REBEL Desire

By Ijreid

136K 1.5K 65

Both of them agreed to meet to settle all unsaid feelings. But what will happen in five days together in pla... More

Chapter 01: The Start
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46: SPG
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53: SPG II
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70: The End

Chapter 12

1.9K 22 0
By Ijreid

NAVI POV

4 years 1 month ago...

dito sa Trinoma namin napagpasyahan na magmeet. Ito ang first date namin.

Sinong nag-aya? Siyempre sino pa nga ba edi siya.

Talagang sineryoso niya ang panliligaw na sinabi niya sakin noon.

At yung Nie ko na sinasabi niya ay ako yun. Short for honey daw. Ang korni niya.

2 months na simula ng nagbreak kami ni Alexa, long distance relationship kasi kaya di nagwork.

Nasa States kasi siya at ako andito sa Pinas at nag-aaral pa.

puro kami away kaya inend na namin ang relationship. hindi na rin kasi healthy.

At nung nalaman yun ni Mie. Ayun manliligaw daw siya, at dahil broken hearted ako. I mean dahil wala akong magawa or energy man lang makipagtalo sa kanya ay sinakyan ko ang trip niya.

Lagi niya kong napapangiti kahit di niya sinasadya. Ganun na ata siguro siya. Dati pa naman bago siya umaming may gusto sakin napapatawa na niya ko pero most of the time ay iniinis niya ko.

at dahil hindi ko pa rin makalimutan ang i like you niya noon, hinayaan ko na siya. di ko rin naman siya mapipigilan kung disidido siya sa kalokohan niya.

At eto nga umabot na nga dito sa first date daw namin ang kaabnormalan niya

And what would I expect for Armie, edi late malamang. Lumampas daw siya dahil nakatulog sa bus.

"kanina pa ko dito" reklamo ko sa kanya pagkarating niya.

Mag-isang oras ko na siyang inaantay. "sabi mo otw kana, tapos di kana nagreply."

"nakatulog nga ko. Lumampas ako eh. Pag tingin ko nasa Manila na ko."

"umabot ka ng Manila." Ang layo nang narating niya ah.

"dun lang naman sa may rotonda. Border ng Manila at QC"

Tss! At hihirit pa siya. Ang layo pa rin nun. "lagi ka nalang ganyan. Di ka na nagbago"

"hala! Ngayon lang naman to nangyare ah. Excited kasi ako sa date natin di ako nakatulog ng maayos kagabi kaya kanina nakatulog ako."

Yan! Ang galing magpalusot. Kulang na lang isisi niya sakin ang paglampas niya eh.

"halika na gutom na ko." Sabi ko.

"saan mo gustong kumain?" Tanong niya.

"kahit saan. Halika na. antagal mo kong pinag-antay." Reklamo ko.

"wait!" pigil niya. "gusto ko ng sushi. Dun tayo" turo niya sa isang Japanese Resto. Pumayag na ko dahil gutom na rin naman ako.

"Anong gusto mong gawin ngayon?" tanong niya sakin habang kumakain kami.

"bahala ka. You're the boss" sabi ko. Siya ang nag-aya edi siya mag-isip.

"Ano bang ginagawa mo sa mga dates?" tanong niya.

"don't tell me first time mong makipagdate kaya tinatanong mo ko." sabi ko.

"hindi ah!" tsss! Parang ang defensive ng sagot.

"e bakit ako tinatanong mo? Ano bang ginagawa mo sa mga dates mo dati?" Nakita ko siyang nagiisip.

Alam ko ako ang lalaki samin pero dahil binadtrip niya ko sa pag-aantay. Bahala siya mag-isip ng gagawin. masyado na kong gutom para makapag-isip pa ng matino.


ARMIE POV

Ano bang ginagawa sa dates? Oo nakipagdate na ko. Sa family ko, sa mga friends ko.

Kung naman may nag-aya saking manliligaw dati, lagi akong may chaperon kasi sa pagkakatanda ko wala akong naging manliligaw na ginusto ko.

Dinidate ko lang kasi nakakahiya na sa kanila, pero may kasama ako. Yun iba kasi friends ko pa kaya mahirap tanggihan o kaya naman nirereto ng mga kaibigan ko sakin. syempre nakakahiya namang hindian.

Bale Ito yung first time kong date, date with the guy I like. Date na kami lang dalawa.

"Kain, shopping, movie?" patanong kong sabi.

"hindi ka pa sigurado ah." Pabiro niyang sabi.

"eh basta ako ng bahala. Ako nanliligaw diba?" nakangisi ko pang sabi.

Nagbago naman siya ng expresyon. Galit ba siya? E totoo naman eh. Sino ba kasi ang nag-aya?ako diba? sino bang nagkagusto? Ako diba? Sino bang nanliligaw? Ako pa rin diba?

"bahala ka." Yun lang ang sinabi niya at nauna na sa resto.

"kahit kailan ka talaga." Bulong ko sabay sunod sa kanya. PAKIPOT!

Ako na ang umorder ng food. Kumain na ko, pero nacacrave ako ng sushi at misono. Kaya kain ulit, tutal gutom naman tong date ko.

"kumusta pag-aaral?" tanong ko habang kumakain kami. Lagi naman kaming magkausap sa text pero kasi maganda na rin yung ganito na may mapagusapan kahit paulit ulit na.

"ayos lang, same pa rin." Sagot niya.

Same pa rin? E kasi lagi ko nalang tinatanong eh. Kaya alam ko na ang sagot.

"ano palang specialization ang kukunin mo?"

"wala pa eh. I'm thinking kung adult cardio or pedia hema."

"cardio? Mag cardio ka nalang" sabi ko. "parang di mo bagay magpedia."

"bakit naman?" takang tanong niya.

"e ang sungit mo eh. Matatakot ang mga bata sayo." Sabay tawa ko.

"Ah ganun. E kung iwan kaya kita dito."

"Sungit! grabe ka talaga! Wala na kong masabi. Ikaw na ang babae. Ako pang wawalk outan mo?" singhal ko.

Oo gusto ko tong si Nav, pero minsan ang kapal din ng mukha eh, kaya normal na nagsisigawan kami.

"Ano? Aba." At binato ako ng misono.

"shit! Ang init! Hoy" sigaw ko. "bakit mo ginawa yun. Nagsasayang ka ng pag-" wala na. sinalpak na niya sa bunganga ko yung sushi,di ko natapos ang sasabihin ko.

"waaahhh!" nagpanic ako.

"tubig." Sigaw ko.

"ang anghang."  pinapaypayan ko ang bibig ko.

Peste tong lalaking to. Tawa pa ng tawa.

Ang daming wasabi nun. Naubos ko tuloy yung red tea. Pero kulang pa ah. Ang anghang pa rin. Naiiyak na ko.

Sinamaan ko siya ng tingin tapos di ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko. Ang anghang kaya, nilagyan niya ng marameng wasabi yung sushi. nakakainis!

"ui" tawag niya sakin.

Tumigil na rin siya sa pagtawa at nag-aalala na. Aba dapat lang siyang makonsensuya. Pinaiyak niya ko.

Di ko siya pinanasin, bahala siya.

Dumating na yung waiter at binigyan ako ng tubig. Ininom ko agad yun pero ang init pa rin ng dila ko.

"Mie!... ui... sorry na" sabi niya pero di ko siya pinapansin.

"hoy! Kasi ikaw."

Hala ako pang sinisi niya. Bahala siya dyan, di ko siya pinansin at kumain na lang ako.

"Mie" tawag niya ulit sakin "sorry na. kausapin mo na ko."

Tinignan ko siya. Hmmp. Kung di ko lang mahal to. Mahal? Anong mahal? I mean kung di ko lang siya crush. Bwisit!

Kumuha ako ng sushi, nilagyan ko rin ng madaming wasabi at hiniharap sa kanya.

"say ah" sabi ko.

nanlaki naman ang mga mata niya sa ginawa ko.

"patatawarin kita basta kainin mo to." Nakangiti ko pang sabi.

"yah!" sigaw niya.

"tsss" nakasigaw na naman siya. Ibinaba ko na yung sushi. Wala na rin akong gana.

"oo na pinapatawad na kita, ubusin mo lahat ng inorder natin. Busog na ko." nag cross arm pa ko. Nakakabadtrip siya eh.

Nanlaki na naman ang mata niya. "andame mong inorder tapos ako ang pauubusin mo?"

"wag kang mag-alala ako naman ang magbabayad nan. E sayang naman kung itapon diba? u-bu-sin mo." Diin ko sa bawat salita.

Wala naman siyang nagawa kundi ubusin yun. Akala niya. At dahil daw siya ang umubos siya na rin daw magbabayad. Asus! May pagkagalante din tong maarteng to eh. After naming kumain ay napagpasyahan naming manood ng movie.

"may gusto ka bang panoorin?" tanong ko. Tumingin naman siya sa mga palabas.

"bahala ka na. kung ano na lang gusto mong panoorin."

"ito ang gusto kong panoorin natin" sabi ko.

"ayoko ng pinoy movie" sabi niya.

"hindi yan pinoy movie. Thai movie yan oh." Sabi ko. At tinignan naman niya.

"maganda ba yan?" tanong niya.

"oo naman. Nabasa ko ang review nan sa internet, maganda yan."

"okay kaw ng bahala boss" nakangiti niyang sabi. Masaya na siya kasi napatawad ko na siya pagkaubos niya lahat ng inorder namin.

Gutom naman siya, kunwari pang hindi daw niya kayang ubusin mag-isa.

Hindi pa nagsisimula yung palabas pagpasok namin sa sinehan. Kaya lumabas muna ako at bumili ng popcorn at 2 coke.

"pagkain na naman." Sabi niya ng makita ako.

"manonood ng movie eh. Edi dapat may popcorn. Kung ayaw mo edi wag. Akin na to lahat. Tutal marame ka naman ng kinain." Sabi ko.

"tss" rinig kong singhal niya. Pero pagkaupo ko kinuha naman niya yung coke na isa. Dadahilan pa eh, gusto din naman.

Nang magsimula na ang movie okay pa siya. Pero nung kalagitnaan na, kung anu-ano ng sinasabi niya.

Ayoko na siyang tignan at sa screen lang ako nakatingin. Ramdam ko kasi ang masamang aura niya.
Mukhang di niya gusto ang palabas.

"lalabas na ko." rinig kong sabi niya.

Hala! Badtrip nga ata siya sa movie. Patayo na siya ng hawakan ko ang kamay niya. Tinignan ko siya at sinabing " dito ka lang. di pa tapos ang movie."

"iihi lang ako." Sabi niya.

Tinignan ko siya ng masinsinan. Sinuri ko siyang mabuti. "subukan mo lang di bumalik." Pagbabanta ko.

"oo na" sabi niya at tuluyang umalis sa kinatatayuan.

20 minutes na ang nakakalipas di pa rin siya bumabalik. Leche yun. Tinext ko nga.

To: Nav

Don't push me Nav. Bumalik ka dito. Pinapili kita kanina ng papanoorin at di ka komontra nung ito piliin ko. You said I'm the boss sa date na to. So bumalik ka dito!!!!!!!

Punong-puno yun ng exclamation para intense. Matakot siya at bumalik agad.

After another 20 minutes saka siya bumalik ngunit patapos na yung movie.

"bakit ang tagal mo?" tanong ko. "saan ka nanggaling?"

"nag CR nga diba" walang gana niyang sagot.

Bwisit to. Humanda siya sakin mamaya. Maganda na yung part ng palabas eh. Tapusin ko muna to bago ko siya kakausapin.

15 minutes after, natapos na yung movie. Lumabas na kami.

"tara timezone" aya ko.

"umuwe na tayo. Di maganda ang pakiramdam ko." Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

"ha bakit?" tanong ko "anong nangyare sayo? Ang aga pa oh." Pakita ko sa relong suot ko.

"next time" sabi niya at hinigit niya ko pababa sa escalator.

"kainis ka naman eh. Tinatapos mo agad yung date natin. Mukhang okay ka naman eh." Pagmamaktol ko.

"hindi ako okay. At wag kang maingay kasi mas lalong sumasama ang pakiramdam ko."

Hala! Anong meron. Nag-alala naman ako bigla kaya hinawakan ko siya. Hindi naman siya mainit, hindi rin naman siya malamig.

hinayaan ko nalang siya. Tahimik lang kami sa byahe.

Nang maihatid niya ko ay inaya ko siya umakyat sa condo.

"wag na." sabi niya.

"kainis ka talaga kahit kalian. Pagdating sakin ang cold cold mo. Samantalang sa ibang babae, ikaw na ang pinaka sweet. Sa sobrang sweet mo nagkaka diabetes sila." Reklamo ko.

Kasi naman umuwe na nga kaagad ayaw pang ihatid ako sa condo. Ayaw na ayaw ba niyang kasama ako. Eh bakit pa siya pumayag makipagdate?

"at ikaw hindi ka magkakadiabetes kasi sobrang bitter mo." Sabi naman niya sabay baba ng sasakyan niya.

Nagulat na lang ako ng hawakan niya ang kamay ko at hilain ako papasok sa condo tower. Napangiti naman ako bigla. I intertwined our fingers, para wala na siyang kawala, hindi naman siya nagreklamo kaya parang sasabog na ang puso ko sa kilig. Binabawi ko na ang sinabi ko kanina. hindi na siya cold sakin.

"mapupunit na ang labi mo sa lapad ng ngiti mo" panira niyang sabi. Nasa elevator na kasi kami at magkahawak pa rin ng kamay.

Sinamaan ko siya ng tingin pero siya nakangiti lang. Sus kinikilig din naman siya. Ako pa daw ang malapad ang ngiti eh ganun din naman siya.

Pagkadating sa pinto ng room namin ay binitawan na niya ang kamay ko.
Awwwts! Ayaw ko pa eh.

"aalis na ko. Bye" sabi niya sabay talikod.

" Nie" tawag ko. Lumingon naman siya. Feel na feel na niya na Nie ang tawag ko eh.

" Thanks. I enjoyed our date" nahihiyang sabi ko.

"mabuti naman. Kasi ako hindi." Sabi niya na kinagulat ko.

"anong ibig mong sabihin?"

ngumiti lang siya sabay sabing "basta hindi ako nag-enjoy. Bumawi ka nalang next time" sabi niya at tuluyan ng umalis.

"sus! Ang sabihin mo gusto mo lang magdate tayo ulit." Sabi ko na di ko alam kung narinig niya dahil nakapasok na siya ng elevator.

"konti na lang mapapasakin ka rin." Buong kompyansa kong sabi sa sarili.

Continue Reading

You'll Also Like

3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
208K 5.3K 39
Nakulong ako sa isang kasunduan. Kasunduang, tuluyang sumira ng buhay ko. When he came, my whole world changed. Nainlove ako sa kanya. Pero hindi niy...
339K 3K 59
ito ay storya batay sa dalawang taong nagmamahalan ngunit mapupunta lamang sa DIVORCE? Ohhhh myy Gossshhh, NO!
98.7K 2K 22
Wynter Cassandra and Jocas Piero; Parang aso at pusa, tubig at langis, yelo at apoy-na kailanman ay hindi na magkasundo. Wynter is a certified stubbo...