REBEL Desire

By Ijreid

136K 1.5K 65

Both of them agreed to meet to settle all unsaid feelings. But what will happen in five days together in pla... More

Chapter 01: The Start
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46: SPG
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53: SPG II
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70: The End

Chapter 40

1.4K 16 0
By Ijreid

NAVI POV

"Nie isaw" sigaw ni Mie ng makakita ng nagbabarque sa daan.

Napaka hyper na naman niya. Samantalang kanina pa siya nagrereklamo na masama ang pakiramdam.

"baka sumama na naman ang tyan mo" sabi ko sa kanya.

First night namin diarrhea ang inabot niya. Baka mamaya yun na naman ang susunod na mangyayare. Kinakabahan na nga ko sa mangyayare mamaya.

"nope okay na ko." Nakangiti niyang sabi.

Kanina ko pa napapansing ang pula niya, sabi naman niya dahil lang daw sa init ng araw baka nasunburn na daw siya. Pero mukhang magkakasakit na naman siya eh. Hinawakan ko ang noo niya, pero agad din naman niyang inalis.

"gusto mo ba?" tanong niya sabay angat ng isaw.

"BBQ nalang sakin" sagot ko, mahirap ng mag-isaw kapag kaming dalawa ang sumama ang tiyan, wala ng mangyayare.

Nagpaihaw na si Mie at umupo kami sa mga upuang nakalaan sa customer.

Mie loves street foods. Lahat nalang ata kinakain nito. Sabi niya kasi "mura na masarap pa".

gusto ko nga sabihin "mura nga, malinis ba?"

pero alam ko namang sasabihan na naman niya ko ng maarte.

I learned to love eating street foods because of her. My mom is so protective when it comes sa pagkain. When I attended college dun ko naranasan kumain ng street foods pero madalang lang yun. nung nakilala ko si Mie, dun na nagsimula. Lagi niya kong hinahatak kung saan para kumain.

Napakatakaw pero hindi naman tumataba. Ako ang tumataba nun dahil sa kanya, at dahil din sa panlalait niya nun sa katawan ko ay nagsimula akong mag gym. Thinking about the past reminds me of her. Marame siyang pinaexperience sakin na di ko akalaing magagawa ko. And until now ganun pa rin.

"grabe ang sarap. Namiss ko to" sabi niya habang kumakain.

"bakit?kelan ka ba huling kumain."

"hmmmm... last week pa."

napailing na lang ako. "last week lang pala, pero kung makareact ka kala mo isang taon."

"e ganun ang feeling ko. Bakit ka ba nakikialam?"

"wala,kumain ka nalang dyan. Uminom ka ng marameng tubig after."

"yes doc" nakangiti niyang sabi.

Bukod kasi sa matakaw to, mahilig na mahilig din sa softdrinks. Malamang pagtanda nito ang dame ng nakaabang na sakit sa kanya. at kapag dumating ang panahong kasama ko pa rin siya, ako panigurado ang magiging doctor niya. Sabagay sa asta niya pwede pa rin siya sa Pedia at ihanay sa mga batang pasyente ko. napakaisip bata kasi.

Sixth Destination: Blue Lagoon/Hannah's Beach Resort

Dahil located lang din naman ang Blue Lagoon kung saan kami naka check in ay dumiretso na kami doon ni Mie. Dahil mabait naman si manong at nagenjoy si Mie ay binigyan ko na rin siya ng tip.

Alas tres na ng hapon at tirik na tirik pa rin ang araw. Ngayon pa lang magsisimula ang totoong kasiyahan.

Water activities, here we come.

Sino ba namang makakatanggi sa ganda ng lugar na to. Parang isang napakalaking swimming pool ang lugar, kaya siguro tinawag na blue lagoon ay dahil isa siyang malaking asul na swimming pool. Idagdag mo pa ang kalmadong dagat at pinong buhangin.

Naglakad-lakad muna kami sa paligid para tignan kung anong water activities ang uunahin namin.

Kanina pa nga maingay tong si Mie, natahimik lang siya nung tumawag ulit si Mareen.

"do you know how to surf Nie?" tanong niya sakin. Mukhang surfing ang gusto niyang una naming gawin.

"nope" hindi naman talaga. Hindi ko pa nga natatry eh. Sabi naman sa inyo masyadong umikot ang buhay ko sa pag-aaral kaya madalang lang ako lumabas. Sa Baler sana ang kaso hindi ako sumama dahil biglang nagkulang ng duty sa hospital noon. At dahil bago pa lang ako kailangang maging mabait muna kaya pinagpaliban ko muna ang gala.

"let's try it" masaya niyang sabi.

"let's go" hinila na niya ko. Masyado siyang excited.

Narating namin si Kuya na nagtuturo sa isang bata.

"Kuya magkano po ang rental ng surf board?" tanong ni Mie

"Ah mam sa reception na lang po kayo pumunta. 500 pesos po per hour kasama na po dun ang pagtuturo kung hindi kayo marunong"

"talaga? Free turorial?" masayang tanong ni Mie

"opo mam"

"naku halika na Nav! Punta na tayo dun."

Hindi pa man ako nakakapagsalita ay hinila na ko ni Mie papunta sa desk ng reception.

Nakikinig lang ako sa pinag-uusapan nila. Hindi lang surfing ang kinuha niya pati na rin ang Pedal Boat at Jet Skiing. Gusto pa sana niyang magbanana boat kaso sabi ko wag na dahil marame pa naman ibang pwedeng gawin sa resort na to.

Natry ko na kasi yun before at masakit sa katawan. Wala namang exciting dun and besides kailangan maramihan. E dadalawa lang naman kami.

Nang matapos ay binayaran na namin lahat ng iyon. Grabe ubos na ata ang ipon ko sa mga luho lang naming dalawa. Pero okay lang, ngayon nalang din kasi ako nag enjoy ng ganito.

Sunod ay nagpunta kami sa room para magbihis ng swimming attire namin. Hindi naman kasi angkop ang suot namin para sa water activities.

"No swimsuit Mie" I said bago siya pumasok ng banyo

"tsss! Anong gusto mo nakabalot ako? Magtigil ka nga" sabi naman niya

"Mie! Don't start" paalala ko. ayoko ng may binabantayan masyado. Paniguradong mag-aatract to ng tao pag nagkataon.

I texted Mareen na water activities kami ngayon so hindi ko dadalhin ang phone ko.

Nagulat na lang ako ng lumabas si Mie, she look so sexy in her swimming outfit. Naka longsleeve siya and a very short cycling short. Gusto ko pa sanang magreklamo dahil maikli kaya lang ang sama na agad ng tingin niya sakin.

"kapag pinapalit mo ang suot ko, nakahubad akong lalabas" banta niya. mas worst naman yun kaya hindi na ko nagsalita pa.

she tied her hair and wears her shades, kinuha na rin nya ang digicam and phone niya at nauna ng lumabas.

"hoy hintayin mo ko" sigaw ko. hindi pa kasi ako nakakapagpalit ng damet.

Same lang kami ng suot ni Mie, ewan ko ba bakit pareho kami ng dinalang swim wear. Nakalongsleeve and cycling din ako, yun nga lang mas mahaba ang cycling short ko dahil abot yun hanggang taas ng tuhod.

Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko si Mie na kumukuha na naman ng mga pictures.

"tara na" sabi ko para mapansin niya ko.

ngumiti naman siya at nauna ng maglakad.

Gaya ng gusto niya ang surfing ang una naming sinubukan. Pati ako naging excited to finally rides the waves. Medyo malakas ang alon, parang hindi bagay sa mga newbies na katulad namin ni Mie, baka malunod kami. I know how to swim, at ganun din naman si Mie. Tinuruan naman kami nung nasa college pa kami. PE subject kasi namin ang swimming noon.

Sabay kaming tinuruan ni Mie. bago kami sumabak sa malakas na alon ay sa pampang muna kami. tag isa kami ng instructor. tinuruan kami Kung paano ang tamang pagpaddle, pagsakay sa board at sa tamang pagbalanse ng katawan. Mabilis lang naman ang turo, mas maganda pa rin kasi ang maexperience namin kung paano nga ito gawin.

Excited kami ni Mie after the short lesson. Ibinigay ni Mie ang digicam and phone niya kay manong na trainor niya and ask to take few photos of us, manong was happy to comply.

Yung isang trainor nalang ang kasama namin sa dagat. palitan sila kapag pagod na yung isa. si Mie kasi gusto may kumukuha ng pictures namin.

Nang makarating kami sa maayos na pwesto ay dumapa kami sa board.

"When i said ready. position your selves"

Ang ibig sabihin nun ay ilalagay namin ang dalawang kamay sa board at itataas ang isang binti para maiready sa pag tayo.

Naramdaman ko nalang na itinulak ni manong ang board at sinabing tayo.

Dahan dahan ang pagtayo ko. at boomm. nahulog ako. napatingin ako kay Mie na ganun din ang nangyare.

"Again" sigaw ko kay Mie.

Ngiti lang ang isinagot niya sakin.

"Pag tayo niyo flat dapat ang paa. wag itataas.para mas madaling ibalance." sabi niya samin.

Tumango lang kami.

"Ready position" rinig kong sabi niya.

Nang itulak niya ko ay tumayo na ko.

"Wooooohh" napasigaw ako dahil nakatayo ako ang kaso-

"Waaah bakit tumigil" tumigil ang pag punta ko sa pampang kaya no choice ako kundi tumalon sa tubig.

"Waaah Nie" rinig ko si Mie na nahulog na naman sa tubig.

"Buti kapa naka-abot dun" reklamo niya.

"Miss sabi ko flat ang paa. naka tip toe ka kasi kaya nahihirapan ka. kahit hindi naman malaki ang base mo for balancing ay okay lang" sabi niya kay Mie

"Sir wag po kayo maglagay ng weight sa nose ng board, yun po yung rason kaya tumitigil yung board"

Tumango lang ako at saka dumapa ulit sa board.

"Ready position" sabay pa kami ni Mie at nagtinginan.

"Go" sabay tulak niya sakin.

"Go" para kay Mie naman yun.

Wow! Mas nakatayo na ko ngayon. ginaanan ko na ang paglagay ng weight sa board para di ulit huminto

"Nie Nie Nie. ahhhhh-splash" si Mie kasi nag segway sakin kaya nagtama ang mga boards namin.

"Kuya bakit ako lumiliko" reklamo ni Mie habang pabalik kami kay manong.

" Too much weight po"

"Mag diet ka daw" pang aasar ko.

"Nie" sinamaan niya ko ng tingin na kinatawa ko lang.

"Wag po kasi kayong maglagay ng weight sa nose ng board para po diretso lang. kapag po kasi mabigat may tendency pong lumiliko or tumigil"

Nakasimangot na tumango naman siya. napikon ko na naman siguro.

"Mie halika nga dito"

"Bakit?!" Pasigaw niyang tanong.

Napikon nga ata talaga. ako na tuloy ang lumapit.

"Sorry na okay?" Sabi ko at hinalikan siya.

Umiwas naman siya at tumingin kay manong na nakangiti lang samin.

"Lumayo ka nga" inis na naman niyang sabi.

"Ang moody mo Mie"

"Shut up Nav"

Napapailing na napapangiti ako sa inaasta niya. nahihiya lang siguro.

Inulit namin at ayun nga di nagtagal ay nakuha na namin ang tamang pagtayo at pagbalance.

"Mam Sir gusto niyo po ba yung kayo na lang ang mag-aabang ng alon. hindi ko na po kayo tutulungan. same lang naman po. pag padating na ang alon. paddle, position and stand lang po"

Sumang-ayon na kami ni Mie kasi gusto rin naming matry yun.

Naglakad kami palapit sa alon and when the waves came we both lies in our board and started to paddle.

Naririnig namin si manong na sumisigaw ng "paddle, paddle,paddle" natatawa na lang kami habang sinusunod siya.

"tayo" rinig namin sigaw ni manong. Agad kaming tumayo pero nawala ang balance ko ng mapatingin ako kay Mie. And then I fell.

Ah! That was exciting, parang nabuhay ang dugo ko nun after the fall. Nagkaenergy ulit after ng ilang tries kanina.

rinig ko ang tawa ni Mie, mukhang siya ay nag-eenjoy na rin dahil kaming dalawa na lang.

"let's try again" masayang sabi niya.

We waited for another wave to come then we surfed. My second try was awesome, I didn't fall. We tried it a couple of times and thumbs up ako sa experience. I really enjoyed it. Worth it ang haba ng pagpaddle sa ilang seconds na nakatayo ka sa board lalo na kapag na aabot namin ang sand.

"Ahhhhh" nagulat ako ng marinig ko yun. Napatingin ako kay Mie. Halatang nasaktan ito sa pagkakabagsak.

Agad ko siyang nilapitan "what happened?are you okay?" tanong ko

"tumama ako sa bato, ang sakit" usal niya.

Sinenyasan ko si manong na lumapit samin.

"manong pakidala nalang po muna tong mga boards" sabi ko at tsaka binuhat si Mie.

Nang makarating kami sa pampang ay nakita ko ang galos sa tuhod niya.

"tssss!masyado ka kasing naexcite eh. Dahan-dahan naman kasi Mie" payo ko.

"okay na ko" sabi niya at pilit umaalis sakin.

"okay ba yan e nasugatan ka" inis na sabi ko.

"ano ka ba Nie, wag OA, gasgas lang yan. Malayo sa bituka. Pahinga lang tayo sandali"

tinaasan ko naman siya ng kilay. "tama na, baka mamaya mas malala pa dyan ang mangyare sayo."

"sabing wag OA eh. 5 minutes lang tas tara na ulit. Enjoy ang surfing diba?" masaya niyang sabi

"wag kang magkaila, nakikita kitang nag-eenjoy din. Promise mas magiging maingat na ko this time"

"hayss" how can I say no when she's smiling like that at me?

Tumango nalang ako. After 5 minutes rest we started to paddle again.

Hinayaan na namin sila manong na mag picture samin. hindi na rin namin sila inabala kasi mas nageenjoy kami ni Mie ng dalawa lang.

I'm tired, kahit one hour lang ang experience namin ay parang isang buong araw kaming nagtrabaho. But the thing is, we enjoyed it.

We took a picture with the surf board before we headed to our next water activities.

Next thing we tried was the pedal boat, ako naman ang nagpepedal saming dalawa. Akala ko nung una madali lang to at makakapagpahinga ako sa sobrang extreme ng surfing pero hindi, ang sakit sa paa. kulang na ata talaga ako sa exercise, feeling ko bukas sasakit ang katawan ko matapos ang araw na ito.

Ang hirap, ang sakit din kasi sa legs ang pagpapadle. Kanina kamay ang nagpapaddle, ngayon naman paa. i'm imagining myself tomorrow, baka bed ridden na ko.

Our last water activity was the Jet skiing. We rented one jetski, salitan na lang daw kami sa pagdadrive, pero nakikinita ko na ako lang ang magdadrive saming dalawa, siya lang ang taga sigaw at utos kung saan kami pupunta.

Hindi ito ang first time na magjetskiing ako, pero parang ito pa lang ang una, sobrang nagenjoy ako kasama si Mie.

Mareen and I tried it before, pero she's a cautious type of person, masaya din naman yun pero itong ngayon, mas masaya. Halos suongin namin ang malalakas na alon gaya na rin ng gusto ni Mie. Tinuruan ko siya kasi ngayon pa lang daw ang first time niyang subukan ito.

"para ka lang nag-momotor. If you want it faster, ipihit mo lang ng ganito"

"woooooh" masayang sigaw niya. Hinayaan ko nalang siyang gawin ang mga tinuro ko, madali lang naman ang jet skiing at natuto naman siya agad.

"Ang sarap nito Nie" sigaw niya.

"I know" nakangiti kong sabi "wag mo na lang bilisan at baka di mo makontrol" paalala ko

"kaya ko na" pagmamalaki niya "gusto mo makipagrace tayo sa kanila?" turo niya sa mga nagjejetskiing din, pero mukhang mga mas bata samin.

"No" sabi ko. mamaya ano pang mangyare.

"sige na Nie" pagpipilit niya.

"sige ipilit mo yang gusto mo at ng itigil na natin to" banta ko

"ang korni mo talaga" inis na sabi niya.

"no racing in water Mie, natutunan mo pa lang ngayon to tapos kung makapaghamon ka akala mo bihasa kana."

"edi ikaw nalang ang makipagrace sa kanila. Exciting yun"masaya niyang sabi.

"ayoko"

"I'll give you a kiss kapag nanalo ka"

"ayoko"

"sa lips"

"no"

"for one minute"

napatingin ako sa kanya. ano bang meron sa kanya ngayon?

"sige for two minutes"

alam ba niya ang binabargain niya sakin

"sige 3 minutes last na yun"

"when I say no! no! buti sana kung hindi ka naka-angkas sakin"

sayang yung bet niya, I love that pero kung kasama siya, ayoko! Malakas pa naman ang alon and I saw how they drive magaling.

"sige may tongue involve pa last na yun. promise di na kita kakagatin." Sabi niya na nakataas pa ang kanang kamay.

"Mie!" saway ko, kapag nagpatuloy pa siya baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at mahalikan siya dito.

"kahit na makipag-sex kapa sakin still no" tapos ko sa usapan.

"ay sayang naman! Yun pa naman ang susunod kong sasabihin" kibit balikat niyang sabi.

I groaned "you're cruel" bulong ko.

Napailing na lang ako, pati utak ko napapagod sa kanya.

Mukhang mali ata ang ginawa kong pagtanggi sa kanya dahil halos atakin na ko sa pagdadrive niya, yun ata ang ganti niya sakin sa pagtanggi ko sa pakikipagrace. Wala siyang takot, walang pakundangan, basta sugod lang sugod, bago pa lang ako makapagreklamo nagawa na niya. Ganun kami habang nagjejetski.

"mamatay ako ng maaga sayo" reklamo ko ng huminto kami. nasa gitna pa rin kami ng dagat at tinitignan ang paligid.

"wag ka naman ganyan, ngayon ko lang natry to at nagenjoy ako" sabi niya.

"ngayon lang? e paano pa kung bihasa ka na?"

"edi matatalo kita, mas magaling na ko sayo"

"asa" nakangising sabi ko. same lang naman kami pagdating sa pagdadrive pero hindi tulad niya, hinid ako nageenjoy maging passenger niya habang siya ay nageenjoy sa dagat.

"it's my turn now" sabi ko

"gusto ko pa, dapat dalawa nalang ang nirentahan natin eh" reklamo niya.

"okay you can have it. I'll stay on the shore" sabi ko.

panonoorin ko na lang siya kesa angkas niya ko. mas nakakatakot pala ang angkas kesa sa driver kasi hindi mo control ang pwedeng mangyare.

"are you having a cold feet?" pang-aasar niya

"asa ka naman. I want to rest. Ako ang pinagpaddle mo kanina eh. Masakit na ang paa ko. At mas makakarest ako ng nakaupo dun kesa angkas mo habang ikaw lang ang nag-eenjoy. Maiinggit lang ako."

ako kasi dapat ang nagdadrive kasi lalaki ako, pero dahil sa kanya pati ganun karapatan ay nawala na. halos angkinin na niya ang sinasakyan namin pero ayos lang naman kung saan naman siya masaya ay dun ako.

"sus! Palusot. Sige na ihahatid na kita dun"

ngumiti lang ako bago niya harurutin ang jet ski. Panay pa ang sigaw niya sa tuwing napapatalon kami sa pwesto namin. Ito ang adventure na gusto niya at masaya ako na ako ang pinili niyang makasama.

Continue Reading

You'll Also Like

88.7K 1.9K 30
Love Story of Kyle Adamson and Catherine Hyo. Catherine accept being pretended wife and bride of the famous cold-hearted monster Kyle Adamson. Once...
163K 4K 29
The RICH And The POOR (crazy) Meet... Yanri Shiratori Isang simpleng dalaga na mahirap pa sa daga. Na walang hinangad... Kung di ang mahanap... Ang k...
257K 5K 30
Lima kaming babae na iniwan ng dapat magiging ama ng mga baby namin. Itinakwil ng mga magulang. Naging servant sa ibang bansa. Naging mayaman. Na...