Talk Back and You're Dead!

By Alesana_Marie

9.5M 142K 28.7K

Simple lang naman ang gusto ni Samantha sa buhay, ang maka-graduate na may highest honors at talunin ang kari... More

Author's Note
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-Four
Chapter Forty-Five
Chapter Forty-Six
Chapter Forty-Seven
Chapter Forty-Eight
Chapter Forty-Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty-One
Chapter Fifty-Two
Chapter Fifty-Three
Chapter Fifty-Four
Chapter Fifty-Five
Chapter Fifty-Six
TIMOTHY'S JOURNAL
BOOK 2: NTBG

Chapter Thirteen

206K 3K 327
By Alesana_Marie

Chapter Thirteen

"Chin up, chest out, stomach in, now walk," pinanuod ko si Michie habang naglalakad nang may libro sa ulo.

Sa loob ng tatlong araw nagkaroon kami ng mga extra classes. Three hours minsan inaabot ng five hours ang session namin. Ang hirap nya turuan pero halata ko naman na gusto nya talagang matuto. Hindi ko parin alam kung anong kalalabasan nito after three weeks.

"Good, now lets proceed to Tea Ceremony," umupo kami sa table kung saan may tea set.

"Wow! Grabe kakapagod naman buti may drinks! *gulp.gulp* ahhh..." ininom ni Michie ang tea nya ng isang lagukan lang at pinunasan nya ang bibig nya gamit ang likod ng palad nya.

"Michie! Ilang beses ko bang sasabihin na mali yan?!"

"S-Sorry Sammy!" sabi nya. "Hwag ka nang magalit please?"

"Ulitin natin," sabi ko at inayos ang tea set. Nilagyan ko ulit ng tea ang cup nya.

"Okay!"

Makalipas ang tatlong oras natapos din kami. Nakakapagod naman mag-turo. Lumabas na ako ng school grounds at naglakad pauwi. Actually ako lang talaga ang hindi nakatira sa isang dorm. Meron akong sariling bahay na sampung minuto ang layo sa school kung lalakarin.

Teka parang may sumusunod sakin ah.

Lakad~ Lakad~ Lakad~

Lingon~ wala naman~

Lakad~ Lakad~ Lakad~

Lingon~ wala naman~

Lakad~ Lakad~ Lakad~

Lingon~

May nakita akong anino! Nagtago sa poste ng ilaw!

Oh Shiz! Pepper Spray! Check! Kinuha ko ang pepper spray sa bulsa ko at hinawakan ng mahigpit.

Lakad~ Lakad~ Lakad~

*Thump.Thump.Thump.*

Palapit nang palapit ang yabag ng taong sumusunod sakin. Hwag lang syang magkakamaling humawak sa'kin.

*Thump.Thump.Thump*

*Tap!*

May humawak sa balikat ko. At mabilis kong itinapat sa kanyang mukha ang pepper spray!

*SSSHHHH!!!*

"AAAHH!!!" sigaw ng creepy stalker habang tumatakbo ng paikot-ikot habang nakatakip ang dalawang kamay sa mukha.

*BOINK*

Dahil sa hindi pagtingin sa direksyon na tinatakbuhan nabunggo sya sa poste ng ilaw at napahiga sa sahig. Kawawa naman. None of my business. Kasalanan naman nya kaya sya nasaktan. Nag-patuloy na ako sa paglakad.

Lakad~ Lakad~ Lakad~

Hinto~

Lingon~

May napansin lang ako. Same blouse, same skirt. Pareho kami ng suot na uniform.

Takbo Pabalik~

Poke~ Poke~ Poke~

Kinuha ko ang stick na galing sa isang nabaling sanga ng puno. Pinoke ko ang nakadapang babae. Nakadapa sya kaya hindi ko makita ang mukha. Hmm.

Poke~ Poke~ Poke~

"S-Sam... S-Sa... mmy," tawag ng babae.

EHHHH?! Parang kilala ko to ah! Hinawakan ko ang balikat nya at inikot para makita ang mukha nya.

"MICHIE?!"

"H-Hello. Sammy. Hehe!"

Kung may sakit lang siguro ako sa puso malamang inatake na ako! ANG PULA NG MGA MATA NYA!! BAMPIRA?! NEW BORN?! KASAMA KAYA SYA SA MGA NEW BORN NA GINAWA NI VICTORIA SA ECLIPSE?!

"WAAH! Sammy hindi ako makakita! Ang mata ko! WAAAH!" umupo sya sa sahig.

Mabuti at walang sasakyan na dumadaan dito. Nasa may kalsada kasi kami.

"Bakit mo ba kasi ako sinusundan?! Napagkamalan tuloy kitang kidnapper o serial killer at rapist!"

"Sammy naman gusto ko lang naman ihatid ka. Baka kasi may masamang mangyari sa'yo." Kinukusot nya ang mga mata nya.

"Bakit mo naman ako inaalala? Kaya ko ang sarili ko. At ang isa pa hindi ba may curfew ang dorm nyo? Dapat eight nang gabi nasa dorm na."

"Oo nga pala! WAAHH! Nakalimutan ko!" tumayo sya bigla at dahil dun.

*BOINK*

"AAHH!!" sigaw namin pareho.

Tumama kasi ang ulo nya sa baba ko. Nakayuko kasi ako sa kanya. Hawak ko ang baba ko at hawak naman nya ang ulo nya.

"ANO KA BA?! MAG-INGAT KA NGA! SA'YO AKO NAPAPAHAMAK EH!!"

"S-Sorry Sammy." malapit na syang maiyak.

Kinokonsensya pa ako.

"Sige na, bumalik ka na sa dorm at baka mapagsarahan ka pa. Uuwi na ako."

"O-Okay!

Bahala ka na nga, malaki ka na. Hindi ka naman siguro mapapahamak. Lumakad na ako pauwi. Nakarating na ako sa bahay. Sinalubong ako ni manang, kasama ko sa bahay.

Kumain. Naligo. Nag-brush ng teeth. Gumawa ng mga assignments. Nahiga sa kama. Papatulog na sana ako nang may kumaluskos. Kasabay non namatay ang ilaw. HUH?! BrownOut?!

*Eeengkk!*

May ingay na nanggagaling sa bintana sa veranda. May veranda kasi sa kwarto ko at may double glass door.

Teka ano kaya yun? Dahan-dahan akong tumayo mula sa kama. Pero hindi ako lumapit sa bintana.

*Eeeenggkk!*

Ayan na naman ang tunog na yan. Parang may matulis na bagay ang kumukuskos sa bintana.

Matilos na bagay? Hindi kaya, matulis na kuko ng halimaw 'yun?! Bilog ba ang buwan ngayon?! WEREWOLF?! JACOB BLACK?! *gulp* Baka kainin nya ako. Van Helsing!!

*Eeeenggckk!*

Pero pano kung hindi pala werewolf kundi si Freddy?! Hindi pala Twilight kundi A Nightmare On Elm Street?! Teka! Nakatulog ba ako?! Oh No! Baka chop-chopin nya ako habang tulog!

"FREDDY HINDI KA TOTOO!" sigaw ko sa may bintana habang nanginginig sa isang sulok. Hindi ako makatakbo sa sobrang takot.

Silence~

No Signs of Movement~

Silence~

Phew! Wala na. Siguro sanga lang yun ng puno na kumuskos sa bintana o kaya si Muning. Si Muning talaga oh. Grabeh natakot ako doon ah. Mai-check nga, baka nasa labas si Muning at hindi makapasok. Pumunta ako sa bintana at hinawi ang kurtina.

Nasa may veranda...

Nakatayo ang isang...

Babaeng maputla...

Mahaba ang buhok...

At mukhang biktima ng isang malagim na kamatayan...

"T-Tulu...ngan mo a-ako... Tulong..."

Hindi ako makagalaw. Isang kaluluwa na humihingi ng tulong?! Sa kanyang pagkamatay?!

"AAAAHHH!!" sigaw ko sa sobrang takot. Hindi ako namamalikmata! Totoo na may Sadako look-alike sa veranda ko!

*thump.thump.thump*

Humakbang sya palapit sa two-door-glass-window ko. Yung lakad nya SUPER CREEPY!! SADAKO-like!! Nanginginig pa sya habang naglalakad.

*eeennggckk!*

NO! Nasa window ko na sya ngayon at nakahawak ang dalawang kamay nya sa bintana! Parang gusto nyang buksan!

"Tu...lungan m-mo ak-ko..." ungol nya. NAKATINGIN SYA SA'KIN HABANG KINAKALMOT ANG GLASS DOOR!!

"AAAHHCKK! AYOKO! TAKOT AKO SA MULTO! AAAHCKK!!"

"B-Buk...san mo toh... Saaaam..." nanginginig ang boses nya.

Nag-tindigan ang balahibo ko! Goosebumps! Alam nya ang pangalan ko?!

"A-AYOKO!! UMALIS KA NA!!" tumakbo ako palabas ng kwarto pero dahil hindi ko makita ang dinaraanan ko nabunggo ako sa pinto at napahiga.

(;'༎ຶД༎ຶ') Ang ilong ko!!

"Saaaamm..."

*Click!*

Bumukas ang bintana at pumasok si Sadako!!

"AAAAHH! LUMAYO KA SA'KIN!! MANANG HELP!!" sigaw ko.

Nakasandal ako sa pintuan at hindi makagalaw. Nasa sahig na ngayon si Sadako at gumagapang palapit sakin. GUMAGAPANG SYA!

"Saaamm... B-Bakit... ka s-sumisigaw...? *crawls* N-Natatakot k-ka ba sa dilim? *crawls* H-Hwag kang m-mag-alala sasamahan kitaaa..." sabi nya habang gumagapang sa sahig.

"AAAHHCKK!! SADAKO LAYUAN MO AKO!! AAAHH!!"

*Tag*

"H-Hehe... *cough.cough* Huli kaaa..." sabi nya habang hawak ang isang paa ko.

Ang kamay nya, sobrang lamig! Ice-cold skin! The Cold One?! Vampire? NO! GHOST!! <(>0<)>; NO!! I'M GONNA DIE! I'M GONNA DIE! I'M GONNA DIE!!!

"AAAAHHCKK!! BITAWAN MO AKO!!"

"H-Hwag k-ka nang m-matakot Saaam... *cough.cough* H-Hindi k-kita iiwan... Dito l-lang ako sa tabi mo... H-Hehehe... *cough.cough.*"

"MOOMMMYYY!! AAAHHCKK!!"

"H-Hehe..." tawa nya.

AAAAAAHHH!!。・゜・(ノД')・゜・。*click*

Nag-on na ulit ang ilaw. Napatingin ako kay Sadako. Hindi parin sya nawawala at hawak parin nya ang paa ko.

*cough.cough*

Teka kailan pa nagkaron ng ubo si Sadako?

"S-Saam *cough.cough* T-Tulungan mo *cough.cough* a-ako," ungol nya.

Bigla nyang inangat ang ulo nya at tumingin sa'kin.

"I-IKAW NA NAMAN?! PANO KA NAKARATING DITO?! SINUNDAN MO NA NAMAN AKO?!"

(-__-) (_ _) (-__-) *nods*

"Bakit ka nananakot?!"

(-__-") ("-__-) (-__-") *shakes.head*

Tumayo na ako mula sa sahig. Kaasar! Tinakot pa ako ng babaeng ito akala ko talaga multo na. Binitawan nya na ang paa ko pero nakahiga parin sya sa sahig. Ano namang drama ang ginagawa nito?

"Michie, pwede ba tumayo ka na dyan?"

Umubo sya.

"Michie?"

Umubo sya nang mas malakas.

Lumuhod ako sa tabi nya at tinignan sya. Nakapikit ang mga mata nya at parang nahihirapan syang huminga. Hinawakan ko ang braso nya pero mabilis ko rin tinanggal. Sobrang init ng katawan nya! Hindi kaya may sakit to?!

*knock.knock*

"Hija, ano'ng problema? Narinig kitang sumigaw kanina," pumasok sa kwarto si Manang at nang makita nya na hindi ako nag-iisa sa kwarto ay mabilis siyang lumapit.

"Manang tulungan nyo po akong ilipat sya sa kama."

"O sige, ano ba ang nangyari sa kaibigan mo hija?" hinawakan nya si Michie. "Ang init nya!"

Pinagtulungan naming buhatin si Michie papunta sa kama ko. Inaapoy sya ng lagnat. Pinatawag ko ang family doctor namin kay Manang. Ako naman ang nagpalit ng damit ni Michie.

"Heto," inabot ni Manang sa akin ang isang lalagyan na may tubig at twalya. "Papunta na daw si Dr Castro."

After fifteen minutes dumating ang doktor at chineck si Michie. Nasa labas kami ni Manang at nag-hihintay sa paglabas ng doctor. five minutes lumabas sya mula sa kwarto nang nakakunot ang noo.

"Bakit Doc, ano po ang problema?" tanong ko.

"Tatlong araw na syang may lagnat at dahil sa sobrang pagod, bumigay ang katawan nya. Mabuti at naagapan kaagad dahil kung tumagal pa ito baka mauwi sa pneumonia. I suggest na magpahinga na muna sya. Very tense ang muscles nya, mukhang dumaan sya sa napakaraming stress," sabi ni Doc habang may isinusulat sa papel. "Heto ang reseta para sa gamot nya. Tatlong beses sa isang araw. Siguraduhin nyo na makakainom sya ng maraming tubig at makakakain nang mabuti para mabilis nyang mabawi ang lakas nya."

"Salamat po Doc," sagot ko.

"Walang anuman. Sige mauna na ako."

"Hatid ko na po kayo sa labas," alok ni Manang, kinuha na rin nya ang reseta mula sa doktor.

Umalis na silang dalawa at pumasok naman ako sa loob ng kwarto. Natutulog parin si Michie. Tatlong araw na syang may sakit pero ni hindi man lang sya nagsabi. Tatlong araw, ibig sabihin nagkasakit sya nang mag-umpisa ang extra class nya sakin. At hindi ko man lang napansin na may sakit pala sya.

Sobrang na-stress? Masyado ba syang nahihirapan sa mga itinuturo ko? Masyado ko ba syang napahirapan? Masyado ba akong naging harsh sa kanya? Kaya siguro hindi sya nag-reklamo kahit na hindi maganda ang pakiramdam nya. Imbes na magpahinga...

"Michie, I'm sorry."

***

*DingDong!*

Nagising ako at nanibago sa paligid. Nasa guestroom ako. Tsaka ko lang naalala kung bakit. Teka! Si Michie! Agad akong bumangon sa kama at tumakbo papunta sa kwarto ko.

"Michie?" pagkabukas ko ng pinto natutulog parin sya.

Mukhang mas maayos na sya kaysa kahapon. Nabawasan ang pagkaputla ng mukha nya. Hinawakan ko sya sa noo. May sinat pa sya nang kaunti. Lumabas ako nang kwarto at nakasalubong si Manang.

"Hija may mga bisita ka," nakangiting sabi ni Manang.

"Nang ganito kaaga? Ano po bang oras na?"

"Alas nuebe na hija. Mukhang galing sa eskwelahan mo ang mga bisita mo."

"Pakisabi nalang po hintayin ako."

"O sige."

Pumasok ulit ako sa kwarto ko at nag-ayos sa banyo then nagpalit ng damit sa walk-in closet. Bumaba na ako pagkatapos kong masiguro na mukha akong presentable.

"Good morning," bati ko sa dalawang bisita. Ang Crazy Duo?

"NANDITO BA SYA?!?" - China

"PLEASE SABIHIN MO NANDITO SYA!!" - Maggie

"Hwag kayong—"

"WAAH! PANO KUNG WALA PALA SYA DITO?!? HINDI KAYA NAHULOG SYA SA MANHOLE?!" - China

"O NABUNDOL NG SKATEBOARD?!" - Maggie

"O BAKA NAMAN KUMAIN SYA SA MAMAHALING RESTAURANT AT HINDI MAKABAYAD KAYA PINAGHUGAS SYA NG PINGGAN?!" - China

"—masyadong maingay—" - me

"O BAKA NAMAN HINABOL NG ISANG TALENT AGENT?!" - Maggie

"O NAPASAMA SA FAKE TALENT AGENCIES?!" - China

"KUNG GANON—?!" - Maggie

"KAKALAT SA INTERNET ANG NAKED PICTURES NYA!!" - China

"—natutulog kasi sa—"

"*gasp* TATAWAG BA TAYO NG PULIS?!" - Maggie

"OO DAPAT TUMAWAG NA PALA TAYO NG PULIS KAGABI PA!!" - China

"—itaas si Michie baka magising sya."

"ANO BA YAN BAKIT NGAYON LANG NATIN NAISIP TUMAWAG NG PULIS?!" - Maggie

"EWAN KO!! HWAG MO AKONG TANUNGIN MASAKIT NA ANG ULO KO!!" - China

"KUNG GANON TUMAWAG NA TAYO NG PULIS!!" - Maggie

"TUMAWAG NA NGA TAYO BAGO KUMALAT ANG PICTURES NYA!!" - China

"TUMAWAG KA NA!!" - Maggie

"WALA AKONG DALANG CELLPHONE!! IKAW NA ANG TUMAWAG!!" - China

"OO NA!! HETO!!" - Maggie

"BILISAN MO! MAG-DIAL KA NA!! BAKA INA-UPLOAD NA ANG PICTURES NG PINSAN NATIN SA NET!!" - China

"TEKA NAG-IISIP PA AKO NG SASABIHIN!!" - Maggie

Di nila ako pinapansin.Nakakaubos ng pasensya. Ang aga nilang mambulabog tapos hindi nila ako papansinin.

"YOU TWO! SHUT THE HELL UP!!!" I screamed at the top of my lungs.

Nanlalaki ang mga mata na tinignan nila ako. Nagulat ko ata sila. Ito ang unang beses na sumigaw ako nang ganito.

"Good God! Nagpapahinga si Michie sa kwarto ko, hwag kayong OA pwede?"

"NANDITO SYA?!" - China

"BAKIT NGAYON MO LANG SINABI?!" - Maggie

"Kanina ko pa sinabi pero hindi kayo nakikinig."

"Ehehehe." - China & Maggie

"Ano'ng meron dito?"

Napatingin kaming tatlo sa may hagdanan. Nakatayo doon si Michie na suot ang yellow pajamas ko.

"MICHIE!!" sabay na tumakbo ang magkapatid sa pinsan nila.

OA naman masyado. Pero habang tinitignan ko sila ngayon parang nakakaramdam ako ng... inggit.

Continue Reading

You'll Also Like

223K 9.1K 11
A short story that makes your heart beat fast and let you experience heartbreaks same as Mayumi Cabrera. Her name was Mayumi Cabrera, she has a deal...
2.2K 103 12
"Loving you is the best decision I ever made, though it gives me so much pain." Tristan.
109K 6.2K 20
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
23.5K 1K 97
Internet Love | epistolary with narration.