Right Here (BOOK 1)

By mariarcane

791 197 11

©All Rights Reserved COMPLETED✔️ Started: November 8, 2023 Ended: December 14, 2023 Brianna Ealeen Flores is... More

DISCLAIMER
PROLOGUE
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25

EPILOGUE

43 7 2
By mariarcane

Thank you for being here, that means you joined me in my journey. See you on my other stories. <3
------------------------------------------<3

Maaga akong nagising kumpara sa madalas kong gising tuwing umaga. Alas sais pa lang ay nagising na ako. Wala si Jaize sa tabi ko. Wala rin siya rito sa kwarto.

Nag-inat pa ako at inayos ang buhok pagkatapos. Nag-alis din ng dumi sa mata kung meron man. Tumayo na ako at niligpit ang kumot at inayos ang higaan. Pagkatapos ay lumabas ako ng kwarto. Nasa labas sila lola at nagkukwentuhan. Nandoon din si Jaize, nakikipagkwentuhan sa mga tito at tita ko.

Sa cr ako dumiretso para makapaghilamos at makapagtoothbrush. Hindi ko alam kung ngayon ba kami aalis ni Jaize. Pero ang sabi niya kagabi ay kasama na akong babalik sa Laguna. Sinundo niya lang ako kaya siya nandito. May trabaho nga ata siya ngayon, absent lang siguro siya.

“Good morning, mahal,” bati niya.

Pagkalabas ko ay nakaabang na pala siya sa akin. Nasa labas pa rin sila lola.

Nakangiti naman akong tumingin kay Jaize. “Good morning din, mahal. Nagkape ka na?” tanong ko.

Tumango naman siya. Sumunod siya nang pumasok ako sa kwarto. Nang marinig ko ang sara ng pinto ay bumaling ako sa kaniya. Agad siyang yumakap sa akin at hinalikan ako sa pisngi.

“Kanina pa ako gising. Nagkape kami nila lola at nagkwentuhan sa labas,” aniya.

Iniyakap ko naman ang braso ko sa leeg niya, bahagya siyang nakayuko ngayon para magpantay ang mukha naming dalawa. Pinatakan ko ng mababaw na halik ang labi niya.

Bumaba ang titig niya mula sa mata ko papunta sa labi ko. Muli ko siyang dinampian ng halik sa labi.

“Anong oras tayo aalis?” tanong ko.

Umangat muli sa mata ko ang tingin niya. Umayos na siya ng tayo dahil siguro nangawit na.

“Nine AM. Mas maaga mas okay bumyahe para hindi hassle,” sagot niya.

Tumango naman ako. “Okay, love. Magbreakfast lang ako then gagayak na ako pagkatapos,” sambit ko naman.

He pouted his lips. “We still have three hours, love. Huwag kang magmadali, nakikipagkwentuhan pa nga ako kila lola,” aniya.

Bahagya naman akong natawa. Nakikichismis lang siya, e. Ano kayang topic nila kanina?

Naupo ako sa kama at tumingin sa kaniya. Nanatili naman siyang nakatayo at nakatingin din sa akin.

“Mag-aayos pa kasi ako ng gamit ko, mahal. Medyo marami akong damit, kaya naman nating dalhin ang dalawang bag?” tanong ko.

Tumango naman siya. “Pwede namang balikan na lang natin ang iba rito kapag nabisita tayo ulit,” sagot niya.

Pwede rin naman. Mga madalas kong gamitin na damit na lang siguro muna ang dalhin ko. Mag-aayos ako mamaya kapag tapos na akong kumain ng almusal.

“Tara na. Nagluto na akong breakfast mo,” aya niya.

Hinawakan niya ang kamay ko at bahagya akong hinila para makatayo. Pumulupot ang braso sa baywang ko nang tuluyan na akong makatayo.

“Anong niluto mo, mahal?” tanong ko.

Sa ilang buwan ko rito sa Bulacan, madalang akong mag-almusal. Medyo hindi na sanay ulit ang tiyan ko. Pero ngayon ay kakain ako para hindi ako masermunan ni Jaize.

“Your favourite, of course. Hotdog and egg. May milo na rin sa tasa, lalagyan na lang ng hot water,” sagot niya.

Sabay kaming lumabas ng kwarto at nagpunta sa kusina. Nakahanda na nga ang pagkain ko. Pinaglagay niya ako ng kanin sa plato at ako naman na ang naglagay ng tubig sa tasa na may milo.

Ang daming nilagay na rice ni Jaize pero hindi na ako nagreklamo. Pagagalitan niya pa ako kapag nagreklamo ako. Sasabihin niya pumapayat na ako kaya dapat damihan ko ang kain ko.

“Love, paano pala ako niyan kapag nakabalik tayo? Hahanap ako ulit ng apartment?” tanong ko.

Nagsimula na akong kumain. Nasa tabi ko naman siya at nagkakape na naman. Kapag siya in-acid na naman mamaya, sermon aabutin niya sa akin kapag nagreklamo siya na ina-acid siya.

“Sa bahay ka muna. Pinaayos ko ang apartment mo,” tugon niya.

Natigil ako sa pagnguya at napabaling sa kaniya. Pinaayos ang apartment ko?

“Hindi naman pina-upahan ni Aling Ising ang apartment mo dahil sinabi kong babalik ka pa. Nagbayad pa rin ako ng rent, sa water and kuryente lang hindi,” aniya pa.

“Buti pumayag siya?” medyo gulat pa ako sa nalaman ko.

“Oo naman. Gusto niya rin kasing ikaw ang nandoon. So, kapag nakauwi tayo, bibili tayo ulit ng mga kailangan mo sa apartment mo.”

Napatango na lang ako at muling bumalik sa pagkain. Nabenta ko na nga pala ang ibang gamit ko. Para na naman akong magsisimula nito kapag bumalik sa Laguna.

But knowing I am going back there makes my heart really happy. Pakiramdam ko kasi isa na iyon sa naging tahanan ko talaga. Sana may trabaho pa akong balikan doon. Miss ko na si Cynthia.

Nagkakausap naman kami pero madalas busy na rin siya kaya hindi na kami masyadong nagkausap lately. Gusto ko na ulit siyang makita.

“Mahal, patulong naman ako rito,” sabi ko dahil medyo hindi ko abot ang ibang gamit ko. Nasa itaas na parte kasi ng cabinet iyon.

“Liit kasi,” bulong niya.

Nakatanggap siya ng kurot sa tagiliran dahil sa pang-aasar niya. Nakapag-ayos na ako ng mga dadalhin ko. Nakagayak na rin ako at ngayon ay chine-check na lang ang mga gamit kung may nakalimutan pa ba o wala na.

“Ang sakit, mahal. Kiss mo ako, nasaktan ako sa kurot mo.”

Bahagya naman akong natawa. Minsan para-paraan din talaga siya, e. Akala ko ako lang ang maharot sa aming dalawa, pati rin pala siya.

I tiptoed and kiss him. Bumalik ako sa kama at inayos na ang mga bag na dadalhin ko. Kumpleto naman na, ang mga importanteng gamit ay nasa backpack na dadalhin ko rin. Charger na lang naman ang wala ro’n.

“Ihahatid kayo ng tito Roel mo hanggang Anyatam,” ani lola.

Bitbit ni Jaize ang isang malaking bag. Ako naman ang nagdala sa isa pa at nakasukbit naman sa likod ko ang isa pa.

“Salamat po, lola. Bibisita na lang po ulit kami kapag may libreng araw po,” sagot ni Jaize.

Tumango naman si lola. “Sige lang. Mag-ingat kayo pauwi,” bilin niya.

“Opo. May trabaho pa po kasi ako kaya hindi po pwedeng magtagal dito,” muling sabi ni Jaize.

“Kaya nga. Sa susunod na lang kapag mahaba-haba ang bakasyon. Sa mahal na araw o kaya ay sa pasko,” sabi pa ni lola.

Nagmano na ako nang makita kong naghihintay na sa amin si tito Roel. Hinatid kami ni lola hanggang sa daan lang. Pinauna na ako ni Jaize sumakay sa tricycle. Kumaway pa siya kila lola bago kami umalis.

Smooth lang ang naging biyahe namin, hindi masyadong traffic at punuan sa bus. Mabilis lang kaming nakarating pero pagod pa rin dahil sa naging biyahe.

“Pumasok siguro si Farrah o baka umuwi,” aniya.

Pagkalapag ng mga gamit na dala ay nahiga na muna kami sa kama. Inaantok ako kahit na nakatulog naman ako sa bus kanina.

Nakayakap sa akin si Jaize. Pumikit naman ako at pinakikiramdaman kung makakatulog ba ako o hindi.

“Dito ka muna magstay ng ilang araw, mahal. Saka ka na lumipat sa apartment mo kapag maayos na ulit doon,” aniya.

“Hmm...” tanging naging tugon ko na lang.

Hinahatak na ako ng antok. Naramdaman ko ang dampi ng malambot na bagay sa noo ko at ang bahagyang pagtapik tapik sa braso ko na naging dahilan kaya natuluyan ang tulog ko.

Nagising ako sa mumunting ingay na naririnig ko. Dinilat ko ang mga mata ko at marahang nilibot ng tingin ang paligid. Wala si Jaize. Nasa labas na siguro siya at doon nanggagaling ang ingay.

Ilang minuto pa muna akong nakaupo lang sa kama at nag-aayos ng sarili. Bumangon na ako ng tuluyan at niligpit ang kumot at mga unan na ginamit.

Nag-asikaso ako ng sarili ko sa cr. May bagong toothbrush na kulay yellow. Naka-sealed pa nga iyon. Nakangiti tuloy akong binuksan iyon at nilibot pa ang paningin sa ibang mga gamit doon. Walang halos pagbabago. Nadagdagan lang ng mga gamit pambabae. Kailan niya binili ang mga ito?

“Love?” rinig kong tawag ni Jaize mula sa labas.

Nagmumog at naghilamos na muna ako. May malinis ding towel na nakasabit kaya nagpunas na ako ng mukha ro’n bago lumabas.

“Yes, love?” nakangiting tanong ko sa kaniya.

Hapon na pala. Medyo matagal din ang naging tulog ko dahil na rin siguro sa bukas na aircon tapos nakabalot ako ng kumot.

Lumapit siya sa akin at pumulupot ang braso sa bandang leeg ko. Itinalikod niya ako para mayakap sa gano’ng paraan. Mahihirapan siyang yakapin ako sa baywang dahil matangkad siya at ako ay hindi.

“Kanina pa nakauwi si Farrah at Phoebe. Gusto ka ngang gisingin kanina, sinaway ko lang sila,” aniya.

Ang mga kapatid ni Jaize. Huling kita ko sa kanila ay no’ng nagmall pa kami. Nakakamiss din ang mga ito. Namiss ko ang mga bonding namin.

“Tara na sa labas. Gusto ko na rin silang makita,” sambit ko naman.

Hindi naman na kami nagtagal sa kwarto. Pagkalabas ko nga ay sinalubong na ako nung dalawa. Niyakap ako at kinumusta.

“Ate Ea, dito ka na ulit? Hindi ka na ulit aalis?” tanong ni Phoebe.

Ngiti ang sinagot ko sa kaniya. Hindi ko maipapangakong hindi ako aalis ulit. Pero kung aalis man ako, hindi sa kadahilanan na hiwalay kami ng kuya niya.

“Ang dami kong kwento, ate. Hindi ako kuntento na sa chat lang ikukwento,” sabi naman ni Farrah.

Inakay ko silang dalawa papunta sa sofa para doon kami makapagkwentuhan.

“Pagmeryendahin muna ninyo ang ate ninyo. Kagigising niya lang,” sabi naman ni Jaize.

Nakatayo siya sa harapan namin nila Phoebe. Nakasandal naman sa balikat ko ang ulo ng mga kapatid niya.

“Dalhin mo na lang dito ang meryenda ni Ate Ea,” sabi ni Phoebe.

Natawa naman ako sa reaksyon ni Jaize. Hindi sasang-ayon ’yan na utusan siya ng mga kapatid niya. At alam kong gusto niya ring makawala ako saglit sa mga kapatid niya.

“Saglit lang namang kakain ang ate ninyo. Mamaya na kayo mangulit sa kaniya,” sambit naman ni Jaize.

Hindi sila titigil hangga’t wala sa kanilang dalawa ang susuko at susunod sa gusto ng isa. Si Jaize ay gustong sa dining ako at magmeryenda. Si Phoebe naman ang gusto ay rito na lang sa sala para makapagkwentuhan habang nagmemeryenda.

“Magmemeryenda na muna ako. Kung gusto ninyo ay sumama kayo para sa dining tayo magkwentuhan,” sambit ko naman.

Agad umayos ang dalawa. Si Jaize ay tahimik lang na nakatingin sa amin. Naunang tumayo ang dalawa at pupunta na yata sa dining. Nakapagmeryenda na kaya sila?

Lunapit ako kay Jaize at kumapit sa braso niya. Natawa ako dahil hindi pa rin maalis ang bahagyang busangot sa mukha niya.

“Mamaya naman ay solo mo na ako ulit. Girls muna ngayon,” mahinang sambit ko.

“Tss! Hindi ka na naman niyan ipapahiram sa akin. Pupusta ako ang daming naiisip gawin ng mga iyan kasama ka,” aniya.

“Hayaan mo na, mahal. Marami pa tayong mga araw na magkasama. Pagbigyan mo na sila ngayon.”

Bahagya siyang umirap. Taray ng mahal ko.

“Ano pa nga ba,” nasabi niya na lang.

Nakapwesto na ang dalawa. May upuan sa gitna nila, doon nila ako pinaupo kaya mas lalong bumusangot ang mukha ni Jaize. Sinasadya yata ng dalawang ito na ilayo ako sa kuya nila.

Pancake and pineapple juice ang meryenda na ginawa ni Jaize para sa akin. Ang mga kapatid niya naman ay tapos na raw magmeryenda kaya nakikipagkwentuhan na lang sila sa akin ngayon habang kumakain ako.

“Ate, gala tayo kila Allison pagkatapos mo kumain,” si Farrah.

Tumango naman ako. Hindi naman kalayuan ang kila Allison. Isa rin iyon, namiss ko rin siya.

Natapos ang araw na ang buong oras ko ay nasa mga kapatid at pinsan lang ni Jaize. Hindi na siya nagreklamo dahil wala na rin naman siyang nagawa.

Kinabuksan naman ay inabala namin ang sarili namin sa pagbili ng ibang gamit para sa apartment. Sabi ni Jaize ay lilipat lang ako kapag kumpleto na ang mga gamit sa apartment. Hindi na ako tumutol.

“Love, bisitahin natin si Cynthia,” sabi ko.

Bitbit ang ibang mga pinamili sa mall kung saan ako nagtrabaho noon. Ang ibang gamit ay sa online ko na lang in-order para hindi masyadong mahal.

Iilang gamit lang ang dala namin ngayon, mga magagaan lang katulad ng mga kasangkapan sa kusina na panluto, mga sandok at iba pa.

“After that maglunch na tayo ha,” aniya.

Tumango naman ako. Nakakapit ako sa braso niya habang naglalakad papunta sa store kung saan nagtatrabaho si Cynthia.

Malayo pa lang ay kita ko na siya agad. May bagong saleslady sila, hindi pamilyar sa akin ang mukha ng babaeng iyon. Hindi rin siya kasali sa mga ibang branch na nakita ko noon.

“Brianna? Omg ikaw nga!” gulat na sabi ni Cynthia nang makalapit ako sa kaniya.

Niyakap niya ako. Natawa naman ako sa naging reaksyon niya at niyakap na rin siya pabalik.

“Babalik ka na ba ulit dito?” tanong niya matapos kumalas sa akin.

“Pwede pa ba?” birong tanong ko naman.

“Pwedeng-pwede. Hinihintay ka ni Miss Ysa. Nako matutuwa iyon kapag nalaman niyang nandito ka na ulit.”

Ang sarap sa pakiramdam na nakabuo ako ng pamilya sa lugar na ito. Ramdam na ramdam ko ang pagkasabik ni Cynthia sa akin. Namiss kong kachikahan ang babaeng ’to.

“Babalik ako kapag natapos na naming ayusin ang sa apartment. Makikipag-usap ako kay Miss pati na rin sa boss natin,” sambit ko.

Lumapit ako sa boyfriend kong tahimik lang na nakamasid.

“See you again, Cyn. Una na kami,” paalam ko na.

Hindi siya pwedeng kausapin nang kausapin dahil nasa trabaho pa siya.

Umalis na kami ni Jaize at naghanap ng makakainan. Siya ang pinapili ko ng kakainan naming dalawa dahil kapag ako ang pumili, okay na ako sa Jollibee.

“Kumain ka ng marami ha. Nawala ang babytabs mo dahil pumayat ka,” aniya at nilagyan ako ng pagkain sa plato.

Ang dami niyang nilagay. Buffet naman kasi ang napili niyang kainan namin. Halos puro gulay rin ang nilagay niya sa akin. Mga gulay na alam niyang kakainin ko naman.

Pinanonood ko siya habang inaasikaso ako. Abalang-abala siya sa paglalagay ng mga pagkain at inumin sa akin.

“I love you,” nasambit ko na lang habang nakatitig sa kaniya.

Natigilan siya sa ginagawa at tumingin din sa akin.

“I love you more.”

I smiled. I love this guy so much. I don’t want to experience being alone again. I want him beside me always. I want to be with him always.

“Pero kakain ka pa rin ng gulay. Huwag mo akong daanin sa ganiyan,” dagdag niya na naging dahilan ng pagtawa ko.



                -THE END-
©ALL RIGHTS RESERVED
                     2023

———————
Happy Birthday, my love!
This story is my gift for you. I love you. Mwa! <3

Continue Reading

You'll Also Like

7.7M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
3K 286 44
©All Rights Reserved COMPLETED✔️ Started: May 16, 2023 Ended: September 10, 2023 Efghi Soriano experienced a lot of struggles in her life. When she w...
156K 2.8K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
2.1K 171 55
Pagtatagpo ng dalawang pag-ibig na ligaw.