. Nakaside-view sya sa akin at kinuha ang isang bow and arrow na nakasabit sa kanyang kaliwang balikat. Inilapag muna nya sa lupa ang mga ito at pinusod ang kanyang buhok. At nang pinulot nya ulet ay nagsimula na syang panain ang nakasabit sa puno. Nagtataka ako kung bakit nya ito ginagawa mistulang nag-eensayo din sya kagaya namin. ang pagkakaiba lang ay walang nagtuturo sa kanya at mukhang bihasa na sya. Lumingon sya sa kinaroroonan at ganun na lamang ang kabang nadarama ko. Hindi pwedeng maramdaman nya ako o kahit sino sa amin. Iyon kasi ang kabilin-bilinan sa amin na huwag na huwag kaming magpapahalata na may nagbabantay sa kanila. Nakita ko pa syang tumingin sa kanyang likod kung saan naroroon naman ang mga kasamahan ko. Napawi lamang ang kanyang atensyon ng may tumawag sa kanya.


"Nelly ang aga mo namang nagising?" sigaw ng isang babae.

"Ate Lily maaga po kasi akong aalis ngayon. Magsisimula na ang klase ko sa lunes at hindi ko na ito magagawa kapag nasa Cagayan De Oro na ako."

"Ikaw talagang bata ka. Wala nanaman sigurong susugod sa atin."

"Mabuti ng handa. Gusto mong magtry?"

Nakita kong umiling ang nag-ngangalang Lily.

"Sige na Ate Lily. Saka kayo na lang ang maiiwan dito para kahit papaano kaya mong ipagtanggol ang sarili mo. Sige na," sabi ni Nelly sabay lahad ng bow and arrow sa kanya.

Kinuha ito ni Lily at sumubok at nakita kong napalakas ang pagkakatira na dahil muntikan ng tumilapon ang target nila. Nagtawanan sila sa nangyari.

"Grabe ang lakas nun ah. Galing mo!"

"Limang hakbang nga palayo tignan natin kung matatamaan mo?"

Humakbang naman sya ng limang beses at pinakawalan ang arrow then bulls eye natamaan nya. Malakas na pumalakpak si Nelly.

"Galing!" sigaw ni Nelly.

"Ikaw naman."

"Sana matamaan ko."

"Ikaw pa. Nasa lahi ninyo ang pagiging magaling sa bow and arrow. Kahit nga Lolo't Lola magaling dito."

Ngumiti lamang sya bago nagbow and arrow at ayun tinamaan din nya. Napasigaw sila sa tuwa napatigil lang sila ng may sumaway sa kanila.

"Ang ingay ninyo madaling araw pa lang. Maryosep kayong mga bata kayo oh," sabi ng matandang babae.

"Lola sorry po. Nag-eensayo lang po kami."

"Pumasok nga kayo dito at tulungan nyo akong maghanda ng ating agahan."

"Opo," sabay nilang sagot at pumasok na sila.


Nakangiti ako habang tinitingnan sila kanina. Nelly pala ang pangalan nya kahit papaano may magadang nangyari sa pagbabantay ko dahil nalaman ko ang kanyang pangalan. Nagtataka lang ako kung bakit sya nag-eensayo at para saan ang pag-eensayo nya. Saan kaya sya mag-aaral sana kahit papaano pareho kami ng papasukan para may pagkakataon akong makilala sya. Nang mamataan ko na malapit ng sumikat ang araw ay agad akong umalis pabalik sa amin. Kailangan kong makarating sa amin bago nila malaman na wala ako sa lugar namin. Nakahinga ako ng malalim ng makarating ako sa tamang oras at ang buong akala nila ay nag-eensayo nanaman ako ng maaga. Kumabog lang ang dibdib ko ng lapitan ako ni Ninong.


"Silverio huwag mong sabihin sa akin pumunta ka nanaman sa gubat para mag-ensayo?"

"Hindi po."

Tinitigan nya ako ng mabuti.

"Sigurado ka?"

"Opo."

"Saan ka galing? Yung totoo."

Namutla ako sa tanong nya at halos hindi ko mapigilan ang garalgal kong boses,"Ninong."

Tinitigan lang nya ako at alam kong alam nya kung saan ako galing. Gusto lang nyang malaman kung magsasabi ako ng totoo sa kanya.

"Patawarin nyo po ako nagpunta po ako doon sa lugar ng mga taong binabantayan natin."

"Bakit? Hindi naman ikaw ang nakatoka doon ah."

"Gusto ko lang pong masiguro na maayos sila."

Seryoso pa rin nya akong ltiningnan at maya maya ay ngumisi sya sa akin.

"May gusto ka ba kay Nelly?" tanong nya habang ngumiti ng nakakaloko sa akin.

"Hindi po."

"Bakit hindi? Maganda at mabait na bata si Nelly."

Nanatili akong tahimik at iniyuko ang aking ulo.

"Namumula ka. Binata ka na Silverio nakakapansin ka na ng magandang dalaga."

"Ninong naman tama na po."

"Hahahaha," malakas nyang tawa.

Sinalubong ko na rin ang kanyang mga mata at natawa na rin ako.

"Hay Silverio. hahaha gusto mo bang ipakilala kita."

"Naku huwag po muna."

"Nakita mo ba sya kanina?"

"Opo. Ninong bakit po sya nag-eensayong magpana?"

"Kagaya natin gusto nilang maging handa."

Napakunot ang noo ko.

"May abilidad silang makaramdam at makakita ng mga tulad natin at ng mga engkanto."

Hindi ko pa rin sya maintindihan.

"Noong kasing edad mo pa lang ako naririnig ko na ang pamilya nila. Pero akala ko haka-haka lamang iyon. Masyado kasi akong mayabang noon at ng makilala ko si Toyang napatunayan kong totoo sila. Sa bawat lugar may mga taong biniyayaan ng ibang klaseng kakayahan para maging tagapagligtas at magbigay ng babala sa mga ordinaryong tao. Maraming beses ng sinubukang ubusin ang lahi nila pero sa tuwing pagtatangkaan ito ay lumalaban sila."

"Bakit hindi na lang sila sumama sa atin?"

"Kasi mga tao pa rin sila Silverio. Hindi sila ligtas lalo na sa mga bagong aswang. Naalala mo ba ng ibigay syo ng buong buo ang pagiging aswang mo?"

Napatango ako sa kanya.

"Hindi ba kinakailangan pang bantayan ng apat na malalakas na kasapi natin ang bagong aswang para makontrol ang kakaibang gutom para sa laman ng tao. Iyon ang dahilan kung bakit hindi sila pwedeng sumama sa atin."

"Namatay po ba ang asawa ninyo sa ganung paraan?"

"Silverio namatay si Toyang sa gitna ng digmaan. Ang masakit wala ako sa tabi nya noong sinugod sya ng mga kalaban."


Nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Ninong. Ibang klase talaga sya kahit sa pagmamahal ay walang kapantay. Mula sa araw na ito makilala ko man si Nelly o hindi babantayan ko sya at ang pamilya nya.

  




Continue Reading

You'll Also Like

111K 5.6K 29
Private investigator and necromancer Lawrick Stryker takes on cases for money with no attachments or feelings involved...until he meets Alvis Sulliva...
474K 30K 144
Once upon a time, the story never started... Snow White found herself in the most twisted situation she could ever imagine---being a slave to the Sev...
15.7K 2.3K 49
Neverwoods never die... "Save yourself, human!" Everick Neverwood is anything you want him to be---a sadist, a womanizer, an immortal crow-shifter...
23:57 By RAYKOSEN

Paranormal

1.1M 48.1K 40
May urban legend na kumakalat online. May sumpa raw sa Shibuya na tuwing sasakay ka sa last train ride ng 23:57PM ay magsisimulang magbago ang buhay...