Talk Back and You're Dead!

By Alesana_Marie

9.5M 142K 28.7K

Simple lang naman ang gusto ni Samantha sa buhay, ang maka-graduate na may highest honors at talunin ang kari... More

Author's Note
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-Four
Chapter Forty-Five
Chapter Forty-Six
Chapter Forty-Seven
Chapter Forty-Eight
Chapter Forty-Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty-One
Chapter Fifty-Two
Chapter Fifty-Three
Chapter Fifty-Four
Chapter Fifty-Five
Chapter Fifty-Six
TIMOTHY'S JOURNAL
BOOK 2: NTBG

Chapter Ten

234K 3.4K 1.1K
By Alesana_Marie

Chapter Ten

JARED DELA CRUZ

"F*ck it! Why isn't she coming?! She's supposed to be here by now! That retard, she better get her ass here this instant or I'll drag her out," he started kicking the wall near the school's entrance.

"Kalma ka lang TOP, baka naman nagpapaganda pa 'yun. Alam mo naman ang mga babae gusto nilang maging maganda sa mata ng boyfriend nila," sabi ko para naman kumalma sya. Dismissal na kaya ang daming nakatingin na chix. Yeah. (~~,)

Simula nang dumating si Samantha mas naging kalmado si TOP pero dahil din sa kanya kaya madaling magbago ang emosyon ng kaibigan ko. Katulad nalang kanina, napikon sa instructor namin dahil kinuha ang cellphone nya habang kausap si Samantha, ang wifey nya. Hindi ko akalain na ipagmamalaki nya sa gang ang pagtatawagan nila ng wifey at hubby. Bago kami pumunta dito excited pa sya at nagmamadali, ayaw kasi nyang mahuli sa pagsundo sa wifey nya, ngayon naman nagwawala sa inip. Ito ba talaga ang nagagawa ng pag-ibig sa isang tao? Parang nakakatakot yata.

"Are you saying that my wife is f*cking ugly?" tinignan nya ako nang masama.

"Woah! Chill bro! Hindi ah! Sinasabi ko lang naman na mahilig lang talaga mag-ayos ang mga babae."

"Then... are you trying to say that my wife is f*ckin pretty?"

"Well, maganda naman talaga—"

"Shit! Do you like my wife that much to call her pretty? F*ck! Are you trying to steal your bestfriend's wife?"

(,~~) Ito na nga ba ang sinasabi ko. Tokwa! Masyado na syang nagiging bipolar. Mas lumalala ang pagiging sumpungin nito. Mabuti nalang nakita kong dumaan ang tatlong weirdong kaibigan ni Sam. Sila ang palaging kasama ni Samantha. Siguro naman alam nila kung nasan ang wifey ni TOP.

"Yow! Kayong tatlo! Kasama nyo ba si Samantha?" tumakbo ako papunta sa kanila nasa likod ko naman si TOP.

Tinignan ko ang tatlong babae. Nakalimutan ko na ang mga pangalan nila. Basta malapit sa Shirley, Crystal at Madeline ang mga pangalan nila (nga ba?).

Nakatingin lang sila sa amin ni TOP. Nakatulala sila at bahagyang naka-nganga. Ang weirdo! (~__~)a

"What the hell are you staring at?! Where is my retarded wife?!"

"S-Sino?" tanong ng isa sa kanila na may dalawang buns sa ulo. Parang si Chun Li ng Street Fighter.

"Si Samantha? Asan sya?" tanong ko.

"Ohhh~ Nauna na syang umalis kanina." Di ko parin kilala kung sino yung nagsalita. Maiksi naman ang buhok nya, hanggang leeg.

"Pero ang alam ko pupunta sya sa school nyo," di ko rin alam kung sino sya. May mahaba syang buhok at mukhang slow.

"Sa school namin?!" tumingin ako kay TOP.

Pero hindi naman namin sya nakita kanina. Bigla tuloy akong may naalala. Nag-kagulo sa school namin dahil may pumasok na babae. Hindi kaya?

"Shit TOP! Sa tingin ko kailangan natin bumalik sa school. Si Samantha ang babaeng pumasok sa loob ng—" hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil mabilis na tumakbo si TOP sa motor nya at pinaandar iyon nang mabilis. Potek! Ang bilis masyado ng takbo ng motor nun ah.

Sumakay na rin ako sa motor ko at pinaandar pabalik sa school namin. Shit! Ano kaya ang pumasok sa isip ng babaeng iyon at pumasok sa lugar na iyon? Hindi ba nya alam na delikado para sa kanya ang lugar na yun? Sana naman walang nangyaring masama sa kanya dahil kung hindi, sa tingin ko mapapatay ni TOP ang sinoman na gagalaw sa girlfriend nya.

Pagkadating namin sa school, may ilang myembro pa ng gang namin ang natira ron kaya naman ipinahanap namin si Samantha. Naghiwahiwalay kami at matagal din kaming naghanap. Pagkalipas ng isang oras nakita rin namin sya.

Nakita namin si Samantha, kasama ang tatlong lalaki at tumambad sa paningin namin ni TOP ang isang hindi kagandahang eksena na hihilingin ko na sana ay hindi ko nalang nakita o makita pa. Hindi ko masikmura ang ginawa nila. Isang iyong bangungot.


MIRACLE SAMANTHA PEREZ

Nanatili lamang ako sa sulok habang nakayuko at umiiyak. Ginamit ko ang buhok ko para matakpan ang mukha ko mula sa tingin ng tatlong lalaking gumawa nito sa akin. Nakatali sa likod ang dalawa kong kamay at may nakalagay na tape sa aking bibig.

Tumatawa parin sila ng malakas habang isinusuot ang mga coat nila. Mga walanghiya! Paano nila ito nagawa? Hindi ko akalain na mangyayari ito sa akin! Hindi ako makapaniwala na nakuha nila akong babuyin nang ganito. Wala ba silang mga kapatid na babae o ina?

"Oh siguro naman natuto ka na ng leksyon ngayon."

"Hwag ka nang umiyak, hindi ka ba nasiyahan sa ginawa namin sa'yo?"

"Bakit ba nandyan ka sa sulok? Halika dito sa amin at ipakita mo ang napakaganda mong mukha."

"HAHAHAHAHA!!!" sabay sabay na tumawa silang lahat ng malakas. "WAHAHA—"

*BAAM!!*

Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaki. Biglang tumahimik ang tatlong lalaki na kasama ko. Hindi ko alam kung sino ang pumasok. Baka kaibigan nila.

"S-Samantha?" pamilyar ang boses nya.

Hindi ko sya pinansin at pinilit na isiksik ang sarili ko sa sulok. Ayokong makita nila akong katulad nito. Ayokong makita ang mga reaksyon sa mukha nila. Ayokong makita nila ang ginawa sa akin ng tatlong lalaking ito. Ayokong makita nila ang mukha ko!

"M-Miracle," ang boses na iyon. Alam na alam ko kung sino ang may ari ng boses na iyon. Bakit ngayon ka lang dumating?! Bakit ka pa dumating?! Ayokong makita mo ako sa ganitong kalagayan!

"Shit!"

"H-Hwag! Maawa kayo sa'min!"

"Wala kaming ginawang masama!"

"AAAH!!"

May narinig akong ilang ingay. Mukhang may dumating pang iba. Ang buong gang. May ilang ingay na parang may pinalo at ilang sigaw dahil sa sakit. Sigurado akong tinuturuan nila ng leksyon ang tatlong lalaki na gumawa nito sa akin.

Hindi ko namalayan ang paglapit ni TOP sa akin. Kung hindi ko pa siguro naramdaman na may nalaglag na tela ay hindi ko pa malalaman. Ang coat nya, ibinibigay niya sa akin. Tinanggal nya ang tape sa bibig ko.

"I'm not her," naiiyak na sabi ko. Hindi na ako sya. Hindi na.

Hindi nya ako pinansin, inayos lang nya ang buhok ko at tinignan ang mukha ko. Itinaas nya ang coat at ipinatong sa ulo ko.

"Use it. I don't want any of them to see my wife like this," sabi nya na parang walang nangyari.

"Sabi nang hindi nga kasi ako si—"

"You are my wife and don't make me say it again!" Inabot nya sa likod ko ang nakagapos kong mga kamay. "Damn it." Inalis nya ang pagkakatali sa mga 'yon.

Nakayuko parin ako at hindi makatingin sa kanya ng diretso. Ginamit ko ang coat nya at itinaklob ko sa ulo ko.

"Lift it up."

"Lift what up?"

"Your face, I wanna see my wifey's face."

"No."

"Look at me"

"N-No," I said, shaking my head violently.

"Look at me."

Hindi ako umimik.

"TOP, iiwan na muna namin kayo ni Samantha dito. Dadalhin lang namin ang tatlong 'to para itali sa itaas ng flag pole," sabi ni Red.

Umalis sila at naiwan kaming dalawa ni TOP sa loob. Matagal kaming hindi nag-imikan.

"Shit!" he cursed. Tumayo sya at lumapit sa sink pagkatapos ay narinig ko nalang ang malakas na pagkabasag ng mga salamin. "F*CK!" *CRASH!* "I'M USELESS!" *CRASH!* "F*CKIN USELESS!!" *CRASH!* "I'M GONNA KILL THEM!!" *CRASH!!* "F*CKING KILL ALL OF THEM!!" *CRASH!*

Hindi ko na kinaya pa kaya naman tumakbo ako at pinigilan sya sa pagwawala. Tumutulo na ang dugo sa kanyang dalawang kamay. Niyakap ko sya nang mahigpit mula sa likod.

"Wala kang kasalanan. Hwag mong sisihin ang sarili mo."

"This is my fault. Dapat dumating ako nang mas maaga. Dapat naipagtanggol kita. Look at yourself, they did this to you." Isang milagro. Nagtagalog sya! I'm so happy!

Matagal ko syang niyakap at nanatili kami sa ganoong posisyon sa loob ng ilang minuto.

"TOP, I think I don't like you anymore," bigla ko nalang nasabi.

"W-What? You can't leave me!" kumawala sya sa pagkakayakap ko at naglakad ng pabalik-balik habang nagcu-cuss.

"You got it all wrong. I think... I."

"What? Do you like someone else? I'm not good enough?" he said then he hugged me.

Sobrang higpit ng yakap nya at para bang natatakot sya na maiwan. Para syang isang six year old na bata na nagmamakaawa sa kanyang mommy na hwag iwan.

"I don't want to be alone anymore. If you leave me, I'll just die."

"Crazy," na-speechless ako sa sinabi nya.

"You're making me crazy."

"At bakit naman?" bigla akong napatawa.

"Dahil nagmahal ako ng isang retarded na katulad mo. Naging retarded na rin ang puso ko."

Natigilan ako. Sinabi nya na mahal nya ako? MAHAL NYA AKO?! Totoo ba 'yon o pick-up line lang? AAAHH!

"TOP, hindi ka ba nandidiri sa akin? I mean look at me."

"No. Not really."

"Timothy..." tinignan ko sya sa kanyang mata.

"You're name."

"Huh?"

"What is your name?"

"Samantha. Alam mo na 'yan."

"Your full name."

I sighed. "Miracle Samantha Perez. Bakit?"

"That's my girl's name. As long as you have that name, nothing changes. You're mine."

Tinitigan nya ako. Walang kahit na anong awa o pandidiri sa mga mata nya. Nakatingin lang sya na parang walang mali sa akin.

"Sa tingin ko..." hinawakan ko ang kamay nya. "Kailangan mong malaman na—"

"Are you breaking up with me?" Unti-unting kumunot ang noo nya.

"N-No! Of course not! Patapusin mo kasi muna ako!"

"Shit."

"What?"

"I thought you were gonna break up with me." -___-

"Kasalanan mo 'yan."

"Shit. I said something weird. Shit!"

Bipolar! Panira ng moment! Ngayon hindi ko na masasabi pa. Teka! Bakit ang drama namin ngayon? Ano kayang meron? Bilog ba ang bwan ngayon? Full moon ba? Ang weird yata namin pareho.

"What are you doing acting like a retard, retard? Go and wash that f*ckin make-up on your face! Damn those punks! Why did they put that make-up on you? You look like a f*ckin clown. Hella ugly. I'm goin to kill those bitches! Skin them f*ckin alive until they're nothing! I'll teach them not to touch what's mine." Para syang lion na nagwawala.

Kasasabi lang nya na hindi sya nandidiri tapos... Nagsimula na naman syang mag-cuss nang walang katapusan. Ngayon, kailan ko kaya masasabi sa lalaking ito ang tunay kong nararamdaman para sa kanya?

Kung umarte kaming dalawa kanina parang ang lala ng nangyari sa'kin. Hindi naman ako na-rape o ano. Binaboy lang nila ang mukha ko by putting make-up on my beautiful face. OA lang talaga si TOP! Eeeesh!

Tumingin ako sa salamin! Kamukha ko si Joker ng batman. Binaboy talaga nila ang mukha ko! I'm so ugly!

***

"Aray ko naman! Pwede ba dahan-dahan ka naman sa pag-rub?! Masyado kang rough!!" sigaw ko kay TOP.

"Ano ba ang ini-rereklamo mo? Tiisin mo nalang para matapos na tayo dito! Shit!" nakasimangot na sabi nya.

"Eh ang sakit eh! At ang isa pa kanina pa sumasakit ang likod ko! Ugh!" reklamo ko.

"Shut up woman, wala ka naman ginagawa."

"BILISAN MO KASI!!" utos ko sa kanya.

"PAANO KO BIBILISAN KUNG NAGREREKLAMO KA NA MASAKIT?!" singhal nya pabalik.

Ayan, nagsisigawan na ulit kaming dalawa. Mas mabuti 'to kaysa kanina. Drama.

*BOOM!BOOM!BOOM!* May malakas na tunog mula sa kabilang side ng pinto.

"KAYONG DALAWA DYAN! ANO'NG GINAGAWA NYO SA LOOB?!! TOP! HINDI MO 'YAN DAPAT GAWIN SA LOOB NG CR!! *BOOM!*" bumukas ang pinto ng CR at pumasok nang nakatalikod si Red. Parang ayaw nya kaming makita. "AT ANG ISA PA MAY CONDO—" hindi nya natapos ang sinasabi nya dahil bigla syang binatukan ni TOP.

Ano ba ang problema nya? Ano ba sa tingin nya ang ginagawa namin?! (>__<)

"Erm! Ahahaha! H-Hello Sam," bati nya na awkward na tumingin sa'kin.

"Anong balita? Naisabit nyo ba sa itaas ng flag pole?" tanong ni TOP kay Red.

Lumapit ulit sya at pinunasan ang mukha ko gamit ang puting panyo nya na ngayon ay mukhang nalubog na sa putik. Grabe ang daming make-up na nilagay ng tatlong bakulaw na yun ah. Ang pangit ko! Inubos nila laman ng make-up kit ko!

Parang na-shock si Red then namula na parang nahihiya. Umiwas sya ng tingin, nagkamot ng ulo at may ibinulong. Muli siyang tumingin sa amin ni TOP na may pagka-shock na naman na expression. Hala! Nasiraan na yata.

"A-anong s-sabi mo?" tanong nya na parang hindi makapaniwala kay TOP.

"Nakikinig ka ba nang mabuti?" naputol ang sinasabi ni TOP nang sumigaw si Red.

"BLOODY HELL!! NAGTA-TAGALOG KA NA DUDE!! LUME-LEVEL UP KA NA!!" sigaw nya tapos tumakbo palabas God Knows Where. Pero rinig parin namin ang sigaw nya. "NAGTA-TAGALOG NA SYA! F*CKIN MIRACLE!! ITS A F*CKIN MIRACLE! TOTOO ANG HIMALA!"

Napatingin ako kay TOP.

"Ignore him," sabi nya.

"Okay," sagot ko.

***

"Grabe inaantok na ako," humikab ako at kinusot ang mga mata. Naglalakad kami palabas ng building.

"Sakay," sabi ni TOP na nakasakay sa kanyang itim na motorbike. Ang sexy ng bike. At ang sexy ni TOP habang nakasakay dun. Kyaaahh!

"Mukha ka na naman retard dyan. Bilisan mo na! May gagawin pa tayo!"

"Okay!" Umangkas ako sa likod nya. Pero pano yan? Nakapalda ako?

"Gamitin mo ang coat na ibinigay ko sayo. Shit! Bakit ba ganyan kaiksi ang skirt nyo?"

Above the knee kasi ang black skirt namin then white na uniform na short ang sleeve. May maliit na necktie na kasama ang uniform namin. Mukha akong cosplayer. Ang cute. Atleast mataas yung gamit kong socks na abot hanggang knees kaya di maxadong kita ang legs. v(^o^)v

"Ano ba ang gagawin natin?" tanong ko habang itinatali sa waist ko ang kanyang coat na part din ng kanilang uniform.

"Isuot mo ang helmet at kumapit ka nang mabuti. Baka malaglag ka. Kapag ikaw nalaglag at namatay madadamay pati ako. Ayoko pang mamatay Miracle."

"Eh ako lang naman yung malalaglag diba? Bakit ikaw mamamatay?"

"Tinatanong mo talaga 'yan? Natural susundan kita."

Susundan nya ako? Joke ba 'yun?

"Promise di ako malalaglag, di ka mamamatay." Isinuot ko ang helmet nya at kumapit sa waist nya.

"Retard, wanna die?"

"Bakit na naman ba?"

"Bakit ganyan ka kumapit?" kinuha nya ang dalawang kamay ko at ipinulupot sa waist nya. "That's better. Hwag kang bibitaw kung ayaw mo pang mamatay. Aight?"

"O-Okay." Grabe nahahawakan ko ang abs nya! Kyyaaahh!! Pinaandar nya ang motor. Sa una mabagal pero unti unti ay bumilis! WAAAHH! Ang bilis! Unti-unting lumuluwag yung kapit ko sa kanya! Pakiramdam ko mahuhulog na ako! Ayoko pang mamatay! Hinigpitan ko ang yakap ko sa waist nya. WAAAHH! MOMMY! I'm gonna die! I'm gonna die!

Ang daming sasakyan na nilagpasan ng motor ni TOP. Bakit ang bilis nyang magpatakbo?! Bakit?! Ipinikit ko ang mga mata ko para di makita ang mga nangyayari. Pinakiramdaman ko nalang ang hangin. Para akong lumilipad kasama si TOP. (*u*)

"Nandito na tayo," sabi nya. "Miracle." Binuksan ko ang mga mata ko.

"WAAAAAAAHHHH!!!" nanginginig na bumaba ako sa motor nya. Umupo ako sa tapat ng building at umiyak! Scary! I'm alive! I'm still alive! Mabuti nalang!

"Ah shit!" he cursed.

Nanginginig parin ang tuhod ko nang makapasok kami sa elevator. Nakakatakot talaga! Akala ko katapusan ko na! Sumandal ako sa metal na pader. Haay. Kumalma ka Sammy.

Tinignan ko si TOP. Nagulat ako dahil nakatingin din pala sya sa'kin. At yung tingin nya napaka...ehhh?! Parang alam ko kung ano ang tingin na yun ah. HWAG NYANG SABIHIN NA GUSTO NYA AKONG HALIKAN SA LOOB NG ELEVATOR! Tumingin ako sa paligid. Kami lang pala ang nasa loob!

Unti-unti syang lumapit habang nakatingin sa mukha ko. Unti-unti naman akong lumayo. Patuloy sya sa pag-abante at ako naman ay patuloy sa pag-atras. Wala na akong maurungan pa. Na-corner na nya ako. Inilagay nya ang isa nyang kamay sa gilid ko and then nilapit nya yung mukha nya sa'kin. Ano ba 'yan?! Bakit sya ganyan?! WAAAAHH!

Nakatingin sya sa lips ko then he licked his own lips. Umiwas ako ng tingin pero hinawakan nya ako sa chin at pinatingin sa kanya.

"I really want to kiss your lips," he murmured.

Napatingin ako sa labi nya. Parang super soft! Ah oo nga pala soft naman talaga yun. Naalala ko nung hinalikan nya ako. Kung titignan sya, parang yung lips lang nya ang soft part sa katawan nya. Kyaaahh!!

"O-Okay." ('ε` )

He smiled. Lumapit ulit sya at medyo itinaas ang mukha ko and then he closed his eyes and I closed mine. Ramdam ko ang paglapit ng mukha nya sa mukha ko. Nagkakadikit na ang mga ilong namin. Grabe! Ang bilis ng tibok ng puso ko. Para akong sumali sa marathon. Hindi ito katulad ng first o second kiss namin. This time, mabagal ang takbo ng oras. Slow motion ang lahat.

*DING!*

Biglang bumukas ang pintuan ng elevator at sa sobrang gulat at taranta, nasampal ko sya ng hindi sinasadya.

"F*CK! What the hell was that for?!"

"S-Sorry," nag-puppy dog eyes ako sa kanya habang kagat ang isa kong daliri.

"Abusive wife," bulong nya habang hawak ang nasampal nyang pisngi. Lumayo sya at tumalikod sa akin na parang nagtatampong tuta.

Waaahh! Sayang naman yung kiss! Sorry TOP!

May pumasok na matandang lalaki at isang lalaki na mukhang kasing edad lang ni TOP. Mukha silang mayaman at mag-ama. Magkamukha kasi sila. Sumara na ang pinto ng elevator at umangat na ulit ito pataas. Tinignan ko si TOP. Nasa unahan ko sya at mukhang walang balak na mamansin. Hindi ko naman sinasadya na masampal sya eh! Sorry na TOP.

May naramdaman akong humawak sa legs ko. Manyak! Tumingin ako sa kanan ko at nakitang nakangisi in a perverted way yung guy na kasing edad ni TOP. WAAAHH!! TOP! May nangmamanyak sa Wifey mo pwede ba mamaya ka nalang magtampo at iligtas mo muna ako?! Ang malas ko talaga ngayong araw na 'toh! WAAAHH!

"Hi Miss Beautiful," bati nya. "Pwedeng makipagkilala?"

"N-No!" lumayo ako sa kanya. Nasa pinakasulok na ako ng elevator. Tumingin ulit ako kay TOP. Wala parin syang kibo.

Tumingin naman ako sa matandang lalaki pero mukhang abala sya sa kinakalikot nya sa phone! Ang manyak ng anak nyo! Wala ba talagang tutulong sa'kin? Bakit ba palagi nalang ako?! Ako na walang malay! Ako na walang ginagawang masama maliban sa magpanggap! Puro nalang si Sam! Si Sam!

"Ano na Ms. Beautiful? Ibibigay mo na ba ang cellphone number mo?" mukhang gusto nya akong gawan ng masama kung tingnan nya ako.

"No! I don't want to. Please just leave me alone!" Stupid Hubby! Alam kong naririnig nya ang pinag-uusapan namin ni Perverted boy pero wala parin syang ginagawa!

"Hwag ka nang magpakipot!" bigla nyang hinawakan ang braso ko.

"Stupid Perv! Get your dirty hands off me!" I kicked his ehem-private-ehem-part. Hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko na sipain sya sa harap ng tatay nya.

"Oww!" napaluhod sya na hawak ang nasipang part.

'DING!'

Bumukas na ang elevator at nandito na kami sa floor ni TOP. Tumakbo ako palabas baka kasi pagalitan ako nung matanda. WAAAHH! Kainis na TOP 'yan ni hindi man lang ako tinulungan! Grrr! Pansin ko lang puro kapahamakan ang dulot sakin ng lalaking yun!

Tumigil ako sa pagtakbo at nilingon si TOP sa likod ko pero wala sya! Nasan yun? Pano ako makakapasok sa condo nya?! Ano ba yan? Inabangan ko sya sa tapat ng elevator. After fifteen minutes of waiting bumukas din at lumabas ang naka-smirk na si TOP. Ano na naman ba ang ginawa nya ngayon?

"Ano'ng nangyari? Saan ka nagpunta?" tanong ko at tinignan sya nang diretso sa mata.

"May tinapos lang," sabi nya nang nakangisi na para bang proud sya sa nagawa nya. I swear may ginawa na naman na hindi maganda ang lalaking ito. Inakbayan nya ako at naglakad na ulit kami.

Pumasok kami sa loob ng condo nya. Pinaupo nya ako sa sofa. Pumasok sya sa loob ng kanyang kwarto. Err. Ang tahimik ng place na 'to at super linis! Super shiny at nagi-sparkle ang buong lugar. Hindi ko namalayan na lumabas na sa kanyang kwarto si TOP.

"Wifey come here," sabi nya at nasa tapat sya ng pintuan ng kanyang kwarto.

"Ano? A-Ayoko nga!" Ano ba ang binabalak ng lalaking ito?! H-Hindi kaya. B-But bata pa ako!

Bigla nyang hinila ang kamay ko papunta sa loob ng kwarto nya! NOOO! (・□・;)

"A-Ano ba?! Bakit ba namimilit ka?! Ayoko! Ayoko! Hindi ako papayag! WAAAH!"

"Retard, ano ba ang iniiyak mo dyan? Umayos ka nga at saka bilisan na natin para makauwi ka na," sabi nya then hinila nya ako papunta sa kama nya.

"Ano ba TOP?! Sabi nang ayoko nga eh!" pinapalo ko yung kamay nya na humihila sakin.

"Shit. Girlfriend na kita diba? Tulungan mo 'ko. Ang daming nasasayang na oras. Kasalanan mo rin naman 'to, hwag kang mag-alala pwede ka nang umuwi pag-katapos."

"WAAAAHH!! TOP AYOKO NGA EH!! BATA PA AKO! AYOKO PANG GAWIN ANG MGA GANYANG BAGAY! HINDI PA AKO READY! KAKANAKAW MO LANG NG HALIK SA'KIN TAPOS PATI ITO GUSTO MO MADALIIN?!"

Tinignan ako ni TOP na parang nawi-weirdohan sya sa'kin. Umikot ang mata nya sa paligid. Biglang nagbago ang expression ng mukha nya at namumula na tumingin sakin.

"F*CK SHIT!! HINDI IYON ANG GAGAWIN NATIN! Pervert wife!" bigla nyang pinitik ang noo ko.

Aray ko! Ako pa nasisi nya. Ahooo. (;'༎ຶД༎ຶ')

Continue Reading

You'll Also Like

485 92 14
Issyl Ramirez, a senior high school student known as the muse of her campus, doesn't believe in anything supernatural. On her first day at school, a...
3.6M 50.2K 82
"A girl who's trying to be strong because she ended up CRYING ALONE ." [PUBLISHED]
2.9K 104 16
Motivational thoughts and notes to self. Come on, share your thoughts too. 🧡 Highest ranks: #1 optimism #4 motivational #2 mentality #270 life
62.8K 1.9K 21
[Published under Psicom] [Love Series #1] Isa si Hyacinth sa mga taong hindi naniniwala sa pagmamahal. Para sakanya, sa pag-ibig masisira ang pagkata...