REBEL Desire

By Ijreid

136K 1.5K 65

Both of them agreed to meet to settle all unsaid feelings. But what will happen in five days together in pla... More

Chapter 01: The Start
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46: SPG
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53: SPG II
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70: The End

Chapter 65

1.5K 19 0
By Ijreid

ARMIE POV

"Hoy Couz puro ka nalang kain jan" sita sakin ni Diane pagkapasok na pagkapasok niya sa kwarto ko.

"wag ka ngang makialam" singhal ko naman.

"ganyan ba ang gawain ng broken hearted?dinadaan sa pagkain ng kung anu-ano?" sabay tingin niya sa kinakain kong saging na sinasawsaw ko sa chocolate ice cream.

"shut up Diane" sabi ko at inirapan siya. Ilang araw na rin siyang naglilitanya sakin ng ganyan.

"O baka gusto mo pa nito" sabay abot niya sakin ng Tupperware.

"ano to?" tanong ko.

pagkabukas ko amoy ko kaagad ang bagong lutong pansit canton na sa itsura pa lang yung extra hot na ang flavor at may kasama pang boiled egg. Agad ko tong tinakpan at ibinalik sa kanya.

"ayaw mo?" tanong niya.

"ayoko yung amoy" reklamo ko.

"hoy bagong luto yan ang sarap nga ng amoy. Hawakan mo yung Tupperware, mainit init pa. kainin mo na agad. Alam mong di masarap yan pag lumamig na. "

"amoy panis" reklamo ko

"kelan pa napanis ang pancit canton?" sabi niya sabay bukas at amoy.

"hoy takpan mo nga yan" reklamo ko.

"ang OA mo, okay naman ah, kahit yung itlog hindi naman sira" sabi niya

"e basta ayoko. Ikaw na lang kumain nan kung gusto mo"

"wow ha? Kelan ka pa may inurungan pagkain? And take note pancit canton to. Diba favorite mo to, lalo na tong extra hot, kaya ko nga niluto para sayo eh. Tas gaganituhin mo lang."

"e iba ang amoy eh, baka expired na yan" sabi ko naman.

"hindi nga eh" inis ng sabi nito "ito nga ang una mong pinaluto sakin nung dumating ka ng Pinas eh. Tapos ngayon biglang ayaw mo na. choosy ka pa?" Sabi niya pa.

"baboy kaya unang pinaluto ko" sabi ko.

"sila tita ang nagluto nung baboy mo, ako sa pancit canton na pinilit mo pang pabilhan ako kasi origal flavor lang ang meron dito nung dumating ka."

Oo nga pala nung galing akong Dubai andame kong pag-kaing gustong kainin, 3 years din ako dun ah. Actually every year naman pwede akong umuwe, ang kaso sinagad ko ng 2 years contract ko para 2 months ang bakasyon ko.

"malapit ng matapos ang dalawang buwan mong bakasyon pero nakamukmok ka lang dito sa condo simula ng dumating ka from Ilocos. Hindi ka lalabas kung di ka namin pipilitin. Pamilya mo nga dinadalaw ka na dito Makita ka lang. ano bang problema?"

"wala ako sa mood couz okay? Pagod ako." sabi ko.

"takte ka naman Armie, maghapon ka na ngang walang ginagawa pagod ka pa? e kain tulog ka lang naman dito. aba iba pala ang epekto ang 5 days trip mo with Navi. Lagi kang pagod."

Sinamaan ko naman siya ng tingin. It's been what? Almost a month? Actually it's a month,2 weeks and 3 days simula ng trip namin sa Ilocos and we never contacted each other since then. Aside stempre from the videos and photos i sent which only the word thanks na reply galing sa kaniya

We said our goodbyes sa airport at yun na yun. Hindi niya na ko kinontact at ganun din ako. It's better this way.

"sulit na ang gala ko sa limang araw na yun. And wala akong balak mag party-party" sabi ko nalang.

Hindi ko rin alam kung bakit ako ganito. Part ng moving on siguro dahil nung unang punta ko ng Dubai mag-iisang taon ata bago ko naisip mag-hanap ng work. Ganito din ako noon, nakapirmi lang sa bahay wala ng ginawa kundi umiyak at magmukmok. Kabaliktaran ngayon na mag movie marathon at kumain ang ginagawa ko.

Nga naman moving on is not new to me. Iba iba nga lang ng diversion.

"what about meet some friends?"

"nagawa ko na yun pagkarating na pagkarating ko palang dito."saad ko.

"e bakit hindi mo ulit gawin?" sabi niya.

"Couz hindi ko bet okay. At alam mo yan, pag ayaw ko, ayaw ko."

"at pag gusto mo, gusto mo. Kaya mo nga pinush yang Ilocos na yan kahit simula't sapol mali na"

agad naman akong tumahimik. Ano pa bang sasabihin ko eh tama naman siya. Alangang sabihin ko pang ang tanga ko, e obvious na obvious na nga. Kadikit na ng pangalan ko yun eh.

"look Mie, masyado ka ng naapektuhan dyan kay Nav, kung di mo kaya edi tawagan mo, itext, ichat mo, ang dameng way kesa nagmumukmok ka dito?"

"para ano pa?"

"para maging masaya ka" sarkastikong comento niya.

"tapos ano, aasa at masasaktan lang ulit ako." Mahinang sabi ko.

umupo naman sa tabi ko si Diane at hinaplos ang braso ko.

"couz" sabi niya.

Tinignan ko naman siya. Kahit hindi siya magsalita alam ko na ang gusto niyang sabihin. Oo na kasalanan ko to, ako ang may gawa nito sa sarili. Ewan ko ba sakit ko na ata to.

Ako ang umasa diba? what do I expect? Syempre may fiancée yung tao, tinalo ko pa. very good Armie, yan ba ang natutunan mo nung nag-aaral ka? Asan na ng ethics mo? Do not covet your neighbor's fiancée. Pati isa sa sampung utos sinuway mo.

Ngumiti lang ako ng pilit sa kanya. "Paabot nalang nung ketchup" utos ko sa kanya. nasa kabilang table kasi at malapit lang kay Diane. Andito kasi ako sa kwarto ko at nagmomovie marathon habang kumakain.

Takang inabot naman niya sakin yung ketchup.

"Oh My God" gulat na sabi niya sabay tayo

"ewww" parang nasususka na siya sa nakikita niyang ginagawa ko.

"bakit?" tanong ko pa habang patuloy pa rin sa pagkain.

Tinuro niya ag kinakain ko. "Banana dip in an ice cream okay pa, pero banana dip in ketchup. Seriously Mie? Uso ba yan sa Dubai?"

Natawa naman ako sa itsura niya. "masarap kaya" sabi ko "try mo"

Agad na nagwave siya ng kamay." No thanks"

"alam mo kung di lang kita kilala iisipin ko buntis ka"

napakunot naman ang noo ko, tapos biglang humagalpak ako ng tawa.

"e paano naman mangyayare yun.?" Natatawang tanong ko, grabe din mag-joke tong pinsan ko.

"edi malamang nakipag echos ka." Sabi niya

"di mo ba alam kung paano nabubuo ang baby? eh nurse ka diba?" Sarkastik niyang sabi.

minsan talaga ang sarap batukan nitong pinsan ko.

"ang ibig kong sabihin paano naman ako mabubuntis kung walang sperm at egg na nag-meet" sabi ko with matching action pa gamit ang fingers ko.

"aba malay ko, ni hindi ka nga nagkwento kung anong pinag-gagawa mo sa Ilocos, bigla ka nalang nagpakatahimik at ngingiti ngiti lang sa pang-aasar namin. Wala kang kinukwento Armie."

"anong wala?" sigaw ko

"hoy ulit-ulit na lang kaya ang kwento ko sa inyo nila Cass at Kate. Paulit-ulit niyo ngang pinapakwento."

Totoo naman di na nila ko tinigilan pagkakita sakin ng mga to. Lalong-lalo na si Kate na patuloy ang asar at tanong sakin kung nag-ala Christian Grey at Anastasia Steele kami.

Noong nanood kami ng movie after my birthday ay Kada may love scene sa fifty shades of grey sisikuhin niya ko. di ko tuloy naapreciate yung movie nun dahil sa kakulitan niya. Idodownload ko nalang siguro sa torrent kapag may maganda ng copy. Hehehe. Yung uncut pa para mas intense.

"Duh, ang kwento mo lang ay kung saan kayo nagpunta. Kung ano activities ginawa niyo sa beach resort. Pero walang kwento kung anong lagay niyo ni Nav. Kung nagkiss ba kayo, holding hands,yakap-yakap, at kung nag-" sinamaan niya ko ng tingin.

Namula naman ako. Letchugas tong pinsan ko na to.

"paulit-ulit ka naming pinagkukwento dahil baka sakaling madulas ka at may masabi ka. Pero grabe din ang consistent mo eh. Wala talaga, napaka brief ng kwento, halatang may tinatago. Kahit anong pilit namin sayo, wala ka lang ng wala, hanggang sa tatahimik ka nalang. Ano ba kasi talaga Mie ang problema. Pinsan mo ko, para na nga tayong magkapatid eh. Bakit di ka magkwento sakin?"

"yun na kasi lahat ng yun Diane, ano ba bang gusto niyong malaman. Kung nasasaktan ako? Para ano? icocomfort niyo ko?kaya ko na ang sarili ko. malaki na ko"

"oo malaki kana at ang tigas tigas pa rin ng ulo mo. Feeling mo kaya mo lahat. Kaya nga may tinatawag na pamilya at kaibigan para may hingaan sa problema eh. Hindi yan sinasarili Mie."

Natahimik naman ako bigla. Sinasarili ko nga ba?pero kasi anong magagwa ko. nahihiya akong magkwento. Huminga ako ng malalim. Sasabihin ko na ba? May goodness ilang weeks ko ding dinadamdam to, tumataba na nga ko kakakain eh. Bahala na nga, ito na-

"I still love him" mahinang pag-amin ko. wala na nasabi ko na at wala na kong balak pang ulitin.

tinignan naman niya ko at ngumiti "matagal ko ng alam yun, wala bang bago?"

pinalo ko nga siya. Kainis siya eh! Hirap na kong aminin yun tapos ganun ang sasabihin niya. Nyemas oh!

"sadista ka talaga" natatawang sabi niya habang hinihimas ang brasong pinalo ko.

"ayoko na nga" reklamo ko.

mag-oopen na nga ko, nilakasan ko na nga ang loob ko para gumaan ang pakiramdam ko tapos yun lang ang sasabihin niya.

"joke lang couz, wag naman na kasi yung obvious ang sabihin mo. alam naman naming mahal mo pa rin si Nav. Dahil kung hindi edi sana di ka sasama sa kanya."

"iba naman ang reason ko dun"

"at ano ang reason mo?mapatunayan na nakamove on ka na. to prove na wala na talaga kaya sumama ka sa kanya. sus Armie, sinong niloko mo? Nung unang meeting niyo sa terminal ng bus halata na sa mga mata mo na mahal mo pa rin siya eh. After 3 years siya pa rin."

"oo na, alam ko naman yun pero......pero mas mahal ko na siya ngayon" sabi ko.

napatakip naman si Diane sa bibig niya parang gulat na gulat. Alam niya kung paano ako nabaliw kay Nav noon, alam niya rin kung gaano ako nasaktan. Kung noong mahal ko siya halos ikamatay ko na ano pa ngayong mas mahal ko na siya diba?

Si Diane ang tinakbuhan ko noon, siya rin ang nagsuggest na pumunta ako sa Dubai.

Nung una ayaw ko pero nung sinabi niyang andun naman si Ann, pinsan namin, ay nagdalawang isip ako. hanggang sa hindi ko na kinaya ang sakit na mas ginusto ko na lang lumayo. mas madali lang daw para sakin ang pagmomove on pag malayo ako sa taong yun.

Sabi niya pa pwede din akong magwork dun sa Dubai kung gusto ko. Mas malaki pa ang kita kesa dito sa Pinas.

At dahil ako si duwag at si tanga, nakinig. Iniwan si Nav at hindi nagawang magpa-alam.

Bigla ulit nagflash back ang palitan namin ng salita sa restaurant sa Saud, na pinapahiwatig niyang sinukuan ko siya at hindi hinintay.

Walangjo siya, ako pa talaga ah. E kung binigyan niya ko ng assurance edi sana walang problema, walang mga what ifs sa buhay namin.

Pero wala na. Tapos na. tumakas ako. Tumakas ako nung mga panahong mahal na pala niya ako.

Nakakainis man pero nagawa kong umalis na malabo ang lahat samin. Sana kinausap ko siya. Sana tinanong ko kung sino ang nagugustuhan niya.

Kasalanan ko! Ako ang nag assume. Asyumera kasi ako eh. ang tanga ko lang mag-mahal.

"sobrang mahal ko siya na hindi ko na alam kung paano pa ko makakabangon Diane" naiiyak kong sabi.

"akala ko yung 5 days na yun papatunayan kong wala na talaga, na it's just an adventure, na namiss ko lang ang friend kong matagal ko nag di nakikita, pero I was wrong, each day mas lalo ko siyang minamahal, mas lalo ko siyang pinahahalagaan. hanggang sa sabi ko nalang ieenjoy ko na to, ang mga memories na gagawin namin ay habambuhay ko ng iingatan, na pagkatapos ng bakasyon na yun magiging masaya na ko. na ang limang araw na yun ay sapat na. hanggang lumalapit ang oras na maghihiwalay kami ,parang ayoko ng matapos, natatakot ako bawat minuto, hindi ko kaya, hindi ko kakayanin. Isipin ko palang na bukas di ko na siya makikita parang mamatay na ko sa lungkot. Tapos pagdating ko ng Manila ipapakwento niyo pa ang mga nangyare" bigla kong natawa para lang pigilan ang luha ko.

"ang sadista niyo din eh. Ayoko na nga siyang maalala paulit-ulit niyo pang pinapakwento."

"Sorry" sabi niya na alam ko namang sincere.

"kaya nga dinadaan ko nalang sa pagkain ang lahat, tignan mo nga tumataba na ko" sabi ko pa sabay tingala at hawak sa mga mata ko para pigilan ang luha ko.

"oo nga parang tumaba ka" pang-aasar pa niya

"akalain mo yun, tumaba ka na ngayon, yan ata ang nagagawa ng pagtanda sayo, habang nadadagdagan ang edad, lumulobo din ang katawan."

"hindi ako mataba no" sigaw ko.

"e kasasabi mo lang tumataba kana"

"isa pang sabi mo jan, ipapakain ko tong saging na may ketchup sayo."

"joke lang naman couz, ang moody mo ngayon ah"

"hindi nga kasi ako mataba" bwisit talaga sila,pinapaalala nila si Nav sa twing sinasabi nilang mataba ako.

Yan din kasi ang lagi niyang sinasabi sakin kahit di naman totoo.

"oo na nga, ilayo mo nga yang saging sakin. Nasusuka ako eh" sabi niya.

"ikaw ata tong buntis sating dalawa eh."

"anong buntis, may mens ako ngayon" katwiran niya.

"at masaya ka naman na meron ka" pang-aasar ko.

"baliw ka talaga Armie, dyan ka magaling eh."

"bakit? Ano bang iniisip ko?"

"aba malay ko kung anong laman ng isip mong yan. Puro ata kamanyakan"

"hoy! Wag ka nga baka may makarinig maniwala sayo." Natatawang sabi ko.

"sus! Nahiya ka pa sa lagay na yan. E yung volume nga ng porn na pinapanood mo rinig hanggang sa labas"

"ulol ka Diane" sigaw ko.

natatawa naman siyang tumayo at humiga sa kama ko.

"pero usapang matino couz" panimula niya at napatingin ako sa kanya.

busy na siya sa paghahawak ng mga gamet ko na dadalhin ko pabalik ng Dubai. "paano pag iniwan niya ang fiancée niya for you. Tatanggapin mo pa siya"

tinignan ko siya na para bang tinubuan siya ng sungay. "malabong mangyare yan couz"

"pero what if nga?"

"ayokong may masaktang iba"

"kaya sarili mo na lang ang sasaktan mo? Bakit di mo siya ipaglalaban?"

"it's too late couz, magpapakasal na siya."

"hanggat walang kasalang nagaganap pwede pa."

"Diane"

"Mie, kung mahal mo ipaglaban mo, bakit mo susukuan kung mahal ka din niya."

"hindi niya ko mahal" malungkot na sabi ko.

"sigurado ka ba?"

"oo" mahinang sabi ko, kasi kung mahal niya ko dapat sinabi niya.

Ilang taon akong naghintay, kahit sa Ilocos umasa pa rin ako. Pero wala eh, lahat na ata nagawa ko, pero di parin siya nainlove sakin.

"Ang tanga talaga nan si Nav, iniisip ko nga kung anong hindi niya magustuhan sayo" inis na sabi niya

"oo nga eh. Nasakin naman na ang lahat" natatawang sabi ko.

"height na lang ang kulang" dagdag niya.

Sinamaan ko naman siya ng tingin. Natatawang inispray niya sa harap ko ang pabangong hawak niya.

"ano ba?"reklamo ko.

"ang baho" singhal ko. "ano ba yang iispray mo?"

takang tinignan naman niya ang pabango.

"Lacoste, ang bango nga eh"

"ang baho naman nan, binili ko ba yan?" tanong ko.

"malamang, kasama nga sa iimpake mo eh."

"aba naloko ata ako sa binilhan ko, ang baho ng amoy eh."

"OA Mie, kanina yung pancit canton, ngayon naman itong pabango. Kung magsuka ka lang ngayon iisipin kong buntis ka talaga."

"makaamoy lang ng mabaho buntis na agad? Di ba pwedeng mabaho lang talaga? Magsuka lang buntis na? hindi lahat ng buntis nagsusuka."

"ewan ko sayo, ang dame mong sinasabi." Reklamo niya.

"ikaw tong ang dameng sinasabi, imposible naman kasi yung sinasabi mo."

"aba malay ko ba kung nagjugjugan kayo ni Nav dun."

"bastos ng bunganga mo" saway ko.

"sus! Nagmana lang ako sayo. Tama talaga si Kate ang hina ni Nav, akalain mo yun, limang araw. Walang ginawa? Di tumalab beauty mo?" natatawang sabi niya.

Sinamaan ko siya ng tingin, kung alam lang niya. Sus! Baka himatayin siya pagkinukwento ko.

"grabe couz, di kaya bakla yung si Nav?"

"ulol ka." Natatawang sabi ko sabay hawak sa baba "sabagay itsura pa lang niya, mas maganda pa siya sakin eh" patol ko sa sinabi niya at sabay kaming nagtawanan.

Biglang nagspray na naman ng pabango si Diane.

"Ang baho naman nito" reklamo niya.

"tsk! Ang bango nga eh. Yan yung binili ko nung isang araw dyan lang sa baba" sabi ko.

"ang baho Mie" sabi niya.

"Tsss! Ang mabaho ay yung inispray mo kanina" sabi ko.

"ay iba na yan. May sakit ka na ba?" sabi ni Diane

"yung mabaho sayo, mabango sakin, yung mabango sayo, mabaho sakin. Mie ah" na-aalarma niyang sabi.

"hindi ba pwedeng magkaiba lang tayo ng taste?"

"sus! At kelan nangyare yun?" tanong nya.

Napaisip naman ako. As far as I know sa lahat ng bagay pareho kami ng gusto except sa lalaki siyempre. Gusto kong pagkain, damet, sapatos and even pabango ay pareho.

Napakunot ako ng noo. Bakit parang may iba. Napatingin ako sa kanya.

Lumaki ang mata ni Diane at lumapit sakin at hinawakan ako sa balikat.

"umamin ka sakin Mie, may nangyare ba sa inyo ni Navi?" tanong niya

"imposible" kunot noong sagot ko. "imposible to"

"sumagot ka Mie. May nangyare ba sa inyo? Oo o hindi?" titig na titig na sabi niya.

Tumango ako habang sinasabi sa isipan ko na imposible.

"Oh My God, Oh My God, Oh My God" sunod sunod na sabi niya.

Para ata akong hihimatayin sa iniisip ko. paanong nangyare yun?

Malamang may ginawa kayo diba Mie, ilang beses pa nga diba?

"pero imposible." Sabi ko pa rin.

"How come it's impossible?"

"kasi- kasi ano-" hindi ko masabi.

"did you used protection?"

namumula na ko. pakshet ka Diane pero wala akong ginawa kundi tumango.

"baka factory defect ang ginamet niyo" sabi niya.

Di ko tuloy maiwasang matawa.

"o baka naman nasira niyo?"nakangisi niyang tanong "kaya may nakalusot"

Namula naman ako, lechugas talaga oh. Ganito pala ang feeling pag nagigisa ka sa sex life mo.

"lang yah Diane. Walang ganun okay. Mga iniisip mo. Baka lang magkaiba na tayo ng taste ngayon kaya ganyan, wag mag-isip ng kung ano."

"kain, tulog ka lang, napaka moody mo pa. dati nilalaro mo yung aso sa kabilang unit, ngayon ayaw na ayaw mong nakikita. Dati gusto mo ng pancit canton ngayon ayaw mo na, pati tong taste ng pabanago nag-iba na rin. At higit sa lahat yang kinakain mong nakakadiri." Turo niya sa banana dip in ketchup ko.

"ang OA mo lang. imposible yang sinasabi mo. ang last mens ko ay-" nag-isip ako. Kelan ba? Hmmmp

hhhmmmmmp

hhhmmmmp.

Hhhmmmmmpppppp.

"OMG" bulaslas ko, tumayo at hinanap ang phone ko. pumunta agad ako sa calendar. Naka-mark dun ang due date ng susunod kong period. Nanlaki ang mata ko ng Makita kong 4 weeks na kong delayed.

"shit!" nasabi ko nalang.

Paanong nangyare? Hindi ko namalayang delayed na pala ako. Masyado akong apektado sa paghihiwalay namin ni Nav, hindi ko to napansin.

"couz" tawag ko. hindi na ko makahinga.

Ayoko ng nararamdaman ko. at bago pa ko mawalan ng malay ay nasalo na ko Diane.

Continue Reading

You'll Also Like

192K 882 9
Mihara Olivares is an online news writer that focuses on scandalous stories about well-known artists, politicians, businessmen, and other famous pers...
93.6K 4K 26
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
992K 17.7K 41
Cassandra Samonte, Inapi. Pinaasa. Ginamit. Niloko. Bumangon. At magbabalik bilang Danisse King. To get her revenge to the people who hurt her. Who t...
8.8K 95 28
A commoner meets the famous playboy. and guess what? She will be his Fake Girlfriend .