Beautiful Dance

Por nininininaaa

4.3M 106K 14.4K

[SARMIENTO SERIES #3: DANCE TRILOGY] BOOK 1: If words fail, actions speaks. Vini Sarmiento is a leader of the... Mais

Beautiful Dance
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 8 (Re-Upload)
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 28 (Re-Upload)
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue
Decision
Book Two
ANNOUNCEMENT!
Author's Announcement:

Chapter 6

122K 3.2K 616
Por nininininaaa


Chapter 6
Pawis

Pirmi lang akong nakadilat ngayon habang nakahiga sa kama ko at nakatingin sa ceiling ng maliit na kwarto ko.

Hindi ko alam kung totoo ba o panaginip kong inaya ako ni Vini na maging partner nya sa long assigment namin.

"Will you be my partner?" seryoso nyang tanong sa akin habang nakatingin sa akin ng diretso.

Panandalian akong napatanga't nawalan ng pag-iisip ng dahil sa tanong nya sa aking hindi ko masagot-sagot.

Limang salita lang ang bumubuo sa tanong nya pero parang napaka-komplikadong sagutin. Hindi ko alam kung papayag ba ako o hindi. Ang daming biglang pumasok sa utak ko ng dahil lang sa simpleng tanong nya.

Partner lang naman sa long assignment, Bella. Wala naman ng ibang dahilan eh.

"Bella.." tawag nya ulit sa atensyon ko.

Napa-angat naman ako ng tingin sa kanya na ngayo'y diretsong nakatingin pa rin sa akin.

"Is it okay with you?" marahang tanong nya sa akin.

"H-Huh?" nauutal kong sabi dahil hindi parin ako makapaniwala at gusto kong makasigurado kung tama bang inaya nya akong maging partner nya.

"Partner. I mean, tayong dalawa. You and me." putol-putol na sabi nito habang tinuturo ang sarili nya't ako. "Okay lang ba?" ulit nya sa kanyang tanong.

"Uhm.. Oo naman." sagot ko't ngumiti sa kanya.

Napangiti naman sya sa akin at pakiramdam ko'y nililipad na ako ng dahil sa ngiti nyang pinapakita sa akin.

"The Welcoming Masquerade Party is for the freshmen of our department." pambungad ni Gray. "But in this masquerade party, we made a twist. Instead na lahat ay magma-masquerade, this time, ang mga lalaki lang ang magma-masquerade and the girls will show their face." pag-eexplain nito.

Hindi ko alam kung dapat pa ba akong makinig dahil hindi ko naman sigurado kung makakapunta ako sa masquerade party na 'to.

Unang-una, wala akong damit na ma-isusuot. Wala rin akong make-up. Pangalawa, masyado ng gabi at baka mag-alala sa akin si nanay. At pangatlo, hindi ko naman gawain ang pumunta sa mga ganito.

"In the midst of the party, a bell will ring and it's a cue that the boys will get the girl they like at the party. Bawal ang babae mag-aya." ani Gray na ni-eexplain ang pinaka-main part ng event. "You two will dance until the song ends. Tapos may magc-countdown starting from ten. Pag nakarating na sa one, the boys will remove their mask at magpapakilala sa girl." pagpapatuloy nya. "This is just a game na inihanda namin para maging magka-close din ang mga opposite sex." paliwanag nya.

Pakiramdam ko'y mas lalo akong nagkaroon ng dahilan para hindi umattend sa party na 'yan ng dahil sa sinasabi nyang main event ng party.

"Everyone's required to attend and there will be an attendance that's why dont try not to attend." sabay kindat nito sa amin.

Napahinga nalang ako ng malalim at nag-isip na kailangan ko ng maghanap ng pwede kong mahiraman ng damit para sa party na 'to dahil mukhang wala na akong kawala.

"That's all for now orgmates! Let's just start dancing next week." ani Gray at saka tumalikod upang ayusin ang kanyang gamit.

Nagsitayuan na rin ang iba at kasama na rin ako doon na tamad pang kinuha ang aking bag sa pag-aakalang sasayaw kami ngayon pero puro rules lang ng organization at pati ang tungkol sa party lang ang ni-discuss nya sa amin.

"Bella, wait!"

Mabilis akong napatigil sa paglalakad at humarap kaagad sa pamilyar na boses na tumawag sa pangalan ko't nakitang papalapit na sa akin si Vini.

"Oh. Vini." sambit ko sa kanyang pangalan.

"You dont have classes tomorrow right?" tanong nya sa akin.

"Uh.. Oo." tumatango-tangong sagot ko sa kanya.

"That's good then." masayang untag nya. "I dont have classes tomorrow too. Let's do our assignment tomorrow."

"Oo nga pala! Yung assignment." gulat kong sabi dahil nawala na sa utak ko yung long assignemnt na by partners ng dahil doon sa masquerade party.

He huskily chuckled at pakiramdam ko'y sulit na ang pandinig ko ng marinig ko ang tunog ng kanyang tawa.

"So, san tayo gagawa?" bigla nyang tanong. "My place or your place?"

Nanlaki naman ang aking mga mata sa tanong nya sa akin.

Kung sa kanila kami gagawa, nakakahiya naman dahil ka-babae kong tao tapos pupunta ako sa bahay ng lalaki kahit na sabihing gagawa lang ng assignment, nakakahiya pa rin at ang pangit tignan. Kung sa amin naman, nakakahiya rin ang itsura ng bahay namin. Pero okay na rin dahil kahit maliit naman ang bahay namin, malinis naman doon at walang amoy.

"Hey, uhm, you look so flustered." biglang pagsasalita ulit ni Vini. "If you want, dito nalang tayo sa school--"

"Ha? Hindi! Hindi!" agad kong pagputol sa kanya. "S-Sa bahay nalang namin." dagdag ko.

"Are you sure?" paninigurado nya sa akin na kung tignan nya ako'y parang binabasa nya pa ang expression ko.

Ngumiti naman ako't tumango. "Oo naman!" untag ko. "So, uhm.. Kita nalang tayo samin bukas." sabi ko nalang sa kanya't tumalikod upang magsimula na muling maglakad ng hawakan nya ang aking papulsuhan upang mapigilan.

Unti-unti naman akong lumingon sa kanya at nakita kong nakangiti pa rin sya sa akin.

"Pano tayo magkikita bukas if I dont where your house is?" natatawang tanong ni Vini sa akin.

Parang gusto kong sapukin ang sarili ko nang dahil sa katangahan ko. Sa sobrang pagkailang ko sa kanya't gusto ko ng makaalis ay hindi ko pa nasabi sa kanya kung saan ang bahay namin.

"Ah. Oo nga pala." pinilit ko ang sarili kong matawa sa katangahan ko. "I-tetext ko nalang sayo kung saan ang bahay namin. Baka kasi hindi mo matandaan."

"Okay then." sabi ni Vini at muli akong tumalikod. "Uh.. Bella." tawag nya ulit sa akin.

Muli akong humarap sa kanya. "Hmm? Bakit?" naiilang na tanong ko sa kanya.

"I dont have your number. Do you know mine?" sabi nya sa akin at muli naman akong natawa sa katangahan ko't hiyang-hiya na ako sa kanya.

"I-didikta ko nalang number ko sayo." sabi ko nalang sa kanya.

"Oh. Okay." aniya't kinuha ang cellphone nya sa kanyang bulsa't may pinindot saka nag-angat ng tingin sa akin. "Your digits please." marahang sabi nya sa akin.

Hindi ko alam kung bakit nanginginig pa ang aking boses habang dinidikta ko sa kanya ang number ko.

"Sige. Text mo nalang ako." nakangiting sabi ko kay Vini saka mabilis na nagpaalam upang makauwi na.

Napabalikwas naman ako sa aking kama't napabangon ng tumunog ang aking cellphone at nabasa ang mensahe sa akin ni Vini.

From: Vini Sarmiento

I'm on my way.

Halos maihagis ko na ang cellphone ng bumangon ako sa aking kama at kumuha ng damit sa aking aparador. Nagmadali akong pumunta sa banyo namin at naligo.

Pagkatapos kong maligo'y nagbihis ako ng simple ngunit presentableng damit upang hindi ako magmukhang basahan sa kanyang harapan.

From: Vini Sarmiento

I'm already here. Are you awake?

Kinagat ko naman ang aking ibabang labi habang natitipa ng reply sa kanyang mensahe.

To: Vini Sarmiento

Gising na ako. Wait lang. :)

Message sent!

Muli akong tumingin sa harapan ng salamin bago napagdesisyunang bumaba na upang mapagbuksan ng pintuan si Vini dahil bukas naman ang gate ng compound namin twing umaga.

Pagkabukas ko ng aming pintuan ay nagulat ako ng bumungad sa akin si Rachel.

"Rachel." gulat na sambit ko sa kanyang pangalan.

"May naghahanap sayo eh." aniya sabay tingin sa kanyang likuran at nakita ko doon si Vini na naglalakad papalapit sa amin.

Nakasuot sya ng puting khaki shorts, black and white stripes na v-neck shirt at merong dala-dala na kung ano habang ang kanyang backpack ay nakasabit sa kanan nyang balikat.

"Thank you." nakangiting sambit nya kay Rachel.

"A-Ah.. You're welcome." nauutal na sagot ni Rachel na tila hindi makatingin ng diretso kay Vini. "Sige na. Una na ko, Bella. May pasok pa ako." sabay paalam nya sa akin at halos patakbo ng lumabas ng aming compound.

Hindi ko alam kung bakit ako nababahala sa pinakitang kilos ni Rachel kanina sa harap ni Vini. Para bang ayokong magkita sila't magkausap na hindi ko alam kung bakit.

Napalingon naman ako kay Vini na nakatingin lang sa akin na para bang kanina nya pa ako hinihintay na pansinin sya.

"U-Uhm, pasok ka." aya ko sa kanya.

Binuksan ko ng malaki ang aming pintuan upang makapasok sya't akmang tatanggalin nya ang kanyang sapatos bago sya pumasok ng pigilan ko sya.

"Wag mo ng tanggalin. Baka hindi ka sanay ng nakayapak sa loob ng bahay. Ayos lang naman." sabi ko sa kanya.

"Nope. It's okay." aniya't pinagpatuloy ang pagtatanggal ng sapatos nya. "Ayoko namang madumihan yung bahay nyo." dagdag nya.

"Sus! Baka nga mas malinis pa bahay nyo." medyo natatawa ko pang sabi sa kanya.

"It's clean pero magulo." natatawa nya ring sabi. "My mom's and Lauren's voice are echoing around the house. Makulit silang dalawa."

"Eh pano yung daddy mo? Makulit din ba sya?" tanong ko sa kanya.

"Wala sya lagi sa bahay dahil sa business namin pero pag umuuwi naman sya nakikipaglaro sya kay Lauren or makikipaglambingan kay mommy. Minsan, boy talk kami. Something like that." sagot nya sa akin.

Hindi ko maiwasan ang mainggit sa pamilya ni Vini dahil kumpleto sila't nadagdagan pa dahil kinasal na ang ate nya. Ano kaya ang pakiramdam ng magkaroon ng isang ama?

"Hey.. Uhm.. Are you okay?" sabay hawak sa akin ni Vini sa braso.

"O-Oo naman." nauutal kong sabi't ngumiti sa kanya. "Tara na. Gawin na natin 'tong assignment na 'to." aya ko sa kanya.

"Wait." aniya't inangat ang dala nyang nakita kong brownies pala ang dala-dala nya. "Where can I put this?" tanong nya sa akin.

"Para san ba yan?" tanong ko sa kanya't kinuha ko upang ilagay muna sa ref namin.

"I dont want to come empty handed kaya nagdala ako ng pagkain since first time ko rin makapunta sa bahay nyo." sagot nya sa akin at napalingon ako sa kanya.

"Para samin 'to?" tanong ko sa kanya.

Nakangiting tumango naman sya sa akin. "Yep and uhm, ito pang tomato juice. Ngayon ko lang naalalang ibigay sayo." saka inangat din yung isa pang paper bag na dala nya na may lamang dalawang bote ng tomato juice. "It's good for a month or two, I think. It depends how much you drink it."

"Thank you pero.. hindi mo naman ako kailangang bigyan nyan eh." sabi ko nalang sa kanya. "Kahit wala kang dala, okay lang."

"No way." agad nyang sabi. "I want to respect your house by bringing something." paliwanag nya.

"Hmm, okay.." sabi ko nalang. "Uh, akin na yan. Ilalagay ko na sa ref." at akmang lalapit ako sa kanya upang kunin 'yon nguniti inilayo nya 'yon sa akin.

"Let me bring it. Medyo mabigat 'to." pagp-prisinta nya.

"S-Sige." nauutal na pagpayag ko. "Tara sa kusina." pag-aya ko sa kanya't nauna na sa paglalakad.

Binuksan ko na ang ref na halos puro tubig lang ang laman at nilagay ang brownies na bigay nya.

"Lagay mo nalang dito." turo ko sa kanya sa medyo babang parte ng ref namin.

"Okay." at sinunod nya ang sinabi ko.

Nauna ko na syang pinabalik sa kusina't nagtimpla muna ng juice at naglabas ng ilang tinapay na meron sa amin upang may maipakain ako sa kanya pati na rin ang mami ni nanay na sinabi nyang ipakain ko sa bisita ko.

"Thank you." pagpapasalamat nya sa akin ng ilapit ko sa kanya ang pagkain na dala ko.

Nginitian ko nalang sya at nilabas ko na rin ang papel kung nasaan ang assignment namin.

Tinignan ko naman ang mga sasagutan namin at madali lang naman ito. Sadyang marami lang talaga kaya nagmumukha itong mahirap.

"I'll do all the back pages. Ikaw na sa front pages." ani Vini ng tinignan nya rin ang mga sasagutan namin.

"Hmm sige." pagpayag ko dahil fair naman ang hatian na ginawa nya saka ko kinuha ang ballpen ko't nagsimula ng magsagot.

Ganon din ang ginawa nya't nagsimula na rin syang magsagot na tila tinititigan nya lang ang tanong saka kunting solution pagkatapos ay binibilugan na nya ang final anwer.

"Hmm. Ang sarap naman nito."

Napa-angat ako ng tingin sa kanya at nakita kong kumakain sya ng mami ni nanay saka hinihigop pa ang sabaw nito.

"San mo 'to nabili?" nakangiting tanong nya sa akin habang patuloy lang sa pagkain.

"Gawa 'yan ng nanay ko." proud kong pagsagot sa kanya.

"Oh." aniya't inubos na ang mami. "Nasan ba ang nanay mo?" tanong nya sa akin.

"Nagt-trabaho doon sa karinderya namin." sagot ko sa kanya't inabutan ng tissue dahil may tumutulong sabaw sa may bandang baba nya.

"Thanks." aniya't kinuha sa akin ang tissue upang punasan ang kanyang mukha na saka ko lang napag-alamang pinagpapawisan na pala sya.

"Nako! Pasensya ka na kung mainit ha? Wala naman kasi kaming aircon." nahihiya kong sabi sa kanya't kinuha ang pamaypay malapit sa tv. "Magpaypay ka nalang kung wala talagang talab yung electricfan namin." sabay lagay ko sa harapan nya ng pamaypay.

"No, it's okay. I'm fine." ngiti nya sa akin at muling bumalik sa pagsasagot.

Ngumiti nalang din ako sa kanya't nagsimula na ulit magsagot. Nang maramdaman kong tumutulo na rin ang pawis ko'y pupunasan ko na sana ng biglang may nagpunas nito para sa akin.

Napatingin ako kay Vini na patuloy lang sa pagpupunas ng pawis ko gamit ang kanyang panyo saka kinuha ang pamaypay na binigay ko upang paypayan ako.

"Magsagot ka lang dyan. Papaypayan kita." sabi nya sa akin ng makitang napahinto ako sa pagsasagot dahil sa pagnood sa kanya.

"Okay lang ako kahit wag mo na akong paypayan saka... kailangan mo ring magsagot." sabi ko sa kanya.

"I'm already done with my part. Patapos ka na rin naman diba? Let me do this for you." nakangiting sabi nya sa akin at nagpatuloy lang sa pagpapaypay.

Hindi ko na mapigilan ang mapangiti ng dahil sa ginagawa nya para sa akin ngayon at sinunod ang sinabi nya't minadali ko na ang pagsagot. Pagkatapos nun ay kinopya na namin ang sagot ng isa't-isa.

Sinubukan ko pang i-check ang bawat sagot ni Vini dahil ang bilis nyang magsagot. Inisip kong baka hinulaan nya lang pero napagod na rin ako sa kaka-check dahil sunod-sunod na tama naman ang kanyang sagot.

"Uhm.. May gagawin ka ba after this?" tanong sa akin ni Vini ng nililigpit ko na ang mga gamit ko't pati na rin ang pinagkainan namin.

"Oo eh." sagot ko sa kanya. "Tutulungan ko si nanay sa karinderya. Marami kasing kumakain kapag ganitong oras." pag-eexplain ko sa kanya.

"Then can I just help?" sunod na tanong nya sa akin at nanlalaking mata akong tumingin sa kanya.

"Ha?" tanong ko sa kanya ng makitang sinundan nya ako sa kusina't nilapag ko sa lababo ang pinagkainan at pinag-inuman namin.

"Tulungan ko kayo ng nanay mo sa karinderya nyo since sinabi mo na maraming kumakain kapag ganitong oras." aniya. "You will need a lot of people then." he stated.

"Mainit don at baka mahimatay ka lang sa sobrang init--"

"Bella." pinatahimik nya ako ng ilagay nya ang kanyang daliri sa aking labi saka ngumiti. "I can do it. I'm not that weak. Hindi ako maselan sa mga bagay-bagay if that's what you're thinking kaya tutulungan ko kayo, okay?"

Hindi ko alam kung paano nya ako napapayag pero heto ako't tumatango-tango sa kanya.

"Sigurado ka ba, hijo na gusto mong tumulong?" tanong sa kanya ni nanay ng makarating na kami sa karinderya.

Nang pinakilala ko si Vini'y nagmano pa sya kay nanay bilang pag galang na nagustuhan naman ni nanay dahil napakagalang daw ni Vini.

"Opo. Gusto ko pong subukan yung mga ganitong bagay." nakangiting sabi ni Vini.

"Vini, yuko ka nga kunti." marahang pakiusap ko sa kanya dahil sobrang tangkad nya sa akin.

Yumuko naman sya't isinuot ko sa kanya ang apron at tinali sa likuran nya kaya mas dumikit pa ang aming katawan na para bang nakayakap na ako sa kanya.

"Ayos na--"

Napatigil ako sa pagsasalita ng mag-angat ako ng tingin sa kanya't napag-alamang sobrang lapit na namin sa isa't-isa.

"Isa ngang adobong manok dito!" sigaw ng isang customer.

Umiwas naman ng tingin sa akin si Vini't ngumiti sa nag-order. "Dine-in po ba or take-out?" tanong ni Vini dito.

"Balot, pogi." sagot sa kanya nung babae't hindi ko mapigilan ang matawa ng makita ko ang reaksyon ni Vini ng tawagin sya nitong pogi.

Tumingin naman sa akin si Vini't medyo lumapit.

"Ano yung balot?" bulong nya sa akin.

Bahagya akong natawa. "Kapag balot, take-out ang ibig sabihin kaya ip-plastic mo yung order nya. Kapag kain naman, dine-in." paliwanag ko sa kanya.

"Oh gets ko na." ngiti nya sa akin at mabilis na ginawa ang order ng babae.

Hindi pa masyadong mabilis kumilos si Vini dahil nangangapa pa sya sa mga dapat nyang gawin kaya tinutulungan ko na rin sa kanyang ginagawa.

"Anak, punasan mo nga ang pawis ni Vini't tumatagaktak na." bilin sakin ni nanay saka sinabit sa balikat ko ang isang malinis na bimpo.

"Salamat po." nakangiting sabi ni Vini habang sinusuklian ang mga grupo ng kababaihan na bumili.

Napataas naman ang kilay ko sa mga babae dahil ngayon lang sila bumili sa amin. Wala masyadong bumibiling teenager na babae sa amin hindi katulad ngayon na puro kababaihan ang kumakain at bumibili.

Napatingin naman ako kay Vini na ngayo'y nakangiti habang nilalagay sa lalagyanan namin ng pera ang bayad at tila napangiti nalang din ako habang pinapanood sya.

"Vini." tawag ko sa kanya.

Lumingon naman sya sa akin ng nakangiti't hindi na ako nagsalita saka nagsimulang punasan ang kanyang pawis.

Nang pupunasan ko na ang kanyang leeg ay hinawakan nya ang aking kamay na dahilan kung bakit ako napatigil at napatingin sa kanya.

Ito nanaman ako sa pagtitig sa kanyang matang nakatingin sa akin na para bang sinusuri ang aking mukha.

"Bella.. I.." huminto sya't napahinga ng malalim. "I l--"

"Bella."

Hindi na natuloy ni Vini ang kanyang sasabihin saka napatingin kay Ralph na kakarating palang at may dala-dalang bulaklak.

Continuar a ler

Também vai Gostar

8.8M 215K 53
[ARDENT SERIES #1] This a dangerous kind of love. A love that is like a fire that can't be ceased and kept on spreading around your heart until you...
Dreams Into Reality Por Nina

Ficção Adolescente

6.6M 136K 44
[SARMIENTO SERIES #4] Peanut butter and jelly. Suit and tie. Fish and chips. Unlike all those things that go together, Scarlett Espino and Daniel Ram...
9.9K 423 6
(Ongpauco Series #5) Lake Ongpauco is back... but he's not here to stay. After staying away for almost a decade, it's just easier for Lake to keep e...
22.1K 1.2K 30
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...