Forever, We Fall SEASON 3 (Ad...

By Labxzaza

15.3K 965 238

Ang pag-iibigan nila winter at philip ay sinusubok ng tadhana. Naging matatag sila sa lahat ng pagsubok nguni... More

DISCLAIMER
PROLOGUE
Chapter 1
THE GIFT
SPG SECOND TOUCH
The news
SPG (Warning R-18)
CAUGHT THEM TOGETHER
Angelina's Plan
Pagbabanta
Announcement
Pagkabigo
Decisions and Letting go
Fight for love
Giving Up
Blaiming Herself
Both Suffering
Waiting: Trust her
The Last Visit
Warning: Tragic Part
PAGSUBOK
BAGONG SIMULA
The Old Philip
The Buyer
SOLD TO Mr FALCON
His Cold Treatment
The Bravest
The Deal With The Buyer
Meet The Real Buyer
Harsh Word
Before and After
The Wedding Date
The Unexpected
The Carring Mr Falcon
Ang nakaraang pag-ibig
Pushing him away
Revealation About Lola Perla's Death
Ang katotohanan
Confrontation
Pregnancy Test
Maling Akala
PAGTATAPAT
First night again
Mahal pa rin kita
The Unforgettable Night
Pursuing Her
Ang pag-iibigan
Visiting Lola Perla
Unconditional Love
Forgiveness And Peace
The Finale
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER

Muling Pagkikita

184 14 3
By Labxzaza

Chapter 23

Third Person Pov.

Alam ni winter na maaari 'ngang mawala ang paaralang pinapasukan niya. May posibilidad na manalo ang taong may nais bumili ng lupa dahil nga sa lagay ng mga gusali, ngunit iniisip rin naman niya ang mga bata. Alam niyang magagawan iyon ng paraan at hindi kailangang ilipat ang paaralang kinalakihan na niya.

Marami na siyang alaala doon, napamahal na siya sa paaralan at hindi pwedeng ganun na lang. At saka, bakit naman papayag ang gobyerno na ilipat ang paaralan? Ganoon ba kalaki ang ibabayad nila para magpatayo muli ng bago?

Maganda naman sana ang ideya nila, ngunit para kay winter. Ang paaralang ito ay hindi niya kayang isuko, hindi niya maaaring hayaan na mawala iyon kahit na alam niyang wala siyang magagawa.

"Hindi namin napag-usapan kanina kung sino ang totoong buyer. Ang sabi kasi nila, hindi pa iyon pumupunta dito, may isang abogado lang na nagsabing magpapatayo muli ng bagong paaralan.." tumango si papa sa sinabi ko. Nakasakay na kami sa aming multicab kung saan patungo kami ng bakery upang sunduin na si mama. Nauna kasi akong umuwi sa kanya kanina, at saka. Hindi naman na siya pwedeng umalis lalo na't kung maraming bumibili.

Hangga alas diyes lang naman din open ang bakery. Ang dalawang empleyadong matitira ang sila ng magsasara mamaya. Matagal na rin naman na silang kasama ni mama kung kaya't pinagkakatiwalaan na niya ang mga ito.

"Maraming hindi sasanang-ayon kung ililipat ang paaralan. Halos ilang dekada na 'yon, doon pa nag-aral ang lola mo.."

Tumango ako sa sinabi ni papa. "Oo nga po, pero kung lalabas ang ilang magrereklamong mga magulang. Baka tuluyan na nilang isara iyon.."

"Tama ka, wala tayong magagawa kung iyon nga ang mangyayari."

"Pero hindi po ako papayag, kung pwede ko'ng pakiusapan ang buyer na 'yon, gagawin ko. Kukumbinsihin ko siyang huwag ng gibain ang mga gusali, alam ko'ng iba lamang ang ipapatayo nila sa lugar ng iskwelahan, kaya't hindi ako papayag."

Hindi na sumagot si papa sa sinabi ko. Kilala din naman niya ako, sa oras na sinabi ko ang isang bagay. Gagawin ko, lalo na't kung dapat iyong ipaglaban.

NANG marating namin ang bakery. Nakahanda na si mama at talagang hinihintay na lamang niya ang pagdating namin. Hindi na kami bumaba ng sasakyan dahil agaran na siyang pumwesto sa likuran. May mga dala siyang bag at doon inayos niya iyon sa tabi niya.

"Tara na, medyo makulimlim. Baka abutan pa tayo ng ulan.."

Tumango si papa. "Hindi pa ba sila magsasara?"

"Ipapa-uubos lang nila ang mga natirang tinapay, uuwi na rin sila.."

Hindi naman na gaanong marami ang natitira. Minsan kung meron man, pinapauwi na lang iyon ni mama sa kanila. Hindi naman na lugi 'non si mama, kung tutuusin. Marami naman na siyang kinikita, si mama na rin ang nag-asikaso ng bakery dahil simula ng magtrabaho ako bilang guro. Hindi ko na iyon naasikaso pa, si papa ay abala din sa farm kung kaya't kanya-kanya kami ng pinagkaka-abalahan sa ngayon.

Kinabukasan, nang umaga 'ding ito. Maaga akong nagising upang tulungan si mama tumungo ng bakery. Sabado naman na ngayon, wala din naman na akong abalang gagawin at kung meron ay bukas ko na lang iyon aasikasuhin.

"Alam mo, sa oras na mabili nga nila ang kabuuan ng lupa nitong paaralan.
Madadamay itong pwesto ng bakery hangga doon sa paradahan.." nasa loob na kami ng bakery, dumating na rin ang tatlong nagmamasa ng tinapay kaya't medyo maraming ginagawa. Kasama na rin namin ang dalawa pang nagbabantay ng bakery habang pinag-uusapan namin ni mama ang tungkol sa lupa ng iskwelahan.

"Kung ganon po pala, maam. Pwedeng mailipat din itong baked shop kung saan din ang paaralan?" nagkibit balikat si mama sa tanong ng isang empleyado namin.

Hindi rin naman na ako nagbigay imik, ngunit sa kaloob-looban ko mismo. Tumututol iyon, kahit na mayaman ang makabibili ng lupang tinirikan nito. Wala pa rin siyang karapatang burahin ang paaralan kung saan na ito naunang napatayo.

Bakit itong paaralan pa ang naisipan nilang gibain?

Marami naman ng lumang bodega o maalwalas na lupa sa tabi na pwedeng pagtayuan ng negosyo.

Hindi ako makapag-isip ng ibang dahilan kung bakit ito pa ang nakita nila.

"Balita ko nga po, mayaman daw ang bibili ng lupa. Akalain niyo po, malaki ang paaralang ito. Maraming gagastusin dahil magbibigay pa ng pera ang buyer para magpatayo muli ng bago, pero hindi pa nga naman po sigurado.."

Napabuntong hininga ako. "Huwag na lamang sanang matuloy. Magbibigay naman na ng pondo ang gobyerno upang mag pag-gawa ng bagong gusali, nag-hihintay rin kami ng ilang donations.."

"Oo nga po, maam winter. Pero po, baka naisip nila na mag-patayo ng bago. Na baguhin po ang lahat para mas maging safe po.."

"Hindi pa rin ako sang-ayon, mas gugustuhin ko'ng narito ang paaralan. Hindi ba't diyan na rin naman na kayo nag-aral? Hindi ba kayo malulungkot kung ang kinalakihan na nating paaralan ay aalisin na riyan?"

Hindi sila nakasagot sa sinabi ko. Hindi ko rin naman na alam kung anong nasa isip nila, malay ko ba kung taliwas ang nasa isip ko at ng sa kanila.

Muli ay napabuntong hininga ako. Dahil hindi na rin sila sumagot. Pumasok na lamang ako sa loob upang tingnan ang mga nagmamasa ng harina. Doon ako pumwesto upang tulungan sila, nagsuot ako ng apron at itinali ang aking buhok. Naglagay din ako ng hair-net upang hindi mahulog ang hibla ng aking buhok.

Dalawang lalake sila at isang lalake, taga-rito lamang sila kung kaya't kakilala ko na ang mga ito.

Matanda ako sa kanila ng ilang taon kaya tinatawag nila akong maam o ate. Hindi naman na din ako nagrereklamo, ayos lang naman din sakin kung anong itawag nila, kung saan sila kumportable.

HALOS dalawang oras natapos ang pagbabaked namin ngayon. Marami silang nagawang tinapay dahil na rin sabado ngayon, mabenta kasi tuwing sabado. Lalo na sa araw ng linggo dahil nalalapit lang din ang bakery na ito sa plaza.

Maganda ang view ng paaralan, kahit naman na nasa probinsya kami. Maraming magagandang tanawin ka namang makikita. Ang kaso lang, isa pa'ng reason iyon kung bakit gusto nilang ilipat ang school. Masyado daw kasi itong malapit sa mga distraksyon. Kaya't binabalak nila itong ipatayong muli doon malapit sa simbahan, kung matutuloy ang pagbili sa lupa.


"May mga visitors sa school ngayon, maam. Wala po ba kayong meeting?" nangunot ang noo ko sa sinabi ng isang tindera. Kalaunan ang umiling ako dahil sabado ngayon, kung may pagpupulong man ay magpapadala sila ng mensahe sakin.

"Bisita ba? Dumating ngayon?"

Hinubad ko na ang apron bago hilain pataas ang hair-net. Nakatingin na ako sa labas, malapit lang naman na kasi ang paaralan dito kaya't tinatanaw ko ang bungad ng school.

"Ang sabi ng isang bumili kanina, iyon daw ang bibili sa lupa. Nandito siya para tingnan ang kabuuan ng lugar." natigilan ako ngayon sa sinabi niya. Kung ganon, narito na siya upang tingnan nga ang lupang iyon. Seryoso ba talaga ang taong ito na bilhin ang lupa?

"Oh, saan ka pupunta?" nilingon ko si mama ng magtanong ito. Binuksan ko kasi ang pinto at hindi na sinagot ang tindera namin. Balak ko sanang tingnan ang mga sinasabi niyang dumating upang kumpirmahin kung sila ba talaga ang nagkakaroon ng interest sa lupa.

"Makiki-balita lang po ako, babalik din ako.."

Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin ni mama. Dahil interesado akong makilala kung sino ang mga taong bibiling iyon, pumunta talaga ako sa bungad ng paaralan at nakisama sa mga taong nakiki-isyoso sa labas.

May dalawang sasakyan sa harapan. Parehong puti iyon at masasabi ko nga na baka mayaman nga sila. Ngunit kung mayaman nga ang mga ito, bakit sila dito kukuha ng lupa? Ano ba'ng balak nilang ipatayo sa lugar namin.

"Taga manila po pala sila.." nilingon ko ang isang lalake, tricycle driver siya dito at iyon ang sinabi niya sakin.

"Manila po?" tumango siya.

"Iyon ang balita, baka magpapatayo sila ng maliit na mall dito. Pero hindi pa sigurado, baka kasi hahatiin ang lupa kung sakaling mabili nila ito.." marahas na napabuntong hininga ako. Hindi nila ito pwedeng gawin.

"Hindi po maganda ang ideya nila, dapat humanap na lang sila ng libreng lupa. Iyong walang nakatirik na ano 'mang gusali, bakit ito pa ang diniskitahan nila?"

"Iyon nga eh, nalulungkot din ako. Pero sa mga tulad natin, wala tayong magagawa. Mas lalo siguro kayong malulungkot dahil guro kayo diyan sa paaralan.."

Hindi ako sumagot sa sinabi niya, nag-iwas na lamang ako ng tingin at doon pilit tinatanaw ang mga ilang lalakeng kumukuha ng litrato sa loob.

Dahil nakita ko ang guard sa gate, lumakad na ako palapit doon. Pagkakita pa lang niya sa akin ay ngumiti na ito sabay bati sa akin.

"Good morning, maam. Papasok po ba kayo?" tumango ako, nakangiti.

"Opo, sino po ba ang mga nasa loob?"

"Narito po sila teacher grace at lilian. Kasama po sila ni mr principal.." tumango ako. Tuluyan na nga ako nitong pinapasok bago niya pagbawalan ang ilang taong nakisabay sa akin. Malamang nais rin nilang alamin kung sino nga ang bibili sa paaralang ito, ngayon pa lang. Minumura ko na siya sa isip ko, kung pwede lang ay tirisin ko na siya upang hindi na makapunta dito.



Dumiretso ako sa opisina dahil inaasahan ko na 'ngang naroon sila. Naabutan ko nga ang dalawang co-teachers ko doon na nag-uusap. Nabaling ang atensyon nila sa akin ng lumapit ako, may dismasyong mukha na naka-usbong sa kanila na batid ko'ng may ihahatid silang masamang balita sa akin.

"Winter, buti at nandito ka.." lumapit ako sa mesa nila, hindi na ako naupo kundi nakatayo lang dahil nais ko ng malaman kung may masamang balita nga.

"Sino ang mga taong pumunta rito? Nasaan sila?"

Bumuntong si hininga si teacher grace. "Dumating iyong bibili sa school na 'to. Sinusuri niya ang buong lugar at kumukuha siya ng ilang litrato upang ipadala iyon sa gobyerno. Alam mo, naiinis ako sa lalakeng 'yon. Feeling ko, kukumbinsihin niya ang mga iyon upang tuluyan nilang ibigay sa kanya ang lupa!"

Napahilamos ako sa aking mukha. Kalaunan ay marahas na bumuntong hininga habang iniisip ang nangyari.

"Nasaan na ba sila? Kailangan ko'ng makausap ang taong iyon. Hindi pwede 'to! Paaralan natin ito, oo at maganda ang ideya nilang magpatayo ng bago, kaso marami ng henerasyon ang paaralang ito. Hindi iyon pu-pwede!"

Tumango silang dalawa sa sinabi ko. "Tama nga iyan, winter. Hindi rin ako sang-ayon. Ang tagal ko kayang ninais na makapag-turo dito, hindi nga maaari na iyon na lamang ang gawin nila dahil may pera lang sila!" tumango ako sa sinabi ni lilian.

"Puntahan natin sila, kailangan natin makausap ang taong iyon. Kukumbinsihin lang natin siya, subukan lang natin." mabilis na sumang-ayon sila sa sinabi ko. Iyong principal kasi namin, gustong-gusto niya ang ideyang ibenta nga ang lupang ito. Palibhasa ay bago pa lamang siyang principal dito, pero kung iyong dating principal ang siyang namamahala dito. Tiyak na hindi rin siya papayag tulad namin.


Sa hallway kung saan nilalakad namin ang kahabaan nito upang pumunta sa harapan ng stage. Naroon kasi ang ilang kumukuha ng litrato habang ang principal namin ay may kausap na matangkad na lalake at isang babae.

Hindi ko sila mamukhaan, may salamin kasi iyong lalake habang nakatagilid ito. Samantalang iyong babae ay may suot na kulay dilaw na bistida.

Nauuna ako sa paglalakad, habang ang dalawa ay nakasunod sa akin dahil tulad ko. Hindi rin sila kumbinsidong mawala ang paaralan.

Ngunit ng makita ko ang pamilyar na mukha ng babae. Tila ba biglang umatras ang tapang ko, ang paa ko'y tila ba napako sa kinatatayuan ko habang nakikita siya ngayon.

Marahan na napalunok ako. Natanawan ko na rin ang katabi niyang lalake na ngayo'y may sinasabi sa principal namin. At habang pinagmamasdan ko siya, doon ko napag-alaman na kilala ko ang kanyang tindig.

Kilala ko ang galaw niya maski ang likuran nito.

"Winter, halika na. Naroon na sila, akala ko ba'ng kakausapin natin sila?"

Dalawang beses akong kumurap bago lumunok muli. Kalaunan ay wala sa sariling tumango ako bago sila magpa-unang lumakad, sinubukan ko namang sumunod hangga sa mapansin na kami ng principal. Tinawag niya si grace dahilan upang tuluyan na nga kaming lumapit sa kanila.

Alam ko sa pagkakataong ito'y nakatingin na siya sakin. Ngunit hindi ko sinalubong ang mga titig niya, ayokong tumingin sa kanya. Naguguluhan ako, bakit siya narito?

Siya ba ang bumabalak na bumili sa lupang ito?

Bakit?

Anong motibo niya?

Sa lagay niya ngayon, alam niyang dito ako magtatrabaho. Nasabi ko na iyon sa kanya noon, ngunit bakit ganito?

"Sila ang mga tatlong guro dito, ito ay si maam grace at lilian. Ito naman ay si maam winter, magkakasunod lamang sila ng baitang.." hindi ako nagbigay imik ng ipakilala kami ng principal, samantalang ang dalawa ko'ng kasama ay binati pa ang dalawang bisita na siyang hindi ko gagawin.

Ngayong nakilala ko na kung sino ang buyer, tila ba nagkaroon ng maraming tanong sa isip ko. Posible ba'ng ginagawa niya ito upang tuluyang mawala sa amin ang paaralan, iyon ba ang iniisip niya?

"Winter? Winter Villapania?" nag-angat ako ng tingin sa babaeng kasama ni philip. At doon, tuluyan na 'ngang nagkasalubong ang mata namin. Wala na itong suot na salamin, mula sa kinatatayuan ko. Saksi ako sa matinding pagbabago ngayon ni philip.

Hindi ko inaasahan ito.

Hindi ko na inisip na muli pa kaming magkikita dahil wala na rin naman akong balak pa'ng tumungo ng manila. Ngunit bakit kailangan niya pa'ng pumunta dito? Para saan, at bakit bibilhin niya ang lupang ito?

Nais niya ba'ng magtayo ng negosyo dito?

Sinasadya niya ba ang lahat ng 'to?

Siya ang nag-iwas ng tingin at hinawakan sa pulsuhan si erica. Doon na siya binalingan ng tingin ni erica bago may ibulong si philip, dahil sa nangyari. Nag-iwas rin ako ng tingin. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko, alam ko'ng anim ng taon na ang lumipas. Matagal na 'yon, at kung may nakaraan man kami. Hindi ko na iyon kailangang isipin pa.

"We're going back here when the papers are approved. Thankyou for your time." iyon ang siyang sinabi ni philip, kakaiba na siya. Mas lalo siyang naging lalake sa paningin ko, his aura was become more attractive. Ang pananalita niya, ang tindig nito. Ang buong katawan niya, ang mga mata nitong kay lalim ngunit kay gandang tingnan.

Isa lang ang masasabi ko.

Philip is look succesful now, hindi na tulad ng dati. Noong huli ko itong makita, wala na iyon sa dating niya. Para ba siyang isang lalake na mayroon lahat, wala akong masabi kundi bukod tanging paghanga lang dahil sa nakamit niya ngayon.


Nagpaalam ang dalawang kasama ko sa kanila, samantalang ako'y hindi na nagkaroon ng imik. Hindi rin naman na ako nila pinansin, maging siya'y hindi na ako tiningnan. Umakto itong hindi ako kilala, na para ba'ng wala kaming pinagsamahan noon.

Marahas na natawa ako, ano ba'ng aasahan ko? Na ngingitian niya ako matapos ng lahat? Na kakausapin niya ako at sasabihin 'Winter, i'm succesful now.'

Napailing ako dahil sa tumakbong iyon sa isip ko. Maging sila teacher grace at lilian ay tinanong ako kung bakit hindi ko ito kinausap.


"Ang gwapo nga sana niya, kaso naiinis ako. Lalo na doon sa fiancee niya, tsk.." natigilan ako habang nakaupo na ngayon sa office. Alam ko naman na noon pa ay gusto na ni mrs angelina si erica, ngunit alam ko'ng walang gusto si philip dito dahil nasabi niya noon na kaibigan lamang niya si erica.

Ngunit, hindi ko naman na masasabi ang panahon. Malay ko ba kung nakumbinsi siya ni mrs falcon. Malay ko rin kung tuluyang ng nagbago si philip at sinubukan niyang mahalin si erica.

Makakabuti nga naman na iyon sa negosyo nila, bakit pa ako magugulat. Dapat masaya ako, dahil kahit iniwan ko noon si philip. Nagawa niyang mag-umpisang muli, kinaya niya na wala ako kaya't dapat lang na hindi ko na iyon isipin pa.

Ang kailangan ko'ng gawin, ipagpatuloy ko ang aking plano na kausapin siya tungkol sa pagbili nito ng lupa. Kailangan ko itong tanungin, hindi bilang dating kasintahan noon. Kundi bilang stranghero.


Kung iyon na ang nais niya at ginagawa ngayon, iyon na rin ang siyang itatatak ko sa isip.

Iisipin ko'ng ibang tao na siya, at hindi na ang dating nakilala ko'ng ashong.

********

To be continued....





Continue Reading

You'll Also Like

227K 4.8K 23
Denzo is destined to be Lezil's husband, but he can't give up Sandy, his girlfriend, just because of what his parents planned about marrying other wo...
49.2M 1.4M 67
Highest Rank: #1 in Romance, #1 - painting, #1 - heartbreaker, #1 - one-sidedlove, #1 - unrequitedlove, #1 - engagement *********************** Still...
50M 2M 38
Hadley Jamison doesn't know what to think when she hears that her classmate, Archer Morales, committed suicide. She didn't exactly know him, but that...
958K 33K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.