Love At The Coffee Shop

By marisswrites

6.6K 321 23

|| third installment of "habit series" || Calista Fernandez loves coffee and art above anything else. Though... More

Love At The Coffee Shop
Introduction
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Finale

Chapter 62

66 2 0
By marisswrites

   

Kinabukasan, habang naghahanda ako para sa duty ko, narinig kong may pumasok sa loob ng on-call room. Sumilip ako habang isinusuot ang lab gown at nanlaki ang mga mata nang makita si Fierro.

"B-Bakit? May kailangan ka?"

Bayolente siyang nagbuntonghininga bago ibinagsak ang tatlong blue bills sa lamesa. "Why did you leave that there?"

I looked away and organized myself. "The steak was too expensive. I felt too bad to let you pay for it—"

"Why? You don't think I can pay for that?!" malakas na sabi niya, dahilan para kumabog ang dibdib ko. "I asked you to eat with me there because I have the means to pay for the food—for OUR FOOD. Do you think you did something by leaving that money?" He scoffed. "Bastos na nga na umalis ka na lang nang basta-basta, mag-iiwan ka pa do'n ng pera!"

Nagbuntonghininga ako nang malalim bago tumingin sa kan'ya nang masama. "Kung may problema ka sa pera na 'yan, eh 'di akin na!"

Padabog kong kinuha ang pera sa lamesa at lalampasan na sana siya pero hinawakan niya ako sa palapulsuhan para pigilan. Inis akong humarap sa kan'ya.

"Ano ba?!"

"Ano? Gan'yan ka na ba talaga? Aalis ka na lang bigla nang walang paalam, Calista?" His jaw clenched. "Did the years that we're apart make you to be the rude person that you are now?" Napaawang ang bibig ko pero tumawa lang siya nang peke. "You used to listen to my explanation. You used to stay until you heard my side! Anong nangyari sa 'yo?"

Napalunok ako at nag-iwas ng tingin bago marahas na inialis ang pagkakahawak niya sa akin. "Bumalik ka na sa department mo."

Napatigil ako sa paglalakad nang tumawa siya ulit. "Pinahirapan mo ako noong sinabi mong hindi mo na ako mahal at noong iniwan mo ako. Hanggang ngayon, pinapahirapan mo pa rin ako."

Nag-init ang sulok ng mga mata ko bago humarap sa kan'ya. "Sa tingin mo ba hindi ko pinagsisihan 'yon, ha?!"

Umawang ang bibig niya kaya bigla kong napagtanto na nagsalita na naman ako nang hindi nag-iisip. Hindi ko na dapat sinabi 'to ngayon. Nag-iwas ako ng tingin.

"Nagsisi ka? Nagsisi ka na hindi mo na ako mahal?" he asked. I didn't answer. "Kung nagsisi ka, eh 'di sana bumalik ka sa akin!"

Napaawang ang bibig ko dahil do'n at mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa hindi inaasahang maririnig sa kan'ya. Nag-iwas ako ng tingin.

"A-Ano bang sinasabi mo?"

He sighed. "Kung talagang nagsisisi ka noon, bakit hindi ka bumalik sa akin?"

Nag-init ang sulok ng mga mata ko. "Paano ako babalik? Nasaktan na kita."

"Eh ano naman?! Ano naman kung nasaktan mo ako noon? Ikaw lang din naman ang kailangan ko para mawala yung sakit pero mas pinili mong dumistansya sa akin!"

Magsasalita pa lang sana kami nang marinig namin ang code blue sa emergency room kaya naman nagmadali akong lumabas at tumakbo papunta doon. Iniwan ko na lang si Fierro doon kahit na alam kong hindi pa kami tapos mag-usap dahil mas importante ito kaysa sa kan'ya.

Nang makarating, nakita ko na dinadaluhan na ng mga nurse at ni Doc Cris na naka-duty ang pasyenteng nag–cardiac arrest. Pinakuha na ni Doc Cris ang defibrillator para i-revive ang pasyenteng tumigil na sa pagtibok ang puso. Lumapit ako do'n at nagtanong sa mga naka-duty.

"Anong nangyari sa pasyente?" tanong ko habang nagsusuot ng gloves.

"Kadarating lang po five minutes ago. Naaksidente. Drunk driving."

Napabuntonghininga ako bago pinanood na i-pump ni Doc Cris ang pasyente gamit ang defibrillator pero hindi bumabalik ang pagtibok ng puso nito. Nang makailang pump na, sinubukan nilang i-CPR ang pasyente pero tuluyan nang bumigay ito. Nagbuntonghininga ang doctor.

"Time of—"

"Sandali!"

Pinaalis ko sila at sumampa ako sa hospital bed ng pasyente para ituloy ang pag-CPR sa kan'ya. Pinagpatuloy ko lang nang pinagpatuloy 'yon hanggang sa umaagos na ang mga pawis ko at nararamdaman ko na ang paninigas ng kamay at braso ko. Nag-iinit na ang sulok ng mga mata ko dahil alam ko, wala na akong magagawa pa pero kung titigil ako, baka magsisi ako.

"Calista, tama na."

Umiling ako nang umiling kasabay ng pagtulo ng mga luha ko. "Baka ma-revive kapag pinagpatuloy ko."

"Calista, let go."

Umiling ako nang umiling pero sa huli, napatigil ako nang marinig muli ang mahaba at matinis na tunog mula sa cardiac monitor.

"Time of death: 08:45 a.m."

Wala sa sarili akong umalis ng emergency room at nilampasan lahat ng mga doctor at nurse maging ang mga pasyente na nasa lugar. Tuloy-tuloy lang sa pag-agos ang mga luha ko na para bang matagal kong naging pasyente ang pasyente kanina.

It's not even the first time. Why do I still feel like this?

Buong araw, walang laman ang isip ko kung hindi ang pasyenteng hindi namin nailigtas. I know that it's not our fault and the driver is driving under the influence but I still couldn't stop myself from feeling guilty whenever someone dies right in front of my eyes.

I swear, I'll never get used to it. And I don't even want to try to. I don't want to be the doctor that does not feel pain whenever a patient dies. Even though it's a horrible experience to have this emotion, I still want to feel tormented whenever it happens.

Gabi na nang mag-out ako sa trabaho. Dumeretso ako sa parking lot para umuwi dahil gusto kong matulog na. Medyo maraming pasyente ngayon kaya ramdam ko ang pagod. Feeling ko, hindi na naman ako makakakain ng dinner dahil mas uunahin ko ang matulog.

Nang makarating sa harap ng bahay, pinagbuksan ako ng gate ni Manang oras na bumusina ako. Mabilis akong nag-park sa garahe at lumabas ng sasakyan. Pagkatapos, pumasok ako sa loob ng bahay.

"Mommy, hindi na ako magdi-dinner."

Hindi sumagot si Mommy. Sa halip, nang lumingon ako sa dining area, nakita ko si Fierro na nakaupo doon at kausap si Mommy habang parehong nakatingin sa akin. May mga nakahandang pagkain sa lamesa. Napaawang ang bibig ko nang dahil do'n.

"Kumain ka kahit konti, palagi ka na lang gan'yan, Calista. Nag-aalaga ka nga ng pasyente pero sarili mo, pinababayaan mo."

Napalunok ako't nag-iwas ng tingin. "N-Nagmiryenda ako bago umuwi." I cleared my throat. "Sige na po, akyat na ako."

Nang makarating ako sa k'warto, mabilis kong ibinagsak ang katawan sa kama at tumitig sa ceiling.

Anong ginagawa ni Fierro dito? Alam kong maayos sila ni Mommy kahit na naghiwalay kami pero sa loob ng maraming taon, ngayon ko lang siya nakita ulit dito sa bahay.

Ano kayang pinag-uusapan nila? Aalis ba si Fierro ng hospital? Magre-resign ba siya dahil sa pag-uusap namin?

Napabuntonghininga ako bago mariing pinikit ang mga mata. Sabi ko, gusto kong matulog pero mukhang hindi ako makakatulog dahil sa pag-iisip kung bakit siya nandito ngayon.

Makalipas ang ilang oras, narinig ko na ang pag-alis ng sasakyan kaya naman sumilip ako sa bintana. Hindi ko napansin yung sasakyan na 'yon kanina noong umuwi ako kaya naman hindi ko alam na may tao pala. Nagbuntonghininga ako bago lumabas ng k'warto at bumaba. Naabutan ko si Mommy sa kusina na nagtitimpla ng tsaa niya.

"Oh, Calista? Akala ko matutulog ka na?" tanong niya.

Nag-iwas ako ng tingin. "M-May tinapos pala akong report." Tumikhim ako bago muling tumingin sa kan'ya. "A-Ano palang pinag-usapan ninyo ni . . . F-Fierro? Bakit siya nandito?"

Ngumiti siya bago nagsimulang maglakad. "May inaasikaso kaming medical mission doon sa orphanage na sinusuportahan natin sa Zambales. Gusto sana kitang isama kaso sabi ni Fierro, mukhang hindi magandang idea kaya hindi ko na rin nabanggit sa 'yo. Nag-finalize lang kami kanina ng details para handa na kami next week."

Napalunok ako kasabay ng pagkabog ng dibdib ko. Simula nang maghiwalay kami ni Fierro, hindi na ako nakabalik sa orphanage na 'yon kahit na tuloy-tuloy naman ang pagpapadala namin ng donations at mga regalo doon. Kumusta na kaya sila? Nakikita ko lang sila sa picture pero hindi ko alam kung maayos lang ba sila. Karamihan sa mga batang naabutan ko doon noon, umalis na ng orphanage o kung hindi naman, in-adopt na. Nawalan na rin ako ng balita sa mga 'yon.

"Sasama ako."

Lumingon sa akin si Mommy nang nakakunot-noo. "Sigurado ka? Balita ko, nagkasagutan kayo kanina, ah?"

Napabuntonghininga ako. "Basta sasama ako. Gusto kong malaman kung kumusta na yung mga bata."

Ngumiti si Mommy. "Ayos lang ba sa 'yo na makasama doon si Fierro?"

I sighed. "'Wag mong intindihin 'yon, Mommy. Pupunta ako doon para sa medical mission hindi para sa kan'ya."

Tumawa nang mahina si Mommy bago ibinaba ang tsaa sa lamesa saka naghila ng upuan. Naupo kaming dalawa.

"Calista, alam kong hanggang ngayon, hindi mo pa rin gusto ang pagiging doctor at ginagawa mo lang 'to para sa akin—sa Daddy mo. I know that you're suffering inside and you're hiding it from me . . . so I don't want to ask you to do things for me anymore."

Nag-init ang sulok ng mga mata ko. "I am the one who's volunteering here. You didn't ask me, right?"

She smiled before sipping on her tea. "Okay, then. I'll add you to the list of volunteers later."

I nodded and didn't talk anymore.

"Sana dumating na yung araw na masasabi mong worth it ang pagsakripisyo mo sa art para sa pagdo-doctor. Calista, I know that I've been very cruel to you regarding this but I just want to show you—to let you experience—the art and beauty of saving people's lives. There's art in medicine, Calista. I hope you'll soon realize that."

Matapos niyang sabihin 'yon, tumayo na siya at naglakad papunta sa k'warto niya. Nagbuntonghininga ako kasabay ng sunod-sunod na pagpatak ng mga luha.

I know that there's art in medicine but I'm too unwell to focus on it. And I've already given up on that thing long ago. I don't even know how to draw anymore.

Continue Reading

You'll Also Like

1.1K 163 38
to be made whole an epistolary novel Who would have thought that a simple heart reaction on someone's post could make someone's life whole again?
Totoy By Iskripturyent

General Fiction

146K 5.6K 42
Tumatalakay sa buhay ng isang lalaki mula sa oyayi ng kaniyang ina hanggang sa pagsasaboy sa kaniya ng mga bulaklak. Paano nabago ng unang halik ang...
147K 13.4K 113
ABS Adventures - 10/21/2022 - 02/08/2023
36.1K 725 32
How #1 of How Trilogy Paano ba magmahal? Was it really learned at all? Are there steps, guidelines, and requirements for it to be learned? Para ba it...