Meeting The Devil's Son

By Coffeehoelic

35.9K 2.2K 20

Sa hindi inaasahang pangyayari, ay pagtatagpuin ang dalawang taong hindi mapagkakasundo. Ngunit malalim pala... More

NOTICE
NOTE
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 81
NOTICE

Chapter 80

105 10 1
By Coffeehoelic

Joaquin's PoV

Para akong tangang pabalik-balik ang lakad dito habang nagkakamot ng ulo dahil hindi ko malaman kung pa'no ko sasabihin kay Bella ang nangyari ngayon-ngayon lang.

Halo-halo ang lungkot, galit at pagkadismaya sa sarili ko dahil para bang 'yung pinlano ko ay hindi nag tagumpay. May kinailangan pang mag buwis ng buhay.

"Shit!" Inis na sigaw ko bago sinipa ang nakatumbang upuan sa may paanan ko. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula ulit, kung uunahin ko bang sabihin o itago dahil natatakot ako...natatakot ako na kamuhian n'ya ako at lahat ng tao. Natatakot ako na baka 'yung Bellang masiyahin na kilala ng lahat ay maging masamang tao sa isang kisap mata lang.

Langhap na langhap ko ang matapang na amoy ng maruruming dugo ng mga taong wala ng buhay sa harapan ko pero hindi ko na lamang 'yon pinansin pa at napaupo nalang bago napahilamos sa mukha ko na pulos dugo na din ang tumutulo. I messed up.

"Don't beat yourself up, kid, this is not your fault."

Napaangat ang ulo ko ng maramdaman ang isang kamay na mahinang tumapik sa balikat ko at agad na nakita ko ang mukha ni kuya na hindi na rin mawari ang mukha. Punong-puno ng galit na hindi n'ya mapakawalan dahil pareho lang din naman kaming nabigo dito, napatakas namin ang puno't dulo ng mga pag-hihirap ni Bella, ang mortal n'yang kaaway na hindi lumalabas sa anino n'ya, si Deavon Howard.

Deavon Howard is the only son of the Queen and the King who abducted kuya when when he was still a child, made him feel like hell before and when it was done, he sworn to find and kill him with his own hands, make him suffer the way he did before.

Sinabi sa'kin lahat 'yan ni kuya dalawang araw bago ang birthday ni tito. Kagaya ng sinabi ko, nakaplano ang lahat, nakahanda kami, ako...pero masyado ko yatang pinalaki ang ulo ko sa mga papuri noon ni Bella kaya akala ko ay kaya ko.

Muli kong tinignan ang lamesang pinagpapatungan ng isang malamig na bangkay na nakatakip ng puting tela bago napakunot ang noong nilingon ni kuya. Ako lang ba...?

"What the hell?" Mahinang tanong n'ya bago tinapakan ang sigarilyo n'ya at nilingon ang malaking bintana at gano'n nalang ang gulat naming pareho ng mamataan ang mabilis na andar ng sasakyan papalapit sa gawi namin! "Fvck!"

*Honk honk!*

"Shit!" Sigaw ko bago napagulong upang umiwas. Dali-dali kong binunot ang baril ko at pinaputukan ang mga gulong nito dahilan para mapahinto ito kahit na umuusok pa ang tambutso. "Baba!" Sigaw ko pa habang nakatutok ang baril ko sa pintuan ng sasakyan. "Bibilangan kita ng tatlo--"

"Tangina, argh!"

Agad na nanlaki ang mga mata ko ng mapagtantong boses ni Bella ang narinig ko kaya dali-dali akong napatayo at napatakbo para tulungan s'yang buksan ang pintuan dahil mukhang na-stuck s'ya sa loob ng dahil sa malakas na impact ng pag salpok n'ya sa salamin. "Bella!"

"Lumayo ka sa pinto!" Sigaw ko sakan'ya ng masilip na sinisipa n'ya papalabas pero mukhang na-lock mismo ang pinto ng dahil sa authenticating scanner. Tsk, sino bang nag lalagay pa ng gan'yan sa loob ng kotse nila? Gano'n ba sila katakot?

Walang paligoy-ligoy kong itinutok at binaril ang pintuan dahilan para mamatay ang kulay asul na nakasinding ilaw kanina bago 'yon otomatikong nag bukas, agad na iniluwa no'n ang lantang gulay na katawan ni Bella na animo lasing dahil pasuray-suray na bumaba.

Agad ko s'yang nilapitan para sana alalayan pero ng tinangka ko s'yang hawakan sa braso ay agad n'yang sinampal ang kamay ko papalayo dahilan para mapatingin ako sakan'ya sa pagkagulat. "Get...get you filthy hands away from me." Matalim na sabi n'ya habang nakaduro pa sa'kin.

Hindi ko alam kung uunahin ko ba ang pananakit sa dibdib ko ng dahil sa ginawa n'ya o ang pagka-inis ng dahil sa pagmamalakas n'ya, ni halos hindi na nga s'ya maka-tayo ng tuwid pero ayaw n'ya pa ding humingi ng tulong sa'kin.

Napabalik nalang ako sa diwa ko ng makita s'yang bumunot ng baril habang ang isang kamay n'ya ay nakatakip sa bandang likuran ng ulo n'ya kaya ng lingunin ko s'ya mula ulo hanggang paa ay gano'n nalang ang pagtataka ko dahil punong-puno na agad s'ya ng galos, ang iba ay malalalim pa...imposibleng makuha n'ya 'yan ngayon lang dahil ang iba sa dugo na nag kalat sa katawan n'ya ay tuyo na.

"What the hell happened to you?" Tanong ko sakan'ya bago hinaklit ang braso n'ya at hinila s'ya papaharap sa'kin.

Hindi lang dahil sa curious ako...pero papalapit kasi s'ya sa pwesto na kinatatayuan ni kuya, nakatayo s'ya do'n sa harap ng lamesa, ayokong makita ni Bella ang tinitignan ni kuya.

Agad na napakunot ang noo n'ya bago muling nag pumiglas pero hindi n'ya nagawang kalagin ang pagkakahawak ko.

"Why the hell do you care? Why are you even here in the first place?" Tanong n'ya pabalik bago ako itinulak-tulak gamit ang isang kamay n'ya pero walang nangyari dahil wala na talaga s'yang lakas na mailalabas. "Bitawan mo ako!" Sigaw n'ya sa'kin.

Kitang-kita ko ang galit sa nga mata n'ya pero hindi ko maatim na kamuhian n'ya ako pagkatapos ng mangyayari kapag nakita n'ya na ang totoo. "H'wag mong sagutin ng tanong ang tanong ko." Pilit na pakikipag-usap ko sakan'ya habang hindi tinatanggal ang pagkakakapit sakan'ya.

"Bakit ba? Gusto ko lang namang makita si dad! Kuya, what the hell is this bastard doing here?" Sigaw n'ya pa kaya agad akong napakunok dahil nakita n'ya na pala si kuya na nakatayo lang hindi kalayuan mula sa'min. "Padaanin mo ako! Nasaan si dad?!"

"Hindi pwede!" Hindi nakapagtimping sigaw ko sakan'ya dahilan para mapatigil s'ya sa pag wa-wala. Napabuntong-hininga nalang ako dahil alam ko kung ga'no kapagod ang isip at katawan ni Bella ngayon ng dahil sa mga nangyayari at sa kung ano mang nangyari sakan'ya pero ang sasalubong lang sakan'ya dito ay hindi din kaaya-ayang scenario din.

Napaawang ang bibig n'ya sa pagkabigla bago natawa na animo hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Tanga ka ba?" Tanong n'ya bago dinuro-duro ang noo ko. "Nasaan ba ang utak mo para pagbawalan akong makita ang mismong ama ko? Ni hindi ka nga imbitado sa event na 'to, tapos nagmamarunong ka pa dito? Nasaan ba ang hiya mo?" Tanong n'ya kaya wala akong naisagot.

Pinakatitigan ko lang s'ya dahil wala akong maisagot sa mga sinasabi n'ya, hindi ko madepensahan ang sarili ko dahil damang-dama ko ang galit n'ya. Sobra-sobra.

"Kuya!" Pagwawala n'ya nanaman bago hinila-hila ang braso n'ya pero hindi ko pa din 'yon binitawan. "Tangina, kuya naman! Nasaan ba si dad?!" Maluha-luhang sigaw n'ya kaya napaiwas ako ng tingin.

"Bella, please, just go-"

"Let her through."

***

Bella's PoV

"Let her through."

Inis kong tinignan si Joaquin bago buong lakas na itinulak s'ya papalayo dahilan para makadaan ako. Sobrang higpit ng kapit ni  Joaquin na nagkaroon agad ako ng marka ng kamay n'ya sa braso ko pero hindi ko na 'yon pinansin pa at agad kong pinuntahan si kuya pero gano'n nalang ang gulat ko ng makita sa dinaraan ko ang mga walang buhay na katawan nina tito Howard at tita Jacci.

Nang dahil sa pagkabigla, napatakip nalang ako ng bibig habang tahimik na hinahayaan ang luha kong tumulo sa mga mata ko. Anong nangyari?

"T-tita..." Mahinang banggit ko habang nanginginig dahil hindi ko masikmurang makita na ang mga taong nagpalaki sa'kin ay ngayong nakahiga nalamang sa malamig na semento at walang buhay. Pa'no nangyari 'to? Sinong may gawa sakanila nito?!

"K-kuya." Tawag ko pero wala akong natanggap na kahit na anong sagot mula sakan'ya kaya ng lingunin ko s'ya ay agad kong nakitang hindi maputol-putol ang tingin n'ya sa nakahigang tao sa lamesa na nakatakip ng puting tela. "Sino 'yan?" Tanong ko bago pinunasan ang luha ko.

Hindi nya ako sinagot na nagpatindi pa lalo ng galit na umuusbong sa dibdib ko. "Tinatanong kita, kuya, sino 'yan!" Sigaw ko sakan'ya dahil hindi ko na maatim pang lumapit, natatakot ako sa kung sino ang makikita kong taong nasa ilalim ng puting tela.

Patuloy na sa pagtulo ang walang katapusang luha na galing sa mga mata ko bago n'ya ako lingunin, mukha s'yang walang pakielam pero ang mga mata n'ya ay iba ang sinasabi kaya lalo lang akong kinabahan sa iniisip ko.

"It's dad."

Wala sa sariling napaluhod ako ng maramdaman ang panlalambot ng tuhod ng dahil sa sinabi ni kuya. Parang binomba ang tenga ko sa narinig ko at pilit na pinoproseso ang mga salitang sinabi n'ya na hindi ko kailanman naisip na maririnig ko.

"A-ano?" Tanong ko sa gitna ng mga hikbi ko.

"It's dad, he's gone."

H-hindi 'to totoo.

Hindi 'to totoo!

Tumayo ako bago inalog ang ulo ko ng maramdaman ang hilo ng dahil sa pagkasalpok ng ulo kanina at dali-daling nilapitan si kuya. Nanginginig man ang kamay ay dahan-dahan kong tinaggal ang tela at hindi ko napigilan pa ang malakas na hagulgol na gustong kumawa sa'kin.

"No! Dad!" Sigaw ko bago niyakap ang malamig na katawan n'ya. "No! You're not dead, please! Please wake up, dad!" Pag-alog ko pa sa katawan n'ya habang lumuluha pero ako ang hinila papalayo sakan'ya.

"Let me go!" Pagpupumiglas ko pero agad akong iniharap ni kuya sakan'ya kaya tinignan ko s'ya ng masama. "Bitiwan mo ako!" Sigaw ko sakan'ya.

"Let it go, Bella! He's dead--"

Hindi ko na s'ya pinatapos pa at agad na binigyan s'ya ng malutong na sampal. "How dare you say that to my face." Matigas na sabi ko habang dinuduro ang mukha n'ya. "Let go of me."

"He's never coming back even if you cry a river right now! Wake the fuck up!"

"Sino ka para sabihin sa'kin 'yan?" Sigaw ko pabalik sakan'ya bago buong lakas na kinalag ang pagkakahawak n'ya sa braso ko. "Madali lang sa'yong sabihin 'yan kasi hindi ikaw ang nawalan ng ama at ina no'ng bata ka pa! May nag alaga sa'yo!" Duro ko sa mukha n'ya.

Pinakatitigan n'ya lang ako kaya itinuloy ko ang pagsasalita habang lumuluha. "Napakawalang kwenta mong anak! Napakawalang kwenta mong kapatid!" Sigaw ko sakan'ya bago pinakawalan s'ya ng malalakas na damba sa dibdib n'ya pero wala s'yang ginawa kundi ang yakapin lang ako dahilan para lalo akong mapahagulgol sa sakit ng nararamdaman ko. "He's my father! H-hindi pa mahaba ang oras ng pagsasama namin, b-bakit n'yo ginawa 'to?" Sabi ko habang nakasubsob ang mukha sa damit n'ya.

Ang sakit! Napakasakit! "A-ano bang ginawa ko para maging ganito kamalas ang daloy ng buhay ko? G-gano'n ba 'ko kasama noon? Dad..." Sabi ko pa bago tuluyang napakapit kay kuya ng maramdaman ang matulis na bagay tumusok sa braso ko.

Ramdam ko ang pagbigat ng talukap ng mata ko at ang paglambot ng mga buto ko, kasabay ng mga sakit na ngayon ko lang naramdaman sa katawan ko, pero wala ng mas masakit pa sa puro kong parang dinurog ng paulit-ulit.

"Take her home."

Naramdaman ko nalang ang pares ng kamay na bumuhat sa'kin bago ako tuluyang nawalan ng malay.

---

"Dad!"

Napabalikwas ako ng upo ng dahil sa masamang bangungot ko. Patay na daw si dad.

Nakahinga ako ng maluwag at napahimas sa noo ko ng mapagtantong panaginip lang 'yon pero gano'n nalang ang gulat ko ng maramdaman ang mga bendang nakapulupot sa ulo ko at sa iba pang parte ng katawan kaya agad akong nataranta at napalingon sa paligid ko. Kwarto ko?

Tatayo na sana ako ng agad akong napalingon sa pintuan ng agad 'yong bumukas at iniluwa si Joaquin na may dalang libro. Bakas ang gulat sa mukha n'ya ng magkatitigan kami at naibagsak pa n'ya ang librong hawak n'ya ng dali-dali s'yang tumakbo papalapit sa'kin.

"Ano? Ayos ka lang ba? May masakit ba sa'yo? Gusto mo ng tubig? Pagkain--"

"Tubig." Malumanay na sabi ko dahil nanunuyot ang lalamunan ko, halos pawala na ang boses ko kaya ang tanging magagawa ko nalang ay obserbahan s'yang kumilos.

"Anong kulay? E-este, tubig! Oo!" Tarantang sagot n'ya at dali-daling tumakbo papalabas, agad din naman s'yang bumalik at may dala ng isang basong tubig na iniabot sa'kin. "Bakit ka naman umupo, mabibigla ang mga tahi mo sa katawan n'yan eh." Sabi n'ya sa'kin ng maiabot n'ya na ang tubig.

Hindi ko na s'ya pinakinggan pa at deretsong ininom ang tubig na iniabot n'ya.

"Gusto mo ba ng makakain--"

"Nasaan si dad?" Unang tanong ko sakan'ya na nakapagpahinto sakan'ya. Halatang hindi n'ya alam ang isasagot n'ya dahil sa nakaawang pa ang bibig n'ya na animo nag iisip ng isasagot. "Nasaan s'ya?" Pag uulit ko bago hinigpitan ng kapit sa kumot ko.

Panaginip lang 'yon, hindi totoo 'yon!

Hindi pwede!

"W-wala na s'ya, Bella."

Napatungo nalang ako at tahimik na hinahayaang umagos sa mukha ko ang luha kong hindi maubos-ubos. Totoo pala, hindi pala panaginip ang lahat. Tangina.

"Bella--"

"Leave." Sabi ko bago ipatong ng baso sa bedside table. Dahan-dahan akong nahiga at hindi na s'ya inantay pang sumagot, agad akong nag talukbong ng kumot.

Narinig ko nalang s'yang napabuntong-hininga, sumunod ang mga yabag n'ya papalayo at ang pagbukas at sara ng pinto.

Hinayaan kong lumipas ang ilang minutong nakatalukbong ako bago napagdesisyonang dahan-dahan na tumayo, buo na desisyon ko.

An eye for an eye, everything comes for a price and you just took something priceless from me, if it's my time then i'll die, but i'll give them a torture where they'll regret and beg for me to just kill them already. You asked for this.

Kung sino ka man, hahanapin at papatayin kita.

Continue Reading

You'll Also Like

26.6K 502 37
Life would be tragic if it weren't funny -- one of my motto in life, "Are you saying that I'm gay?" naiinis niyang tanong saakin, ngumisi ako at inir...
78.3K 117 1
Take it off! Take it off! Take it off! Sabi ng mga lalaki habang nagsasayaw ako dito sa gitna ng bar!Oo bar! Umiiyak nako sa gitna habang kumikimbot...