Talk Back and You're Dead!

By Alesana_Marie

9.5M 142K 28.7K

Simple lang naman ang gusto ni Samantha sa buhay, ang maka-graduate na may highest honors at talunin ang kari... More

Author's Note
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-Four
Chapter Forty-Five
Chapter Forty-Six
Chapter Forty-Seven
Chapter Forty-Eight
Chapter Forty-Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty-One
Chapter Fifty-Two
Chapter Fifty-Three
Chapter Fifty-Four
Chapter Fifty-Five
Chapter Fifty-Six
TIMOTHY'S JOURNAL
BOOK 2: NTBG

Chapter Eighteen

185K 2.9K 569
By Alesana_Marie

Chapter Eighteen

I'm gonna die! I'm gonna die! Nandito ako kasama sina Audrey at Cheska sa Principal's Office. May sinabi lang na kung ano 'yung Principal ng Pendleton High. Oo, nasa Pendleton High na ako. Ang bilis ng oras. Kagabi hindi pa ako nakatulog at parang gusto kong magkasakit kaninang umaga hwag lang pumasok ngayon. Ayoko rito!

"Kakapagawa pa lang namin ng wash room para sa mga babae dahil alam kong darating kayo. Puro kasi mga lalaki kami dito. Hahaha!" paliwanag ni Mr. Principal.

"Maraming salamat po Mr Principal" sagot ni Audrey.

"Heto na nga pala ang susi para sa mga lockers nyo, class schedules at mapa ng buong school," binigay niya ang mga 'yon sa'min. "Hayaan nyong ako mismo ang maghatid sa inyo sa una nyong klase."

Tumayo na sya at pinasunod nya kami palabas ng office. Nagsimula na kaming maglakad sa hallway. Nasa unahan ang Principal at si Audrey. Nasa likod naman kami ni Cheska.

"Grabe ang gulo naman," bulong ni Cheska habang dumadaan kami sa mga classroom.

Totoo nga. Napakagulo ng mga estudyante sa loob ng classroom. Ang ingay. Nang makita nila kaming dumaan, bigla silang naghiyawan at sumipol.

"Ang kinis ng legs wow!"

"Miss Beautiful may boyfriend ka na ba?"

"Hanep ang katawan, pucha ulam na ulam!"

"Ang pu-puti ah! Pero bakit may mataba pang um-extra?"

"Grabe walang binatbat ang syota ko sa dalawang 'to ah!"

"Sino kayang uunahin ko sa kanila?"

"Experienced kaya mga yan?"

"Pare mukhang virgin pa!"

"WOW! VIRGINS! AYOS 'TO!!"

"Pano ba yan mga pare? Unahan nalang tayo ng diskarte! Hahahaha!"

Waaahh!! I'm gonna die! Ano ba mga lalaking 'to?! Bakit sila ganyan?! Nanginginig na kami sa takot ni Cheska. Magkakapit kami sa braso ng isa't-isa. Tinignan ko ang Principal, nagkukunwari syang walang naririnig. Ano ba naman 'yan?! (;'༎ຶД༎ຶ')

"Miss! Pwede ba makuha number nyo?"

"Shet ang sexy!"

"Miss! Miss!"

"Mga ulul! Unahan 'yan mamaya ha! Hahaha!"

"Ipasa nyo sa'kin kapag tapos na kayo!"

"Hahahahaha!!"

Uwaah! Lagot kami! Ano ba mga akala ng mga ito? Load? Pwedeng ipasa? Akala ko hindi na nila kami titigilan ng biglang may sumigaw.

"PUT YOUR F*CKING EYEBALLS DOWN!! NOW!!" boomed a loud voice.

Napakalakas ng boses nya at puno ng awtoridad. Napatingin kaming lahat sa direksyon na 'yon. At mula sa dulo ng hallway nakatayo si TOP at ang buong grupo ng Lucky 13.

Awtomatikong natahimik ang buong hallway. Wala ni isa ang gumagalaw kahit na ang mga estudyante sa mga classroom. Napatingin ako sa paligid, lahat ng mga estudyante hindi gumagalaw. Wala ni isa sa kanila ang gumagawa ng ingay. Pigil naming lahat ang hininga namin. Naglakad palapit sa kinatatayuan namin ang grupo ni TOP. Nangunguna sya sa paglalakad at nakasunod ang mga kaibigan nya. Nakasampay sa balikat nya ang kanyang coat at naka-loose ang kanyang necktie. Bukas ang first three buttons ng kanyang white button-up shirt.

Napatulala lang ako sa kanya. Pinanood ko syang maglakad palapit. Palakas nang palakas ang tibok ng puso ko. Nakatingin sya sa'kin ng diretso, medyo magkasalubong ang dalawang kilay nya. Mukhang galit na naman sya. At lagot na naman ako.

Oh my God! Sa mga ganitong pagkakataon isa lang ang dapat gawin. RUN FOR YOUR LIFE!! Pero hindi ko magawang tumakbo? Bakit? Dahil ang higpit ng kapit sa'kin ni Cheska.

"Mr. Pendleton," gulat na gulat na sabi ng Principal. "All of you, what are you doing here? You have classes for Gods sake!"

"I SAID PUT YOUR F*CKING EYES ON THE FLOOR NOW!!" sigaw ni TOP. Nakakatakot ang boses nya. "IF I SEE ANYONE OF YOU PEEKING, YOU ARE F*CKING DEAD!!"

Lahat ng estudyante tumingin sa sahig. Ganito ba talaga sya ka-siga?! Parang lahat takot sa kanya. Pati si Mr Principal parang natatakot sa kanya. Tumigil ang grupo ni TOP sa harap ko. Nakatingin lang sya sakin. Napayuko nalang ako. Lagot na!

"Yow!" bati ni Red na may small wave pa. Para syang bata.

"Bumalik na kayo sa mga klase nyo!" utos ng Principal pero walang pumansin sa kanya. Kawawang Principal.

Nagulat ako ng biglang hablutin ni TOP mula sa kamay ko ang schedule ng klase ko. Napatingin ako sa kanya. Binabasa nya yung sched ko. Kinakabahan ako. Para kasing iba sya rito sa school. Hindi sya yung tipo na pwede kong sigawan, nakakatakot talaga sya! Pagkatapos nyang tignan ang papel, walang salita na nilagpasan nya kami. Eh? Sinundan ko sya ng tingin. Umalis na ang buong Lucky 13. Diretso lang sila ng lakad na parang walang nangyari.

"Mga kabataan talaga ngayon. Kayong lahat pumasok na kayo sa mga classrooms nyo!" sigaw ng Principal.

Nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad hanggang sa marating namin ang klase namin. Tahimik lang kami maliban sa Principal na bumubulong ng kung anu-ano, tungkol sa mga kabataan ngayon. Tumigil kami sa tapat ng room four-oh-five. Ang unang klase namin, subject; Physics.

Pagkabukas ng pinto ng room, ang unang pumasok sa isip ko, Oh My Gosh! Ito ba ang room namin?!

Mga papel na nakakalat sa sahig. Upuan na wala sa linya. Ang mga classmates namin may sigarilyo sa bibig, may mga kulay ang buhok, may mga hikaw sa tenga, kilay, ilong at bibig, may tattoo at yung iba naglalaro ng baraha. Yung iba natutulog, ang mga paa nakapatong pa sa silya. At yung instructor kahit walang nakikinig sa itinuturo nya tuloy parin sa pagdi-discuss. Ano'ng klase ng school ito?! Hindi dapat ganito ang School!

"Ehem!"

"Principal Go kasama nyo na po pala ang mga bagong estudyante" - Instructor

"Wow may bebot!"

"May live show!"

"Astig mga dyosa ng kagandahan, maliban 'don sa mataba."

"Perfect figure!"

Sumipol sila. Nakatingin sila samin na parang mga gutom na hayop sa kagubatan. Yung iba nakita ko na kumindat pa sa'kin. YUCK!

"SILENCE!! O lahat kayo ay pupunta sa detention!" sigaw ng Principal.

Tumahimik silang lahat. Maya-maya biglang umulan ng mga ginusot na papel sa direksyon ng Principal. Binato nila ang Principal?! Ano'ng problema ng mga estudyanteng ito?!

*WHOOOSSH!*

"Ikaw na ang bahala sa mga newbies Mr. Corona!" sigaw ng Principal habang tumatakbo palayo at iniiwasan ang mga papel.

"Principal Go!" halos maiyak na tawag ni Mr. Corona

"Whoohoo! Mga babes dito kayo sa tabi ko umupo!"

"Hindi! Dito kayo umupo sa tabi ko mga Miss!"

"Be quiet class! Class please," - Mr Corona

"Waaah! Samantha! I'm scared!" - Cheska

"Mga walang kwentang basura! Tumahimik nga kayo! Ano'ng karapatan nyong magsalita ng ganyan sa harapan ko?!" sigaw ni Audrey.

"Bah! Matapang ah!"

"Yan ang gusto ko sa babae, pa-hard to get!"

"Wild! Yan ang mga type kong i-kama eh!"

"Here kitty! Kitty! Meow!"

"BWAHAHAHA!!"

"Sige tumawa kayo. Ipagpatuloy nyo yan nang may kalagyan kayo mamaya," dugtong pa ni Audrey.

"Ang tapang mo ah. Ano ba ang pangalan mo?"

"Audrey," taas noo nyang sagot. "Audrey dela Cruz." Ipinagdiinan nya ang apelyido nya.

Natigilan sila at napatahimik. Maya-maya ay nagbulungan sila.

"Dela Cruz?"

"Isa syang dela Cruz?"

"Ay shit pare Dela Cruz 'yan."

"Sya ba yung kapatid na babae ni..."

"Pare kaya pala ang tapang eh, may back-up."

"Pucha! Lagot tayo kapag nagsumbong 'yan sa kapatid nya."

"Hindi lang lagot, patay tayo sa kapatid nyan."

Mukhang kinakabahan sila. Pagtingin ko kay Audrey, naka-smirk lang sya. Sino ba ang kapatid ni Audrey? Bakit takot na takot sila?

Pinaupo na kami sa mga silya namin. Sa unahan, may tatlong bakanteng silya. Pero by seatmate ang arrangement kaya naman magkakahiwalay kaming tatlo.

"Hi Miss pwede malaman ang number mo?" tanong ng guy na may yellow na buhok. Sya ang seatmate ko.

"Number one," sagot ko.

"Niloloko mo ba ako?" tanong nya.

"Hindi. Number one naman talaga ako sa school. Bakit ba?" naiinis na tanong ko.

"Miss," bigla nyang nilapit ang mukha nya sa'kin. "Nakakatakot akong magalit."

"Ah. Ok." Inilayo ko ang silya ko sa kanya. "Pero mas nakakatakot magalit ang boyfriend ko."

"Ano ba'ng cellphone number mo?" Di nya pinansin ang sinabi ko.

"Wala akong cellphone." Ang kulit!

Ano ba naman yan?! Unang araw ng kamalasan! Tumingin ako sa instructor na patuloy parin sa pagdi-discuss. Wala ba talaga syang pakialam sa nangyayari sa paligid nya?! Wala naman nakikinig sa kanya eh!

Si Audrey, hindi sya kinukulit ng seatmate nya. Mukhang takot sa kanya eh. Si Cheska naman hinihigit ng seatmate nya yung buhok nya at sinisipa naman ng nasa likod ang upuan nya. Kawawang Cheska.

"Uy ang ganda ng pagkaka-photoshop dito ah!"

Napalingon ako sa seatmate ko. Halos lumuwa ang mata ko nang makita ko na hawak nya ang cellphone ko. Teka! Nasa bag ko yun ah! Pagkatingin ko sa bag ko, nakabukas na ito.

"Ibalik mo yan!" inabot ko pero nilayo nya.

"Mukhang totoong totoo ang picture na ito! Wahaha! Mga pare tingnan nyo 'to!"

Pinakita nya sa mga lalaki na nasa likod namin ang picture namin ni TOP mula sa theme park.

"Woah! Stalker ka rin ba ni Pendleton?"

"Too bad hindi ka nya papatulan!"

"Kung gusto mo picture ko nalang ang gamitin mo!"

"WAAH! Hwag nyong tingnan yan! Ibalik mo yan!"

"Wooohh!!"

"Crush mo pala si Pendleton! Hahaha! Eh bakla naman yun eh! Hahahaha!"

"Oo nga! Hindi 'yon interesado sa mga babae! Wahahaha! Kawawa ka naman!"

"Hindi sya bakla mga unggoy kayo! Hwag nyong pagsalitaan nang ganyan si TOP!" sigaw ko sa kanila.

"Ows? Talaga?"

"Ba-bastedin ka lang nya. Sa'kin ka nalang Miss!"

Bumukas ang pintuan ng room at pumasok si TOP. Natahimik ang lahat. Walang gumagalaw. Napaayos ng tayo ang mga unggoy na kausap ko. Nakita ko ang takot sa mga mukha nila na pilit nilang itinatago.

"M-Mr Pendleton? A-Anong ginagawa nyo dito?" tanong ni Mr Corona.

"Pumapasok sa klase ko," sagot ni TOP with a bored expression.

"P-Pero hindi po ito ang klase nyo."

Hindi sya pinansin ni TOP at nilibot nya ng tingin ang room. Nang makita nya ako lumapit sya kay Mr. Corona at may inabot na papel.

"N-Nagpalipat po k-kayo ng klase?" gulat na tanong ni Sir matapos basahin ang papel.

Lumapit si TOP sa upuan ko at tinitigan ang seatmate ko. May dark aura na biglang lumabas sa kanya. Uwaaaaah!

"You. Move. Now," utos ni TOP sa seatmate ko. May hint ng threat ang boses nya, na para bang may mamamatay kung di sya masusunod.

Yung expression nya sobrang seryoso at nakakatakot. Mukha syang mafia boss! Biglang iniwan ni yellow head ang cellphone ko sa mesa at tumakbo para umupo sa dulo. Pati na rin yung nasa likod namin ni TOP lumipat ng upuan.

Umupo sa tabi ko si TOP. Meron syang bored-look. Nakatingin lang ako sa kanya. Kaya ba nya kinuha ang sched ko para magpalipat ng klase?! Ibig sabihin nasa lahat ng klase ko sya?! Over possessive stalker boyfriend!

"Ano'ng ginagawa mo dito?" bulong ko.

Tinignan lang nya ako tapos bigla nyang hinigit, gamit ang isang kamay, ang silya ko. Ngayon magkadikit na ang mga upuan namin. Ang lapit namin! Sa sobrang lapit ng upuan namin gusto ko syang hawakan. Gusto kong kumapit sa braso nya. Ano ba yan?!

"Ikaw? Ano'ng ginagawa mo sa school ko?" bulong nya na may kalakip na inis.

"Ah. Eh."

"Retard."

"K-Kasi naman."

"Hindi mo sinabi na pupunta ka dito." Matalas ang tingin nya sa'kin.

"G-Ganito kasi TOP. Ano kasi. Ano—"

"Hindi mo ako tinawagan kagabi para sabihin."

Napayuko nalang ako.

"Palagi ka nalang ganyan," huminga sya ng malalim.

"S-Sorry na."

"Palagi mo nalang akong pinapakaba," bulong nya.

Hindi ako naka-imik. Ang seryoso nya kasi.

"Ano pa ba ang hindi mo sinasabi sa'kin?"

Hindi ako naka-sagot.

"Palagi nalang ba akong magugulat sa mga gagawin mo at kung saan kita makikita?"

Tumingin ako sa kanya.

"Pano kung wala ako sa tabi mo at may nangyaring masama sa'yo? Ano sa tingin mo ang mararamdaman ko kapag nangyari 'yon? Alam mo naman kung gaano ka kahalaga sa buhay ko diba?"

Na-guilty ako.

"Wala ba akong karapatan na malaman kung ano ang nangyayari sa girlfriend ko? Ako ba palagi ang gagawa ng paraan para sa ating dalawa?"

"TOP. Sorry na."

"Shit."

"I'm sorry hindi ko naman kasi alam kung pano sasabihin."

"Save it. I don't want to hear it. You don't even have a good excuse for this one Miracle."

Malakas na hinampas ni TOP ang kamay nya sa lamesa. Natahimik ang lahat at tumingin kay TOP.

"WHAT THE F*CK ARE YOU ALL LOOKING AT?!" sigaw nya.

Napatingin nalang ako sa wasak na lamesa ni TOP. Galit na galit sya at nagawa nyang sirain iyon gamit ang isang kamay. Halaaa... galit na naman sya. Tumayo si TOP at lumabas ng classroom. Lahat ng mata nakatingin sa kanya. Ano na naman ba ang ginawa mo Samantha?

"Sam," biglang umupo sa tabi ko si Cheska. "Ano'ng sinabi mo at nagalit yung dazzling creature na yon?"

"W-Wala." Dazzling Creature?

"Dito muna ako huh? Ang sama ng mga katabi ko dun eh ayaw akong tigilan."

"Um. Sure." Timothy! Come back! Please!

"Ok lang sana kung kasing gwapo ng seatmate mo yung mga nangungulit sa'kin, pero hindi eh. Mga mukhang palaka."

Ano ba? Wala ako sa mood makinig dito kay Cheska. Kailangan kong isipin kung pano ko aayusin ang gulong ito. Eh kasi naman. May kasalanan na naman ako kay TOP!

"Gosh! Alam mo ba may nakita akong gwapo kanina at ka-grupo sya ng seatmate mo at nag-wink sya sa'kin!"

Ngumiti lang ako sa kanya. Napakadaldal nya talaga hindi ako makapag-concentrate. Paano ba ako magso-sorry kay TOP?

"Ang aking Prince Charming. Blah blah blah!" After twenty minutes hindi parin sya tumitigil tungkol sa prince nya. Gusto ko nang i-untog ang sarili ko sa mesa, naiinis na ako. "Wala na akong pakialam pa kahit gangster pa sya!"

Ano raw?

"Kahit gangster pa sya?" tanong ko.

"Oo naman! Kung tanggap nya ako bilang ako, tanggap ko din sya. Kahit ano pa sya! Ang aking Prince! Sa wakas nakita ko na din sya!" Nag-twinkle ang mga mata nya.

Ouch! Bakit parang tinamaan ako sa sinabi nya? Tanggap ko naman si TOP ah! Kahit ganon pa sya, eh ganon na talaga sya! Huh?

"Pero pano kung malaman ng school?"

"So? Hindi naman habang buhay nasa school tayo eh. Minsan lang tayo ma-inlove kaya go for it!"

Kung ganon para lang pala akong ewan at itinatago ko si TOP sa lahat? Pero natatakot parin akong harapin ang consequences ng relationship namin! Ang gulo!

"Ang besides pakialam ba nila? Hindi naman sila yung makakasama ko habangbuhay eh," patuloy sa pagsa-salita si Cheska.

Bumukas ulit ang pinto at pumasok si TOP. Tumingin sya sa'kin. Umalis si Cheska sa tabi ko at bumalik sa pwesto nya. Lumapit si TOP at umupo ulit sa tabi ko. Ngumiti sya sa'kin. EHH? Akala ko ba galit sya sakin? Bipolar. Hindi ko ma-predict ang mood swings nito. Naggo-glow si TOP ngayon. Bakit kaya? Nababalot sya ng positive aura.

*tweet!tweet!textmessage* Tumunog ang cellphone ko at tinignan ko kung sino ang nagtext.

message:

punta k s bck bldng b4 lunch ng mag-1, my ibi2gy aq sau

sender:

Unregistered Number

Sino naman kaya ang nag-text nito? Pupunta kaya ako? Hmm. Mukhang importante ah. Pero bakit mag-isa lang dapat ako? Baka naman may masamang balak sa'kin yung nag-text nito?! Itinago ko na yung cellphone ko sa bag. Baka mabasa pa ni TOP, isipin nya may other guy ako.

Pagtunog ng bell para sa lunch, napagdesisyonan ko na pumunta. May dala naman akong pepper spray eh. At ang isa pa super na-curious ako sa nagtext sakin. Sino kaya 'yun?

"Let's go," tumayo si TOP sa upuan.

"Una ka na, may kukunin pa kasi ako."

"Samahan na kita."

"Ah! Haha! Hindi na, mabilis lang ako. Teka san ba kayo naglu-lunch?"

"Rooftop."

"Oh! Okay! Susunod nalang ako, bye~" tumakbo ako palabas ng room.

"Kapag wala ka pa don in five minutes you're dead!" sigaw nya.

Five minutes? Pano naman ako makakapunta sa rooftop galing sa back building in five minutes?! Nagtatakbo ako papunta sa back building. May mga nakasalubong akong estudyante sa hallway at nang makita nila ako bigla silang pumunta sa gilid at yumuko. Tumakbo lang ako sa gitna ng hallway at wala ni isa ang sumalubong o humarang sa daan ko. Ni ayaw nga nila akong tingnan. Pakiramdam ko may nakakahawa akong sakit dahil lumalayo sila sakin.

Nakalabas na rin ako ng building at hinanap ko kagad kung nasan ang nagpapunta sa'kin dito. Walang tao.

"Hello?! May tao ba dito?!"

Walang sumagot. Kainis sino kaya yun?! Pinagtripan lang yata ako ah!

"Andito ako! Dito!" may sumigaw. Lalaki.

Pagtingin ko. Wala sa kaliwa. Wala sa kanan. Wala sa likod at wala din sa harap. Asan yun?

"Sa itaas!"

Tumingin ako sa itaas. Nandon nga sya. Sa taas ng puno.

"IKAW?!" sigaw ko. Bakit naman kaya ako pinapunta nito dito? Ano'ng kailangan nya?

Pinanuod ko sya habang bumababa ng puno.

"Yow! Buti at dumating ka. Akala ko maghihintay ako sa wala. Haha!"

"Ano ba ang kailangan mo? Bakit gusto mong magkita tayo ng patago?"

"Haha! Bakit? May masama ba?" Nag-wink sya sa'kin.

"Sira ulo."

Biglang naging seryoso ang mukha nya. Kakagulat naman ang taong ito. Parehong pareho sila ng kaibigan nyang bipolar.

"Ang totoo nyan. May sasabihin ako sa'yong importante"

"Shoot"

"Gusto kita..."

"A-ANO?! P-PERO BOYFRIEND KO NA ANG BESTFRIEND MO!!"

"...para sa kaibigan ko. Patapusin mo kasi muna ako."

"Whoo~ Nakahinga ako nang maluwag dun."

"Babae. Hindi kita type. Hindi ang mga katulad mo ang pinapatulan ko. Hindi ka sexy. Sorry."

"Hoy Red, hindi din kita type no! Kapal ng mukha mo ah!"

"Kinausap ko nga pala si TOP kanina. Mukhang sobrang upset nya kanina. Naghahamon ng away."

"Oh."

"Hindi ko na tatanungin kung bakit dahil alam ko naman na dahil sa'yo 'yon."

"Okay."

"May pakiusap lang ako sa'yo Samantha," seryoso ang mukha nya.

"Ano?"

"Maging tapat ka sana kay TOP. Masyado ka nyang iniingatan."

I gulped. Grabe naman ang scene na to. Napakaseryoso ni Red. I just nodded my head.

"Heto kunin mo," may inabot syang pink na lunchbox.

"Eh? Ano'ng—"

"Sinabi ko kay TOP na kaya hindi mo sinabi sa kanya na dito ka mag-aaral ay dahil gusto mo syang sorpresahin. At na ipinagluto mo sya ng lunch para sabay kayong kumain. Sinabi ko din na sinabi mo yun sakin. Dun lang sya huminahon."

"Ganon ba? S-Salamat," kinuha ko yung lunchbox. "Bakit nga pala?"

"Concerned ako? Dahil madami na syang pinagdaanan para makasama ka Samantha. Tumutulong lang ako sa paraan na alam ko. Hwag mo sana syang pahirapan," and with that he walked away.

Nakatingin lang ako sa papalayo nyang likod. Hindi ko sya maintindihan minsan pero ngayon... alam ko na, na isa syang mabuting kaibigan. Pero pinapahirapan ko ba talaga si TOP? Parang may alam sya na hindi ko alam.

Pero ngayon ko lang narealize, puro nalang sarili ko at reputation ko ang iniisip ko. Ano nga ba ang alam ko tungkol kay TOP?

"KYAAH!! TOP!!"

"Ah f*ck! Get the hell off me!!"

"I missed you!!"

"God damn it! Don't touch me!"

"Here! Eat this! Eat this!"

"Are you stupid?! Why would I eat that?!"

"I know you want to! Eat it! Eat it! I cooked it for you!"

"F*ck it! You're hella annoying!"

"EAT IT! Just one bite, please?"

"Piss off!"

Teka! Ano'ng ingay itong naririnig ko? Pagkabukas ko ng pinto kumpleto ang Lucky 13 at nakaupo sila sa tatlong picnic table. Nakita ko si TOP na katabi si Audrey. WATDAHEL?! AUDREY?! At may hawak syang spoon na parang gusto nyang subuan si TOP. Nalaglag ang panga ko sa sahig. Hindi ko akalain na si Audrey ay ganito pala. Kumulo bigla ang dugo ko.

"SAMANTHA!"

Napalingon ako sa tumawag. Si Cheska. Eh? Andito din sya? Napatingin ang lahat sa direksyon ko. Tumakbo sya palapit sa akin at hinila ang kamay ko.

"May ipapakilala ako sa'yo, ang aking Prince," hinigit nya ako sa direksyon ni Chinito Boy. "Six honeybunch, this is Samantha, Samantha this is my honeybunch, Six!"

What? Si Chinito Boy?! Honeybunch?!

"Oooh. Wifey ni TOP!" - Six

"Huh?" - Cheska

"Magkakilala na kami, girlfriend sya ni TOP," said Six to Cheska. "Ayun oh, yung hina-harass ni Audrey."

"P-Pero. Nakita ko na ang boyfriend ni Sam at hindi naman sya si TOP."

"Err." Wala akong masabi.

"OMG Sam! Dalawa ang boyfriend mo?!" - Cheska

*CRASH!*

"F*CK! What?!" parang nabingi ako sa sigaw ni TOP. Kinabahan ako.

"Hindi 'yun totoo!" sabi ko. Teka! Ano nga palang sasabihin ko? Ano ba kasing sinasabi nitong si Cheska?

"Dude easy ka lang," sabi nung spike ang buhok.

"AAAHCK! Yung food natapon!" sigaw ni Audrey.

"You!" tumayo si TOP at lumapit kay Cheska "What did you say?"

"Huh? K-Kasi uhhmm.." tumingin sa'kin si Cheska tapos kay TOP. Mukhang takot na takot sya.

"ANSWER ME DAMMIT!!" TOP demanded. "Are you saying my girl is a two timer?!"

"Wala akong sinabing ganon!" sabi ni Cheska.

"You said she's dating two guys," sagot ni TOP hinigit nya ako sa braso.

"TOP chill ka lang," sabi Chinito Boy. "Cheska ano ba ang sinasabi mo?"

"K-Kasi... WAAAH!" umiyak si Cheska.

Tinignan ako ni TOP. Lahat ng mata nakatingin sa'kin. Nasa akin ang spotlight ngayon.

"Shit," bulong ni TOP.

"W-Wala akong ibang boyfriend!" sabi ko.

"Samantha, akala ko two-faced b*tch ka lang yun pala two-timer ka rin?" tanong ni Audrey.

"Audrey!" I gasped.

"Sinasabi ko na nga ba. Nasa loob din ang kulo mo eh," - Audrey

Tinignan ko lang si Audrey. Ramdam ko lahat ng mata nakatingin sa'kin pero walang nagsasalita. Si Cheska patuloy parin sa pag-iyak. Pakiramdam ko nanliliit ako sa mga tingin nila.

"Shut up Audrey," - Red

"Red!" - Audrey

"Shut up!" - Red

Nakakatakot na din si Red kaya natahimik si Audrey.

"Will you stop crying already?" utos ni TOP kay Cheska.

Parang natauhan naman si Cheska at tumigil sa pag-iyak pero nanginginig naman sya sa takot kay TOP ngayon.

"Cheska, ano ba yan sinasabi mo? May ibang boyfriend si Sam?" - Six

"H-Hindi ko alam... WAAH!" - Cheska

"God, I hate drama," - Spike hair dude

"Shut up Jack," - Six

"Just sayin man," - Jack

"B-Basta ang alam ko lang, gwapo sya, matangkad, medyo tan ang skin, mukha syang Hollywood actor o kaya ramp model at—" hikbi ni Cheska. "May yellow Lamborghini"

Muntik na akong matumba. Cheska The Chismosa, asahan nyo sya sa mga ganitong bagay. Parang gusto ko syang batuhin ng kung anong matigas na bagay. Alam ko na, ibang TOP nga pala yung nakita nya noon. Si TOP ngayon ay ang gangster TOP, ang TOP na nakita nya noon ay ang neat looking na TOP.

"Ahahaha! What the hell?! Bwahahaha!" - Jack

"BWAHAHAHAHAHA!!" tumawa sila.

"Geez Cheska," - Six

"Bakit kayo tumatawa?" - Cheska

"Si TOP din yun eh" - Six

"HUH?!? Sigurado ka?!" - Cheska

"Si TOP lang naman ang may yellow na Lamborghini sa City na to," - Six

"Tee-hee! G-Ganon ba?" Namumula ang mukha ni Cheska "Sorry! Sorry!"

"Oh ayan, ayos na!" - Red

"Hmph!" - Audrey

Naramdaman ko ang kamay ni TOP na pumulupot sa waist ko. Idinikit nya ang bibig nya sa tenga ko at bumulong. "I swear to God, I'm gonna kill your friend. She better cut off her tongue, that gossip monger."

Pakiramdam ko hihiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko. Nagpatuloy na ulit sila sa pagkain. Parang walang nangyari ah. Si Cheska naman nakayuko lang at tahimik na kumakain. Siguro nahihiya sya sa ginawa nya kanina. Dapat lang no! Muntik na akong malagot kay TOP.

"What did you cook for me Wifey?" TOP asked me with twinkling eyes.

Hindi naman sya halatang excited. Mukha syang bata na excited magbukas ng regalo. Nagi-guilty ako! Hindi ko naman talaga luto itong ibibigay ko kay TOP eh.

"Huh? Ah eh... Ito oh! Buksan mo na," inilagay ko sa tapat nya ang pink na lunchbox. Hindi ko din alam kung anong laman nun eh!

Mabilis nyang tinanggal ang balot at takip at lumantad sa harapan namin ang... simpleng fried rice with bacon. Napakasimple lang nun. Mukhang galing pa nga sa Rice in a Box at inilagay lang sa lunchbox.

"Napakasimple naman nyan. At napaka-cheap! Mukha pang binili lang sa tabi-tabi," ismid ni Audrey.

Tinignan ko si Red. Sigurado ako binili lang nya yun. Nag-shrug lang si Red sa'kin at nagpatuloy sa pagkain. Nasa tapat namin ni TOP sina Audrey at Red.

Tiningnan ko naman ang reaksyon ni TOP. Mukha syang na-amaze sa nakita nya. Nakangiti lang sya habang nakatingin sa lunchbox. Mas lalo akong na-guilty! I'm a very bad person!

"Thank you," TOP whispered to me. Para syang bata na nakangiti sa'kin.

"Y-Your welcome," napayuko ako. I should be ashamed of myself! Pano 'ko nagawa to sa kanya?

"Tol, kakainin mo ba yan o idi-display mo sa kwarto mo? Hahaha!" - Jack

"Mukhang masarap ah!" biglang kinuha ng lalaking medyo maitim ang lunchbox mula kay TOP.

"SEVEN YOU B*TCH!!" biglang tumayo si TOP at hinabol si Seven.

"Dude! Gutom pa ako kaya pa-share ha!" - Seven

"EAT IT AND YOU'RE DEAD SEVEN!! I MEAN IT!!" TOP roared.

"Ako din patikim ng niluto ng Wifey ni TOP!" - Jack

"AH F*CK!! DON'T YOU DARE TOUCH IT!!" - TOP

At nagpaikot-ikot sila sa rooftop. Naghahabulan silang tatlo. Maya-maya nakisali na rin yung ibang myembro ng Lucky 13 maliban kina Red at Six.

"Wala naman special dun." - Audrey

"Bitchy much?" - Red

"Nosy much?" - Audrey

"Jealous much?" Red

"Me? Jealous? Of what? This thing?" tinuro ako ni Audrey

"Obvious much?" Red smirked at her fuming face

"I. Am. Not. Jealous!"

"Denial much?"

"Shut up much?!"

"Guilty much?"

"Annoying much?!"

"Bitter much?"

"Just shut up you freakin red head!!"

"Hahaha! It's such a pleasure to get under your skin my dearest sister!"

"Freak!" biglang nag-walk out si Audrey.

Confusing much? Tumingin ako kay Red nang nagtataka.

"She's my sister," paliwanag ni Red.

For the second time, nalaglag ulit ang panga ko. Magkapatid sila?! Weh?!

"Hindi kayo magkamukha," sabi ko na gulat parin.

"Hahaha! Salamat."

Tumahimik na kami ni Red. Wala akong masabi eh. At nagi-guilty parin ako sa panloloko ko kay TOP. Nakikipag-habulan parin sya sa mga kaibigan nya. Mukha naman nag-eenjoy silang lahat maliban kay TOP na mukhang malapit nang sumabog.

"PERO IMPOSIBLE TALAGA! PANO NANGYARI 'YON?!" sigaw ni Cheska.

"Sshh Cheska!" saway ni Six sa katabi nya.

"Hindi naman mukhang gangster yung sumundo kay Sam sa school eh. Neat at mukhang decent yung lalaki na 'yon! Hindi kagaya ng kaibigan mo!"

Hindi ko namalayan na tahimik na sa buong rooftop. Natigilan ang lahat.

"At ang isa pa imposible talaga na magka-boyfriend si Sam ng galing dito sa Pendleton High! Hindi sya papatol sa isang gangster lang! Hindi sila bagay na dalawa!"

"CHESKA!!" sigaw ni Six.

Sumigaw si Six at parang dun lang natauhan si Cheska. Tumingin sya sa paligid at nagulat sya dahil hindi nya akalain na nakikinig kami sa kanya.

"WAAH! SORRY! Akala ko kasi..." yumuko lang sya. "Nagulat lang ako, hindi ko kasi akalain na si Samantha... Kasi naman iba sya."

"Ano bang problema ng kaibigan mo? Badtrip," bulong ni Red.

Tinignan ko lang si TOP. Hindi ko mabasa ang iniisip nya. Cheska mas malala ka kaysa kay Audrey gumawa ng problema. Bakit kasi kailangan pa buksan ni Cheska ang bibig nya? (。-_-。)

Continue Reading

You'll Also Like

16M 74.7K 21
Available na po sa bookstores. NATIONWIDE. Grab your copy now! :) Price: P175.00 175 pages Taglish Psicom Publishing Book 1: Sadist Lover (published...
58.8M 1M 105
[Published under Summit Pop Fiction and TV Adaptation under TV5 Wattpad Presents] Si Zandra ay isang babaeng halos perpekto na pero para sa kanya, ma...
3.9M 133K 27
Isang misyon, isang hindi inaasahang pagtatagpo at isang pagkamamali na magiging dahilan ng pagbabago ng plano. Paano maitutuwid ang isang pagkakama...
5.2K 1.1K 32
Gaia Allegre is an BSEd-English student who is cage by her parents words. She always follow the rules even if it's already crossing the line of her p...