Forever, We Fall SEASON 3 (Ad...

Von Labxzaza

15.3K 965 238

Ang pag-iibigan nila winter at philip ay sinusubok ng tadhana. Naging matatag sila sa lahat ng pagsubok nguni... Mehr

DISCLAIMER
PROLOGUE
Chapter 1
THE GIFT
SPG SECOND TOUCH
The news
SPG (Warning R-18)
CAUGHT THEM TOGETHER
Angelina's Plan
Pagbabanta
Announcement
Pagkabigo
Decisions and Letting go
Fight for love
Giving Up
Blaiming Herself
Both Suffering
Waiting: Trust her
The Last Visit
Warning: Tragic Part
PAGSUBOK
BAGONG SIMULA
The Old Philip
The Buyer
Muling Pagkikita
SOLD TO Mr FALCON
His Cold Treatment
The Bravest
The Deal With The Buyer
Meet The Real Buyer
Harsh Word
Before and After
The Wedding Date
The Unexpected
The Carring Mr Falcon
Ang nakaraang pag-ibig
Pushing him away
Revealation About Lola Perla's Death
Ang katotohanan
Confrontation
Pregnancy Test
PAGTATAPAT
First night again
Mahal pa rin kita
The Unforgettable Night
Pursuing Her
Ang pag-iibigan
Visiting Lola Perla
Unconditional Love
Forgiveness And Peace
The Finale
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER

Maling Akala

374 23 4
Von Labxzaza

Chapter 40

Ashton Philip Pov.

I didn't intend to grab the DNA test when it fall on her bag, nagulat pa ako dahil hindi ko naman inaasahang pregnancy test iyon na naglalaman ng positibong resulta.

Hindi ko maiwasang mag-isip, hindi ko napigilang itanong iyon dahilan upang magtagal ang titigan naming dalawa.

"Ano ba'ng pinagsasabi mo?" Muli ay ipinasok niya iyon sa kanyang bag. Kunot ang noo nito na para bang hindi kayang sagutin ang tanong ko.

"Alam ba ni tita Elena na buntis ka?" Nilingon ako nito, her eyes was really fierce. Iyong tingin na nagustuhan ko noon sa kanya na para bang lagi siyang galit.

Ngunit imbes na sagutin niya ang tanong ko, natawa siya sabaw iwas ng tingin. Umiiling pa ito bago kagatin ang kanyang labi.

"Nagkakamali ka lang." Nagsalubong ang kilay ko sa kanyang inusal. Ngunit bago pa man ako makapag-salita, lumihis na ang tingin nito sa likuran ko bago magsalita ang lalakeng naroon.

"May problema ba?"

Doon na nabaling ang atensyon ni winter kung saan agaran siyang lumapit kay Reese. Hinawakan niya ito sa braso na naging sanhi ng pagtaas ng kilay ko.

"May importante akong sasabihin sayo." Pumaling ang ulo ko sa narinig, anong importanteng bagay ang sasabihin niya sa lalakeng to?

Hindi kaya?

Napamaang ako dahil sa naisip ko, Hindi kaya sasabihin ni winter ang tungkol sa pregnancy test?

Siya ang ama?

"Mukhang importante nga iyan." Iyon ang sagot ni reese bago tumango si winter.

"Importante nga, kailangan mong malaman to."

Tumango si Reese bago nito igaya paalis si winter. Ngunit bago pa sila makalayo sakin, hinawakan ko ang pulsuhan ni winter dahilan upang mahinto siya sa paglalakad.

"Saan kayo pupunta?" nangunot ang noo nito sa tanong ko bago bumaba ang kanyang paningin sa aking kamay. Dahil doon, nahihiya ko'ng binitawan iyon bago mag-iwas ng tingin.

"I m-mean, w-what is your lunch time?"

Nangunot lalo ang noo niya dahil sa sinabi ko. I can't explain my feelings right now, para ba'ng nahihiya na nais nang mag-walk out sa harapan nila.

"Mamaya na lang tayo mag-usap, may importante lang kaming pag-uusapan." nangunot ang noo ko nang tinalikuran niya ako. Sumama siya kay reese habang ako ay puno ng katanungan tungkol sa nasaksihan ko kanina.

Mas importante iyon?

Tungkol ba iyon sa pregnancy test na nakita ko kanina?


DAHIL sa nangyaring iyon, lumisan na ako upang magtungo ng parkinglot. Naroon lamang ako habang iniisip ang bagay na nakita ko.

Totoo ba'ng buntis siya?

Paano nangyari iyon?

Kung si reese ang ama ng batang 'yon, bakit napaka-bilis? Halos iisang buwan pa lang naman simula ng magkakilala sila, samantalang kami ay halos dalawang taon.

Natawa ako dahil sa naisip ko'ng iyon.


Hindi lamang ako makapaniwala kaya nagkakaganito ako. Para ba'ng tumatak na iyon sa isip ko na halos pasakit na ang aking ulo.


Habang nakaupo ako sa loob ng kotse, natanawan ko si reese na nagmamadali sa paglalakad mag-isa. Nagtataka ako kung bakit mag-isa na lamang ito gayong kasama lamang niya si winter kanina.

Iniwan lang ba niya ito sa itaas?

Hindi ba niya nagustuhan ang nalamang balita na buntis si winter at siya ang ama?

Natawa ako bago lumabas ng kotse, ang malas lang dahil hindi ko na ito naabutan kung saan mabilis na nitong pinaharurot ang kotse ng makasakay ito doon.

Napapabuga ako ng hangin bago mapahilamos sa mukha.

"Gag* 'yon ah." i whispered while im frowning,

Dahil alam ko'ng naroon pa si winter sa itaas, bumalik na ako sa loob upang puntahan siya. Ngunit bago ako makapasok ng elevator, nakita ko na itong pababa ng hagdan habang hawak ang bag niya.


Dahil nakita niya ako, huminto siya dahilan upang lapitan ko ito. Kunot ang aking noo bago tingnan ang itaas ng hagdan.

"Did you take this way?" nakatingin lang siya sakin na para ba'ng normal lang. Walang reaksyon o ni anong bakas na emosyon. "Bakit naghandan ka? Paano kung mahilo ka diyan?"

"Hindi naman ako nahilo, nakababa naman ako ng maayos hindi ba?"

Natawa ako sabay iwas ng tingin, sarkasmo pa rin talaga siya hangga ngayon.

"Iba na kasi ngayon, hindi ka dapat dumaan diyan lalo na't bu--" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil bumaba na ang tingin ko sa kanyang tiyan. Hindi naman na iyon halata dahil siguro nasa isang buwan pa.

Pero grabe, hindi ako makapaniwala.

"Dahil buntis ka..." i added before look at her eyes.

Kita ko kung paano siya naguluhan sa sinabi ko ngunit pinagsawalang bahala ko na lamang iyon. I sighed before bite my lower lip, ano pa ba ang magagawa ko kung buntis na nga siya.

"Mukhang hindi naging maganda ang pag-uusap ninyo ni reese."

Iyon ang sinabi ko bago siya mag-iwas ng tingin. "Ano naman ngayon sayo kung hindi naging maganda?" tumaas ang kilay ko, nagsusungit siya? Ang pagkaka-alam ko sa mga buntis ay masusungit talaga. At eto siya ngayon ay ginagawa ang pagsusuplada sakin.

Tsk.


"Bakit hindi ka man lang niya hinintay? Hinatid ka man lang sana niya."

"May trabaho pa ako kaya hindi pa oras ng uwian, gusto ko lang kumain.."

"May gusto ka ba'ng kainin?" i asked her because i have an idea what pregnants need. May pinaglilihian silang pagkain dahil nga sa pagbubuntis nila. Iyon noon ang nangyari kay shaira, ang asawa ni jacob.

"Huwag mo ng itanong kung anong gusto ko, atsaka pa. Bakit ba tanong ka ng tanong? Baka iba ang isipin ng mga taong nakakakita satin ngayon."

Umismid ako, iniisip pa ba niya iyon? Pakialam ko sa mga taong nakakakita samin ngayon. Gusto ko lang naman mapabuti siya, lalo na't walang pakialam sa kanya ang m*kong na lalakeng 'yon.

"Sasamahan na kitang kumain, i will treat you lunch today."

"Tsk, ang tigas ng ulo mo. Ayokong may malaman ang nanay mo dito, ayoko rin makita niyang magkasama o magka-usap tayo. Malapit ka ng ikasal."

"So what?" nangunot ang noo niya sa sinabi ko. "I just want to treat you, may problema ba 'don?" natawa siya ng mapait bago mag-iwas ng tingin. Nailing din siya bago ako tuluyang lagpasan at wala talagang planong sumabay sa akin.

"Hey, winter!" hindi niya ako pinansin maski tinawag ko ang pangalan niya habang nakasunod sa kanya. Hindi ito sa entrance dumaan kundi nagtungo ito palabas ng parkinglot. Alam ko naman na ayaw nga niyang may makakita sa aming iba na nag-uusap.

Pero para sa akin ay ayos lang naman kung mag-usap kami.

Anong masama sa pag-uusap?

"Ganyan ba talaga ang mood ng buntis? Ni hindi ka man lang maka-usap ng maayos, gusto ko lang naman samahan ka dahil mukhang walang pakialam sayo ang ama niyan!" huminto siya dahilan upang matigilan din ako sa paglalakad.

Hinarap niya ako, kunot ang kanyang noo na para ba'ng may nasabi akong hindi tama.

"Saan mo napupulot 'yang mga pinagsasabi mo?"

"Tsk, huwag mo ng ipagka-ila ang katotohanan. I already saw it, winter. Possitive siya, buntis ka. Bakit ba ang bilis?"

Nangunot ng todo ang noo nito. "Hindi kita maintindihan."

"Oo, hindi mo talaga ako maiintindihan. Ako rin eh, naguguluhan din ako sa sarili ko. Dapat wala na akong pakialam sayo, pero eto ako. Sinusundan ka."

Napabuntong hininga siya ngunit hindi ito nagbigay tugon sa sinabi ko.

"Alam ko namang nag-aalala ka lang kay mommy, but she's not here. Gusto ko lang masiguro na safe ka."

"Pwede ba, philip?" muli ay bumuntong hininga ito. "Pabayaan mo na lang ako, may kanya-kanya na tayong buhay. Ikaw ikakasal ka na, respetuhin mo sana ang bagay na 'yon."

"Alam mo naman ang totoo, winter. Noon pa man alam mo na kung bakit ikakasal kami, alam mo'ng wala lang iyon para sakin."

"Anong gusto mo'ng gawin ko?"


"I just want to hear your side, parang naging klaro na sakin lahat kung bakit tayo naghiwalay. Hindi ko pa nakakausap si mommy, but once i talk to her. Sasabihin ko ang nangyaring 'yon." nag-iwas ito ng tingin bago matawa.

"Hindi na kailangan, philip. Kalimutan mo na lang yon, wala ng mangyayari pa maski sabihin mo man iyon sa nanay mo, nangyari na eh. Hindi na iyon maibabalik pa."

"But i know we can go back as a friend, winter.."

Natawa siya bago ako sulyapan. "Nasisiraan ka na ba? Dati tayong magkasintahan at sinasabi mo'ng pwede tayong maging magkaibigan?"

"Why not?"

"Hindi magandang ideya iyon, hindi mo rin ako dapat kausapin pa."

Tumalikod na siyang muli ngunit wala akong planong paalisin siya dahil sobrang init na sa labas. Balak lang ba niyang maglakad?

"Matigas rin pala ang ulo ng mga buntis, uh?" natigilan siya ng hawakan ko'ng muli ang pulsuhan nito. Ngunit hindi ko na siya hinintay makapalag pa dahil iginaya ko na ito patungo sa aking kotse. Binuksan ko ang pinto nito at sapilitan siyang isinakay, wala itong nagawa kundi ang tumingin sakin hangga sa makaupo ako sa tabi niya.

"Anong ginagawa mo, philip!"

"Were almost been inrelationship for two years before, pero nirespeto kita. Im willing to wait, pero si reese? Ganon lang?" napamaang siya sa sinabi ko dahil alam ko'ng magugulat siya. Pero totoo naman, i respect her. Hindi ko siya pinilit na gawin iyon dahil alam ko'ng may pangarap pa siya.

Pero ngayon, ibang klase.

"Iyan ba ang kapalit ng pagpayag niya para hindi gibain ang paaralan? Ano ng mangyayari niyan sayo!"

"Ano naman ngayon sayo kung buntis nga ako?"


Natigilan ako dahil mas lalo akong hindi makapaniwala. Nag-iwas ako ng tingin at natatawa dahil sa ginagawa ko'ng ito. Pakialam ko nga ba? Pero hindi ko siya matiis eh, simula ng magkita kaming muli. Nagkanda-leche leche na ang isip ko.

Para ba'ng nabuhayan muli ang pagkatao ko at ang puso ko ay muling tumibok na inakala ko'ng bato na.


"Ano pa ba'ng magagawa ko? Nandiyan na yan eh, tutulungan kitang magsabi kay tita elena." nag-iwas siya ng tingin, hindi ko alam kung bakit siya natatawa ngunit nagugustuhan ko iyon. Hindi ko na yata matandaan kung kailan ko nakita ang ngiti niyang iyon.

"Kung pwede lang, willing akong sabihin na ako ang ama niyan." natigilan siya habang namimilog ang mata nitong nakatingin sakin.

"Abn*rmal ka ba!"

"What the h*ll?"

"Ikakasal ka na, tas sasabihin mo iyan! Ano sa tingin mo ang iisipin nila sakin!"

Umismid ako. "I already told you, i didn't love erica. Dahil lang naman sa kumpanya ni mommy kaya ko siya pakakasalan, but im planning to scape that wedding. Wala akong planong magpakasal sa kanya."


"Hindi mo dapat gawin 'yon, ashong! Hindi tama iyon!"

"Much better if you called me ashong again, kesa sa tinatawag mo akong abn*rmal."

Binuhay ko na ang makina ng sasakyan dahil wala naman na din akong natanggap na tugon mula sa kanya. Totoo iyon, may plano akong umatras sa kasal. Wala akong balak na pakasalan si erica, ayoko 'non. Alam ko rin na hindi iyon gusto ni erica ngunit wala lamang siyang magawa dahil nga hindi niya nais biguin ang mga magulang niya.

Kaya ngayon, ako na mismo ang gagawa ng paraan. Lahat ng naipon ko'ng pera at naipundar na ari-arian, ibibigay ko iyon sa pamilyang patria upang wala silang masabi. Kung gusto nila ay kunin na rin nila ang aking kumpanya para lamang mabayaran lahat ng utang na nasabi nila.


"Ano talagang napag-usapan niyo ni reese? Nagulat ba siya?"

Nasa kalagitnaan kami ng traffic ng itanong ko iyon. Patungo sana kami sa restaurant ngunit hindi ko malaman kung anong sanhi ng traffic ngayong araw.


"Natural magugulat iyon." nilingon ko siya dahil sa sagot niyang yon. Nakatingin siya sa bintana, at doon nakasandal ang kanyang ulo.

"Ano ng balak mo?"

"Wala."

Nangunot ang noo ko. "Anong klaseng sagot iyan?"

"Huwag mo na lang akong tanungin, naririndi na ako sayo." natawa ako bago magpatuloy sa pagmamaneho. Sa wakas ay medyo naging maluwag na ang daan kaya umusad na muli ang sinasakyan naming kotse.


"Buntis ka, dapat pinaghahandaan iyan. Dapat may plano ka, hindi lang wala."

"Wag mo na lang problemahin iyon, ang isipin mo. Kung anong mangyayari satin once na malaman ito ng mommy mo."

"I don't care, winter.." makatotohanan ang sinagot ko'ng iyon sa kanya.  Totoong wala akong pakialam malaman niya man ang ginagawa ko'ng ito, matanda na ako. They don't need to control everything what we gonna do. Lahat ginawa ko na para sa kanila, almost 6years. No, not 6years. Buong buhay ko ay halos sinunod ko sila, nakakalimutan ko na ang sarili ko kaya't para ba'ng may kulang na sakin.

And i know what it is.



Siya lang naman.



"Hindi mo talaga ako iniintindi, ashong. Alam mo, iyang mommy ay hindi ako nais makita. Para akong nakakahawang sakit para sa kanya, once she know about this. Tiyak na sasabog na naman 'yon."


Alam ko naman ang pinupunto ngayon ni winter, ang kaso lang. Ayokong iwan siya ngayon, nagugulat pa ako at nais ko'ng malaman lahat ng nangyari sa kanila. Kung may relasyon ba sila ni reese o isa lamang itong kasunduan.

Hindi yata makatarungan 'yon. Sa oras na malaman ko'ng iyon ang binigay niyang kundisyon, humanda talaga sakin ang lalakeng 'yon.


SA ISANG restaurant kami nagtungo kung saan medyo malayo sa kumpanya ni reese. Hindi rin gaanong sikat ito dahil alam ko namang ayaw ni winter na may makakita sa amin.

Um-order ako ng pagkain tulad ng kinakain namin noon. Wala lamang siyang imik na nakaupo sa harapan ko habang nakatingin sa labas na wala namang gaanong sasakyan na dumaraan.

Ilang minuto lang ang paghihintay namin ng dumating ang aming order. Tinanggap iyon ni winter kung saan nag-umpisa na siyang kumain habang nilalapag ng waiter ang ilang ulam na in-order ko.

Pansin ko'ng nagugutom siya, wala kasi itong pakialam sakin kahit na nasa harapan niya ako. Aaminin ko sa sarili na medyo nasisiyahan ako, ngayon ko na lamang kasi siya nakitang kumain na ganito matapos ng mahabang taon. Parang kailan lamang iyon at napaka-bilis ng panahon.




"Kumusta ka naman?" natigilan siya sa tanong ko habang hinahalo ko pastang in-order ko. Hindi ko siya tiningnan ngunit alam ko'ng nasa akin na ngayon ang paningin niya.

"Buhay pa naman." natawa ako sa sagot niya, nagpatuloy na ito sa pagkain na para ba'ng hindi ganoon ka-big deal ang tanong ko.

"I think your doing well this past year, sa tingin ko. Masaya ka sa pagtuturo mo."

"Masaya naman sana ako kung hindi lamang kayo umeepal." tumaas ang kilay ko.

"What do you mean?" huminto siya kung saan umayos ito ng upo sabay punas sa labi niya ng tissue.

"Tahimik lang naman ako doon eh, kung hindi lang gigibain ang paaralan. Hindi ako babalik dito para pakiusapan si reese sa issue na 'yon." hindi agad ako naka-imik sa inusal niyang iyon. Alam ko naman noon na magkikita kami, ngunit wala akong magagawa dahil iyon ang napili ng board noong nag-meeting kami.

Were a big team on that project. Malaki kasi ang espasyo ng paaralang iyon at medyo luma na. And besides that place is good for the establishments. Hindi kasi gaanong marami ang mall at store doon kaya iyon ang napiling lugar upang magtayo ng ilang gusali.


"Kung ako lang din ang masusunod, hindi ko pipiliin ang paaralang iyon. I know that school is important to you, alam ko'ng doon mo pinangarap magturo kaya naiintindihan kita."


Bumuntong hininga siya sabay iling, hindi na ito nagbigay kumento sa sinabi ko bagkus pinagpatuloy na lamang niya ang kanyang pagkain. Marami sana akong nais itanong ngunit baka naiirita na siya sa akin kaya't mas minabuti ko na lamang manahimik na.

Pasado ala-una na yata ng maihatid ko siyang muli sa company ni reese. Mapilit siya kaya wala akong pagpipilian kung hindi ihatid siyang muli doon, hindi ko sana nais siyang pumasok muna dahil baka makasama iyon sa kanya ngunit siya pa rin naman ang masusunod.

Ano ba ang karapatan ko'ng pigilan siya?

"Saan ka pupunta?" medyo mataas ang kanyang boses ng itanong iyon. Sumunod kasi ako sa kanya pagkababa nito ng kotse kaya't heto siya ay parang kakainin na ako sa galit.

"Ihahatid kita sa opisina ni isaac."


"Huwag na, ashong. Bakit ba ang kulit mo?"

"Wala ka din naman magagawa, lakad na." kumibot ang labi nito na para ba'ng nais niya pang magreklamo. Ngunit gaya ng sabi nito, makulit ako. Oo makulit nga ako dahil hindi ko siya titigilan hangga't hindi ito umuuwi sa apartment nila.

"Hindi ko alam kung anong problema mo, bakit ayaw mo akong tantanan?" naglalakad na siya ngunit panay pa rin ang pananalita nito na para ba'ng makakaapekto iyon sakin.

"Masasaktan ka talaga sakin pag hindi ka pa umalis sa likuran ko." may pagbabanta na ang kanyang tinig dahilan upang matawa ako. Hindi ko alam kung bakit parang ang angas niya pa rin talaga hangga ngayon.

"Uupakan mo na naman ba ako tulad noon?" nilingon niya ako, masama ang tingin. "It's okay for me, as long kamay mo ang dadapo sa mukha ko."


Nag-iwas siya ng tingin sabay iling, nagpatuloy na ito sa paglalakad hangga sa makapasok kami ng elevator. Ngunit bago magsara iyon, may tao ng pumasok na nagbigay kairitasyunan sa sistema ko.

"I already told you winter, huwag ka munang pumasok." iyon ang sinabi ni isaac na siyang naging sanhi upang umikot ang mata ko.

"Ayos lang naman, nag-usap na ba kayo?"

"Yes, but she's hissing me many times. Ang hirap niyang kausap."

"Ako na ang bahala sa kanya pagka-uwi ko."

"Yeah, just give me an update. You need to look an obgyne too, para sa bata."

"Ako na ang bahala doon."


Habang nasa gilid ako, hindi ko malaman kung bakit naiisip ko'ng suntukin ang lalakeng 'to. Pakiramdam ko ay naisahan si winter dahil lamang sa lupa.

Humanda talaga sakin ang montelukas na ito mamaya.


********

to be continued.....

Hay naku ashong, ano kaya mangyayari sayo once na malaman mong maling akala ka lang na buntis si winter HAHAHAHAHA.

Medyo mahaba-haba pa ang story na to, maybe chapter50. Huwag sana kayong mainip kung matagal ang update ko. Nag-seselling po kasi ako, busy akong tao HAHAHA. Pero thankyou sa inyo. Enjoy reading.

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

257K 5.8K 51
COMPLETED‼️ Eliana Chavez or Ellie is an actress and a hotel owner who still believe in the sacrament of marriage despite of fame and wealth. Zachary...
1.7K 65 13
Arrange marriage ang dahilan kung bakit kasal si Chrisian sa lalaking lihim na iniibig mula pagkabata nito. Walang problema sa lalake dahil naniniwal...
10K 614 32
Si Ashton Philip Falcon ay kilala bilang bully na binata. Maraming rin ang humahanga rito dahil sa taglay niyang karisma at dating. Sa sobrang sikat...