REBEL Desire

By Ijreid

136K 1.5K 65

Both of them agreed to meet to settle all unsaid feelings. But what will happen in five days together in pla... More

Chapter 01: The Start
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46: SPG
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53: SPG II
Chapter 54
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70: The End

Chapter 55

1.3K 20 0
By Ijreid

NAVI POV

Nang marating namin ang lugar na tinutukoy ni manong ay pinasadahan ko ng tingin ang lugar. Okay naman siguro ang gagawin namin.

Tinuruan muna kami ng tamang paggamit ng board. dahil natry na namin kahapon ang surfing ay madali na lang ito para samin. Gaya kahapon ay sabay kami ni Mie sumakay at nagsagwan.

"it's kinda boring" komento ko nung medyo nakalayo na kami. parang wala lang kasi, ang kalma ng tubig tapos nagsasagwan lang. isama mo pa ang sikat ng araw. Hindi talaga masaya.

"then let's make it more exciting" ngisi niya.

"I don't think-wooooh Mie" saway ko. tinulak niya ang sinasakyan ko gamit ng pansagwan niya.

"Mie alam mong delikado to" saway ko

"sabi mo boring diba. edi gawin nga nating exciting" sabi niya at unulit ulit ang pagtulak.

Medyo mas malakas ito compare kanina kaya naman nilugawan ko bigla ang base of support ko at pinilit lumalayo sa kanya.

"coward!" sigaw niya

"Mie kapag tayo nahulog sa ginagawa mo-"

"edi mahulog, marunong ka namang lumangoy diba" hinabol pa niya ko.

"ano ba Mie!" pigil ko sa pansagwan niya gamit din ang pansagwan ko ng makitang itutulak na naman niya ko.

"ito napaka-KJ mo, where's the fun kung ganyan ka. Gusto mo tulak mo din ako." Sabi niya.

Gusto ko sanang gawin pero knowing Mie, gaganti lang siya at worst baka mahulog kami pareho.

"kagagaling mo lang sa sakit,"sabi ko naman.

"KJ, korni, koward. KKK ka Nie"

"I don't care" isnab ko sa kanya.

"KKK, KJ, korni, koward. KKK, KJ, korni, koward. KKK, KJ, korni, koward." Ulit-ulit niyang sinasabi.

"KKK, KJ, korni, ko- Ahhhhhhh" gamit ang sagwan ay hinagisan ko siya ng tubig

"kadiri ka Nie, nainom ko! waaaahhhh"

tawa naman ako ng tawa sa reaksyon niya.

"Ahahahahahahah- Pwe!" bigla kasing may tubig na tumama sa labi ko ng tignan ko ang salarin, siya naman ang tawa ng tawa.

Hinagisan din ako ng tubig. Kadiri galing pa naman yun dito sa lawa.

"Ah ganun ah" sabi ko sabay sabog ulit ng tubig sa mukha niya, this time mas marame, bago pa siya makaganti ay nag sagwan na ko palayo sa kanya.

nang makarecover siya ay hinabol niya ko at patuloy na binabasa. Hindi rin naman ako nagpatalo dahil binabasa ko rin siya.

Ganun lang ang ginawa namin hanggang matapos ang oras namin sa board paddle. Mas okay na yun kesa naman magtulakan kami ng board, mas may tyansa pang mahulog kami. ito nga lang basa na naman kami.

"I had a lot of fun, boring pa rin ba?" tanong niya ng makaalis na kami.

"there won't be a boring time when you're around Armie" sabi ko na kinatawa naman niya.

Buti nalang at nagdala ako ng extra t-shirt kundi baka magkasakit na naman itong si Mie.

"Sabi ko naman sayo magdala ka ng damet diba?"

"wala na kong damet no. tignan mo nga tong suot ko. pasalubong ko dapat to kaso isinuot ko na. di na ko nakapaglaba kagabi kasi nga nagkasakit ako."

"tss! Kahit kalian ka talaga. O ito" sabay hagis sa kanya ng shirt ko.

"anong gagawin ko dito?" tanong niya

"kainin mo." sarkastikong sabi ko.

Nakita ko naman isusubo niya ang shirt kaya inagaw ko.

"Ano ba! baliw ka talaga"

"sabi mo kainin eh" nakangising sabi niya.

"edi kainin mo. Ubusin mo ah" sabi ko sabay abot sa kanya ng shirt ko.

inis naman ibinigay niya sakin ang gamit niya at pumasok sa banyo.

Magbibihis din naman pala ang dame pang kalokohan.

Nagulat ako ng may magvibrate sa bag niya. Hindi naman sa tsismoso ako pero kasi nakakarindi eh. Kinuha ko ang phone niya at may nakita akong tumatawag.

Papa calling...

Tumatawag si tito. Hindi ko naman pwedeng sagutin ang tawag dahil ako ang kasama niya. Inantay ko lang hanggang matapos ang tawag.

Tinignan ko ang banyo hindi pa rin lumalabas si Mie.

Tumunog ulit ang phone niya this time iba naman ang tumatawag.

Danny Baby Calling...

Danny baby? Sino tong Danny baby? Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto. Muntik ko ng mabitawan ang phone niya sa pagkagulat.

"may tumatawag" sabi ko at iniabot ang phone niya.

Pinasadahan ko siya ng tingin. Malaki ang t-shirt ko sa kanya. tinuck in niya ito sa pants niya at finold ang sleves. Ang cute niyang tignan.

"yes Danny, thanks Dan. Mamaya. Are you with Papa? Oo may pasalubong ako. Tssss! Yung regalo ko muna makademand ka ah. Sure. I love you too baby. Ahahahahaha"

napatingin ako sa kanya. matapos niyang ibaba yung tawag.

"ano okay ba?" tanong niya at umikot pa. tinutukoy ang suot niya.

"pwede na" walang gana kong sagot.

"tsss! Bibili nalang ako mamaya pag may nadaanan tayo. Basa din kasi tong pants ko."

"bahala ka" sabi ko at nagpauna na papuntantang tricycle.

"bwisit talaga, napakamoody" rinig ko pang sabi niya bago niya ko hinabol.

Napapangiti ako. Muntik na kong magselos dun ah. Nakalimutan ko beybing baby nga pala niya si Danny, ang bunso nila.

-----

Akala ko nakaligtas na ko sa Japanese Resto dahil wala kaming nakita kanina. Pero the heck naman! Hindi lang bibig ni Mie ang matalas ganun din ang kanyang mga mata.

"Halika na Nie" masigla niyang sabi.

kapag nakangiti na siya ng ganyan ay ang hirap na niyang tanggihan. I'm doomed.

"Mie I don't think-"

"then don't think" sabi niya at hinatak na ko papasok.

Help me Lord. Bulong ko nalang. Why did I take the bait yesterday sa car race?

Puwesto kami malapit sa washroom. Kung sakali mang kailanganin ko na namang pumunta roon ay mas malapit na.

May pupuntahan pa kami at di ko alam kung makakaya ko yun kapag nakakain ako dito.

"red tea na lang sakin" sabi ko.

kahit gutom na ko, okay na sakin ang inumin lang kesa naman ilabas ko lahat ng kinain ko.

"wag kang OA Nie, I know what you're thinking, ako ng bahala. Mamahalin mo ulit ang Japanese food." May kumpiyansa niyang sabi.

Napangiti na lang ako, ewan ko pero pagkasabi niya nun naniwala ako. O baka naman dahil iyon sa mga ngiti niya. Mukhang tanga lang no? siya ang dahilan ng huling pagkain ko ng Japanese food, sinubukan ko naman ulit, pero kakasubo ko pa lang nasusuka na ko, kaya di ko na triny ulit.

Pero tignan mo naman ngayon nagpapauto na naman ako sa kanya. Mamahalin ko ulit to? Sige tignan natin.

Tinawag na niya ang waiter at nag-order.

Pagkalapag ng mga pagkain parang bumabaliktad na ang sikmura ko.

"okay ka lang?" tanong niya at lumipat sa tabi ko.

"Mie" sa tingin mo magiging okay ako? Ikaw kaya ang nasa posisyon ko. gusto kong sabihin sa kanya yun pero pangalan lang niya ang lumabas sa bibig ko.

wahhhhh! I'm starting to freak out.

ARMIE POV

Nang tawagin niya ang pangalan ko ay alam ko ng kinakabahan o nag-iisip na siya ng dahilan para lumipat kami ng ibang kakainan.

Naisip ko rin sanang bawiin pero ang pustahan ay pustahan at natalo siya, kailangan niyang panindigan at kailangan kong maging matigas, I know dahil sakin kaya siya nagkaganyan.

Hindi ko naman siya bibiglain eh alam ko naman na may phobia na siya sa pagkain dito. kung phobia ba ang tawag dun.

paano ba nawawala ang phobia? syempre dapat unti-unti mo itong hinaharap. At ganun ang gagawin namin ngayon. One step at a time.

"Anong gusto mong unang tikman?" tanong ko.

nagsimula na kong ayusin ang pagkain namin at sa gilid ng mata ko ay tinitignan ko siya.

napapalunok siya sa pagtingin sa mga pagkaing nakahain.

Hindi naman marame ang inorder ko. good for 4 person nga to pero kung paiiralin ko ang katakawan ko ay para lang sakin ang mga pagkain na ito.

"this one, try this one" gamit ang chopstick ay kinuhanan ko siya ng beef misono at itinapat sa bibig niya.

"Mie I don't like the smell of-"

hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya dahil ipinasok ko na ang chopstick sa bibig niya.

Halata ang pagkagulat niya maya-maya ay parang nag-gigreen na siya.

"nguyain mo Nie" sabi ko at idenedemo ang pag nguya.

tiimbagang lang siya. Pati ako kinakabahan na, hindi ata magandang idiya tong ginawa ko.

"lunukin mo Nie" sabi ko.

hindi pa rin siya kumikilos. Kaya naman iniabot ko na sa kanya ang red tea.

Ako na rin ang nagpainom sa kanya dahil mukha na siyang tuod sa kinauupuan niya.

Habang umiinom siya ay hinahagod ko ang likod niya.

"I'm sorry kung pinilit kita" sinasabi ko habang patuloy sa hagod sa likod niya.

humarap siya sakin matapos niyang makarecover.

"Mie I don't think I can... do it" nahihiya niyang sabi.

"it's okay. Pasenya ka na at makulit ako." Malungkot kong sabi.

Mukhang nahalata niya ata yun dahil sinabi niyang-

"fortunately, mas nag improve ako." Nakangiti niyang sabi.

"ha?" nag-improve? Pinapagaan lang ata niya ang kasalanan ko, e halos maging hulk na siya kanina.

"paano?" Tanong ko.

"I didn't throw up" natatawa niyang sabi.

"dati kasi pag ganun nagsusuka na ko kaagad."

"e wala ka pa namang nakain" kaya anong isusuka niya diba?

"kahit wala pa kong kinakain nun nagsusuka ako"

"ang sakit nun sa lalamunan ah"

"yah right. Kaya ko nasabing nag-improve ako kasi nalunok ko. hindi ko sinuka." nakangiti niyang sabi na akala mo nanalo sa lotto. Pati tuloy ako ay napapangiti.

"you wanna try it again?" paghahamon ko

"no" umiiling niyang sabi.

"akala ko ba nag-improve kana?"

"wag mo ng pilitin Mie baka mas worst pa ang kalabasan ngayon" sabi naman niya.

"mas magugustuhan mo to. It's all in the mind Nie" kalmadong sabi ko.

"akala ko ba di mo na ko pipilitin?"

"e nagkaroon ako ng hope nung sinabi mong nag-improve kana. last na to Nie, Promise ito oh" abot ko sa chicken teriyaki.

"Mie" halata sa boses niya na ayaw na niya talaga.

"it's my favorite and you like ito too right?" sabi ko ng maalala na lahat ng pagkain noon ay kinakain niya. Kinakain namin. Hindi naman kami mapili sa pagkain eh.

"Mie-"

"please. Last na to tapos kakainin ko na to lahat"

"lahat?" gulat na tanong niya at nakatingin sa pagkain.

"oo" malungkot kong sabi "sayang kasi."

"it's okay. No need na ubusin if you can't. ako naman ang magbabayad" sabi niya

gusto ko sanang umirap ang kaso baka hindi umepek ang pamimilit ko. may pagkamaarte pa naman ito.

"pero it's not good to waste food Nie. Don't worry ako naman ang uubos." Sabi ko at nagsimula ng kumain.

"Haysss" sabi niya sabay suklay sa buhok.

"I know you planned this" sabi niya pa.

"planned what?" takang tanong ko.

"this" turo niya sa pagkain "umorder ka ng marame para mapilit mo kong kumain."

Well mali siya dun, inorder ko to kasi lahat gusto ko. pero bakit ko aaminin? Tumango nalang ako. Baka sabihan na naman niya ko ng mataba.

"at gusto mong iparanas ko sayo ang ginawa mo sakin 4 years ago." Pag-aakusa niya.

"ang alin?" tanong ko.

ipaparanas? Wala na kong balak ipakain sa kanya to lahat, ako na nga ang kakain eh.

"ang magmukha kang kawawa, ikaw ang kakain ng lahat ng to para sabihin mong quits na tayo after 4 years." Paliwanag niya.

Gusto kong matawa dahil sa konklusyon na naisip niya. So sa tingin pala niya binablack mail ko siya sa pagkain nito para makabawi sa kasalanan ko sa date namin before? That's too childish of me.

"at dahil alam mong makokonsensya ako, mapipilitan akong samahan kang kumain. Very clever of you baby" umiiling pero nakangiti niyang sinasabi.

" you got me Nie" nakangisi kong sabi.

Well siya ang nagconclude nun at masasabi kong maganda ang naisip niya so why correct him kung ito lang ang way para makakain siya ulit. At mukhang hindi naman siya galit.

"so Nie tikman mo na to" sabay abot ko ulit nung chicken.

Tinignan niya ko tapos ay bumaba ang paningin niya sa pagkaing nasa chopstick.

Napalunok siya. Pumikit at binuksan ang bibig.

Nakangiting pinakain ko siya. Very brave of him. Nagmatured na pala siya sa tatlong taong hindi ko siya nakita't nakasama.

Nang isinarado niya ang bibig niya ay nakampante ako ngunit unti-unting nakikita ko ang pamumutla at pamamawis niya.

"you're brave Nie" bulong ko.

nang makita kong ibubukas niya ang bibig niya ay bigla ko siyang hinalikan. I don't know what came over me.  Basta may pwersang humahatak saking gawin yun.

Halatang nagulat naman siya, nagulat din naman ako eh. Agad akong humiwalay sa labi niya.

"I'm just saving the food, masasayang kasi kung isusuka mo" biglang sabi ko.

nice palusot Armie. The hell saving the food kaya ko siya hinalikan.

Kung pwede ko lang sapukin ang sarili ko sa harap niya ginawa ko na. Ang lame ng excuse ko.

"actually I like your reason, siguradong mabubusog ako" nakangisi niyang sabi.

"isa pa nga" turo niya sa bibig niya.

"mapagsamantala ka"pag-aakusa ko pero pati ako ay kinikilig sa sinasabi niya.

"tss! Isa pa nung chicken" sabi niya

"nung chicken?" Tss! Akala ko naman nung kiss.

"oo, ang sarap eh. Bakit ano bang iniisip mo?"

"ah eh. Yung chicken nga" sabi ko at kumuha ulit ng hiwa at isinubo sa kanya.

unti-unti niyang nginunguya.

"asyanneyengkesioko" sabi niya. Hindi ko maintindihan kasi ngumunguya siya habang nagsasalita.

"ano?" tanong ko.

"asyanneyengkesioko" ulit niya.

"nguyain mo nga kasi muna. Hindi mo ba alam ang kasabihang. DON'T TALK WHEN YOUR MOUTH IS- Hmmmp"

ayun na nga eh. Hinalikan ako bigla.

"ano ba?" reklamo ko. "bakit mo ko hinalikan"

"para kasing masusuka ako eh. Sayang naman yung pagkain kung matatapon" nakakalokong sabi niya.

"ha!" wala na kong masabi. Binalik niya sakin ang dahilan ko kanina.

"ahhh" sabi niya na nakabukas na ang bibig. Napapailing nalang ako. Gusto niya subuan ko siya.

Lord ilabas niyo ang Navi ko! Bata ata tong kasama ko.

This is all new to me. The guy in front of me is a new Navi and I'm loving our new set up kahit para siyang batang nagpapasubo. Ito pa lang kontento na ko.

"sige na" paglalambing niya ng ayaw kong pakainin siya.

May kamay naman siya ano!

"hindi ko to mauubos ng walang tulong mo" nakanguso pa niyang sabi.

The hell Nav!!!!

"edi magpagutom ka" sabi ko.

aba umaabuso na. kakain din ako no.

nalungkot naman siya sabay sabing " grabe ka din ah, gusto mo talaga akong torturin sa pagkain ng lahat ng to."

Torturin? Eh ako nga kakain dapat lahat nito eh.

"it's my pleasure Nie" nakangising sabi ko. Maasar ko lang siya sa inaasta niya ngayon.

sinamaan naman niya ko ng tingin tas tuminigin sa pagkain. Halatang nag-iisip na to ng paraan kung paano kakain ang lahat ng nasa harap niya.

Sa pagkakataong ito kinuha na niya ang chopstick at nanginginig na kumuha ng pagkain. Pumikit ulit siya bago ito isinubo.

God I really love this guy.

Nang makita kong nagsisimula na namang mamuo ang pawis niya ay ipinaharap ko siya sakin at tsaka binigyan ulit ng isang halik.

Minulat niya ang mata niya at tinignan ako. Nahiya naman ako at humarap ulit sa pagkain ko.

"Hmmmp hindi ko naman mauubos lahat ng to at tsaka sayang kaya dapat kumain ka." Nahihiyang sabi ko.

tss! Asan na yung angas ko nung sinabi kong umaabuso na siya?

Kahit di ko nakikita ay alam kong nakangiti siya at pati ako ay malapit na rin mapangiti. Ang landi namin!

Naramdaman ko na lang na may humawak sa kamay ko.

"thanks Mie" rinig kong sabi niya sabay subo ng pagkain.

Masayang natapos ang pagkain namin. Umabot din kami ng dalawang oras dahil na rin sa kakulitan namin. nag-additional order din kami. gumana pa kasi ang pagkapilyo niya kaya mas lalo kaming tumagal. Nagrerequest pa rin siya ng halik kahit na hindi na niya kailangan, at dahil nabait ako, Pinagbibigyan ko siya. Ganun talaga! Sayang ang pagkain kung di mauubos.

Continue Reading

You'll Also Like

993K 17.7K 41
Cassandra Samonte, Inapi. Pinaasa. Ginamit. Niloko. Bumangon. At magbabalik bilang Danisse King. To get her revenge to the people who hurt her. Who t...
432K 6.2K 24
Dice and Madisson
498 58 8
" I don't want this life anymore. I rather become a bubbles that will suddenly disappear to forget all of this sufferings" What if you given a second...
She Was Mine By aye

Teen Fiction

135K 2.7K 41
She's Tiara Sanchez, she's from New York,a simple filthy rich girl na kinaiinggitan ng lahat. Aside from she have THE Shawn Ean Valdez, there's somet...