REBEL Desire

By Ijreid

136K 1.5K 65

Both of them agreed to meet to settle all unsaid feelings. But what will happen in five days together in pla... More

Chapter 01: The Start
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46: SPG
Chapter 47
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53: SPG II
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70: The End

Chapter 48

1.6K 19 0
By Ijreid

ARMIE POV

3 years 5 months ago

Isusurpise ko si Nav. Pumunta kasi ako sa former school ko, na school pa rin niya.

Nagrequest ako ng TOR at diploma for my application for the board exam abroad. Hindi ko pa yun sinasabi kay Nav. Baka kasi matuwa pa siya na aalis na ko sa buhay niya. Joke syempre, hindi naman sigurado kung makakapag abroad ako. Pero in case lang ay ready to go na ko diba? Nasa US kasi sila Tito James at nurse si Tita sa isang malaking hospital sa Texas. Ipapasok ako nun sa oras na maipasa ko ang boards.

Pero di pa ko ready ngayon. Kapag siguro nakagraduate na si Nav para sabay nalang kami mag-ibang bansa. Di ko siya kayang iwan dito eh.

Nang matapos ko ang ginagawa ko sa DANU registrar ay pinuntahan ko agad ang medicine department. Alam ko ang buong sched ni Nav, ako pa. when it comes to Nav alam ko dapat lahat.

Nang makarating ako sa room nila ay wala pa siya. Nagtanong ako sa isang babaeng papalabas ng room.

"Miss" tawag ko sa kanya.

tumingin naman siya sakin.

"Nakita mo ba si Navi? Navi Delos Reyes" tanong ko.

tinignan naman niya ko mula ulo hangang paa. Aba ang taray mo teh. Mas maganda ako sayo.

Kung makatingin kasi siya parang hinuhusgaan na ko.

"Sino ka ba at bakit mo siya hinahanap?" pagtataray niya.

Wag mong sabihing isa to sa mga babaeng naghahabol sa kung ano ang akin. Aba makakatikim siya sakin kung ganun. Ang kay Eba ay kay Eba lang.

"Ako ang unang nagtanong Miss. Bakit di mo kaya muna sagutin tapos saka ko sasagutin ang tanong mo?" bwisit to.

Pinagtaasan niya ko ng kilay. Tapos bigla akong nilampasan. Bastos na to.

"akala mo naman kinaganda mo pag wawalk out mo" sigaw ko sa kanya.

sinamaan niya ko ng tingin. "hindi kita kalevel" sabi niya.

"Hindi talaga. Tignan mo nga" sabay palo ko ng kamay ko sa baba ko.

"itsura palang lamang na lamang na ko."

"Ang kapal naman ang mukha mo. Future doctor kaya ang kausap mo."

"so? Ugali mo pa lang walang tatagal na pasyente sayo. Tsk! Makasabi ka ng Doctor, itsura mo palang di na mapagkakatiwalaan. Tsk! Asan na ba si Navi?" sabi ko at tumingin ulit sa paligid.

Wala na kong pakialam sa future doctor na kausap ko. *insert sarcasm

Papasok na sana ako sa room nila ng magsalita na naman ang babaeng higad.

"isa ka rin ba sa mga babaeng naghahabol kay Navi?" natatawa niyang sabi.

This time ako naman ang nagtaas ng kilay.

"hindi katulad mo ang type niya" sabay hagod ng tingin sakin.

Inayos ko ang tayo ko at taas noong tinignan siya. Natawa naman siya sa ginawa ko.

"so tama ako, isa ka sa mga babaeng habol ng habol sa kanya. sorry ka pero di ka nun papansinin."

Ha? Kung alam lang nito na close kami ni Nav. Baka mainggit siya.

"At sinong papansinin niya? Ikaw?" sarkastiko kong tanong.

Hindi naman talaga ako war freak eh. Matigas ang ulo ko, pero mabait ako. Tong isang to lang talaga ang exception at yung mga babaeng umaaligid sa pagmamay-ari ko.

"di hamak na may ibubuga naman ako kesa sayo." Sabi pa niya ba mas lalo kong kinainis.

"oo naman, may ibubuga ka. USOK! Lumalabas na nga sa butas ng ilong mo eh" natatawa kong sabi.

Balak na sana niya kong sugurin ng pinagtaasan ko siya ng kilay. "pikon?"

"wala kang pag-asa kay Navi kaya kung ayaw mong masaktan tigilan mo na ang pagpapantasya mo."

"thank you sa concern ah. Pero si Navi lang makakapagsabi nun."

"hmmp" ngisi niya. "pathetic"

"looser" sabi ko naman.

Inisnab niya ko saka umalis.

"bitch"bulong ko.

"bravo" sabi ng isang babae at pumapalakpak pa.

kunot ang noong tinignan ko naman siya. Kumpara naman kay babaeng higad ay maganda tong babaeng to.

"thanks" ngiwi kong sabi.

Tumingin ulit ako sa paligid. Sinilip ko ang classroom nila Nie pero wala ng tao.

"you're looking for Navi right?" tanong niya.

Tumaas naman ang kilay ko.

"oh" taas kamay niya. " hindi ako katulad ni Aika."

"sinong Aika?" tanong ko

"yung sinabihan mong bitch"

Ngumiti naman ako. Wala naman sa itsura niya ang pagiging maldita eh. She looks harmless.

"sorry, ang bitch kasi ng babaeng yun." Pagpapaumanhin ko. baka nainsulto ko siya sa paghanay ko sa kanya sa higad na si Aika.

"oo nga eh. Kaya nga bilib ako sayo at nasasagot mo siya. Yung mga kaklase kasi namin dito hindi na siya pinapatulan."

"pati ikaw?" tanong ko.

"oo pati ako. Bago lang kasi ako dito. Sa province kasi ako nung unang taon ko sa med school, tapos kakalipat ko lang dito this sem. E siya mukhang matagal na dito. Isa sa stockholder ang pamilya niya sa school na to."

"weh di nga? Baka i-pa banned niya ko dito. Hindi pa naman ako nag-aaral dito. Hindi pwede." Reklamo ko.

"pero di naman niya alam ang pangalan ko kaya safe pa rin ako" natatawa kong sabi.

"don't worry ako bahala sayo. Isa sa may-ari ang pamilya ko dito sa DANU Hospital."

"wow bigatin ka pala. Buti ka pa mabait. Samantalang yun, naku! Nagparetoke nga, panget pa rin."

Natawa naman siya. Kaya napangiti ako.

"Anong name mo?" tanong niya.

"Armie" nakangiti kong sabi "Armie Perez"

"I'm Mareen. Mareen Montemayor"

"MM? M&M?" natatawa kong sabi.

"Mareen will do."

"okay Mareen. Nice to meet you. Nakita mo ba si Navi?"

"friend mo ba siya?" tanong niya.

"sort of" nahihiyang sabi ko. di ko pwedeng sabihing nililigawan ko si Nav, baka anong isipin niya.

Kaibigan ko si Nav oo pero di kami basta friends lang. May mutual understanding kaya kami. Napapangiti ako ng iniisip yun.

"Hmmp. Narinig ko kanina na pupunta silang arcade."

"kasama niya si Air?" tanong ko.

"oo, kilala mo din si Air?"

"hmmp. Best friend ni Nav."

"ang dame mong alam kay Navi ah" pagbibiro niya.

Ngumiti lang naman ako.

"ah sige thank you."

Paalis na ko ng tawagin niya ko.

"bakit?" tanong ko.

"gusto mo samahan na kita?"

"hindi na. kabisado ko naman ang lugar na to."

Lagi kaya ako dito at alumni ako dito kaya hinding-hindi ako mawawala dito.

"okay sige. See you around. Nice meeting you Armie."

"Same here" sabi ko at nagmadali ng pumunta ng Arcade.

Nakita ko kaagad si Nav, kasama niya ang mga kaibigan niya. Sina Air, Lloyd at Ian

Lalapit na sana ako ng marinig ko ang tanong ni Ian.

"oh kumusta na pala ang masugid mong manliligaw pare?" natatawang sabi niya.

"kelan mo ba siya sasagutin?" si Lloyd naman yun.

"sira ulo talaga kayo" sigaw naman ni Air.

"pero pre ano na? sagutin mo na kung sasagutin mo siya" si Ian

"bakit ba atat kayong mga gunggong kayo" si Air yan. Balasubas yang kausap eh, kaya magkasundo kami.

"kasi naman lahat na lang ng babae nating classmate siya ang gusto." Sabi ulit ni Ian

"Mayabang eh" sagot naman ni Air.

Nakita kong ngumiti si Nav, napangiti din tuloy ako. Pero ano daw?lahat ng babae na classmate nila may gusto kay Nav? Aba-aba ngayon ko lang nalaman yun ah.

"o kung di mo sasagutin yung si Armie. Ireto mo na lang kami." Sabi naman ni Lloyd. patukoy niya sa kanilang dalawa ni Ian.

"Gago pare, kahit sayo nalang. Ayoko ng ganung babae nakabakod sayo lagi. Ilang beses na ba yung babaeng yun ang dahilan ng pagkainis ni Navi. Lagi kasing nakadikit sa kanya. Hindi pa nga sila grabe na makabantay. Paano nalang pag sila na, banned na lahat ng babae." Sagot ni Ian.

"e diba yun nga ang gusto niyo? Yung wala ng aaligid kay Nav para makaporma kayo." sabi naman ni Air.

"pero panghatak pa rin ng chicks tong mokong na to eh."

Aba matindi talaga tong si Ian, si Nie pa ang naisip na bait. Ano daw panghatak nila ng chicks si Nie? Iprito ko kaya sila. Yare sakin to mamaya.

"gago kayo pre, maganda naman si Mie" si Air yan.

Ang bait talaga niya sakin. I mean sa lahat pala ng babae. Habulin din ng chicks to eh, kaya lagi ko pinagsasabihan na wag pagluran ang mga girls at wag baliwalain gaya ng ginagawa sakin ni Nav. Sumunod naman ang gago, extra friendly pa nga. pa fall din eh.

"oo nga maganda si Armie,walang duda dun" ayan buti bumawi tong si Ian

"ang kaso, napakainosente at nakakatakot saktan." Dagdag pa niya

"e bakit mo naman kasi sasaktan tol?" sabi ni Lloyd "e mukhang mas malakas pa yun sayo eh. Amasona yun eh."

Bwsit din tong si Lloyd eh. Isa pa tong si Nav tumawa ba naman.

"Alam natin Nav na hindi tulad ni Armie ang type mo. Highschool pa lang tayo alam na namin ang tipo mong babae. At hangang magcollege tayo hindi yun nagbago kahit di ka namin nakakasama, alam namin yun. Kaya nagtataka kami at hindi mo pa iniiwasan si Armie" Sabi ni Ian.

Tumango naman sina Air at Lloyd.

"Ano bang mga tipo ko?" tanong ni Nav

"matangkad, maganda, sexy, maputi, may class"

"so sinasabi mong hindi ganun si Mie" tanong ni Air

"medyo" sagot naman ni Ian

"Mie is special in her own way" sabi ni Air, naku! Ililibre ko talaga tong si Air sa susunod na sahod ko.

"wag mong sabihing may gusto ka kay Mie?" tanong ni Ian kay Air

napatignin naman kaming lahat kay Air. Si Air may gusto sakin?

"Baliw! Wala, kaibigan ko yun." Sagot niya at nakahinga ako ng maluwang.

Syempre panget kapag yung mag bestfriend mag-away ng dahil sa sakin.

"hays! Sagutin mo na nga si Armie" sabi naman bigla ni Ian.

"bakit na naman?" tanong ni Nav na halatang naiinis na kay Ian.

"para mapormahan ko na si Mareen"

Mareen?parang familiar ang name.

"o anong kinalaman ni Mareen dito?" tanong ni Air.

"mga tipo ni Mareen ang gusto nitong si Nav eh" sabi niya. Napatingin ako dun bigla.

Mareen? Si MM ba yung tinutukoy nila? At ganun ang mga tipo ng Nie ko.

"pero di niya mapopormahan si Mareen kasi nakabantay ang manliligaw niyang dinaig pa ang pulis" natatawang sabi ni Lloyd.

"at sa tingin ko gusto din ni Mareen tong si Nav eh" sabi naman ni Ian.

Napatingin naman kami sa sinabi niya.

"lagi kasi akong nakatingin sa kanya pero sayo lang nakatingin. Hanep din ang sex appeal mo pre" sabay hampas sa mesa.

Nagkibit balikat lang si Nav.

"matalino eh" sabi ni Air. Ngumiti naman si Nav.

Kaya lumalaki ang ulo ng bestfriend mo dahil sa mga sinasabi mo eh. Gusto kong sabihin iyon sa kanya.

"matalino naman talaga si Nav" pagpapatuloy niya "pero mas lamang pa rin ako."pagbubuhat niya ng bangko.

"hanep talaga ang hangin" si Ian yan, nagrereklamo sa sinabi ni Air.

"tignan mo to?" sabi niya sabay turo sa mukha "mas lamang pa rin."

"grabe Air! Akma talaga ang pangalan mo sayo. Ang hangin mo eh." Natatawang sabi ni Lloyd.

"sabihin niyong hindi." Hamon niya.

"pero mas habulin pa rin ng mga chicks tong si Nav, patunay na dun si Armie."

"yun nga din pinagtataka ko eh. Andito naman ako bakit si Nav pa? ang sakit" sabi niya na nakahawak pa sa dibdib.

Tinignan naman siya ni Nav tapos umiling-iling. Baliw na talaga ang bestfriend niya.

"pero pre. Seryoso na tayo, ano bang balak mo kay Mie. Kung di mo siya gusto wag mo nalang paasahin." Sabi naman ni Lloyd

"sa tigas ng ulo ni Mie, buti kung papayag siya. Alam naman nating pinapahinto na siya ni Nav sa ginagawa niya pero go pa rin ang babaeng yun. Tignan mo naman isang taon na, mahigit isang taon na nga eh pero anjan pa rin siya nakabuntot sa kaibigan natin, nakaabang sa mga babaeng umaaligid sa kanya." Sabi ni Ian.

"hindi ba niya napapansin na kung gusto man siya nitong si Nav ay dapat noon pa niya sinabi, at matagal na sanang sila. Pero hindi, minsan mahina ding pumick up ang mga babaeng inlove eh"

Napatingin naman kay Ian dahil sa sinabi niya.

Tama dun si Ian. ang tagal ko ng nililigawan si Nav, lagi ko naman sinasabi na mahal ko siya. Andame ko ng ginawa para sa kanya, pero lagi nalang niya kong tinatanggihan.

"wag mong sabihing naaawa ka lang kay Mie?" tanong ni Llyod

pareho kami ng nasa isip ni Lloyd. Naaawa lang ba siya sakin. Baka naman kasi para di ako magmukhang tanga ay hinahayaan nalang niya ko sa gusto ko hanggang mapagod na ko at ako na ang huminto sa kahahabol sa kanya.

"sa tingin mo dapat bang kaawaan si Mie?" tanong ni Air

nagkibit balikat naman si Lloyd.

"Mie is beautiful and strong. Nakasama niyo na siya once or twice. Sa tingin niyo ba papaapi yun o kaya mukhang kaawa-awa? Mas mukhang kawawa pa nga tong si Nav sa pinag gagagawa ni Mie sa kanya" natatawang sabi ni Air.

Nagtawanan naman sila maliban kay Nav na masama ang tingin kay Air.

"oo nga sunod-sunuran ka din kay Mie eh" natatawa pa ring sabi ni Ian.

Kami lang ang nakakapangbully ng ganyan kay Nav. Nung una kaming magkakilala ni Air swak na kaagad kami.

Kung tutuusin kapag kaming tatlo ang magkasama mas mapagkakamalan pang si Air ang nililigawan ko kesa kay Nav.

"kung tutuusin pwede mo siyang idispatcha, madali lang naman yun eh. Hindi naman tanga di Mie, magegets na niya yun agad. Pero tignan mo, wala kang ginagawa. Konting lambing lang niya sayo bumibigay ka na. ang weak din pre" dugtong pa ni Ian.

"hoy tama na nga yan" awat ni Air

"sabagay tama ka dun pare. Kawawa tong kaibigan natin kay Mie. Napapasunod niya tong masungit na to eh" sabi naman ni Lloyd

"hindi lang yun, akalain mo pati babaeng dinidate nawala na rin. Bokya sa paghahanap ng maidadate. Ibang klase talaga si Mie." Sabi na naman ni Ian.

"kaya nga gusto ko si Mie eh" sabi ni Lloyd.

Napatingin tuloy kami sa kanya. ako gusto ni Lloyd?

"I mean I like her as a friend" paliwanag nito.

"ugok" sabi naman ni Ian

"I like her as a friend ka jan, baka kung maging kasing gwapo at talino mo tong si Nav, pansinin ka nun."

"tsk! Kahit naman di ako katulad ni Nav, papansinin pa rin ako ni Mie. Kasi ganun talaga siya."

Eeeehhhh! Ang sweet sweet ni Lloyd. Medyo namumula pa nga siya nung sinabi yun.

"makapag blush pre parang wala dito ang nililigawan." Sabay turo ni Ian kay Nav.

"walang masama dun. I like Mie too." Sabi ni Air.

"so aminan na ngayon kung sino ang may gusto kay Mie. Sige sali na rin ako. Cute naman si Mie eh" sabi ni Ian.

"o ikaw Nav? Gusto mo na rin ba si Mie?"

lahat kami nakatingin sa kanya at nag-aantay ng sagot. Pero kibit balikat lang ang naging tugon niya.

"nak ng ano ka ba naman Nav. Wag mong sabihing may iba kang gusto?" tanong ni Ian.

Mukhang nag-iisip naman si Nav, tapos kumunot ang noo, tapos biglang ngumiti.

"ay patay! Sino yan?" tanong ulit ni Ian.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at parang di ako makahinga. May ibang gusto si Nav? Pumikit ako at inalala ko kung sino ang mga nakakasama niyang babae na pwedeng magustuhan niya.

Si Mariz? Si Ann? O si Grace? Pero hindi eh.

Si Monique kaya? Pero inis dun si Nav eh.

Si Natalie? Tsk! Ang itim nun.

Baka naman classmate niya. Wag mong sabihing yung higad na si Aika? Pero sa asta nun kanina ay mukhang di siya umubra kay Nav.

"Sino?" sabay kami ng tanong ni Lloyd. Pero syempre hindi ko matatanong yun dahil nagtatago ako dito sa sulok.

tinignan ko si Nav, nakangiti lang siya. Mukhang tuwang tuwa sa itsura ng mga kaibigan niya.

"ipagdasal mo lang na wag malaman ni Mie yan" sabi ni Ian

tinaasan naman siya ng kilay ni Nav.

"oo na wala kaming sasabihin" nakataas ang kamay na sabi niya.

"hindi pa alam ni Mie?" nakangiting tanong ni Air.

Bwisit to bakit nakangiti pa siya? Sabi niya sakin boto daw siya samin ni Nav. Bwisit to, parang may alam pa siya sa nangyayare. Hayop pinagloloko ba nila ako? magsama sila ng kaibigan niya. Mga sinungaling.

"hindi pa" sagot ni Nav.

Malamang hindi ko alam kung sino ang nagugustuhan niya kasi kung alam ko na, nasabunutan ko na yun.

Naluluha na ko, kainis! Ako dapat magsusurprise sa kanya. pero ang nangyare ako ang nasurprise.

"kelan mo sasabihin sa kanya?"tanong ulit ni Air.

"malapit na." nakangiting sagot nito.

Bakit ganyan siya ngumiti? Di ba niya alam na nakakainlove siya. Pesteng puso to oh ang bilis pa rin ng tibok kahit nasasaktan na.

"baka magulat si Mie kapag sinabi mo." Nakangiting sabi ni Air. "sana andun ako para marecord ang reaksyon niya."

"baka nga magwala yun" sabi ni Ian

"O baka himatayin" sabi naman ni Lloyd

"ilusyonada ka kasi" napatingin ako sa nagsalita. Si higad. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Anong ginagawa mo dyan?" pagtataray ko.

"nakita kasi kitang nakatingin sa kanila. Gusto ko lang kumustahin ang ginagawa mong pagsstalk."

"so ngayong nakita mo na, pwedeng umalis ka na." badtrip na ko kasi nalaman kong kahit anong gawin ko di talaga ako magugustuhan ni Nav, tapos eepal pa ang babaeng to.

"nag-eenjoy pa ko eh. Tignan mo nga ang sarili mo. Desperada ka ba talaga?"

"wala akong panahon sayo." Sabi ko saka siya tinalikuran.

Aalis na ko sa building na to bago pa ko Makita ng magkakaibigan at bago ko pa mapatay ang babaeng to.

"kawawa ka naman. Ganyan talaga ang mga lalaki. Pa fall. Ano bang ginawa ni Nav sayo at nagkaganyan ka? Baka nag hi lang siya feeling mo may gusto na sayo"

"wag mo kong itulad sayo" bwisit na babae to.

Kung lahat na lang ng gwapong nag hi sakin ay nainlove ako, malamang di ko sinusundan si Nav ngayon.

"wag mong sabihing tinulungan ka lang niya once feeling mo siya na ang knight in shining armor mo?"

natawa naman ako dun. Sa pagkaka-alam ko, nung unang pagkikita namin tinakbuhan ko siya sa takot ko.

"anong tinatawa tawa mo. Ibig sabihin tama ako?" nakangiti niya pang sabi. Sarap bigwasan.

"Hindi, natatawa ako sa mga naiisip mo. You already formed a diagnosis without even assessing the person. Paano ka magiging efficient na doctor kung puro nalang assumption ang diagnosis mo."

Natahimik naman siya dun. Duh? Akala ba niya wala akong alam sa medicine. Tsk! Nurse kaya ako. Ambisyosa to.

"aalis na ko, baka pag patuloy pa kitang kinausap, sa psych ward na ang deretso ko. bye M-i-s-s" sabi ko sabay walk out.

Duh? It's my turn. Kanina siya ang nagwalk out eh. Para naman fair.

Continue Reading

You'll Also Like

564K 8.9K 57
May mga bagay na dapat mangyare at di dapat. Sa sitwasyon nila parehas nilang hindi ginusto. tama bang itago at ilayo ang bata sa ama nito? And what...
1M 35K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
236K 3.3K 22
Kristen Rivera, JD Rivera... Mag-inang namuhay ng magkasama for seven years with Kristen's loving father. Kristen Never heard from her ex boyfriend e...
117K 2.2K 39
She is the daughter of a business tycoons Brent Lawrence Gonzaga and Adrianna Louise Celeste-Gonzaga,ang tinaguriang "the lady boss" na may hawak sa...